Elle's POV
Paggising ko ay naglinis na ako ng katawan pero hindi ko binasa ang ulo ko dahil sa sugat nito at nakabenda pa rin
Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako, naabutan ko namang nag aayos ng hapag-kainan si Manang Ester
"Goodmorning Manang" bati ko dito kaya naman tumingin ito sakin at ngumiti
"Goodmorning din Sam. Nga pala, tinawagan ko ang family doctor nyo, pupunta sya mamayang tanghali para matingnan ang lagay mo. Di mo pa sinasabi sakin kung ano ba talaga nangyari sayo, pero kumain na muna kayo bago ka magkwento" biglang pagseseryoso nya
Well, ganyan talaga si Manang, pamilya rin kasi ang turing nya samin kaya kapag may hindi magandang nangyayari ay nagseseryoso ito, and I'm fine with it dahil sya na lang din natira sa pamilya ko, and I'm glad na may nag-aalala pa rin sakin.
Bigla ko naman naalala si Mom at Dad, alam na kaya nila ang nangyari sakin? I guess so.
Nagkibit balikat na lang ako at umupo na
"Si Sammy po manang?"
"I'm here *yawn*"
Napalingon naman ako sa kanya na papasok ng dining area habang nag iinat ng katawan. Napailing na lang ako sa itsura nito
"Di ka man lang nag-abalang mag-ayos bago ka humarap sa pagkain" naiiling kong sabi
"Hmp! Wala naman ako sa ibang bahay no, kayo kayo lang naman makakakita ng itsura ko haha" sabi nito habang umuupo.
"Whatever, you never changed Sammy." Seryosong sabi ko sa kanya at humarap kay manang "Why don't you join us manang?"
"Don't worry about me, kumain na ako. Just enjoy your breakfast. Pupunta lang ako sa garden ng mama mo" nakangiti nitong sabi kaya hindi na ako sumagot at tumango na lang sa kanya
"So anong balak mo na?" tanong ni Sammy habang ngumunguya
"Later, just finish your meal." Sabi ko kaya naman hindi na ito nagtanong pa
Natapos ang pagkain namin ng walang kumikibo
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at dumeretso sa kwarto nina Mama at Papa
I'm sure may nakaligtaan pa akong tingnan dito dahil tinigil ko ang paghahanap ng makita ko ang Photo Album na yun. May mga drawer pa akong hindi nabubuksan.
.
.
.
Nabuksan ko na lahat ng mga drawer, cabinet at kung ano pang nasa loob ng kwarto nila ngunit wala ako nakitang kahit ano pang kahina-hinala
*tok…tok…tok…
"Come in" mahinang sabi ko at nakita ko namang pumasok si manang
"Can we talk Shanelle? May dapat akong sabihin sayo" seryosong sabi ni manang
And I know it is important dahil tinawag nya ako sa first name ko. Ganyan sila kapag seryoso sila o may dapat silang sabihin sakin ay ginagamit nila ang first name ko, kapag normal days ay ang nickname kong Sam
"Let's talk in Papa's office. I have something to ask you too" seryosong sabi ko at lumabas na ng kwarto nina Mama at nagpunta sa office ni Papa.
Pagpasok namin sa office ay naupo ako sa office chair ni Papa at naupo naman si Manang sa upuan na nasa harap ng table
"What is it?" seryosong tanong ko pa rin
"Hindi na kita tatanungin sa kung anong nangyari sayo, I saw it in the news and they're looking for you now, Shanelle. And I know kung anong kailangan mo dito kaya ka bumalik. Wala kang makikita sa kwarto ng magulang mo, but I can tell you everything na sasagot sa mga katanungan mo. Nasabi na rin sakin ni Sammy kung anong sinabi ni Kristel."
"Get to the point manang, what do you know? Anong alam mo sa pagkatao ko?" pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil kailangan ko ng malaman ang totoo
"Matagal na akong maid ng pamilya Hart, nagsimula akong maging katulong sa kanila ng ipanganak ang iyong totoong ina, si Scarlett. Bata pa ako ng magtrabaho sa kanila at maging taga alaga ni Scarlett. After 2 years ay doon dumating ang iyong kinilalang ina na si Shaine. Tatlong taong gulang na ang iyong Mama ng dalhin sya ng kanyang ina sa iyong lolo. Si Shaine ay anak ng iyong lolo sa kanyang dating kasintahan bago pa man sila ikasal sa iyong lola. May malalang sakit ang ina ni Shaine kaya napilitan itong ibigay sa iyong lolo, lumaki si Shaine at Scarlett ng magkasama ngunit makikita ang pagkakaiba ng trato sa kanilang dalawa ng kanilang magulang. Lumaki si Scarlett ng nakukuha ang lahat ng gusto nito at pagmamahal ng magulang samantalang si Shaine ay lumaking hindi naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang dahil laging nasa trabaho ang ama nito at kung nasa mansion ay kay Scarlett lahat ang atensyon nito lalo na ng dumating ang bunsong kapatid nila. Pero sa kabila ng walang pagmamahal ng magulang, pinuno ng pagmamahal ni Scarlett si Shaine, sobrang close nila sa isa't isa, madalas ay tinatanong ni Scarlett si Shaine kung anong gusto nito upang yun ang hihingin nya sa magulang nila. Si Scarlett ang naging kasangga ni Shaine, nakita at naramdaman ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa hanggang sa punto ng buhay nila kung saan tinulungan ni Scarlett si Shaine na tumakas bago pa mangyari ang araw ng engagement party, at sinalo ni Scarlett ang posisyon ni Shaine."
Gusto ko mang magtanong ay hindi ko binuka ang bibig ko at hinayaan syang ipagpatuloy ang pagkwento
"Simula ng araw na yun ay hindi na namin alam kung nasaan sina Shaine at Aki na kahit si Scarlett ay walang nakuhang balita tungkol sa ate nya. Nang mawala ka at mamatay si Scarlett ay doon na ako umalis ng mansion ng pamilya Hart dahil wala na rin namang saysay ang pamamalagi ko doon at wala na ang mga alaga ko, nagtayo ako ng maliit na karenderya ko at after ng ilang taon ay may lumapit sakin at sinabing sumama sa kanila dahil kailangan akong makausap ng boss nila, at dahil ayoko ng gulo kahit na kinakabahan ako at wala akong idea kung sino ang boss nila ay sumama na lang ako at doon ko nakaharap sila Shaine at Aki. Kinausap nila akong magtrabaho sa kanila kaya naman pumayag ako dahil na rin namiss ko ang alaga ko at noong panahon din na iyon ay sinabi nilang nahanap ka na nila, at ilang buwan lang ay doon ka na nga dumating sa mansion na ito. Noong una ay tutol ako sa plano nila pero nang malaman kong kinasal sa iba ang iyong ama at may anak na rin ito, pumayag din ako sa plano nila at tinago ang totoong pagkatao mo. Matagal na panahon ka nilang hinanap, ginawa nila ang lahat para mahanap ang taong nang-kidnap sayo at sa awa ng diyos ay nahanap din nila ito, noong una ay hindi ito umamin at sinabing patay ka na. Pero dahil na sa kunsensya nito at dahil na rin malapit na itong mamatay dahil sa sakit nito ay inamin na rin nya kung saan ka nya dinala at doon ka nga nila nakita sa ampunan na kinalakihan mo. Nang makita ni Aki na may malalapit kang kaibigan ay kinausap nya ang mga kaibigan nyang wala ring mga anak at sinuggest nyang mag ampon sila at iyon na nga ang nangyari, ginawa ng iyong ama iyon upang makasama mo pa rin ang mga kaibigan mong alam nyang nagpapasaya sayo, but believe me na minahal ng mga kaibigan ng iyong ama ang mga kaibigan mo, tinuring din nila silang tunay na anak."
"S-so, una pa lang alam mo na ang lahat, at umpisa pa lang kilala nyo talaga ang tunay na magulang ko. Ti-nake advantage nyo ang pagiging kuntento ko sa mga tumayong magulang ko." Huminto ako sa pagsasalita at huminga ng malalim pinipilit na patatagin ang loob ko at hindi umiyak
"H-hindi naman sa ganun, Sam. Ayaw lang namin na masaktan ka na malamang wala na ang tunay mong ina at may ibang pamil--"
"It's fine, manang. I do understand, you don't need to explain. I don't blame you, Mama and Papa. It was also my decision not to look for them. I love Mama and Papa and knowing that they are really my relatives make me happy. Just like what I promised to them, I will never leave them, and I will keep my name, their name. I will be their only daughter forever."
"How about your father, Sam? Now that you know and met him, hindi naman sa hindi ako masayang hindi mo iiwan ang Mama at Papa mo kahit na wala na sila"
"My decision is final, Manang. Bago ko pa man makilala ang tunay na magulang ko, nakapag desisyon na ako. Sina Mama at Papa ang nagpalaki sakin at nagturo sa kung ano ako ngayon. Yes, nakita ko na ang tunay kong magulang, I acknowledge them, and I love them but that doesn't mean na babaguhin ko na ang pagkatao ko, this is who I am now. They can't change that now, they even don't know that my identity as Elle Santos is a fake and doesn't really exists in this world, so even they change that name with or without my consent, it will be invalid. My only name is Shanelle Akira Hart-Mirabelles." Seryosong sabi ko habang nakatitig sa mata ni manang
Napabuntong hininga naman sya
"Kung yan talaga ang desisyon mo, hindi na kita pipilitin. Sana lang ay maging masaya ka kasama ang tunay mong ama. Ngayong alam mo na ang totoo mong pagkatao, aalis ka na ba? Laman ng mga balita ang pangalan mo tungkol sa nangyari sayo at pagkawala mo mula sa hospital. Panigurado ay nag-aalala na ang ama mo at ang nobyo mo" nag-aalalang tanong nito kaya naman nginitian ko sya at umiling
"We'll stay here for a while. I need a break from everything Manang. Candice can handle my companies naman"
Also, I need to know the truth behind my parents' death…
*tok…tok…tok…
"Come in"
"Nandito na si Dr. Francis" sabi ni Sammy kaya naman tumayo na ako
"Okay, pasabi sumunod na lang sa kwarto ko" tumango naman naman si Sammy at lumabas na ng office
Tumingin naman ako kay Manang
"Thank you for telling me everything, Manang. I'll go first" nakangiti kong sabi sa kanya kaya naman nginitian din nya ako at tumango
Lumabas na ako ng office ni Dad at nagpunta ng kwarto ko
Ilang saglit lang ay dumating na rin si Dr. Francis
"It's good to see you again, Sam. But it's not good to see you in that condition" nakakunot noong sabi nya kaya naman napatawa ako sa kanya
"It's good to see you too, Dr. Francis" nakangiting sabi ko
"Oh com'on Sam, how many times do I need to tell you call me Tito, parang hindi pamilya turing mo sakin" nagtatampong sabi nito kaya naman mas napatawa ako sa kanya at umiling sa ugali nito
"Ok fine, Tito Francis"
"Good, now let me check your injuries" sabi nito at dahan dahan ng tinanggal ang benda ng ulo ko
Dr. Francis Ashford, isang kilalang doctor sa buong mundo dahil sa galing nito sa mundo ng medical. Nakakabatang kapatid ng Ashford Tech CEO na Rank 6 Billionaire. Ang mga Ashford ay kilala sa gilas ng mga ito pagdating sa technologies ngunit si Tito Francis ang nag-iisang Ashford na nagpursue ng Medical course. Ang pamilya Ashford ay matalik na kaibigan ng pamilyang Mirabelles mula pa sa great-great-grandfather ni Papa. Ngayong ako na lang ang nag iisang Mirabelles, sila na lang rin ang natirang pamilya ko at tumutulong sa akin kapag may kailangan ako.
Si Marcus, ang taong binanggit ko habang kausap si Candice. Marcus Ashford, ang heir ng Ashford Tech. Pamangkin ni Tito Francis. Ang taong kasangga ko sa mga kalokohan bata pa man kami, mas matanda lang ito ng dalawang taon sakin pero ayaw nyang tawagin ko syang Kuya dahil nagmumukha daw syang matanda haha.
"Why are you smiling?" biglang tanong ni Tito Francis
Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako ng maalala ko kung gaano naaasar si Marcus kapag tinatawag ko itong Kuya
"Nothing Tito, so how's my wound?"
"It will heal within a month, but you still need to wear cast for a week, to make sure the wound will not open and will not infected."
"Thank you, Tito. Ahm there's something else…" nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi dahil nasisigurado akong magagalit ito
"What is it? I don't see any major wounds"
"What do I need to take for m-miscarriage?" kinakabahang tanong ko
"What do you mean, Sam? You? You had miscarriage?!" gulat na tanong nito
Huminga akong malalim at pilit na pinipigilang tumulo ang luha sa mata ko bago tumango sa kanya
"Sh*t! How many weeks were you pregnant before you had miscarriage?! Why are you careless?! No, no. It's not your fault, it's Kristel Lee's fault! I should tell Kuya about this, we need to do something to make her pay!" galit na sabi nito
"Don't rush Tito, we still need something from her… She knows something about my parents' death" walang emosyong sabi ko at natigilan naman si Tito Francis
"What do you mean?"
"I need your help Tito and Tito Felix. May kutob ako na sina Kristel Lee at Annika Charles ang nasa likod ng pagkamatay nina Mama at Papa. And to tell you, Annika was the one behind my real Mom's death and my first kidnapping case when I'm just a baby. While Mikka Charles was the one behind my second kidnapping case. All of those tragedies, they were the masterminds so no doubt, they can also do that to my parents as they have motives!"
"What motives?" nagtatakang tanong ni Tito Francis
"Their pasts, their feelings. And I'm sure, you knew what happened to their college life right?" tanong ko dito at tumango naman sya
"Don't worry Sam, we'll do everything to know the truth. We'll focus on investigating the two. They need to pay for my bestfriends' death and to our unborn grandchild's death" seryosong sabi nito
"Thank you, Tito. I already owe your family a lot"
"Don't worry about it, Sam. You're a family to us. We'll do everything for our princess" sabi nito at niyakap ako kaya naman ginantihan ko ang yakap nito
I feel safe in his embrace, I feel loved once again by a family.
"You still didn't change a bit, you're still the crybaby princess we knew" sabi nito pagkakalas sa yakap namin at pinunasa ang luhang kanina ko pa pinipigilan
"I'm a grown woman now Tito, and I'm already a queen not a princess, duh hahaha" natatawang ko sabi dito
"Yes, you're right. You're a queen now outside but for us, you're still the little princess we knew" nakangiting sabi nito "We're happy to see you achieve everything you have now. But we want you to be happy princess, don't let the past be the hindrance to your happiness, we're here to help you, you're not alone in this fight, got it? Your prince is suffering now because of you, break the walls in your heart, trust him Sam. Fully trust him and tell him the truth, with that you can be fully happy. We want to see you happy and not suffer because of the past" seryosong sabi nito
Napayuko naman ako at huminga ng malalim
"Thank you, Tito Francis, I… I'll think about it. I need some time for now"
"Good, but don't make it long, both of you will just suffer more" sabi habang pinapat ang ulo ko
"Geez, I'm not a dog, Tito!" sabi ko dito at inalis ang kamay nya sa ulo ko
Natawa naman sya
"I'll go now, just drink these medicines." Nilapag naman nya sa table ko ang mga gamot "Get a plenty rest Sam while you're here. Ako na bahala magsabi kay Kuya ng lagay mo and yung pinapagawa mo, I'll call you kapag nakakuha na kami ng mga evidence"
"Okay, thanks again Tito. Come, I'll see you leave" tatayo na ako ng pigilan nya ako
"No need, just rest, okay?" sabi nito kaya naman tumango na lang ako at humiga. Inayos naman nya ang kumot ko at hinalikan ako sa noo
"I'll leave now, Sam. Take care of yourself" sabi nito at lumabas na ng kwarto ko
Napatitig naman ako sa ceiling ng kwarto ko at bumuntong hininga ng malalim
Kamusta na kaya si Aiden? Hayss
Napahawak naman ako sa tiyan ko
Anak, kasama mo na ba ang Lolo at Lola mo dyan? Bakit hindi ka kumapit? Bakit iniwan mo agad si Mommy? Hindi ko man lang alam na nasa loob na kita. Anak patawarin mo ang Lola Kristel mo kung dahil sa kanya nagkahiwalay tayo huh? Alam ko mabait ang Lola Kristel mo, nadala lang sya ng emosyon nya. Si Mommy at Daddy na ang bahala para makuha ang hustisya sa pagkawala mo huh. Mahal na mahal ka ni Mommy at Daddy.