*Still in flashback
Elle's POV
Lumipas ang dalawang linggo na puro bonding ang ginawa naming tatlo nina Mom at Kuya Lay. At sa loob ng dalawang linggo na yun ay sobrang dami ko pang nalaman tungkol sa kanila at mas lumalim na ang closeness namin sa isa't isa. Napaliwanag na rin sa akin ang mga plano at mga dapat kong gawin, ang iba naman ay ako na daw bahala, basta ang main goal lang ay mabawi ang kung anong dapat sa akin at kay Mom.
Nakilala ko na rin ang investigator ni Dad na tauhan din nina Mom at ngayong araw na ang nakatakdang araw para iwan ulit si Mom at kahit ayoko ay kailangan para magawa ko ang plano.
"Mag-iingat ka anak. Kapag may oras ka ay dumalaw ka dito huh? Mamimiss kita. Kung pwede lang akong magpakita na sa lahat at sabihing buhay na buhay ako ay ginawa ko na para makasama ka" umiiyak na sabi ni Mom
"Don't worry Mom, dadalawin kita dito, kayo ni Kuya Lay." Nakangiti kong sabi habang pinupunasan ang luha nya
"You can visit me any time in my office baby girl, you're always welcome in your company" nakangiting sabi Kuya Lay
"Sure Kuya, I will really visit you" nakangiting sabi ko sa kanya, kita ko naman sa mata nya ang saya dahil sa sinabi ko
"It's time young lady" sabi ni Mr. Buenavista, ang investigator, kaya naman tumango ako sa kanya
"I need to go Mom, Kuya. I'll miss you both. I'll be back, and we'll be together soon Mom, I promise. We'll be complete soon" sabi ko at niyakap si Mom at hinalikan sa noo at madali ko lang nagawa yun mas matangkad ako sa kanya
Inalis ko na ang pagkayakap kay Mom at nagpunta kay Kuya Lay para sya naman ang yakapin. Gumanti naman sya ng yakap
"See you soon baby girl, I'll wait for you at my office. Don't make me wait for too long or else I'll be the one to visit you" natatawang sabi ni Kuya
"Sure, why now Kuya, I'll introduce someone to you when you visit me at my office haha"
Kumunot naman ang noo nya
"Curious, eh? Don't worry, you'll meet her soon, and I'm sure you'll like her" sabi ko at kinindatan sya kaya naman napailing na lang sya
"I'll go ahead Mom, see you soon. I love you, Mom" sabi ko at binigyan sya ng halik sa pisnge
"I love you too, my daughter" sabi ni Mom at niyakap ako kaya ginantihan ko sya bago ako tuluyang lumabas ng bahay
Paglabas namin ng bahay ay nakita ko ang kotseng nag-aabang samin kaya sumakay na ako doon. Sinilip ko naman sa bintana si Mom na nasa pinto ng bahay habang umiiyak. Pinapatahan naman sya ni Kuya habang hinahagod ang likod nito. Tumulo naman ang luha ko dahil dito, ang sakit sa puso makitang umiiyak ang ina mo at wala ka magawa.
I promise, Mom, we'll be together soon. I will not make you wait longer; you've already waited for more than two decades. We'll be a happy family soon.
I'm sorry if hindi ko kayo hinanap agad, I'm sorry if nakuntento na ako sa pamilyang meron ako. Iba pa rin pala talaga kapag totoong pamilya mo na ang kasama mo. Pero hinding hindi ko pa rin tatalikuran ang mga taong nagpalaki sa akin, sa nagdala at nagbigay ng kung anong meron ako ngayon at kung nasaan ako ngayon. Hindi ko pababayaan ang paghahanap ng katotohanan.
Ma, Pa. malapit na ako, malapit ko na makuha ang hustisya para sa inyo. Hindi ko kayo iiwanan, mahal na mahal ko kayo. Thank you, Mama, Papa.
Makalipas ang isang oras ay dumating na kami sa isang kilalang hotel ng Charles at dumaan kami sa isang secret passage mula sa parking at sumakay ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay tumambad sakin ang isang malawak na pasilyo kung saan may dalawang pinto lamang.
"This way young lady" sabi ni Mr. Buenavista at binuksan ang pinto na nasa kanan kaya naman pumasok ako dito
Pagpasok ko naman sa loob ay nakita ko ang isang taong nakatalikod sa akin na nakaupo sa sofa at bigla naman itong lumingon sa gawi namin ng marinig nya ang pagsara ng pinto
Nang makita nya ako ay bigla naman syang tumayo at may maluha luhang mata
"Mr. Charles" sabi ni Mr. Buenavista at nagbow sa ama ko
Lumapit naman si Dad sa akin at niyakap ako
"My daughter, I'm sorry. I'm sorry if hindi kita nakilala sa mga panahong madalas tayong nagkikita for business." Sabi nito
"It's fine, Mr. Charles… ahm I mean D-dad" nauutal kong sabi dahil hindi ako sanay na tawagin syang Dad ng harapan
Mukha naman syang natigilan dahil sa pagtawag ko sa kanya ng Dad
"Elle, my daughter. I'm so happy that you accept me as your father. I feel like dying due to happiness. Thank you, anak" sabi ni Dad at inalis ang pagkakayakap sa akin at humarap kay Mr. Buenavista
"Thank you, Mr. Buenavista. You're really the best, despite of a long search, you still manage to find my daughter"
"No problem, Mr. Charles. I'm just doing my job" sabi ni Mr. Buenavista at nagshakehands silang dalawa
"I'll go ahead first, Mr. Charles. If you need something, just call me" sabi ni Mr. Buenavista
"Sure, you can go now. Thank you again" sabi ni Dad at nag bow naman si Mr. Buenavista at patagong tumingin sa akin kaya naman tinanguan ko sya tsaka sya umalis na
"What happened to you, Elle? What the kidnappers did to you? Did you know who's behind that incident? How did you escape?" sunod sunod na tanogn ni Dad na may pag-aalala sa boses nya
"Someone saved me, and we know who's behind my incident. But for now, I don't plan to expose her for now" plain na sabi ko
"Her? Babae? Who is she? Hindi ako papayag na hindi nya pagbayaran ang ginawa nya sayo!" galit na sabi ni Dad
"You'll know it soon, Dad. Let's forget what happened for the mean time. I want to bond with you" nakangiti kong sabi kay Dad
"Ok, if that's what you want. Alam ko namang alam mo ang ginagawa mo" nakangiting sabi ni Dad na para bang sobrang tiwala sya sa mga desisyon ko
"Two weeks from now will be my birthday, I want to introduce you to the world as my heiress, Elle" seryosong sabi ni Dad
Napangiti naman ako ng palihim. As expected, he can't trust Mikka to manage his businesses
"But… How about Mikka? She's your daughter too, Dad" kunwaring pag-aalala ko
"I don't care, Elle. Wala na syang ginawang maganda at nakakatulong sa company, all she did is to spend my money and give me a headache. Walang wala sya sayo anak, I know you can handle our business, and mapapanatag ako na nasa tamang kamay ang businesses na pinagharapan pa ng mga lolo mo. Alam kong mas mapapalago mo pa ang business natin anak. And in the first place, you're the real heiress, no one can replace you anak." Nakangiting sabi ni Dad kaya naman tinago ko ang ngisi ko sa isang ngiti
"B-but what if magalit ang mag-ina mo sa akin, Dad?" pagkukunwaring kinakabahan, gosh Elle, you're such an actress HAHA
"Don't mind them anak, tama na yung ilang taon na pagwawalgas nila sa pera ko at pera ng kumpanya." Inis na sabi ni Dad
Parang gusto ko pasalamatan din ang mag-ina dahil pinadali lang nilang mabawi ko ang kung anong samin haha. Such idiots, especially Anikka. Didn't she think na we can easily retrieve what's truly ours? Oh wait, she didn't, because she's an idiot who believed that we are already dead decades now haha.
"If you say so, Dad. Well, where will I stay? I think you want to surprise everyone that I came back alive after the kidnapping 2 weeks ago and ofcourse 23 years ago haha"
"Oh Elle, you're really a genius" nakangiting sabi ni Dad
"Of course, Dad. Nagmana lang sa inyo ni Mom" nakangiti kong sagot sa kanya at mukhang natigilan naman sya ng banggitin ko si Mom. Nakita ko ang sakit sa mata nya
"I miss your Mom. But I can't do anything, she's already dead" malungkot na sabi ni Dad
Don't worry Dad, you'll meet her soon, and we will be a happy family. I wish Mama and Papa was here so we can be altogether, I will have 2 families.
Nakita naman ni Dad na biglang lumungkot ang expression ko
"What's the matter?" nag-aalalang tanong ni Dad kaya umiling naman ako sa kanya at nginitian sya agad
"Nothing Dad, I just remember my foster parents. I miss them too"
"Sorry that you lost your foster parents Elle. I want really to thank them for taking care of you" malungkot na sabi ni Dad
Nginitian ko naman sya
"It's okay Dad. Tanggap ko ng iniwan na nila ako, and to be honest, they want me to look for my real parents. And to be honest, buong buhay ko hindi ko binalak na hanapin kayo kasi kuntento na ako sa kanila, and I'm sorry Dad if hindi ko hinanap" malungkot na sabi
"I understand Elle, you don't need to be sorry. It's our fault that you were kidnapped back then. I'm sorry for not protected our princess" sabi ni Dad at niyakap ako kaya naman ginantihan ko sya
"By the way, you have your own room here, you will stay there for the mean time. Did you notice that other room in the hallway?" tanong ni Dad kaya naman tumango ako sa kanya
"Nang ipagawa ko itong hotel, pinasadya ko ang dalawang kwarto na ito dahil para sa iyo talaga ang kwarto na iyon, ilang taon ng walang mga gamit doon pero noong sinabi ni Mr. Buenavista na nahanap ka na nya 2 weeks ago, pinalagyan ko na ng gamit iyon at may mga damit ka na rin doon na magagamit" masayang sabi ni Dad kaya naman nginitian ko sya
"Thank you, Dad"
.
.
.
Days passed and today is Dad's birthday. And the shows begin…
*end of flashback
Kris Aiden's POV
It's been a month since Elle came back, I was really happy that she was fine that time and I can't believe she's the long-lost daughter of Mr. Charles
Nandito ako ngayon sa office ko ng biglang may pumasok at pagtingin ko sa pinto ay si Mikka kaya naman napakunot ang noo ko, paano sya nakapasok dito? Nasaan si Spencer at hinayaan nya makapasok sa office ko ang babaeng to
"Why are you here?" walang gana kong tanong sa kanya
"Can't I visit my fiancé?" nakangiti nitong sabi kaya naman inismiran ko sya dahil sa sinabi nya
"Are you crazy? I never accepted you as my fiancé" sabi ko at bumalik na ako sa ginagawa ko dahil sinasayang lang nito ang oras ko. Kailangan kong tapusin na ito dahil pupuntahan ko pa si Elle para isurprise sya dahil monthsary namin ngayon
"Come on Kris, bakit ba hindi mo matanggap na ako ang gusto ng Mom mo para sayo" sabi nito at naramdaman kong papalapit sya sa pwesto ko
"I'm not a kid anymore, I don't need to listen to what my Mom wants tsk. Why do I even explain it to you? Psh" cold kong sabi habang nakatuon pa rin atensyon ko sa mga papers na kailangan kong basahin
"Please be mine Kris, I can give what you want. I know Elle give what you need as a man and I can give you that" sabi nito hahang pinapasada ang kamay nya sa braso ko, hindi ko napansing nakalapit na pala sya dahil sa pagfofocus ko sa mga papers
"Don't come near me anymore and don't touch me Mikka while I'm being patient and respect you as a woman" malamig kong sabi
"Oh com'on Kris, I know you want me" malanding sabi nito at nagulat ako dahil bigla itong umupo sa hita ko kaya masama ko syang tinignan at itutulak ko na sana sya ng may biglang humila sa buhok nya kaya naman mas nagulat ako dahil nakita ko si Elle na sobrang seryoso ng mukha na hindi ko mabasa kung ano ba ang iniisip
Pagkahila nya kay Mikka ay binalibag nya ito sa sahig
"Don't you have a shame Mikka? Lingering to someone's boyfriend?" walang emosyon na sabi ni Elle
"You! Ikaw na naman?! Bakit ba lagi ka na lang epal sa buhay ko?!" galit na sabi ni Mikka kay Elle habang nakatingala dahil nasa sahig pa rin sya
Lumapit naman si Elle kay Mikka at iniangat sa kanya ang mukha nito, nakita ko namang nasasaktan si Mikka dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Elle
"Why? Because you don't deserve to live a good life. I'm taking what's mine and I can't share things that are mine especially my boyfriend" malamig na sabi nito habang nakatitig sa mata ni Mikka
"Huh! Walang sayo Elle dahil sakin lang si Kris, si Dad at ang kumpanya!" sabi ni Mikka na ikinatawa ni Elle
"Dream on Mikka, didn't you hear Dad when he announced that I'm the heiress and not you? HAHAHA" walang emosyong tawa ni Elle
Seeing Elle like this gives me goosebumps, I know Elle can be a serious person when it comes to business, but I never expect her to be like this in such situation, but I feel proud to her that she didn't conclude anything in the situation she saw.
*pak
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang malakas na sampal at nakita kong namumula ang pisnge ni Mikka
"That's for flirting my boyfriend"
*pak
"That's for stealing my father"
*pak
"That's for stealing what's mine and Mom"
*pak
"That's for deceiving my father"
Napakunot noo naman ako sa huling sinabi ni Elle pero hindi ko na muna ito pinansin at lumapit na ako sa kanila. Nakita ko naman pulang pula na ang dalawang pisnge ni Mikka dahil sa malalakas na sampal ni Elle.
Niyakap ko mula sa likod si Elle
"Tama na love, ayoko makita kang nasasaktan. Let me see your hand" sabi ko kinuha ko ang kamay nya, nakita ko naman medyo namumula din ito dahil sa pwersa ng pagsampal nya kay Mikka
"Next time, let me do things for you. See? Your palm is red" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya
"I'm fine, it doesn't hurt" sabi nya at humarap sakin
Nakita ko naman syang nakangiti kaya hinalikan ko ito pero smack lang baka magalit haha
Narinig ko namang bumukas ang pinto at nakita ko si Spencer na nagulat dahil nakita nyang nasa sahig pa rin si Mikka at hawak ang pisnge nyang pulang pula at umiiyak