Elle's POV
Isang buwan na ang nakalipas at ngayon ay ika 65th birthday ni Lola Flora, gaganapin ito sa mansion nina Aiden.
Naghahanda ako ngayon para sa party na gaganapin mamaya dahil inimbitahan din ako ni Lola Flora. Balak din akong ipakilala n ani Aiden sa magulang nya at sa mga kamag-anak nya dahil ang mga dadalo sa birthday party ni Lola Flora ay mga pamilya Austin at Lee. May ilan ding mga business partners na imbitado.
Kinakabahan naman ako dahil si Lola Flora lang ang kilala sa pamilya nya at natatakot ako na baka hindi ako matanggap ng magulang nya at ng mga kamag-anak nya.
Nandito pala ako ngayon sa isang salon kung saan ako dinala ni Aiden para ayusan. Sya ang bumili ng dress na susuotin ko mamaya sa party, isang black and white one-shoulder lace dress. Binilhan din nya ako ng silver accessory set at 3-inch black stiletto heels.
Kung alam ko lang na magkakaroon ng birthday party si Lola Flora ay ako na sana naghanda ng susuotin ko pero hindi ako sinabihan ni Aiden at pagdating ko sa penthouse nya ay nakahanda na ang mga ito. Sa penthouse nya kasi kami naka schedule ng pagtira ngayong lingo at may sarili na rin akong wardrobe sa walk-in dress room nya. Nung pagbalik ko doon a week after last month ay hindi na nya ako pinagdala ng mga gamit ko dahil pinaayos nya ang wardrobe at binilhan ng mga bagong gamit na masusuot ko.
Sesermunan ko sana sya kasi gumastos pa sya pero para hindi masayang ang effort nya ay pinagsalamatan ko na lang sya. Masaya din naman ako kasi ramdam kong mahal nya talaga ko at tinutupad nya ang gagawin nya lahat para sa akin kaya naman mas lalo ko syang minamahal. Pero kahit na araw-araw kaming magkasama ay tago pa rin kami tungkol sa mga sariling problema. Iniisip ko kung kaya ko na bang sabihin ang totoo at ang mga plano ko.
Matapos akong make-upan ay inayos naman ang buhok ko, kinulot lang nito ang dulo ng buhok ko tulad ng sabi ko dito, I want to look simple kaya naman light make up lang din ang ginawa sa akin.
Pagkatapos ayusin ang buhok ko ay pumasok na ako sa dressing room para magpalit ng damit. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin na nandito sa loob ng dressing room.
I really look simple but pretty. I really hope na magustuhan ako ng pamilya nya, sana ay hindi sila magbase sa estado ng buhay lalo na ng past ko. I hope they're all like Lola Flora who accepted me for who I am.
Tinitigan ko naman sa huling pagkakataon ang buong katawan ko at bumuntong hininga bago ako lumabas.
Paglabas ko ay saktong pagdating ni Aiden na nakaayos na, napakagwapo nito sa suot nya. Naka polo ito at may vest at necktie. Naka brush up naman ang buhok na mas lalo nyang ikinagwapo. Napangiti naman ako sa kanya.
Lumapit ito palapit sa akin habang nakatitig sakin.
"You look more beautiful, love" sabi nito sabay ako binigyan ng smack kiss, napalo ko naman sya sa dibdib dahil nakatingin sa amin ang mga staff ng salon kaya napayuko ako pero bigla din nyang hinawakan ang baba ko at iniangat ang ulo ko
"You don't need to be shy, later, I'll announce to the world that you are mine and I'm yours" sabay kindat nya sakin na feeling ko ay mas ikinapula ng pisnge ko at ikinatawa naman nya kaya inirapan ko sya
"C'mon, we'll be late" sabi nya
Kinuha ang kamay ko at ikinapit sa braso nya. Naglakad naman na kami palabas ng salon at sumakay sa kotse nya. May driver sya ngayon kaya sa likod kami sumakay magkatabi. Pagkasakay naming ay nagsimula ng magdrive ang driver nito. Tahimik lang kami buong byahe at ramdam ko ang kaba ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.
Bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig sya sa akin
"Don't be nervous, they will accept you. Even if, I will not let them make us apart" sabi nito at ngitian ako for assurance. Hindi naman ako kumibo at humingang malalim na lang
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa mansion nila, malaki ito pati ang yard nito kaya naman kayang kaya na gawing venue ng party.
Pagpasok namin ay marami nang tao dito at mga nakatingin ito sa amin dahil sa biglang pagdating namin. Or more likely dahil may kasamang babae si Aiden?
May ibang natutuwa, meron namang nagtatakang expression, at iba-iba pa.
Hinawakan naman ni Aiden ang bewang ko kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin sa akin at nginitan ako kaya ginantihan ko ang ngiti nya. Nagpatuloy na kaming maglakad at nang nasa gitna na kami ay bigla namang may sumigaw ng pangalan naming mula sa taas.
May hagdan pa kasi bago makapasok sa loob ng bahay.
"Kris! Elle!" masayang tawag sa amin nito at pagtingin ko ay nasa may hagdan ito pababa na mukhang nagmamadali
Nagbulungan naman ang mga bisita at nakatingin pa rin sa amin, at ramdam kong mas maraming nakatingin sakin
Sinalubong naman naming si Lola Flora at nang makalapit na kami ay niyakap naman nya kami kaya ginantihan naming ang yakap nya
"Happy Birthday Lola Flora" sabi ko dito sabay mano sa kanya at halik sa pisnge
"Thank you, Elle. You look more gorgeous tonight" masayang sabi nito
"Nambola ka pa Lola Flora, ikaw nga po itong mukhang dalaga ngayon haha" pagbibiro ko dito at tumawa rin naman sya
"Isa ka ring mambobola haha. Oh sya maupo na muna kayo, malapit na magsimula ang party" sabi nya at hinatid kami sa lamesa sa unahan kung saan may ttlong taong nakaupo at may tatlong vacant sits.
Pagdating naming doon ay tumayo naman ang tatlo at bigla namang niyakap ni Aiden isa-isa ang mga ito at saka bumalik sa pwesto ko na nakatayo pa rin.
"Love, this is my Mom, Dad, and Grandpa, Grandma's husband" sabi nya at isa isang tinuturo habang binabanggit kung sino sila
"Mom, Dad, Grandpa. This is Elle, my girlfriend" nakangiting pakilala sakin ni Aiden sa magulang nya
"Goodevening, Mr. Lee, Mrs. Lee, and Mr. Austin" nakangiti kong bati sa kanila at nagbow.
"Goodevening din iha, don't be formal, you can call me Grandpa also. You seem like close with my wife, Flora" seryosong sabi ni Mr. Austin
"Ahh, yes. We knew each other for over a year now" nakangiti kong sabi sa kanya at hindi ko hinahayaang ipakitang kinakabahan ako. Hindi ko masyado mabasa ito dahil seryoso ito.
"Goodevening as well to you, young lady, I'm Dennis Lee, but you can call me Tito Dennis, you don't need to be formal with us. You're our son's girlfriend anyway. This is my wife, Kristel Lee, you can call her Tita Kristel" seryosong sabi rin ni Mr. Lee
Bat ba ang seseryoso ng mga tao dito hays. Sabagay mga businessmen ito, sanay naman na ako sa mga ganito dahil halos araw-araw akong may nakakaharap na mga business partners ng Mirabelles.
Ngumiti naman ako sa kanila
"If that will be fine, I should follow your order, Tito Dennis" nakangiti ko pa ring sabi sa Dad ni Aiden
"So, what do you do?" bigla namang sabi ni Mom ni Aiden kaya napatingin kami dito at nakita kong nakataas ang isang kilay na halatang ayaw nito sa akin
"Mom!" mahinang sigaw ni Aiden
"What? I'm just asking her" masungit na sabi nya kay Aiden at tinaasan din ito ng kilay
"It's okay, love." Sabi ko kay Aiden at hinawakan ang kamay nya, tumingin naman ito sa akin kaya nginitian ko sya
"I'm working at Mirabelles Company as CEO's Executive Assistant" nakangiti kong sabi sa ina ni Aiden
"You mean, you are that legendary Ms. Elle from Mirabelles?" bigla namang sabat ni Grandpa, I mean Mr. Austin.
Bigla naman akong nahiya dahil sa ginamit nyang word kaya napakamot ako sa batok ko
"You're too generous for your word Grandpa, I'm not a legendary" nakangiti kong sabi dito at yumuko
"Why not? You're the famous right hand of Ms. Mirabelles that manage the companies under Mirabelles. You always secured the deals with business partners and never failed the company. Ms. Mirabelles is sure lucky to have you in her company." Yung kaninang seryosong mukha nito ay nakangiti na ngayon
"Ahm, thank you for your generous compliment Grandpa. I'm just doing my job" nakangiti kong sabi dito
"Not bad, you can actually help my son in our company if both of you got married" biglang sabi naman ng Dad ni Aiden
Bigla naman akong namula dahil sa biglang pagbabanggit nito about marriage
"No! Kris will not marry that girl! Even if she is that legendary Ms. Elle, Dad's talking about, we don't know her besides Kris already have fiancée!" biglang sabi naman ng Mom ni Aiden
Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito, Aiden has fiancée already?
"Mom! What are you talking about?!" galit na sabi ni Aiden
"Kristel! Keep your mouth shut! Don't ruin your Mom's party! Let's talk about that later" galit na sabi ni Mr. Austin
"Sorry about that Ms. Elle, let's sit now. The party's about to start" sabi naman ni Mr. Lee
"You don't need to be formal to me too, Tito. You can just call me Elle" nakangiti kong sabi nito
"Okay, Elle. Go sit down now" sabi nito at ngumiti.
Nagulat naman ako dahil ngumiti ito, gwapo rin ito kaya hindi mapagkakailang sa kanya nakuha ni Aiden ang itsura nya lalo na kapag ngumingiti
Naupo naman na kami at minsan ay nakikita kong masamang nakatingin sa akin ang Mom ni Aiden pero hindi ko na lang ito pinapansin. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi nito kanina. Sino naman kaya ang fiancée ni Aiden?
Kinukutkot ko naman ang kuko ng hinlalaking daliri ko, mannerism ko kapag hindi ako mapakali. Bigla namang hinawakan ni Aiden ang kamay ko kaya napahinto ako sa pagkutkot dito. Napatingin naman ako sa kanya
"What's the problem?" mahinang tanong nito
Umiling naman ako sa kanya bilang sagot
"Don't worry about what Mom said. I don't know what she's saying, and I will not allow that. You're the only person I will marry in the future, okay?" mahinang sabi pa rin nito sa akin na kahit papaano ay nakagaan ng loob ko kahit kaunti
Tinanguan ko naman sya at nginitian. Tumingin na kami sa unahan kung nasaan si Lola Flora dahil nagsisimula na ang party.
.
.
.
Matapos ang ilang segment ay nagsimula na ang kainan. Habang kumakain kami ay biglang may nagsalita kaya napatingin kami sa unahan at nakita namin ang Mom ni Aiden. Hindi ko napansin ito na tumayo at umalis sa table naming dahil busy kami kumain at mag-usap ni Aiden.
"Goodevening everyone. Sorry to interrupt your dinner but I would like to announce something. But first, thank you for attending my Mom's 65th birthday party. Second, can I call on my only son to go here in front?" sabi nito at tumingin sa table namin
Tumingin naman ako kay Aiden at tumingin din sya sa akin na mukhang nanghihingi ng permiso kaya tinanguan ko ito
"Go ahead, love. I'll be fine here" sabi ko dito at nginitian sya kaya naman tumayo na sya at hinalikan muna ako sa noo bago umalis at nagpunta sa Mom nya
"Can I also call on Ms. Mikka Charles?" nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa kanilang side at bigla itong tumingin sa akin at nginisihan ako
Kinabahan naman ako dahil mukhang alam ko na kung saan pupunta ang scenario na ito. Bigla ko namang narealize kung sino ang tinawag nito
No! Mikka? Why?!
Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit si Mikka pa?!
Mas lalo naamng sumikip ang dibdib ko sa sumunod na liny ani Mrs. Lee
"Tonight, I would also like to announce the engagement of my son and Mikka Charles"
Bigla namang bumagsak ang luha ko, naramdaman ko naman ang tingin sa akin ni Mr. Austin at Mr. Lee. Kahit ang mga bisita ay nakatingin sa akin
No, no, no… tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Anong magagawa ko kung magulang mismo ni Aiden ang may ayaw sa akin, na hindi ako kayang tanggapin sa pamilya nila?
Tumayo na ako at tumakbo palabas. Narinig ko namang tinawag ako ni Aiden at Lola Flora pero mas binilisan ko ang pagtakbo ko kahit na nakaheels ako at hindi ko alam saan ako pupunta
Ganito ba talaga magmahal? Nagmahal lang naman ako bakit kailangan kong masaktan?
Bakit kailangan pang ipamukha sa akin na hindi ako nababagay sa pamilya nila? Na ayaw nila sa akin. Dahil ba isa lang akong assistant at sila ay nasa itaas?
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa sumakit na ang paa ko. Napatingin naman ako sa paligid, puro puno lang ang paligid. May nakita naman akong ilaw sa di kalayuan kaya naglakad ako palapit doon at may nakita akong playground kaya naman pumasok ako dito at naupo muna sa isang swing.
Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak dito pero nanghihina na ako. Feeling ko ay naubusan na ng tubig ang katawan ko dahil sa kakaiyak ko.
O.A man na bigla na lang ako umalis sa party pero hindi nyo ako masisisi sa naging reaksyon ko. Masakit makita na ang taong mahal mo, yung taong handa mong makasama sa pagtanda ay inaannounce ang engagement sa ibang babae. Mas malala pa dahil sa taong kinaiinisan mo pa ito ipapakasal.
Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito kaya naman tumayo na ako pero bigla na lang akong nahilo pagkatayo ko at unti-unting bumabagsak nang bumabagsak ang katawan ko ngunit biglang may sumalo sa akin at tuluyan na akong nilamon ng dilim.