Tahimik lamang silang lahat at halos walang gustong magsalita. Si Thalia ay nanatiling nakatungo at nahihiya. She wanted to say sorry sa daddy at mommy nina Earl. Ayaw niyang isipin nila na isa siyang oportunista dahil hindi naman talaga.
Umupo sa sofa ang mommy ni Earl at hinawakan ang kamay ni Thalia. Umangat ang tingin niya dito ngunit hindi naman siya makatingin ng diretso. Ang ginoong Concha naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Parang binabasa at ang kaibuturan ng kanyang isipan.
Si Earl, nanatiling nakatindig at nakakuyom ang kamay. Si Claire naman ay nakatingin lamang sa reaksiyon ng lahat.
"I'm sorry po. Maniwala po kayo, wala po akong alam sa nangyari. Hindi ko rin po alam kung paano nangyari yung kagabi." Hindi na nakatiis si Thalia at siya na ang unang nagsalita. Sa tingin niya kasi ay kailangan niya ding humingi ng pasensiya sa mga ito.
Inuusig siya ng konsensiya dahil hindi niya lubos maisip na mailalagay niya ang mga ito sa gantiong sitwasyon dahil sa kapabayaan niya.
"Hija, we don't really know kung paano na nagkaroon ng nangyari sa inyo." Napapabuntong-hiningang sabi ng ama nina Earl.
"Actually nahihiya kami, dahil we invited you here tapos ganito ang nangyari. Although, wala namang pagsasamantalang nangyari pero bilang isang babae alam ko na dehado ka sa pangyayaring ito." Sunod naman na sabi ni Carmen ang ina nina Earl.
"We feel responsible for what happened, I know kasi na hindi ka naman basta-bastang babae and patunay dun na si Earl ang nakauna sa iyo." Dugtong pa nito. Napatungo si Thalia sa sinabi ng ina nina Earl.
Ang buong akala ni Thalia ay magagalit din sa kanya ang mga magulang nina Claire ngunit kabaligtaran pala. Medyo lumuwag ang kalooban niya knowing na hindi naman nagbago ang pagkakakilala nila sa kanya despite of what happened.
Tama ang mommy nila Earl, sa nangyari si Thalia naman talaga ang dehado. She promised to keep her virginity until she got married pero eto at naibigay niya sa hindi nga niya boyfriend eh.
Somehow Earl felt guilty for Thalia. Paano nga kung sa sobrang kalasingan nito kaya hindi na nito alam ang ginagawa at hindi nakontrol ang sarili. Kagabi naman ay lasing siya ngunit malinaw pa din ang kanyang isip at alam ang ginagawa.
Shit! Earl, bakit ba kasi hindi niya nakontrol ang sarili kagabi, tanging kastigo ni Earl sa sarili. Thalia is beautiful, napansin na niya yun noong una palang nilang pagkikita. Ngunit siyempre dahil may mahal siyang iba kaya hindi niya ito binigyang pansin.
Sa totoo lang marami namang iba pang babae na gusto ng atensiyon niya. May mga iba pa nga na talagang hayagan ang pang-aakit sa kanya. Pero lahat ng yun ay napaglabanan niya. Focus kasi siya kay Caroline.
Isa sa prinsipyong tinuro ng kanyang ama sa kanila ni Carlos ay dapat daw kapag committed ka or may karelasyon ka na, dapat hindi ka magpapadala sa tukso.
Laging sinasabi ni daddy niya na"You love for her will be your strength against anything."
But last night is different. Hindi niya alam kung anong nangyari sa prinsipyo niya.
Hindi niya napigilan ang sarili kagabi pagdating kay Thalia.
"Dad, please let me talk to my fiancée first," maya-maya pa ay nagsalita na si Earl. Nakikusap.
"Yes talk to her. Be responsible anak. Tapusin mo ang tungkol sa inyo nang maayos. " sagot naman ng daddy niya.
"Then you and Thalia should get married soon. Hindi natin alam baka may batang Concha na pala sa sinapupunan niya," sunod pa nitong sabi na halos ikalaglag ni Thalia sa upuan.
Hindi makapaniwala si Thalia sa narinig. Sila ni Earl, magpapakasal?
"No way dad!" sigaw na tanggi ni Earl. May fiancée siya, si Caroline at siya lang ang pakakasalan niya.
"Wag mo akong ma-no way no way Earl!" inis na sagot ni Teddy sa anak. Iniiisip niya lang naman ang kapakanan ng dalawa. What if mabuntis si Thalia, he can't allow to have a bastard grandchild.
Ipinanganak kasi siya at lumaki na walang ama. Nabuntis lamang ang kanyang ina tapos ay iniwanan na. Napakasakit para sa kaniya noon dahil habang lumalaki siya ay sari-saring pambu-bully ang natatanggap niya.
Ngunit ang ina niya ay ibinuhos ang pagmamahal sa kanya. Hindi na ito nag-asawa pang muli. Ito ang naging ina at ama niya. Nagpakahirap itong buhayin siya at mapag-aral. Gayunpaman, kahit na pinupunan ng ina niya ang kawalan niya ng tatay ay nasa kaibuturan pa rin ng puso niya ang sana ay kasama niya ito.
Noong nag-aaral siya ay naiinggit siya sa mga kaklase na nakikita niyang inihahatid ng tatay nila. Parang laging may kulang ang kanyang pakiramdam.
Kaya hindi siya papayag na maramdaman yun ng magiging anak niya or ng apo niya kung sakali.
"Sana inisip mo yan bago mo ginalaw si Thalia!" galit na dugtong pa ng ama nila. "At huwag na huwag mong idadahilan na lasing ka, kasi alam natin yes your tipsy but not that drunk." Halos sumigaw na sabi ng ama.
"Anak, your dad is correct. Ano na lang ang sasabihin ng lolo at lola ni Thalia kapag nalaman ang nangyari?" mahinahong sabi ng ina nila na si Carmen.
"We are all family here and she is our guess but we failed to protect her. And worst is, one of us is the reason why she is in this kind of situation." Kalmadong ngunit may puntong sabi ng ina.
"Mom, I have a fiancée at galit siya sa akin ngayon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya at matuloy ang kasal namin." Pagpapaliwang naman ng binata."And yet here you are asking me to marry someone that I don't even know." Naiinis pa na sabi ni Earl.
"I know son, but things are different now. May nangyari sa inyo and you don't use protection." Naiiling na sabi ng ina sa anak. Medyo nakaramdam ng kaba si Thalia sa sinabi ng ina nina Earl. Paano kung mabuntis nga siya. Shit! Fertile pa naman siya.
"But mom, pwede ko naman sustentuhan ang bata if ever na mabuntis siya." Pangangatwiran pa ni Earl. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Thalia sa narinig. Talagang ayaw na ayaw nito kahit ang bata ay matitiis nito kung sakali.
Napansinghap si Claire sa narinig sa kuya niya. She is about to speak pero hindi na niya naituloy dahil nakita na niya ito napahiga sa sahig. Their father punched him.
"I never raised you to be like that, kung sakali sariling mong anak ipagpapalit mo sa babae!" galit na sabi ng ama.
"Hindi siya basta babae lang dad, she's my fiancée. Di ba gustong-gusto niyo siya na maging asawa ko na.Why the sudden change dad?" Sagot ni Earl habang dahan-dahang tumayo at sinapo ng palad ang mukha na nasuntok ng ama.
"Because you made a mistake. Kaya panindigan mo." Maikling sagot ng ama ngunit ramdam ang awtoridad.
Natahimik si Earl sa narinig na sagot ng ama. Oo may kasalanan naman talaga siya ngunit ayaw niya lang aminin sa sarili niya kaya binubunton niya ang sisi kay Thalia. Napabuntong-hininga na lamang siya at napa-upo sa malapit na upuan sa kanya.
Paano na ang kasintahan niyang si Caroline? Hindi pa nga siya dito nakakahingi ng tawad dahil sa ginawa niya tapos heto at masasaktan na naman ang dalaga. At saka isa pa, ito ang mahal niya at gustong pakasalan.
Si Thalia naman ay nananatiling tahimik. Sa totoo lang hindi niya talaga alam ang gagawin. Maaari naman niyang sabihin na okey lang na huwag siyang panagutan ni Earl, pero bilang isang babae na pinapahalagahan ang dangal niya deep inside gusto niyang panagutan nito ang nangyari sa kanila.
Ngunit batid ni Thalia na hindi naman sila magiging masaya kung sakaling ikasal sila at maging mag-asawa lalo na at may mahal na iba si Earl.
"Tito Teddy, Tita Carmen naiintindihan ko po kung ayaw ni Earl na panagutan ang nangyari. May kasalanan din naman po ako. " panimula niya. "At saka may iba pong siyang mahal ayaw ko po siyang itali sa sitwasyon na hindi naman niya gusto." Dagdag pa ni Thalia. Sa totoo lang ay naiiyak na siya. Gulong-gulo na ang kalooban niya.
Iniisip kasi ni Thalia na parang wala na siyang maipagmamalaki sa magiging asawa niya lalo na kapag nalaman nito kung paanong nawala ang virginity niya. Baka isipin nito na malandi siyang babae.
Ngunit mali din naman na mapasok sila sa kasal ng hindi naman sila nagmamahalan.
"No! anong sinasabi mo Thalia. Isipin mo paano kung mabuntis ka?" biglang sabat ni Claire. Nagulat siya kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon nito. Sabi pa nito ay paano na daw ang pangalan ko, isa pa naman akong guro at baka mahusgahan ako. Baka masabihan daw si Thalia ng "teacher pa naman".
Sa totoo lang ganoon nga ang pwedeng mangyari. Hindi din naman masisisi ang iba. Ang isang guro ang siyang naghuhubog sa mga kabataan kaya inaasahan na mayroon itong magandang morl at mabuting ehemple.
Ngunit tao lang din naman ang mga guro, minsan hindi din naman nila ang hawak ang sitawasyon kaya hindi din naman tama na husgahan agad.
"Your sister is right Earl, we cannot risk Thalia's morale." May pinalidad na sabi ng ama nina Earl.
- MeChA883 –