Chereads / Young Billionaire's Possession / Chapter 14 - CHAPTER 14 – Bonding with my Baby Girl

Chapter 14 - CHAPTER 14 – Bonding with my Baby Girl

Elle's POV

Friday na ngayon, at nagleave ako today hanggang bukas para igala si Camille.

"Where do you want to go, baby girl?" tanong ko dito

"Hmmm I want to eat ice cream! And I want to go to park! Hihi" excited na sabi nito

"Sure baby, so are you ready?" tumango tango naman ito habang nakangiti

"First, let's buy some of your things first, okay?"

"okay Mom" nakangiti pa ring sabi nito, napangiti naman ako. Super excited sya kaya naman natutuwa ako. Minsan lang din kasi naming maigala ito dahil sa sobrang busy. Lagi lang itong nasa bahay kasama ang nanny nya

Bumaba na kami ng condo at sumakay sa kotse ko

Nagpunta muna kami sa MOA para doon kumain ng lunch at mamili ng konting damit nya dahil lumiliit na yung ibang damit nya. Ang bilis kasi lumaki ni Camille

Pagdating namin sa MOA ay sa Jollibee kami dumeretso dahil doon daw nya gusto kumain

Pagkatapos naman naming kumain ay nagpunta kami sa department store para mamili ng mga damit nya sa kids section.

"Choose whatever you want baby" sabi ko dito

"Really Mom? Kahit ano at ilan?" kumikislap mata nitong tanong nito sakin

"Yes baby" sabi ko habang nakangiti sa kanya

"Can you buy me toys too Mom?" tanong nito

"Sure baby, anything you want"

"Yehey! You're the best Mom!" sigaw nito at yumakap sakin

Napapatingin naman ang iba sa amin kaya naman nginingitian ko lang sila. Wala naman ako pakialam sa sasabihin nila kung tingin nila ay ang bata kong nag anak. Ang mahalaga ay masaya si Camille

After isang oras ng pamimili nya ng damit at laruan nya ay nagbayad na kami at pumuntang parking na

Kaunti lang ang pinili ni Camille, hindi nman sya yung tipo ng bat ana lahat ng makita ay gusto. Matalino si Camille, alam nya kung ano lang ang kailangan nya.

Pagdating naming sa kotse ko ay nilagay ko na sa likod ng kotse ang mga pinamili naming at sumakay na para pumunta naman sa Luneta Park

Mas magandang marami syang makasalumahang bata para naman matuto itong makipag socialize paglaki.

Pagdating namin sa Luneta Park ay tuwang tuwa naman si Camille dahil sa daming tao at mga bata. Pagdating naman sa kids park ay hinayaan ko na syang maglaro pero nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya habang nakangiti

Kapag kaya nagkaanak ako, ganito rin kaya sya kasaya, katalino at kaganda? Anak na rin talaga ang turing ko kay Camille, noon pa man ay gusto ko na magkaanak pero ayoko rin na mag asawa pa. Kaya binalak ko sana na mag ampon noon pero biglang dumating sa buhay namin si Camille kaya thankful ako na binigay yung hiling ko. Kahit na alam kong kay Candice pa rin sya uuwi, masaya na akong may naaalagaan minsan. Sana lang ay hanggang sa pagtanda nya, ganito pa rin sya kasaya kahit na wala na syang magulang. Sana hindi kami nagkulang ni Candice ng pagmamahal na ibinibigay sa kanya

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 4pm na. Oras na para umalis dahil may pupuntahan pa kami

"Camille, baby girl. Come here" tawag ko sa kanya kaya naman lumapit sya sakin

"It's time to go na, we will go somewhere. Go to your friends and say goodbye na" sabi ko sa kanya kaya naman bumalik sya ulit doon at nagpaalam na

Nakakatuwa dahil hindi sya katulad ng ibang bata na iiyak dahil kailangan na nilang umalis

Pagbalik naman nya sakin ay niyakap ko sya at hinalikan sa pisnge

"Did you enjoy, baby?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang pawis nya

"Yes, Mom! Thank you so much po" sabi nito at hinalikan din ako sa pisnge, nakaupo kasi ako para mapantayan sya

"Good, we will go somewhere peaceful naman. You love flowers, right?" tanong ko

"Yes, Mom! Are we gonna pick flowers?" excited na tanong nito

"Yes, baby. You can sleep while we travel there, ok? I know you're tired playing" tumango naman ito at naglakad na kami pabalik sa kotse

Pagsakay namin ay nahiga naman sya agad sa likod ng kotse

Napangiti naman ako dahil mukhang super nag enjoy talaga ang bata at napagod

Sumakay na ako sa driver's seat at nagdrive papunta Jala-jala, Rizal

.

.

.

After 2 hours

6pm na ng makarating kami at saktong kakalubog lang ng araw

Dumeretso naman kami sa Sunflora Farm para bisitahin si Lola Flora

Pagdating naming doon ay saktong nasa entrance sya at may nakaabang na kotse sa kanya mukhang pauwi na sya

Pagbaba ko sa kotse ay tinawag ko sya

"Lola Flora!" napatingin naman sya sakin, at pagkakita sakin ay napangiti naman sya ng malawak

"Elle!" tawag nito sakin at lumapit din sakin "Mabuti napadalaw ka, namiss kita." Sabi nya sabay yakap sakin

"Mabuti naabutan ka namin Lola Flora" nakangiti kong sabi

"Pauwi pa lang ako dapat buti na lang talaga, and what do you mean 'namin'?" nagtatakang tanong nya

"Ah, may kasama po ako. For sure matutuwa ka po sa kanya hihi" sabi ko

"Really? Nasaan sya?"

"Natutulog pa po sa kotse eh, napagod po" nakatulog kasi ulit Camille bago pa kami makapasok dito sa bayan ng Jala-jala

"Ganun ba? Bat di kayo sumama muna sa bahay ko? Dun na kayo maghapunan"

"naku hindi na po Lola Flora, sa hotel na po kami kakain, dumaan lang po kami nagbabaka sakali, pero kailangan na rin namin umalis, hindi kasi ako nakapagpareserve kaya need ko pa po magpunta doon"

"Bakit hindi na lang kayo sa bahay ko matulog, para naman makapag kwentuhan tayo ng matagal?" pagsusuggest nito

"Naku, nakakahiya naman po Lola Flora" sabi ko napakamot ng batok

"Sus, wag ka na mahiya. Sinabi ko naman sayong para na kitang apo Elle"

"Sige na nga po hehe"

"Oh sya sumunod na lang kayo sa kotse ko huh, Elle"

"Sige po Lola Flora" sabi ko at sumakay na sya sa kotse nya kaya sumakay na rin ako

Nauna naman na itong umalis kaya sumunod ako dito

Ilang minutong byahe lang ay nakarating na kami sa isang mansion na may malaking gate

Pumasok naman kami dito. Paghinto ng kotse ni Lola Flora ay huminto na rin ako. Nakita ko naman syang bumaba at nakita kong sumenyas sya sakin kaya bumaba rin ako

"Nasaan ang kasama mo? Pababain mo na rin, ang driver ko na ang bahala sa kotse mo" sabi nya

"Sige po, gisingin ko lang po" nagpunta naman ako sa likod at binuksan ang pinto

"Baby, gising na. We're here already" sabi ko habang tinatapik ang pisnge nya. Ilang tapik lang ay nagising naman na sya

"Come baby, may ipapakilala ako sayo" tumayo naman na ito at inalalayan ko sa pagbaba ng kotse

Pagbaba nya ay napatingin naman sya kay Lola Flora na nakita kong nakakunot ang noo

"Who is she, Mom?" tanong ni Camille habang kinukusot ang mata

"Mom? May anak ka na Elle?!" gulat na tanong ni Lola Flora

"Baby girl, this is Lola Flora. You can call her, Lola okay?" tumango tango naman si Camille

"Lola Flora, si Camille po, my baby girl" mukha namang hindi makapaniwala si Lola Flora

"h-how? Pano na ang apo ko nyan" natawa naman ako sa reaksyon nya at sa huling binulong nya

"Ahh, hindi ko po sya anak talaga. Kapatid po sya ni Candice nung bestfriend ko, pero kaming dalawa ang tumatayong magulang nya dahil patay na po sila" pagpapaliwanag ko dito

"Akala ko talaga may anak ka na jusko" sabi nito habang nakahawak sa dibdib nya, humarap naman sya kay Camille at umupo para mapantayan ito

"Come to Lola Flora, baby girl" sabi ni Lola Flora kay Camille, tumingin naman ito sakin kaya tinanguan ko sya at nginitian. Lumapit naman sya kay Lola Flora at niyakap ito

"Hello baby girl, call me Lola, ok?" sabi nito habang nakangiti

"Opo, Lola" nakangiting sabi rin ni Camille

Mukha namang tuwang tuwa sila parehas, habang si Lola Flora ay halos mangiyak ngiyak na. Binitawan naman nya si Camille at tumayo na

"Sorry, natuwa lang ako" sabi ni Lola Flora

"Mom, is she my Lola?" natutuwang tanong ni Camille

"Yes baby, she can be your Lola from now on" nakangiti kong sabi

"yehey! I thought Tito lang magkakaroon ako, pati Lola meron na rin ako. Thank you, Mom!" masayang sabi nya at niyakap ako sa hita ko

Naupo naman ako para mapantayan sya at niyakap sya

"You're always welcome, my baby girl. All I want is your happiness. So, we will complete our family, okay? Even we are not your real family, we truly love you, okay?" sabi ko dito habang nangingilid ang luha

"Yes, Mom. And I love you too, Mom. You're the best!" sabi nito at hinalikan ako sa pisnge

Napatingin naman ako kay Lola Flora at nakangiti syang nakatingin sa amin

"I'm sure you'll be a great mom to your child in the future, Elle" nakangiting sabi nito

"Thank you, Lola Flora" nakangiti ko ring sabi dito

"Come, let's go inside. Baka mahamugan na ang bata

Binuhat ko naman na si Camille para mabilis kami makapasok na

Pagpasok naming ay binaba ko na ito. Napatingin naman ako sa loob ng bahay. Napakaganda ng interior nito

"Please, feel at home, Elle. Wag kayo mahihiyang magsabi rin ng kailangan nyo sa maids" sabi ni Lola Flora

"Thank you, Lola Flora" sabi ko

"No problem, iha. May nakahandang guest room na tabi ng kwarto ng apo ko, you can stay there. Magpahinga muna kayo, ipapatawag ko na alng kayo kapag handa na nag hapunan" nakangiting sabi nito

Nagulat naman ako kasi katabi ng kwarto ni Aiden. Hindi pa nga pala alam ni Lola Flora na kami na ni Aiden, at di ko alam if alam na ba ni Lola Flora na alam ko ng si Kris ang apo nya.

Sinamahan naman kami ng isang maid papunta sa guest room at siya na rin nagdala ng gamit naming ni Camille

Pagpasok namin sa guest room ay nahiga muna ako at si Camille naman ay nilalaro yung bagong biling laruan nya

Bigla namang nagvibrate ang phone ko at nakitang tumatawag si Aiden. Sinagot ko naman ito

'Hello' bungad ko

'Where are you?' seryosong tanong nito

'Office, why?' pagsisinungaling ko

'Are you sure?'

'Yes, ano bang problema Aiden? I'm busy right now' inis na sabi ko, ano ba kasi problem anito, after nya akong hindi contact-in ng ilang araw

"Mom, sinong kausap mo? Is that Dad?" agad-agad ko namang inend ang call ng biglang magsalita si Camille. Ilang segundo lang ay nagvibrate ulit ang phone ko

"No, baby. Just go on and play, ok? Lalabas lang si Mom, may kakausapin lang ako, behave ok?" sabi ko dito at lumabas ng kwarto bago sagutin ang tawag ni Aiden

'So it's true' sabi nito

'what are you talking about, Aiden?' tanong ko dito

'tell me, where are you right now, Elle?!'

'What's your problem?! How dare you shout at me?!' galit na tanong ko dito

'Just tell me, where f*cking are you?! Don't you ever lie to me Elle, I know you're not at your office!'

'Why do you care?! You're busy right? Busy at your woman!'

'What?! What are you talking about?! Tell me now Elle, where are you?!'

'Mind your own business, go to your woman!' sabi ko at inend ko na nag call

Pinatay ko rin ang phone ko para hindi nya ako macontact

Bumalik na ako sa room at nakita ko doon si Camille na naglalaro

"Mom, is that Dad? Are you fighting with him?" tanong nito

"Baby, I told you to call him Tito, now Dad ok? He's not your Dad" sabi ko dito

"But, I want to have Dad. Why can't I call him dad?" malungkot na sabi nito

"Baby, soon, ok? Just for now, he's your Tito. Once Mom married your Tito, you can call him Dad. Is that alright?" sabi ko dito habang hinihimas ang pisnge nya

"Okay, Mom" nakangiti nitong sabi

"Good, behave while we're here okay? Tomorrow, we will go to Lola Flora's farm. Maraming bulaklak dun. You can pick flowers as much as you want"

Bigla namang kumislap ang mata nito ng marinig ang flowers. Nahilig din ito sa bulaklak dahil tuwing umaga ay doon sya dinadala ni Mom sa mini garden nya para paarawan sya noong sanggol pa lang sya. I guess, hinahanap din nya yung amoy ng mga ito

Ilang minute lang ay may kumatok sa pinto naming

"Ms. Elle, the dinner is ready. Madam is waiting at dining area" sabi ng isang maid

"Sure, wait a second" sabi ko

"Come, baby. Let's eat with Lola Flora na" sabi ko dito at itinayo sya

Sumunod naman kami sa maid na tumawag sa amin papunta sa dining area. Pagdating naming ay naabutan naming nakaupo na si Lola Flora at nakangiting nakatingin sa amin

"Come here, little girl. Let Lola feed you" sabi ni Lola Flora kay Camille habang tinatap nya ang hita nya

"Kahit ako na Lola Flora, nakakahiya naman po sa iyo. Para makakain ka rin po ng maayos" sabi ko rito

"Don't worry, Elle. I'm fine, namiss ko lang din ang magkaroon ng ganito kaliit na alaga. Ayaw pa kasi ako bigyan ng apo ng nag-iisang apo ko e" sabi nya habang nakangiting nakatingin sakin

Napayuko naman ako

"Sige na, maupo ka na at kumain, Elle" sabi nito kaya naman naupo na ako at lumapit naman sa kanya si Camille at naupo sa kandungan nya

Pinanood ko naman silang dalawa habang kumakain, napangiti ako kasi kita ko sa mata nila na masaya sila. How I wish, nandito pa sina Mom and Dad

Isang oras din kaming nasa dining area dahil matagal bago naubos ni Camille ang pagkain nya at nagkwentuhan pa kami ni Lola Flora

Pagkatapos naming ay pinaakyat na kami ni Lola Flora sa kwarto naming para makapagpahinga daw. 8pm na rin kasi, magpapahinga na rin daw sya. Pero iba ang ngiting nakikita ko kay Lola Flora, pero di ko na alng ito pinansin baka masaya lang talaga sya

Naglalaro kami ni Camille ng biglang may kumatok

"Baby, lalabas lang si Mom, huh? Just play here alone, wag kang lalabas, baka mawala ka, okay?" sabi ko dito

"Okay, Mom" sabi nito habang naglalaro pa rin

Nakatingin ako kay Camille ng buksan ko ang pinto hanggang sa isarado ko ito.

Pagharap ko naman sa taong kumatok sa pinto ay nagulat ako dahil nakita ko si Aiden. Bigla naman nya akong hinila papunta sa kwarto nya na katabi lang ng kwartong tinutuluyan namin ni Camille

Pagpasok namin ay sinarado nya ang pinto at mahinang tinulak ako sa kama nya, napaupo naman ako ito at tinignan sya ng masama

"Ano bang problema mo?!" galit na sigaw ko dito

Bigla naman nyang binato sa sahig ang hawak nya, at pagtingin ko ay mga pictures namin ni Camille kanina sa MOA habang kumakain at namimili ng gamit nito. Meron din kaming kuha nung nasa Luneta Park kami

"Ano to, Aiden?! Bakit may pictures kami ni Camille?!" tanong ko at sinamaan sya ng tingin

"Wag ako ang tanungin mo, Elle! Sino ang batang yan?! At bakit Mom and tawag nya sayo?! Bakit hindi mo sinabing may anak ka na?! Wala ka bang tiwala sa akin?! Akala mo ba hindi kita matatanggap kahit may anak ka na?! Kaya ba ayaw mong may mangyari sa atin kasi mahal mo pa rin ang ama nya?! Pinaglalaruan mo lang ba ako huh, Elle?!" galit nyang tanong sa akin

Tumayo naman ako at sinampal ito

"Yun ba tingin mo huh, Aiden? Bakit Aiden? Sa tingin mo ba pinaglalaruan kita? Hindi bat ako ang pinaglalaruan mo? Pagkatapos mong hindi magparamdam at magsinungaling, ako ang aakusahan mo ng gawain mo?!" galit na sabi ko sa kanya

"What are you talking about, Elle? Wala akong alam sa sinasabi mo, sinabi ko naman sayong busy ako sa company at sa mga meetings" naguguluhang sabi nya

"Busy sa company? Sa meetings? Meeting kanino? Sa babae mo? Aiden, umamin ka na kasi kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano ka makipaglandian! Kung gaano pumulupot at halikan ka ng babae mo!" sigaw ko dito

"Love, wala nga akong babae, nasa meetings ako all the time!" frustrated na sabi nito

"Really? Then how about Mikka?! That day when I asked you to eat with me, I saw you with her at Simmons Korean Cuisine!"

"What? I'm really there for a lunch meeting with my mom, but I didn't expect her to be there too, I swear love, I don't have any other woman" pagpapaliwanag nya habang nakahawak sa pisnge ko

"Are you sure?" tanong ko dito habang masama pa ring nakatingin sa kanya

"yes, love. I promised, I didn't cheat or anything on you. Now, answer me. Who's that child in the picture" seryosong tanong nya habang nakatitig sa mata ko

"She's not mine, she is Candice's sister. Their mother died when she gave birth to Camille and their dad died due to depression. Then, Candice and I acted like her parent, that's why she calls me Mom." Kalmado kong pagpapaliwanag

Bigla naman nya akong niyakap

"Sorry, sorry if napagsalitaan kita ng kung ano-ano. Sorry kung nasigawan kita, Sorry kung nasaktan kita love. Sorry kung hindi ko muna inalam lahat bago ako magalit. Nadala lang ako ng emosyon ko, sorry love" sabi nito habang nakayakap ng mahigpit sakin

"It's fine love, I understand. But where did you get those pictures? I didn't know someone was following us." Tanong ko

"Mikka gave that to me" naitulak ko naman sya

"That b*tch" sabi ko habang may namumuong galit sa mata ko

"Why, love? Pano mo nakilala si Mikka? Did happen between the two of you?" tanong ni Aiden

"So, that's the reason why she approached me that day? And why she wants to work in our company? Now that didn't get what she wants, she wants to end our relationship now, she even used my precious baby girl to get us apart" nanggigil kong sabi

"What? What did she do? Did she hurt you, love?" nag-aalalang tanong ni Aiden

"No, the day before my birthday, I met her at mall, and I know she purposely bumped into me and spilling her juice in my blouse. She even asked me to be her friend and we ate at the House of Desserts. Then the other day, she asked for help to enter our company but of course I told her to submit her resume and she did, but she didn't get a chance because she doesn't have experience. She even threatened me and Mrs. Castro, the HR Head, that she will make us lose our job. But she cannot do that, so I guess she changed her plan, and she wants us to be apart now" inis kong pagpapaliwanag, naiisip ko pa alng sya ay di ko na mapigilan magalit

"That sl*t, I knew she's planning something. Don't worry love, I'll teach her a lesson"

"No need love, I'll handle it. Just make sure na hindi sya makakalapit sayo, naiisip ko pa lang kung gaano sya pumulupot sayo at halikan ka kahit sa pisnge lang, nanggagalaiti na ako" sabi ko sa kanya

"If that's what you love. I'll follow you, you're the boss haha"

"Ewan ko sayo" sabi ko dito at inirapan sya

Hinawakan naman nya ang pisnge ko

"I missed you, love" sabi nito habang nakatitig sa mata ko

"I missed you too" nakangiti kong sabi dito habang nakatitig din sa kanya

Unti unti naman nyang nilalapit ang mukha nya sa akin, at ilang centimeter na lang maglalapat na ang labi namin ng bigla kong narinig ang iyak ni Camille

"Uwahhhhh, Mommyyyyy. Huhuhuhu" rinig na rinig naming ito dahil nasa kabilang kwarto lang ito.

Nawala sa isip ko na ang tagal ko na palang nawawala sa tabi ni Camille, panigurado ay natatakot na ito dahil hindi rin sya familiar sa kwarto na iyon

Naitulak ko naman si Aiden, at dali-daling lumabas ng kwarto nya at pumasok ng kwarto namin

Pagpasok ko ay dumeretso ako kay Camille at binuhat ito

"Shhh, Mom's here already, baby" sabi ko dito habang hinahagot ang likod nito

"Huhuhu, I thought you left me already Mom" sabi nito habang umiiyak pa rin

"Shhh, don't cry baby girl, Mom will never leave you, okay? Mom loves you so much" sabi ko dito

Napatingin naman ako sa pinto at nakita kong nakasandal doon si Aiden at nakangiting nakatingin sa amin

"Baby, Mom will introduce someone to you, is that okay?" tanong ko dito at tumango naman sya, kaya ibinaba ko na ito

Lumapit naman ako kay Aiden at hinila ito palapit kay Camille

"Love, this is Camille, my baby girl." Pagpapakilala ko kay Camille

"Baby, this is your Tito Kris. Mom's boyfriend" nakangiti kong sabi kay Camille

"Kayong dalawa na?!" nagulat naman kami ng biglang may sumigaw sa likod namin, at nang tingnan namin ito ay si Lola Flora na mukhang nagulat sa narinig na pagpapakilala ko kay Aiden

Lumapit naman ito sa amin, at hinampas si Aiden

"Di mo man lang sinabi sakin na kayo na ni Elle!" galit na sabi nito kay Kris

Humarap namana ito sa akin

"Sorry Elle kung hindi ko nasabi sayo noong unang pagkikita nyo na sya ang apo ko, ayaw nya kasing ipaalam sayo" sabi nito, akala ko ay pagagalitan din ako nito

"Ayos lang po Lola Flora, naiintindihan ko po" nakangiti kong sabi dito

"I'm happy for the both of you, Elle. Sa wakas, natupad din ang hiling ko na magka girlfriend na ang apo ko and nagpapasalamat ako na ikaw yun. Noon pa man gusto kita para sa apo ko. Naiisip ko ngang ipa arranged marriage kayo e hahaha" natatawang sabi ni Lola Flora

"Thank you, Lola Flora" sabi ko dito

"Welcome to the Family, Elle. I'm really happy that you can be part of our family now" masayang sabi nito

"Thank you po talaga sa pagtanggap sa akin, Lola Flora" nangingilid luha kong sabi at niyakap sya, tinignan ko naman si Aiden na nakatingin sa amin ng nakangiti at buhat na nito si Camille. Napangiti naman ako lalo. Para na kaming isang pamilya.