After 1 month
Kris Aiden's POV
It's been a month since Elle was kidnapped but until now, we can't find her.
I was a messed the whole time, I'm restless that I can't even focus on my work.
Today, we were invited to Mr. Charles birthday. Ayoko sana umattend but my Dad forced me to join them. They said that this event is important to Charles Clan and there's an important announcement that will be held related in business. My Dad assumes that it's about the heir/heiress of their company so no choice but to attend.
.
.
.
Nandito na kami sa venue ng party ni Mr. Charles. Ginanap ito sa isang hotel ng Charles Inc.
Ilang saglit lang ay dumating na lahat ng bisita at nagsimula na rin ang program. Unang part ay ang birthday celebration ni Mr. Charles at tsaka pa lamang ang announcement nito.
Matapos ang mahabang program at kainan ay umakyat si Mr. Charles sa stage.
"Goodevening again to all of you. Thank you for coming to my birthday celebration." Sabi nito at nagpalakpakan naman ang mga bisita kaya pumalakpak na lang din ako
"Tonight, we are not only celebrating my birthday but also, I would like to announce to all of you the heiress of my company."
Pagkasabi nito ni Mr. Charles ay maraming napasingkap, siguro ay ayaw nilang maging tagapagmana ng Charles Inc. ang taong naging dahilan sa problemang kinakaharap ng kumpanya hanggang ngayon
Tinignan ko naman si Mikka sa table nila di kalayuan sa pwesto namin. Nakita ko itong ngiting ngiti na parang ineexpect nito ang sasabihin ng kanya ama.
"For sure, si Mikka ang tagapagmana dahil sya lang naman ang ni Louise. See, son? If you didn't decline your engagement with Mikka, we can merge with the Charles and look at you now, you're a mess because of that woman!" mahinang sigaw sakin ni Mom
"Pwede ba Mom? Kung wala kang magandang sasabihin, please shut up!" sabi ko tingnan sya ng masama
"Watch your attitude! I'm still your mother!" galit na sabi nito
"Both of you shut up! Don't ruin another birthday party, Kristel!" galit na sabi ni Dad
Sinamaan naman sya ng tingin ni Mom at hindi na kumibo.
"I will not make this announcement any longer, meet the heiress of Charles Inc."
Bigla namang nagvibrate ang phone ko at nakita ako ang message ni Spencer
'We found her' ~ Spencer
Napatayo naman ako ng mabasa ko ito at lalabas na sana ako habang tinatawagan si Spencer ng marinig ko ang binanggit na pangalan ni Mr. Charles
"Meet my long-lost daughter, Louvelle Charles also known as Elle Santos!"
Para naman akong napako sa kinatatayuan ko at napatingin sa harapan, nakita ko ang babaeng mahal ko na isang buwan ko nang hinahanap na pababa sa mahabang hagdan ng hotel. Nakasuot ng pulang dress na may mahabang laylayan na nakasadsad sa hagdan.
Para namang nag slow motion ang paligid ko dahil dito, ang unang babaeng minahal ko, and unang babaeng kinabaliwan ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na ito. Buhay at maayos ang kalagayan.
Elle's POV
It's been a month since my kidnapping happened. And it's been a month since malaman ko ang totoo kong pagkatao. Sa loob ng isang buwan, maraming nangyari.
Flashback…
Dalawang araw akong nakakulong sa isang maruming kwarto at kung hindi ako magkakamali ay isa itong abandonadong bahay dahil may mga kagamitan pa rin dito at kama
Sa loob ng dalawang araw na yun ay may nagpapakain sa akin na hindi ko maintindihan. Wala silang ginawa sa akin, hindi nila ako sinaktan hanggang sa marinig ko sa usapan ng dalawang nagbabantay sa akin na inutusan na silang patayin ako.
Pumasok sila sa kwarto ko at lumapit sa akin, atras naman ako ng atras hanggang sa takpan nila ang ilong ko at mawalan ng malay
.
.
.
Nang magising naman ako ay nasa isang hindi familiar na kwarto na ako, kumpara sa unang pinagdalhan sa akin ay malinis at maayos ang kwarto na ito. Bago na rin ang kasuotan ko na halatang mamahalin dahil sa tela nito.
Dalawang tao ang tumulong sa akin para makaligtas sa kamatayan, sila rin ang nagsabi ng tunay kong pagkatao at nagdala kay Dad, si Louise Charles.
End of flashback…
Kaya pala ng makita ang photobook sa lumang bahay namin ay iba ang pakiramdam ko ng makita ko ang babae, dahil sya pala ang tunay kong ina. Noong una, sabi ko sa sarili ko na hindi ko na hahanapin pa ang tunay kong magulang dahil meron na ako nito. Pero iba pa rin pala kapag nakilala mo na sila. I never expected na ako ang nawawalang anak nila, na ako pala ang tinutukoy ni Mr. Diaz sa nakuha nyang impormasyon noon. Na sariling pagkatao ko pala ang pinapahanap ko sa kanya.
Isang linggo na akong nagtatago sa hotel na ito na pagmamay-ari ni Dad, isang linggo naming pinagplanuhan ang mangyayari ngayong gabi.
Umpisa pa lang ito, umpisa pa lang sa pagbawi ng nararapat sa akin. Pagkatapos nito, unti-unti na akong maniningil sa mga dapat singilin. Sa loob ng isang buwan na iyon, marami akong nalaman, lahat ng katanungan at hinala ko noon ay nasagot na.
At ngayon, handa na rin ako. Mas handa na akong ibigay ng buo ang puso ko kay Aiden. Naluha naman ako dahil naalala ko ang itsura at paghihirap ng taong mahal ko sa paghahanap sa akin. Lahat ng kilos nya ay pinapanood ko, at sobrang sakit makitang nagdurusa ang taong mahal ko.
Just wait a little longer love, I will be with you again. Hindi na tayo magkakalayo ulit.
"It's time, Ms. Elle" sabi ng manager ng hotel na ito
Tinanguan ko naman sya at nginitian bago tumayo.
Paglabas namin ng kwartong tinutuluyan ko ay narinig ko si Dad na nagsasalita
"Tonight, we are not only celebrating my birthday but also, I would like to announce to all of you the heiress of my company."
Patuloy naman akong naglalakad sa corridor ng hotel at huminto sa dulo malapit sa hagdan kung saan hindi pa ako makikita ng mga bisita
"I will not make this announcement any longer, meet the heiress of Charles Inc."
And that's my cue to walk towards the stair
"Meet my long-lost daughter, Louvelle Charles also known as Elle Santos!"
Saktong pakilala naman nito sa akin ay nasa tapat na ako ng hagdan, may tumapat namang spotlight sa akin kaya napunta sakin ang atensyon nila
Bumaba na ako dahan dahan sa hagdan, iniingatan na hindi maapakan ang laylayan ng likod ng dress ko at dahil naka heels ako.
Nakangiti naman akong bumababa, nakangiti lang akong nakatingin sa harap kahit hindi ko sila nakikita ng malinaw dahil sa ilaw na nakatapat sa akin
Pagdating ko sa stage ay binati ko si Dad
"happy birthday Dad" nakangiti kong sabi dito at hinalikan sa pisnge
Niyakap naman ako nito
"Sa wakas, makakasama na kita" naluluhang sabi nito
Humarap naman ito sa mga bisita ulit at nagsalita
"It is a miracle that I still found her after 23 years. Most of you know that my daughter was missing when she was a one-year-old baby and I never lose hope that one day I will find her, I'm still happy even it took 23 years to find her. I don't why my daughter is prone to be kidnapped haha" natatawang sabi nito
"As you know, Elle was kidnapped last month and luckily someone helped her and that's when I found her. But did you know that I found her identity the day after her disappearance? I was happy when my private investigator told me that he already found my daughter but then, she was kidnapped again which made me in despair. But I thank God that he let me to be with my daughter." Naluluhang sabi nito
Sobrang tahimik naman ng hall kaya kinuha ko ang microphone kay Dad, dahil masyadong mabigat na ang atmosphere and ayokong maging ganito ang birthday party nya
"Goodevening ladies and gentlemen, first of all, I would like to thank you all for attending my father's birthday celebration." Nagpalakpakan naman sila
"I know most of you already know me, but I would like to introduce myself properly. I'm Louvelle Charles also known as Elle Santos in Business World but you can still call me Elle" sabi ko at nag bow sa kanila, nagpalakpakan naman sila
"I know all of you are thinking if I am the heiress of Charles Inc., will I transfer to the company now and leave Mirabelles Company? Well, I will not leave Mirabelles Company, I will not leave my position there" sabi ko at mukhang hindi nila inaasahan ang sinabi ko lalo si Dad
"Elle" mahinang sabi ni Dad
"Dad, I know you want me to take a position in your company as what we have talked already but I can't leave Mirabelles." Sabi ko sa kanya habang nakaharap sa kanya at hawak pa rin ang microphone
Humarap naman ako sa mga bisita
"Most of you know my story how I got my position in Mirabelles Company, and I can't leave Ms. Mirabelles as I vowed to the late CEO that I will be in Mirabelles to show my gratitude to their family. When I have nothing, they were the one who helped me. But don't worry, as I am trained by Mr. Mirabelles and experienced in business world, I know and all of you knows my capability. When Dad decided to fully retire, I will manage the company. But for now, I will only help him in managing it while I'm also working in Mirabelles" mahabang sabi ko
Nagpalakpalakan naman ang mga bisita lalo ang mga businessman na nandito
Napatingin naman ako sa gitna malapit sa pinto at nakita ko ang lalaking matagal ko nang gustong yakapin
Nagkatitigan kami nito at kitang kita ko ang luhang pumapatak mula sa mata nito, para namang nangingilid na din ang luha ko. Naglakad ito palapit sa akin.
Binigay ko naman ang microphone sa host habang nakatitig pa rin kay Aiden na nasa gitna na ng hall. Ang buong hall naman ay napuno ng katahimikan dahil sa naging reaksyon at tinignan ang tang tinititigan ko
Bumaba ako ng stage at tumakbo sa pwesto ni Aiden, hindi ko alintana ang heels na suot ko pati ang haba ng laylayan ng dress ko.
Pagkalapit ko dito ay niyakap ko ito at ganun din ang ginawa nya. Ilang segundo lang ay inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at tinitigan sya sa mata. Pinunasan ko ang luha nyang halatang kanina pa tumutulo. Nginitian ko sya at hinalikan.
Nagsigawan naman ang mga bisita at nagpalakpakan.
"Kasalan na!" rinig kong sigaw ng isang bisita kaya pinutol ko na ang halik at natawa doon
"I missed you, love" naiiyak kong sabi
"I missed you too, love. You don't know how much I missed you and how I became crazy when you went missing" sabi nito habang nakatitig sa mata ko
"I know, and I'm sorry if didn't let you know that I'm safe. I want to surprise you" nakangiti kong sabi
"It's okay, what's important is you're here already" sabi nito at hinawakan ang pisnge ko, nginitian ko naman sya
"Ehem" biglang rinig namin mula sa speaker kaya naman napatingin kami kay Dad na nakakunot ang noo. Napatawa naman ako dahil dito
Hinawakan ko ang kamay ni Aiden at hinila palapit kay Dad. Nginitian ko si Dad at kinuha nag microphone sa kanya
"Sorry for what you just saw. But I want to formally introduce to all of you especially to you Dad, my boyfriend, Mr. Kris Aiden Lee" sabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat ni Aiden, sya naman ay hinakawan ako sa bewang
Nagpalakpakan naman ang mga tao, napatingin naman ako sa table nina Mikka kanina na ngayon ay wala ng tao. Napa ngisi naman ako sa isip ko dahil dito.
Enjoy your remaining life as a Charles, Mikka. Soon, I will reveal your dark secret. You're lucky, I didn't tell Dad about that. I'm considerate to give you a little more time to enjoy your life. But I'm sure you will not get poor naman even if you're not a Charles anymore. Your mother is a Gallio anyway, but I don't think so they will accept you and your mother if they will find the truth.