Chereads / Young Billionaire's Possession / Chapter 22 - CHAPTER 22

Chapter 22 - CHAPTER 22

Elle's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ni Dad, well bahay ko rin pala. I will stay here for a week. Parang old set up namin ni Aiden, ang kinaibahan lang ay hindi kami magkakasama kapag nandito ako. Thankfully, pumayag naman sya and naiintindihan nya na ngayon ko lang makakasama si Dad.

May kaunting dalang gamit ako na gagamitin ko ng pang ilang araw dahil bukas pa lang ako mamimili ng gamit ko na maiiwan dito sa bahay ni Dad para gamit ko tuwing dito ako mag-stay. Thankful din ako kay Dad kasi naiintindihan nya na hindi ako pwede mag stay talaga dito sa bahay nya dahil may katagalang byahe ito papunta sa Mirabelles Company. And ayoko makasama ng matagal ang mag-ina.

Kasama ko si Dad ngayon dito sa labas habang tinitingnan ko ang kabuuan nito.

"So, this is the house my mom designed for us?" tanong ko kay Dad

"Hmm" sagot nito

"But why did you let your mistress and her daughter to stay here?" mapakla kong tanong

"I'm sorry, Elle kung dito ko rin sila pinatuloy but remember we're family now. They're my second family but always remember that I still love your Mom, no one can replace her in my heart" sabi nito na ikinangiti ko

"If you say so Dad. So, where will I stay?" tanong ko

"Do you want to stay to our old room of your Mom? Since Annika and Mikka came, I left our room vacant and moved to another room"

"That's great, hope you didn't throw things belong to Mom" seryosong sabi ko

"No, all of her things and even pictures are there. You can check them" nakangiting sabi ni Dad

Naglakad naman na kami papasok sa bahay at pagpasok namin dito ay sinalubong kami ng tatlong katulong.

"Welcome home, Young Lady Elle" sabi nila at nagbow

"Thank you. You can just call me Elle, cut that young lady thing" sabi ko at nginitian sila. Mukha naman silang nagulat sa ugali ko at tumingin sila kay Dad

"It's ok, just follow what Elle said. Follow whatever she says" sabi ni Dad

"Sorry about that, they're just shocked because Mikka didn't allow them to call her name only" sabi ni Dad

"Ohhh, a spoiled brat huh?" sabi ko

"You don't have a right to call my daughter a spoiled brat, b*tch" biglang rinig ko naman sa likod naming at nakita ko ang mag-ina

"And you don't have the right to call my daughter a b*tch, Annika! Elle is right, your daughter is a spoiled brat! Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaproblema sa company ko, wala ng naidulot na maganda ang anak mo! Puro pagsasayang lang pera ng kumpanya ko ang kaya nyong gawing mag-ina!" galit na sabi ni Dad

"Our daughter, Louise!" galit na sabi ni Annika

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi nito

Napatingin naman ito sa akin at sinamaan ako ng tingin

"bat ka tumatawa?! May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" umuusok ilong na tanong nito sakin

"Nothing, ppfftt" sabi ko habang pinipigilan tawa ko

"Wala kang galang! Ganyan ka ba pinalaki ng mga umampon sayo? O baka kaya sila nawala kasi ganyan ang ugali mo?" nakangisi nitong sabi sa akin na ikinainit naman ng dugo ko

"Annika!" sigaw ni Dad

Lumapit naman ako kay Anikka ay malakas itong sinampal na halos mapasubsob naman ito

"Mom!" sigaw ni Mikka at inalalayan ang ina nya

Tinignan naman ako ng masama ni Mikka at ng ina nya

"Once na may lumabas pa ulit sa bibig mo na tungkol sa magulang ko na hindi ko nagustuhan, hindi mo alam ang kaya kong gawin" sabi ko dito at lumapit sa tenga nya

"Sulitin nyo na ang mga araw nyo dito sa pamamahay ko" bulong ko dito at tinignan sya sa mata at nginitian ng makahulugan

Tinignan naman nya ako ng matalim

Bumalik naman ako sa pwesto naming ni Dad kanina at nakita ko syang hindi alam ang gagawin dahil kitang kita sa mukha nyang naguguluhan sya sa kung anong dapat nyang gawin.

"Louise! Hindi mo ba nakita ginawa ng anak mo sakin?! Pinagbantaan pa nya kami!" nangingilid luhang sabi ni Annika

"Don't do anything stupid, Annika. Elle will not harm both of you if you will not do something to her" walang emosyong sabi ni Dad at saka tumingin sakin

"Come on, Elle. I'll escort you to your Mom's room" nakangiting sabi nito

Tumango naman ako dito at sumunod sa kanya. Paglagpas namin sa pwesto ng mag ina ay nagbalik tingin ako dito mula sa likod. Nakita ko naman silang masamang nakatingin sa akin.

Pagbibigyan ko muna kayong mag enjoy pa, pero tandaan nyo na malapit ko na bawiin lahat ng akin at ayoko ng may kahati. Masyado nyo nang naenjoy ang kung anong sakin dapat at kay Mom.

Pagdating namin sa tapat ng pinto ng room ni Mom ay iniwan na ako ni Dad dahil kailangan pa daw nyang kausapin ang mag-ina dahil sa ginawa ni Annika

Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto. Pagpasok ko ay nakita kong malinis ang loob at hind inga nagsisinungaling si Dad na wala syang inalis sa mga gamit ni Mom dahil sa mga nakasabit na mga pictures ni Mom at nilang dalawa.

Nilapitan ko naman ang picture ni Mom at hinawakan ito

"Konting tiis na lang Mom, tulad ng pinangako ko sayo, babawiin ko ang anong dapat satin lalo ang bahay na ito. Soon Mom, makakabalik ka na rin dito at makukumpleto na tayo at mamumuhay ng masaya" sabi ko habang nakangiting naka tingin sa picture ni Mom

Yes, Mom is alive. I just found out when I was kidnapped.

Napangiti ako ng maalala ko ang sandaling mga araw na magkasama kami bago ako bumalik dito.

.

.

.

Flashback…

Nang muli akong patulugin ng mga nang kidnapped sa akin ay akala ko papatayin na talaga nila base sa narinig kong pag-uusap nila sa labas ngunit nang magising ako ay nasa isang hindi familiar na kwarto na ako, kumpara sa unang pinagdalhan nila sa akin ay malinis at maayos ang kwarto na ito. Bago na rin ang kasuotan ko na halatang mamahalin dahil sa tela nito.

Maya maya ay may pumasok na dalawang tao, isang may edad na babae at isang halos kaedaran kong lalaki. Nang makita nila akong gising na ay biglang sumilay sa mukha nila ang tuwa.

"You're awake!" masayang sabi ng babae at mabilis na lumapit sakin para yakapin ako at saka hinarap sa kanya

Nang titigan ko naman sya ay pawang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito na hindi ko maintidihan. At ang itsura nito ay familiar, pilit kong inaalala kung saan ko nga ba ito nakita.

"Is anything wrong Elle? Why are you not talking?" kinakabahang tanong nito sakin dahil sa hindi ko pagkibo at pilit inaalala kung saan ko sya nakita

Tumingin naman ito sa kasama nyang lalaki na pumasok ng hindi pa rin ako kumibo at nakatitig lang sa kanya

"Lay, what's happening? Why isn't she talking? Kinakabahan pa ring tanong nito sa lalaki

Tama! Naalala ko na! Sya! Sya yung babaeng kasama nina Mama at Papa sa lumang litratong nakita ko sa lumang bahay namin! Kung tama nga ang hula ko ay sya ang unang asawa ni Mr. Charles! Pero hindi bat sinabi ni Mr. Diaz na patay na ito dalawang dekada na ang nakakaraan? Bakit nasa harap ko sya at maayos na maayos ang kalagayan?

"I don't know Tita, baka natrauma sya sa nangyari. I'll call the doctor" sabi ng lalaki at akmang lalabas na sya ng magsalita

"N-no, I'm fine. I-I just lost in my mind" sabi ko habang pilit pinapakalma ang puso

"Thanks God! You're fine, my child! Sobra akong kinabahan dahil sa nangyari sayo. I-I thought tuluyan ko ng hindi ka makakasama anak" naiiyak na sabi ng babae pero biglang nag sink-in sa utak ko ang sinabi nya

A-anak? A-ako ba ang tinutukoy nya?

"W-what are you talking about?" tanong ko habang pilit na mas pinapakalma ang sarili

"Hindi mo muna dapat inamin Tita. Bagong gising si Elle, sana pinagpahinga mo muna" sabi ni Lay, kung ito nga pangalan nya dahil sa tawag sa kanya ng babae

"Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang excitement ko dahil nandito at katabi ko ang nag-iisang anak ko"

"A-are you really my m-mother?" nangingilid luhang tanong ko at tumango naman ito habang nakangiti at may luhang tumutulo

Niyakap naman ako nito kaya niyakap ko rin sya at tuluyan ng tumulo ang luha ko

"Ako si Scarlett Hart, at itong kasama ko naman ay ang iyong pinsan, si Stephen Lay Hart. Masaya akong nandito ka na anak ko, Louvelle Hart Charles" nakangiting sabi ni Mom at pinupunasan ang luha nya

"Hart? Charles? You mean, kung tama ang tanda ko. Ikaw ang unang asawa ni Mr. Charles, at s-sya ang tunay kong ama?" tanong ko na para akong naging slow dahil sa mga nalalaman ko na kahit nagkaroon na ako ng idea noong makita ko ang litrato ay hindi ako umasa dahil kung tutuusin ay wala talaga akong balak hanapin ang tunay kong magulang kung hindi lang sa bilin nina Mama at Papa nang magpakita sila sa panaginip.

"Tita, pagpahingahin muna natin si Elle. Marami pang oras para sabihin sa kanya ang lahat." Sabi ni Lay at tumingin sya sa akin "Nice to finally meet you, couz. Are you hungry? I'll cook something for you" sabi nito habang nakangiti sa akin

Matangkad ito at maputi. Matangos ang ilong, singkit na mata at mapulang labi. In short, kita rin ang kagwapuhang angkin dagdag pa na halatang alaga ang katawan dahil sa built nito.

"Done checking me out couz?" natatawang sabi nito kaya inirapan ko naman ito

"If hindi nakakahiya, medyo gutom na ako. Ilang oras na ba akong tulog?" sabi ko

"8 hours kang nakatulog and umaga na ngayon" sabi ni Mom

"Napaka tapang siguro ng gamot na nilagay sa panyo para makatulog ako ng matagal" naka busangot kong sabi at bigla namang tumingin si Mom kay Kuya Lay ng masama at tinaas naman nito ang dalawang kamay na parang pinapahiwatig na suko ito.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa inakto nila. Nakita naman iyon ni Kuya Lay. Kuya na lang tawag ko sa kanya kasi mukha din namang mas matanda sya sakin ng ilang taon lang

"I know you're confused. We'll tell you everything later. Maghahanda muna ako ng makakain natin para sa umagahan natin" biglang seryosong sabi nito. Bipolar din ang isang to, kanina laki ng ngiti tapos ngayon biglang seryoso kaya napailing na lang ako sa isip ko

"Gusto mo bang lumabas at mag-ikot sa mansion habang naghahanda ng makakain si Lay?" nakangiting tanong ni Mom kaya tumango ako dito

Inalalayan naman nya ako para makababa sa kama at isinuot ko ang tsinelas na nakahanda para sa akin

Wala naman masakit sa katawan ko dahil hindi naman ako sinaktan ng mga nang-kidnap sa akin, yung ulo ko lang ang masakit epekto ng gamot na pinapaamoy sakin para makatulog ako

Paglabas namin ng kwarto ay tumambad sakin ang malawak na hall. Naglakad kami hanggang sa may lumitaw na mahaba at malawak na hagdan. Pagtingin ko sa paligid ay kita dito ang lawak ng living room dahil bukas ang space dito mula sa second floor na makikita ang bahagi ng living room.

Bumaba naman kami ni Mom habang inaalalayan pa rin nya ako, kahit kaya ko naman maglakad mag-isa ay hindi ito pumayag. Natutuwa ako kasi muli kong naranasan na may isang ina na nag-aalala sa akin. Naalala ko si Mama, kapag may sakit ako ay todo asikaso ito sa akin at kung tratuhin ako ay isang prinsesa.

"Gusto mo bang makita ang garden, anak?" biglang tanong ni Mom pagkababa namin

"Opo… Mom" nakangiti kong sabi at bigla namang natigilan si Mom dahil sa unang pagkakataon ay tinawag ko syang Mom

Tumingin ito sa akin at kita ko ang pangingilid ng luha nya

"Why, Mom?" tanong ko dito

"N-nothing, I'm just happy. Finally, narinig ko rin na tawagin mo akong Mom. You don't know how many years I have waited to hear that. Sobrang saya ko, anak. Thank you for accepting me kahit sobrang dami kong pagkukulang sayo bilang ina mo" naiiyak na sabi nito

"Hindi mo naman po kasalanan na magkawalay tayo, alam ko pong itinakas ako ng nag-aalaga sakin noon di ba? Kung tama ang tanda ko sa sinabi sakin sa nangyari sa anak ni Mr. Charles, I mean ni D-Dad" sabi ko, hindi pa rin ako sanay na tawaging Dad si Mr. Charles. Naalala ko kung anong hirap ang dinanas nito ng dahil sa akin bilang Ms. Elle ng Mirabelles Company.

"Paano mo nalaman ang nangyari?" medyo gulat na tanong nito

"Siguro naman ay alam nyo pong nagtatrabaho ako sa Mirabelles Company at kilala sa mundo ng business?" tanong ko at tumango naman sya

"And I'm sure, you know Annika and Mikka?" bigla namang sumama ang timpla ng mukha nito at kita ko sa mata ni Mom ang galit

"I investigated Mikka and my investigator found not only Mikka's personal life but also the behind story how she became a Charles. Doon ko nalaman ang story ng pagkawala ng anak ni Mr. Charles, which is ako, as you said. And ang pagkamatay ng unang asawa nito which ikaw na nandito sa harap ko, buhay na buhay." Sabi ko at di ko namalayang nakarating na pala kami sa Garden dahil sa pagkekwento ko dito

"masasabi kong inaagaan at tinuruan ka talaga ng mga umampon sayo and I'm thankful kasi kita kong tinuring ka nilang tunay na anak. Sayang lang dahil hidi ko man lang sila nakilala at napasalamatan sa pag ampon sayo" malungkot na sabi ni mom

"kailan nyo pa po ako kilala o nahanap Mom?" nagtatakang tanong ko

'kalahating taon pa lang anak, I don't kung bakit nahirapanako sa paghahanap sayo, we've been looking for you for over 20 years but no traces of you and your foster parents. Saan ba kayo tumira at sino ang mga umampon sayo anak?" tanong nito

"Hindi na iyon mahalaga mom, soon ipapakilala kita sa kanila. Kalimutan na muna natin ang nakaraan, let's enjoy our time. I need to go back, for sure nag-aalala na ang boyfriend ko" nakangiti kong sabi dito

"I'm happy for you na nakita mo na ang lalaking para sayi anak, sana lang ay hindi ka saktan ni Kris" nakangiting sabi ni Mom

"Hmm it looks like you know him Mom. Don't worry I won't let him hurt me, subukan langnya at lintik lang ang walang gati' nakangiti kong sabi kay mom

'That's my girl" sabi nya at hinagot ang likod ng ulo ko "come I'll show you smething" sabi nya at pumunta sa pinaka dulong parte ng garden

Pagdating namin doon ay nakita ko ang mas nagtitingkarang kulay ng mga bulaklak at meron pang roses na kulay rainbow. Namangha aman ako dahil sa ganda ng mga ito

"Yan ang mga faorite flowers ko na mas alagang alaga ko, that's my bestfrend's favorite too" sabi ni Mom na biglang lumungkot ang boses nito

Bestfriend? Is it Mama? Because mama loved flowers and if I remember she has that rainbow rose pendant that she always wears. And I can remember how happy and close they were in the picture I found. But what happened? Bakit never ksilang pinakilala sa akin nina Mama at Papa? Pero kung sa bagay baka akala rin nina Mama at Papa na talagang patay na si Mom at dahil may ibang asawa na si Dad kaya hindi na nila sa akin pinakilala. Baka dahil din doon kaya pilit akong inatago ni Mama at ayawhanapin ang tunay kong magulang dahil umpisa pa lang alam na talaga nila kung sino sila.

"Elle? Anak, are you okay?" nag-aalalang sabi ni Mom habang papalapit sa akin

Nabalik naman ako sa reyalidad dahil doon

"Ahh, yes mom, don't worry. May naalala lang ako" sabi ko at ngumiti sa kanya

"Ok, akala ko may masakit sayo eh, pinag-alala mo ako, kanina pa kita tinatawag" sabi nito

"Sorry Mom" sabi ko dito at niyakap sya

"Come baka tapos na magluto si Lay para makakin ka na, paniguradong mas gutom ka na ngayon" sabi ni Mom at nagpunta na kami sa kusina