Elle's POV
Nagbabasa ako ng reports ng biglang pumasok si Candice dito sa office ko na mukhang nagmamadali
"What's the matter? Mukhang nagmamadali ka" sabi ko habang seryosong nagbabasa pa rin
"T-the b*tch" hinihingal na sabi nya, tinignan ko naman sya
"Who's b*tch?" nakataas isang kilay kong tanong
"T-that M-mikka. Woohh" sabi nya at huminga ng malalim "Nasa HR Department sya ngayon, nag eeskandalo. I guess hindi sya tinanggap ni Mrs. Castro"
Napa ngisi naman ako sa sinabi nya at tumayo
"Let's go" sabi ko at naglakas palabas ng office
"Where?" takang tanong nya
"San pa ba edi sa HR" nakangisi kong sabi
"Ohhh, I smell something good, do I need to bring popcorn?" painosenteng tanong nya
"no need gurl, this will be a commercial for now haha"
"aww, that's too short. I want to watch a movie today" kunwaring dismayadong sabi
"don't worry, I'll give you a series soon" sabi ko at kinindatan sya
"I like that hahaha" excited nyang sabi
"C'mon let's go now before the show ends" sabi ko at nagpunta na kami sa HR
Pagdating naming doon ay nakita naming may mga employees na nakakumpol at pinapanood ang eksena kaya nanood muna kami saglit
"Don't make a scene here, Ms. Charles! Watch your attitude!" galit na sabi ni Mrs. Castro kay Mikka
"It's you who should watch your attitude towards me! I won't let this slide! I will tell my father on how you treat me!" sigaw naman ni Mikka
Tsk what an attitude, hindi man lang marunong rumespeto sa nakakatanda. Ang lakas ng loob na mag eskandalo sa Top 1 company?
"I already warned you, Mikka Charles to watch your words when you're here in our company" sabi ko dito habang naglalakad palapit sa kanila
Napatingin naman sila sa akin pati na rin ang mga empleyadong nanonood, nagulat naman sila at nagbow sila agad sakin
"You!" sigaw sakin ni Mikka at tinuro ako. Tinignan ko naman ang mata nito na nanggagalaiti sa galit
"Mrs. Castro did the right thing. She just followed what Ms. Mirabelles instructed and the fact that your attitude is like that, you're not really fit here. We don't accept a brat like you" seryosong sabi ko sa kanya
"I will surely tell this to Dad! He will not tolerate how you humiliated me! Both of you should be prepared to lose your job!" sigaw nya samin habang dinuduro kaming dalawa ni Mrs. Castro
"Go ahead, Ms. Charles. As if he can do anything" nakangising sabi ko sa kanya
"Of course he can do anything, he's a shareholder here!" confident na sabi nya
"Oh really? Then, maybe you should go now and complain to your father" nakangisi ko pa ring sabi sa kanya
"Huh! Just wait!" sabi nya at umalis na
Tumingin naman ako sa mga employees na nasa likod ko
"You may all go now, the show is over" sabi ko at mukhang natauhan naman sila at nagpaunahang umalis, tinignan ko naman si Candice at tinanguan sya kaya umalis na rin sya
"You too, Mrs. Castro. I'll handle it, don't worry about what Ms. Charles said" sabi ko sa kanya at nginitian sya
"Thank you, Ms. Elle" sabi nya at nagbow
"I told you, you can just call me Elle. Para namang hindi tayo pamilya" nakanguso kong sabi sa kanya na ikinatawa naman nya
"And sinabi ko rin sayo na just call me Tita Lisa" nakangiti nyang sabi
"Ok fine, Tita Lisa" sabi ko at nginitian sya
"So, anong balak mo Elle?"
"Want to personally watch it Tita?" nakangisi kong tanong
"Of course, I would love it" nakangisi ding sabi nya
"Let's go somewhere more private tita" sabi ko at naglakad na kami papunta meeting room
Pagdating naman ay kinuha ko ang phone ko at denial ang secretary ni Mr. Charles
Ilang ring lang ay sinagot naman na nito ang call, bag oako magsalita ay ni-loud speaker ko muna ang phone ko
"Good day, this is Elle Santos from Mirabelles Company. Can I talk to Mr. Charles right now?" tanong ko dito
"Good day too Ms. Elle. Please wait for a minute" sabi nito
Sandali lang ay may nagsalita na sa kabilang linya
"Louise Charles speaking, what can I do for you Ms. Elle? I didn't expect you to look for me. What an honor" masayang sabi ni Mr. Charles
"I will make It short, Mr. Charles. Ms. Mirabelles wants to pull-out all of your shares in Mirabelles Company and will not cooperate with you in any business projects" seryosong sabi ko
Tinignan ko naman si Tita Lisa, mukha namang nagulat sya sa sinabi ko
"What?! Why?!" gulat na sagot ni Mr. Charles
"Your daughter made a scene here inside the company. She's applying for some position here, but you know how strictly our company when it comes to employees' experiences. We don't accept just anyone even if they are from a well-known family. Also, she used your name and threatened our HR Head that she will make sure to lose her job. You know that Ms. Mirabelles hates the most those disrespectful people. Did you taught her to be like that? And to treat the eldest without manners? Mr. Charles, I'm all aware of your good personalities, I didn't expect you to have a daughter like that. Oh, wait. Is she really your daughter? Well, that's all, Mr. Charles, I'll just send someone to your company to process the pull-out of your shares. Have a good day, Mr. Charles" sabi ko at binabaan na sya ng call, without giving him a chance to talk
Pagkababa ko ng phone ko ay tumingin naman ako kay Tita Lisa at nginitian sya
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo Elle?" nag aalalang tanong nya
"Yes, tita. Don't worry, I'm just teaching her a lesson. And Mr. Charles don't have that many shares here by the way, we didn't lose anything"
"How about the board members?"
"Don't worry about them tita, they can't do anything. I'll handle them, ok? Sige na tita, madami pa akong binabasang reports. Thank you for not breaking the rules" sabi ko dito at nginitian sya
Nauna naman na akong lumabas dito
Pagdating ko sa office ay nakita kong nakaupo sa sofa ko si Candice
"So? What punishment did you gave to that b*tch?" bungad na tanong nya sakin
"hmmm, well. I told her father that Ms. Mirabelles will cut their ties? They will no longer have connection with Mirabelles Company, so wala na syang ipagmamalaki na they have shares here"
"talaga bang kailangan idamay ang pamilya nya? Ang company ng Dad nya? What if --" di ko na pinatapos ang sasabihin nya
"Don't worry, I have plans. Sooner and later, they will crazily look for Ms. Mirabelles and ask for forgiveness, if they can find Ms. Mirabelles. She showed her true color and threatened me? Let's unveil more of her true colors" nakangisi kong sabi
"I'll support you on whatever your plan is, but be careful, okay? We don't know what that b*tch can do" nag-aalalang sabi ni Candice
"Don't worry, Candice. You know who I am" seryosong sabi ko dito
"Sigh fine. It's already lunch time, why don't we eat first?" suggest nya
"Ok, let's go" sabi ko at lumabas na kami
.
.
.
.
Nang matapos ang mga gawain ko sa office ay umuwi na ako para makapagpahinga, ilang araw ng walang paramdam sakin si Aiden and I don't feel like contacting him first after what I saw, the other day
*Flashback
Malapit na maglunch and gusto ko sana ayain si Aiden na kumain sa labas kaya naman tinext ko ito
'Are you busy? Can we eat lunch together?' ~ sent to My Love Aiden
Ilang minute lang ay nag vibrate ang phone ko
'Sorry love, I can't. I have lunch meeting. Bawi ako next time'
'It's fine, love. Ayain ko na lang si Candice. I don't feel like eating here kasi. Ingat ka. I love you :*' ~ sent to My Love Aiden
'Sorry again love, ingat din kayo. I love you too'
Hindi ko na sya nireplyan at tinext na lang si Candice
'Let's eat outside. My treat' ~ sent to Beshy
Ilang saglit lang ay bigla naman itong pumasok sa office
"Let's go, nagugutom na ako hahaha" sabi nito
"Basta talaga libre napakabilis haha" natatawa kong sabi
"Ganun talaga, minsan ka lang manlibre kaya no. Napaka kuripot mo kaya. Ano ba meron? Bigla kang nag aaya"
"Di ko lang feel kumain dito. Ayusin ko lang to then tara na"
Pagkatapos kong ayusin mga papers ay lumabas na kami at nagpunta sa Simmons Korean Cuisine na pagmamay-ari ng Simmons Foods, and rank 9 billionaire.
Isa sa sikat na restaurant nila and Simmons Korean Cuisine. Madalas na pinupuntahan ito ng mga businessman para dito ganapin ang meeting dahil na rin sa sarap at fresh ng mga meat and vegetables na inihahanda ng restaurant. Samgyupsal ang pinaka sikat na menu nila dito
Pagdating namin sa restaurant's parking ay bumaba na kami
"Sure ka, Elle? Dito talaga sa Simmons?" tanong ni Candice
"Why not? Minsan lang naman tayo kumain sa ganitong kamahal na restaurant. Sure akong magugustuhan mo pagkain nila" nakangiti kong sabi
"Wahhhh, thank you Elle!" masayang sabi nya
"No problem. Let's go" sabi ko at pumasok na kami
"Good afternoon, Ma'am" sabi ng staff at nagbow
"Good afternoon too" sabi ko
"Do you have reservation, Ma'am?" tanong nya
"Yes, Elle Santos" sabi ko naman dito, mukha namang nagulat ito pero ngumiti sya agad
"This way please" sabi nya at nagsimula ng maglakad at dinala kami sa table naming
Habang naglalakad kami ay may napansin akong isang table na may nakaupong tatlo, isang lalaki at dalawang babae. Hindi ko masyado makita ang mukha nila pero parang familiar yung lalaki at ang katabi nitong babae na nakakapit sa kanya
Hindi ko na ito pinansin at tinuon ang atensyon ko sa dinadaanan namin.
Pagdating naming ay naupo na kami, nagkwentuhan lang kami ni Candice ng kung ano-ano hanggang sa dumating na ang inorder kong pagkain kasabay ng magpareserve ako kanina ng table
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna akong mag CR at nang pabalik na ako sa table namin ay nakita kong nandun pa rin yung taong nakita ko kanina pero dalawa na lang sila
Medyo malapit sa pwesto nila ang comfort room kaya naman nakita ko na ang mukha nila, at nagulat ako ng makitang si Aiden ang lalaki at si Mikka ang babaeng katabi nito na kung makapulupot ng braso ni Aiden ay parang ahas
Nag init naman ang ulo ko dahil ang sabi ni Aiden may lunch meeting sya tapos makikita kong nakikipag landian lang sya
Umalis na ako sa pwesto ko bago ko pa sila masugod
Kunot noo naman akong bumalik sa table namin kaya naman nagtanong si Candice kung anong nangyari pero sinagot ko lang sya ng wala at inayang bumalik na sa company.
Nakasakay na kami ng kotse at ng dumaan kami sa may entrance ng restaurant ay saktong lumabas sina Aiden at Mikka. Nakapalupot pa rin ito sa braso ni Aiden at nakita kong hahalikan ni Mikka si Aiden kaya naman binilisan ko na ang pagdrive dahil ayokong makita. Naiinis ako, gusto ko magalit kay Aiden. How dare him lie to me?!
Tahimik lang kaming nakabalik sa company hanggang sa office, hindi na nagtangkang magtanong si Candice dahil alam nyang wala rin sya makukuhang matinong sagot sakin
Pagpasok ko sa office ay kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Mr. Diaz, isang private investigator
Ilang ring lang ay sinagot n anito ang tawag ko
'Good afternoon, Ms. Elle. What can I do for you?'
'I want information about Mikka Charles'
'Is that all?'
'Yes! Everything about her, as soon as possible! Got it?!'
'Yes, got it'
'Thanks' sabi ko at binabaan na sya
Mikka… Mikka… Mikka…
Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Aiden, hinding hindi ako makakapayag na maagaw mo sya sakin. He's mine, alone.
*end of flashback
Tsk ayoko ng maalala yun, kung ayaw nya magparamdam bahala sya. Busy? Busy his ass, what a liar!
Sa sobrang pag-iisip ko kay Aiden ay hindi ko narinig na may kumakatok pala sa pinto ng office ko. Nabalik lang ako sa wisyo ng may tumawag sakin
"Mom!" sigaw ng isang bata kaya naman napatingin ako dito at nakita ko sa Camille, ang kapatid ni Candice. Tumakbo naman ito sakin at niyakap ako
"Baby girl!" tawag ko dito at niyakap din sya pabalik
"Mom, I missed you. Bakit hindi mo ako binibisita, nagtatampo ako sayo, hmp" sabi nito habang nakanguso
"Hahaha, sorry na baby girl, super busy lang si Mom mag work. Alam mo naman di ba?" sabi ko dito habang hinahawi ang buhok nito
Deretso ng nakakapagsalita si Camille ng tagalog at English. Sobrang talino ng bata kaya naman naiintindihan nya ang mga sitwasyon. Alam din nyang wala na syang magulang, nito lang din sa kanya sinabi ni Candice ang totoo, nalungkot si Camille pero naiintidihan nya ang sitwasyon kaya naman kaming dalawa ni Candice ang tumatayong magulang sa kanya, parehas na Mom ang tawag nya sa amin
Minsan ay sa akin natutulog si Camille kaya naman may sarili syang space sa cabinet ko para sa mga damit nya
"Opo, Mom. I understand po" sabi nitong nakangiti
"You can always visit me here if you miss me, okay? Just tell your Mom Candice or your nanny" sabi ko dito
"Yes po"
"Nasaan pala nanny mo?" tanong ko dito
"Pinag rest day ko muna" bigla namang sagot ni Candice na bagong pasok sa office ko
"Bakit?" tanong ko at ngumiti naman ito
Oppss I know that smile, kaya naman napangiti din ako sa tuwa
"Sayo muna si Camille, she missed your condo. Dating gawi haha" sabi ni Candice
"Did you hear that baby girl? Sakin ka ulit matutulog" sabi dito tsaka sya binuhat at inikot
"Waahhh Mom, put me down. I'm dizzy already~" sabi nito kaya naman binaba ko na ito, muntik pa itong matumba kaya naman inalalayan ko ito at napatawa ng mahina
"Natuwa lang si Mom hihi" sabi ko dito
"pero hanggang Friday lang sya matutulog sakin, sa Saturday iuuwi mo na rin sya" sabi ko kay Candice
"aww pano ba yan baby? May new baby na kasi ang Mom Elle mo, kaya saglit ka na lang pwede makitulog sa bahay nya" nakangising sabi ni Candice
"It is true Mom? Do you not love me anymore? Are you gonna replace me?" malungkot na tanong ni Camille
Tinignan ko naman ng masama si Candice
"No baby girl, it's not true. I don't have new baby. Mom just have a boyfriend now. Do you understand?" pagpapaliwanag ko dito habang nakaluhod upang mapantayan sya at hawak ang magkabilang balikat
"You mean, magkakaroon na ako ng Dad?" natutuwang tanong nito
"No, baby. You can't be your Dad unless we are married, understood? He'll be you Tito for the mean time"
"yey! I have a Tito now! Mom, can I meet him?" excited nyang tanong
"Yes baby, soon you'll meet him. Okay?" nakangiti kong sabi dito
"Yehey!" sabi nito habang pumapalakpak
Nakangiti ko naman syang pinapanood. I'm happy to see her like this. We want to give everything to her. Masakit ang mawalan ng magulang kaya naman we give everything she needs to make her happy.
Napatingin naman ako kay Candice at kita ko sa mata nya na natutuwa rin syang makitang masaya si Camille. Napatingin naman ito sakin kaya tinanguan ko ito
Lumaki kami ni Camille magkasama sa Guardian's Home. Maswerte na lang din kami na magkaibigan ang umampon sa amin. Naunang ampunin si Candice ng pamilya Torres habang ako ay after a month bago maampon nina Mom at Dad. If hindi ako nagkakamali, pamilya Torres ang nagrekomenda kila Mom ng Guardian's Home. Kaya sobrang tuwa naming ni Candice ng magkita kaming muli after a week ng maayos ang papers ko.
Sobrang tibay ng friendship bond naming ni Candice, para na kaming magkapatid. We knew each other's so well, even our deepest secret. Wala kaming tinatago sa isa't isa. We trust each other so much.
Nang mamatay din ang Mama at Papa nya, sa amin sya tumira kasama si Camille dahil tulad nina Mom, wala na rin ibang kamag-anak ang mga ito. Tinuring sya ni Mom at Dad na anak din nila pati si Camille kaya naman sobrang malapit din ang loob sa akin ni Camille dahil sabay naming itong pinalaki, sayang lang at isang taon pa lamang si Camille ng mamamatay si Mom at Dad.