Chereads / Young Billionaire's Possession / Chapter 19 - CHAPTER 19

Chapter 19 - CHAPTER 19

Elle's POV

"Elle, anak. It's time."

"Ma, what do you mean?" nagtataka kong tanong kay Mama and how come na nasa harap ko sila ni Papa?

Am I dreaming?

"We want you to find your real parents, they need you, Elle" sabi ni Papa

"But --"

"No buts, Elle. Matagal na panahon ka na rin naming tinago sa kanila. Ayaw naming maging madamot dahil lang sa nakaraan" sabi ni Mama na ikinataka ko naman

"Anong sinasabi mo, Ma? I can't understand"

"Find the answer on your own, Elle. Go back to our old house, you can find clues there. Just remember, whatever you find, we love you as our daughter. Got it?" kahit hindi naiintindihan ay tumango ako kay Mama

"It's time, Shaine. Always remember what i taught you, Elle. We will always be here watching and guiding you. I love you, anak" sabi ni Papa at niyakap nila ako hanggang sa lamunin ako ng puting ilaw

Nagising naman ako at pagmulat ko ay familiar na paligid ang nakita ko. Naupo naman ako at biglang sumakit ang ulo kaya napahawak ako sa ulo ko sakto namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Aiden

Mukha namang nagulat ito na makitang gising na ako, lumapit naman ito agad ng mapansing hawak ko ang ulo ko

"Does your head still hurt?" nag-aalala nitong tanong at sinandal ang ulo ko sa dibdib nya habang hinihimas ang likod ng ulo ko

"What happened?" mahinang tanong ko

"You passed out, love" sagot nito

Inalala ko naman kung anong nangyari bakit ako nahimatay

Oh, right! Nagpunta kaming birthday party ni Lola Flora and pinakilala nya ako sa pamilya nya, and… and…

"You're engaged" sabi ko at tinulak sya

Para namang magsisimula na namang tumulo ang luha ko nang maalala ang mga nangyari kagabi

Niyakap naman nya ako

"Shhh, don't cry anymore. I will never let them force me to marry someone else, I only want you. Whatever happen, you're the only one I will marry, and they know that" sabi nito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko

"But your mom doesn't like me" mahinang sabi ko, bigla naman nyang iniharap sa kanya ang mukha ko at tinitigan sa mata

"She's not the one you'll marry and live in a house together. She can't control my life anymore and never my marriage life" sabi nito at hinalikan ako sa noo

Napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap sya

"Sorry, if I left you last night" sabi ko at mas siniksik ang ulo ko sa dibdib nya, hinagod naman nya ang buhok ko

"It's okay, I understand love. You were hurt last night. I'm sorry for what my mom did last night. I already talked to them last night together with the guests." Bigla naman akong napaalis sa pagkakayakap sa kanya

"What do you mean?" nakakunot noong tanong ko sa kanya

"hmm, well. I announce to them that you're the one I will marry and not that Mikka" nakangiting sabi nito

Pinalo ko naman sya sa dibdib but deep inside kinikilig ako sa ginawa nya

"What? I love you that's why I want to announce to the world that you're mine and I'm only yours" sabi nito at kinindatan ako

Hindi naman ako nagsalita at niyakap na lang siya ulit para matago ang nagiinit kong pisnge dahil kinikilig ako.

"Let's eat, we didn't have proper meal last night, and you should drink the medicine that the doctor gave" sabi nito kaya naman inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya

"Hmm, maliligo lang ako" sabi ko at napatingin naman ako sa suot ko, nakapang bahay na ako at hindi na yung dress na suot ko kagabi kaya napatingin ako sa kanya

"Sino nagbihis sakin?"

"Sino sa tingin mo?" nakangising sagot nito, namula naman ako dahil alam ko na ang sagot sa tanong ko

Kinuha ko naman ang unan at pinagpapapalo sya

"Aww, love. Sorry na, wala naman ako mauutusan na magpalit sayo eh haha" natatawang sabi nito habang inihaharang ang kamay nya sa unan

"Hinayaan mo na lang sana akong matulog ng nakadress!" sabi ko at hinahampas ko pa rin sya ng unan

Bigla naman nya itong hinawakan at hinila kaya napasama ako dito. Tumama naman ako sa dibdib nya at pinalupot ang braso nya sa bewang ko

"Wala ka naman dapat ikahiya sakin love" sabi nito at hinalikan ako sa noo at sinabing "you're sexy, you have beautiful body" sabay tawa kaya naman hinampas ang dibdib

"Pervert!" sabi ko na mas ikinatawa nya

"Sige na, maligo ka na. Ihahanda ko lang nag pagkain natin" sabi nito habang tumatawa pa rin at hinalikan ako sa labi bago ako bitawan at lumabas ng kwarto

Ako naman ay pumasok na sa banyo dito sa loob ng kwarto nya at naligo. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nakita ko naman ang phone ko sa lamesa. Binuksan ko naman ito dahil naka power off. At pagbukas ko ay lumitaw sa akin ang maraming missed call ni Candice. Napakunot naman ako dahil sa dami nito kaya tinawagan ko sya.

Nakatatlong ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko

'Jusko kang babae ka, bakit ngayon ka lang tumawag? Di mo ba alam na nag-aalala ako sayo huh? Nakailang tawag ako sayo pero nakapatay ang phone mo!' bungad nito sa akin

'makasigaw ka naman, wala man lang good morning dyan? Haha' natatawang sabi ko dito

'wag kang tumawa dyan, may kasalanan ka pa sakin!'

'oh? Ano naman yun? tsaka bat ba ang dami mong missed call?' nagtatakang tanong ko dito

'Hoy ikaw babae ka! Hindi mo man lang sinabi sakin na isang Lee pala ang boyfriend and mismong CEO pa ng Lee Corp. at KAL Corp. na business partner ng Mirabelles ngayon! Hindi mo man sinabi na isang HOT Kris Aiden Lee and boyfriend mo!' inis na sabi na may halong kilig

'Wait, how did you know?' gulat na may halong pagtatakang tanong ko sa kanya

'Hello gurl? You're all over the news! Hindi mo ba alam? Ano ba nangyari sayo?!' sabi nito na mas lalong ikinagulat ko

'What do you mean? I don't know, I passed out last night and I just woke up'

'Myghad! I'll send you the video and watch it, okay? Bye!' sabi nito at binaba na ang tawag, ilang segundo lang ang may sinend itong link kaya naman inopen ko ito at bumungad sa akin ang video kaya naman plinay ko ito

Hawak ni Aiden ang microphone habang seryosong nakaharap sa guests

'To everyone who attended my Grandma' Birthday Party, thank you for your presence but I would also like to announce and all of you are the witness. I will never accept the engagement between me and Ms. Charles. I have a girlfriend, she's the only woman I love and the woman I will marry' sabi ni Kris sa video at nagbow ito bago humarap sa Mom nya

'And whether you like it or not Mom, I will marry Elle. You can't control my life especially may marriage like!' galit na sabi nya dito bago mabilis na umalis

Nangilid naman ang luha ko dahil sa ginawa nya, na-touch ako sa ginawa nya, pinatunayan nyang mahal nya talaga ako pero… nang dahil sa akin nag-away pa sila ng Mom nya. And naguguilty ako dahil doon, what if hindi nila maayos ito, baka habang buhay kong sisihin ang sarili ko

Nakita ko naman na lumapit si Lola Flora sa Mom ni Aiden at napatakip naman ako ng bibig sa gulat ng biglang sampalin ni Lola Flora ito.

Nakita ko naman nangingilid ang luha ni Mrs. Lee dahil sa pagsampal ni Lola Flora

'How dare you ruin my party?! Are you out of your mind?! Why would you announce an arrange marriage without discussing it with your son or even with your husband?!' galit na sigaw ni Lola Flora tsaka ito humarap sa guests

'Sorry everyone for the commotion just happened. My daughter is out of her mind to do nonsense things like arrange marriage. I just want to introduce the woman that my grandson loves. Elle is a simple girl I met more than year ago at my farm in Rizal. Despite of her work here in Makati, she made sure to visit me monthly that's why I became more closer to her and I treat her like as my granddaughter too. In fact, naisip ko rin na ipa-arrange marriage sila but I know that's non-sense but luckily, they met and fell in love. For those wondering what her status is or what she does for a living. She's working as Executive Assistant of the Mirabelles Company's CEO Ms. Mirabelles'

Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Lola Flora sa harap ng mga bisita nya. SObrang overwhelmed ako na sobrang tanggap nya ako hindi lang bilang Elle na lagging bumibisita sa kanya kundi pati bilang kasintahan ng apo nya

'I'm sure most of you knows that person, but did you know that she's a humble person? When we met, she did not boast anything about it, that's why I like her. She's a talented, a genius but a simple and humble girl' sabi ni Lola Flora habang nakangiti ito

I didn't know that I'm really popular in business industry, I just don't care. I'm just doing my responsibilities.

'I don't want someone who's incompetent to be my grandson's wife. Elle is an experienced person in business industry kaya naman nasisigurado kong matutulungan nito ang apo ko, hindi katulad ng iba dito na ginagamit ang kapangyarihan, ang pangalan ng pamilya para makuha ang gusto'

'Mom!' bigla namang sigaw ni Mrs. Lee dahil sa sinabi ni Lola Flora

'Don't shout at me, Kristel! Did I mention someone's name?' nakataas na kilay na sabi ni Lola Flora

Natawa naman ako dahil pinapakita na naman nito ang katarayan nya, at natawa rin ako dahil parang pinatunayan lang ng Mom ni Aiden na si Mikka nga ang tinutukoy ni Lola Flora

'Well, that's all. Kung sino man ang tangkain sirain ang relasyon ng apo ko at ni Elle, make sure you're ready to feel my wrath. Sorry again for the commotion and thank you for attending my birthday party'

Pagkasabi nito ay natapos na ang video, mas lalo namang tumulo ang luha ko dahil ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin maliban sa Mom ni Aiden. Natutuwa ako na pinakita nila na tanggap nila ako kung sino ako, pero sana kapag nalaman nila ang totoo, ganyan pa rin sila, matanggap pa rin sana nila ako bilang totoong ako.

Dahil sa pagda-drama ko ay nakalimutan kong hinihintay nga pala ako ni Aiden sa baba. Pupunasan ko pa lang ang luha ko ay biglang pumasok si Aiden kaya naman nakita nya akong umiiyak na naman. Mabilis naman sya lumapit sa akin at lumuhod para mapantayan ako dahil naka upo ako sa kama

Hinawakan nito ang pisnge ko

"What happened, love? What are you crying again?" nag aalalang tanong nito

Umiling naman ako at nginitian sya. Napansin naman nya ang hawak kong phone at dahil nakabukas pa ito ay nakita nya ang video at kinuha ang phone ko tsaka pinanood ito. Kakasimula pa lang ng video ay pinatay na nya ito at tumingin sakin tsaka ako niyakap.

"Do you want me to remove this video? All articles about you?" nag aalalang tanong nito

Umiling naman ako

"No, it's fine. I don't mind" sabi ko at nginitian sya

"Pero baka…" hinalikan ko naman ito para mapigil ang sasabihin nya, nagulat man sya sa ginawa ko ay tinugon nya ito

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg nya at hinawakan naman nya ang batok ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganun posisyon hanggang sa itigil nya ang halikan naming at pinagdikit ang noo namin

"I love you" sabi nito habang nakatitig sa mata ko

"I love you too and thank you" nakangiti kong sabi dito

"Thank you for what?" nagtatakang tanong nito

"For announcing to the world that you're mine, you know I'm a bit selfish too, so thank you for informing them that no can get you haha" natatawa kong sabi

"But are you really gonna be fine? What if there…" hindi ko sya pinatapos ulit sa sasabihin nya at hinalikan sya pero mabilis lang

"Don't worry, I'll be fine. I can handle them" nakangiti kong sabi dito

"Okay, I trust you. Pero, namimihasa ka ng putulin sinasabi ko sa paghalik sakin huh" natatawang sabi nito

"Well, hahaha" sabi ko habang tinaas pa ang dalawang balikat

"Such a cutie haha" sabi nito at niyakap ako

"I love you so much, I really can't lose you love. I will do everything for you, so tell me if there's something wrong, okay?" mahinang sabi nito habang nakayakap sa akin, ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin

Tumango naman ako bilang sagot sa kanya

"Let's eat, nagugutom na ako love" sabi ko dito kaya naman umalis na sya pagkakayakap sakin at tumayo na sya. Hinawakan naman nya kamay ko tsaka ako tumayo at nagpuntang kusina.