Aiden's POV
Kumakain kami nang bigla kong napansin si Mom na tumayo pero hindi ko na lang ito pinansin baka may kukuhanin lang ito.
Pero wala pang isang minuto ay narinig ko itong nagsalita sa unahan at hawak nito ang microphone. Napakunot naman ako ng noo. Anong balak ni Mom?
"Goodevening everyone. Sorry to interrupt your dinner but I would like to announce something. But first, thank you for attending my Mom's 65th birthday party. Second, can I call on my only son to go here in front?" sabi ni Mom at tumingin sa table naming
Tumingin naman ako kay Elle at mukhang nakuha naman nya ang gusto kong ipahiwatig sa tingin ko dahil tumango sya sa akin
"Go ahead, love. I'll be fine here" sabi nito at nginitian ako kaya naman tumayo na ako at hinalikan ko muna sya sa noo bago umalis at nagpunta kay Mom
Pagdating ko sa pwesto nya ay muli syang nagsalita
"Can I also call on Ms. Mikka Charles?" napakunot naman ako ng noo ng biglang tawagin ni Mom si Mikka. Nandito rin pala sila? Kung sa bagay, matagal ng magbusiness partner ang pamilya Charles, Austin at Lee. Panahon pa nina Grandpa ay magkakaibigan na sila kaya ganun din sina Mom at Dad.
Napatingin naman ako sa pwesto ni Elle at nakita kong nakakunot ang noo nito. Kita ko rin sa mata nya ang kaba na nararamdaman nya.
"Tonight, I would also like to announce the engagement of my son and Mikka Charles" biglang pag announce ni Mom na ikinagulat ko
Napatingin naman ako sa paligid at mukhang nagulat din sila kahit sina Grandma, Grandpa at Dad.
Napatingin naman ako kay Elle, nakita ko syang umiiyak at bigla na lang itong tumakbo palabas
"Elle!" tawag dito ngunit hindi ito tumingin sa akin at nagpatuloy lang sa pagtakbo
Tinignan ko naman ng masama si Mom
"Mom! What is this?!" galit na sabi ko sa kanya
"Don't shout at me son! Whether you like it or not, you will marry, Mikka! She's the only woman deserves you!" sabi nito na mas ikinagalit ko
Inagaw ko naman sa kanya ang microphone
"To everyone who attended my Grandma' Birthday Party, thank you for your presence but I would also like to announce and all of you are the witness. I will never accept the engagement between me and Ms. Charles. I have a girlfriend, she's the only woman I love and the woman I will marry" sabi ko at nagbow
Tumingin naman ako kay Mom at halatang galit ito
"And whether you like it or not Mom, I will marry Elle. You can't control my life especially may marriage like!" galit na sabi ko sa kanya at nilapag na ang microphone sa table at tumakbo palabas para hanapin si Elle.
Nakita ko naman ang kotse ko at ang driver ko kaya sumakay na ako dito
"Did you see Elle where direction she went after leaving the gate?" seryosong tanong ko dito
"yes, sir" sabi nito at yumuko
"Go, I'm sure she's not in far location" sabi ko dito at nagsimula na syang magdrive
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ako iiwan ni Elle, I will never make that happen. I can't lose her
.
.
.
Ilang minuto na kaming paikot ikot ay wala kaming nakita kahit anino ni Elle
"Damn it! Search everywhere!" frustrated na utos ko dito
Kaya naman bumalik kami para maghanap ulit ng bigla kaming mapadaan sa playground at may nakita akong anino
"Stop the car!" sigaw ko at hininto naman nito
Lumabas ako ng kotse at pumasok sa playground. Tama nga ang nakita ko, may nakaupo sa swing at kahit nakayuko ito ay sigurado akong si Elle ito dahil sa suot nito
Napansin ko namang hindi n anito suot ang sandals nya at nasa gilid ito ng swing, nakatitig lang ako sa kanya habang palapit, mukhang hindi pa nya ako napapansin. Bigla naman nitong hinawakan ang ulo nya at biglang tumayo.
Tumakbo naman ako ng makita ko itong parang nahihilo at bigla itong unti unti tumutumba. Sakto namang paglapit ko ay nasalo ko ito at nawalan ng malay
"Elle!" tawag ko dito habang tinatapik ang pisnge nya
Para namang sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang luha nito. Namamaga ang mat anito na halatang walang tigil na umiyak ito.
Nagmadali naman akong buhatin ito at dalhin sa kotse
Inihiga ko naman ito sa hita ko pagkasakay naming sa kotse ko
"To my penthouse now!" utos ko sa driver ko at nagsimula naman na itong magdrive
Ilang minuto lang ay nakarating na kami at dali dali ko itong binuhat at pumasok sa elevator. Pagdating namin sa penthouse ko ay dumeretso ako sa kwarto ko at inihiga sya. Tumawag naman ako ng doctor. May sariling clinic ang condominium kaya ilang saglit lang ay dumating din agad ang doctor.
Pagdating nya ay tinginan naman nya si Elle. Nag-aalala naman ako habang nakatitig sa kanya habang chinecheck sya ng doctor.
"What happened to her?" seryosong tanong ko pagkatapos nito tingnan si Elle
"She's just exhausted from crying, Mr. Lee. She needs rest and when she wakes up please give her a meal and make her drink these medicine" sabi nya at binigay ang gamut
"Thank you" sabi ko dito
"You're welcome, Mr. Lee. I'll go ahead now. Just call me if there's a problem" sabi nito at yumuko
Tinanguan ko naman ito at umalis na sya. Naupo naman ako sa tabi ni Elle at tinitigan sya.
"I'm sorry love. I'm sorry if I made you cry and hurt you. I will never leave you because I love you so much. I told you I will do everything for you, we will never be apart. So, don't leave like that. It makes me crazy." Sabi ko kahit alam kong hindi naman nya ako naririnig dahil mahimbing itong natutulog. Hinawi ko naman ang buhok nya bago ako tumayo at kumuha ng pamunas sa banyo at pinunasan sya
Flora Austin's POV (Aiden's Grandma)
Napatayo kami ng biglang iannounce ni Kristel ang engagement between Kris and that Mikka kung sino man sya.
Napatingin naman ako kay Elle dahil sigurado akong nasasaktan ito. Nakita ko namang tumulo ang luha nya habang nakatingin sa pwesto nina Kris, at bigla itong tumayo sa kinauupuan nya at biglang tumakbo palabas
"Elle!" tawag ko dito pero hindi ito lumingon
Nakita ko namang nakatingin din si Rico at Dennis kay Elle.
"Mom! What is this?!" galit na sabi ni Kris
Rinig na rinig ang usapan nila dahil hawak pa rin ni Kristel ang microphone at dahil nagsisigawan sila
"Don't shout at me son! Whether you like it or not, you will marry, Mikka! She's the only woman deserves you!" sabi nito kay Kris na mukhang mas ikinigalit ng apo ko
Alam ko kung gaano kamahal ni Kris si Elle kaya hindi ako magugulat sa pagsigaw nito sa ina nya.
"To everyone who attended my Grandma' Birthday Party, thank you for your presence but I would also like to announce and all of you are the witness. I will never accept the engagement between me and Ms. Charles. I have a girlfriend, she's the only woman I love and the woman I will marry" sabi ni Kris nang agawin nya ang microphone sa ina nya at nagbow ito
"And whether you like it or not Mom, I will marry Elle. You can't control my life especially may marriage like!" galit na sabi nya kay Kristel bago ito tumakbo para habulin panigurado si Elle
Lumapit naman ako sa pwesto ni Kristel na mukhang gulat at galit pa rin sa ginawa ni Kris.
Paglapit ko dito ay sinampal ko ito
*pak
Mukha naman itong nagulat pati ang mga bisita
"M-Mom" naluluhang sabi nito habang nakahawak sa pisnge nyang sinampal ko
"How dare you ruin my party?! Are you out of your mind?! Why would you announce an arrange marriage without discussing it with your son or even with your husband?!" nanggalaiti kong sabi sa kanya
Kinuha ko ang microphone sa table
"Sorry everyone for the commotion just happened. My daughter is out of her mind to do nonsense things like arrange marriage. I just want to introduce the woman that my grandson loves. Elle is a simple girl I met more than year ago at my farm in Rizal. Despite of her work here in Makati, she made sure to visit me monthly that's why I became more closer to her and I treat her like as my granddaughter too. In fact, naisip ko rin na ipa-arrange marriage sila but I know that's non-sense but luckily, they met and fell in love. For those wondering what her status is or what she does for a living. She's working as Executive Assistant of the Mirabelles Company's CEO Ms. Mirabelles" pagkasabi ko nun ay nakarinig ako ng mga singhap at bulungan.
Siguro ay kilala nila ang tinutukoy ko dahil nito ko lang din nalaman na kilala pa si Elle sa business world dahil sa taglay nitong gilas kahit isa lamang itong assistant
"I'm sure most of you knows that person, but did you know that she's a humble person? When we met, she did not boast anything about it, that's why I like her. She's a talented, a genius but a simple and humble girl." Nakangiti kong sabi
Tumingin naman ako sa babaeng katabi ni Kristel at sinamaan sya ng tingin bago ako tumingin sa mga bisita ulit
"I don't want someone who's incompetent to be my grandson's wife. Elle is an experienced person in business industry kaya naman nasisigurado kong matutulungan nito ang apo ko, hindi katulad ng iba dito na ginagamit ang kapangyarihan, ang pangalan ng pamilya para makuha ang gusto" nakita ko namang tumingin sila kay Mikka kaya naman napangisi ako
"Mom!" sigaw ni Kristel kaya tinignan ko ito at nakita kong yakap nito si Mikka
"Don't shout at me, Kristel! Did I mention someone's name?" nakataas na kilay kong sabi sa kanya
"Well, that's all. Kung sino man ang tangkain sirain ang relasyon ng apo ko at ni Elle, make sure you're ready to feel my wrath. Sorry again for the commotion and thank you for attending my birthday party" sabi ko binalik na sa table ang microphone at bumalik sa table naming pero bago umalis ay sinamaan ko ng tingin muna sina Kristel
"Sorry, Ma. For what my wife did" nakayukong sabi ni Dennis pagbalik ko
"It's fine, son. Please talk to Kristel. And make sure na layuan nya ang asawa at anak ni Louise Charles. They are bad influence on my daughter, hindi naman ganyan si Kristel before." Seryosong sabi ko
"Don't worry, Ma. I'll make sure of that. Also, thank you for speaking for my son, I also like Elle for him, I knew what Elle can do, whatever her family background, it doesn't matter to me, atleast she's independent and genius in business, she can help my son to run our companies." Seryosong sabi ni Dennis
"No need to thank me, I just did what's right. I know how much they love each other, and I know Elle, she's different from other girls who pushes their selves in our family."
"But did you notice? She's familiar. She looks like someone we know" biglang sabi ni Rico, asawa ko
"Right, someone appeared in my head when you mentioned that Pa" sabi ni Dennis
"Napansin ko nay un dati pero hindi ko ito pinansin dahil sinabi nyang patay na ang magulang nya" mukha namang nagulat sila
"Nito ko lang nalaman na ampon lang pala sya ng mga yumao nyang magulang, and if she really looks like that someone, hindi kaya?" sabi ko na ikinalaki ng mata namin at napatingin sa kabilang side na table.