Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Do You Love Me?

🇵🇭Meia_Jannell
--
chs / week
--
NOT RATINGS
18.2k
Views
Synopsis
Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

FIRST MEET

Akhira's POV

 

Andito ako ngayon sa kwarto ng condominium ko, kasama ko tong burikat kong kaibigang kanina pa nangungulet.

 

"Isipin mong mabuti. Isang beses ka lang namang sasali, dagdag den yon sa pang gastos mo." Kanina pa ko kinukumbinsi neto ni Crizta na sumali sa modelling na inaalok ni Mrs. Calderon.

 

Di naman to contest, imo-model lang yung mga bagong design para sa mga artist. Parang ganon sa Victoria Secret, Luis Vuitton bayon. E basta yung parang ganon. E ayaw ko nga sumali, duh nilalayuan ko kaya ang buhay sa media no.

 

"Sis, you know naman. Ayaw ko naman sumabak sa buhay sa harap ng media." Ayoko talaga as in ayaw ko. Kase nakikita ko buhay ng mga magulang at kapatid ko. Grabe hirap, kailangan mo mag ingat sa mga galaw mo kase baka mamaya makakasira na pala yan sa image mo.

 

"Tsa! Sino ba may sabing, humarap ka sa media. Duh! Isang beses lang kaya yon." May point sya pero ambobo nya paren.

 

"Maraming malalaking company don. Basically baka may mag alok na naman sakin na sumali." Mas may point naman ako diba?

 

"Pwede namang tanggihan the, kung saka-sakaling may mag alok. Pero waw lang te ha! Taas ng expectation, confident na confident. Ganda ka?" hindi naman ako naging Strey para sa wala. Ganda kaya ng lahi naming.

 

"Iniisip ko lang yung mga possible" palusot ko.

 

"Negative ka mo." Pag pupumilit nya pa.

 

"Negative pero possible."

 

"Alam mo ang nega mo, april na kaya Dzuh!? Alam ko namang mahiyain ka humingi sa parents mo, kaya baka wala ka pang gastos ngayong summer. Ikaw lang kaya kilala kong mayaman pero naghihirap." May point na sya, gumagana den pala utak neto ket minsan.

 

"Pag i-isipan ko."

 

--

 

Cyruz POV

 

Napaka gwapo ko talaga, kaya imposibleng di maubos ang ticket ng concert ko. "Zup bro, I heard there's 3000+ ticket left, ngayon lang nangyare yan." wag kayo maniwala dyan kay Chase, binobobo lang ako nyan.

 

"Imposible yon pre, TSA! Sa gwapo kong to."

 

"Ask your agent. Pinapagalitan na ni Ma'am Askalei." Di ba sya nagbibiro? May natira talaga sa ticket ko? Imposible.

 

Nagmadali akong pumasok sa loob ng opisina ni Manager Askalei. Medyo malayo ang table ni Ma'am Askalei  kaya di nila ko agad napansin, tsaka mukhang busy sila e. "Did you endorse it? Pinalabas mo ba sa commercial? Andaming natirang ticket. Malaking lintik pag bumaba ang sales."

 

Naabutan kong pinapagalitan ni Ma'am Askalei ang agent ko. Tss. So totoo palang hindi naubos ang ticket para sa concert ko?

 

"Tita, nalaman kong kasabay ng concert nya ang concert ni Shion Villamur. Maybe yun yung dahilan kung bat bumaba ang sale." Narinig ko na ang pangalan nya.

 

Lumabas na ko ng office dahil mukhang di naman ako napapansin ni Ma'am Askalei.

 

"Hey bro!" nilingon ko si Chase saka lumapit sa kanya.

 

"Chase, do me a favor" di ako nakikiusap, nag uutos ako.

 

"tss. What is it?" sabi na di ako matatanggihan neto.

 

"Nuks! Kaya mahal kita e." biro ko pa na ikina-ngiwi nya. "Pumunta ka sa concert ni Villamur bro."

 

"What the--, NO! Sa gwapo kong to, maagaw ko lang ang spot na dapat para sa kanya." Yabang neto e mas gwapo naman ako.

 

"tss. Magi-imbestiga ka lang e."

 

--

 

Akhira's POV

 

Kagagaling ko lang dito sa office ni Mrs. Calderon, pumayag na ko sa inaalok nyang pagmo-model. Di lang sa dagdag allowance den yun, pero GOSH! Napag-alaman ko ring yung panganay na anak ni Mrs. Calderon ang may gawa nung mga damit na imo-model, world famous designer Mr. Chico Calderon.

 

Maraming paraan para ma-meet ko sya, gaya ng kapatid sya ni Chase pero sabi ni Chase di daw sila close ni kuya nya, di naman ako tsismosa para itanong kung bakit. Kaya grab ko na tong opportunity na to no, bukod sa ma-meet ko sya, imomodel ko pa yung mga gawa nya. KYA! Nae-excite nak—ay kurimaw na Chase.

 

*phone ringing*

 

"What's the matter?" ano naman kayang problema netong Cyruz na to at bigla bigla nalang tumatawag

 

"Akhira Marie Strey! Guess what?" masyadong malakas ang pagkakasabi nya pero ramdam ko ang excitement sa boses nya. Problema naman kaya neto?

 

"Tss. Ano ba yon?" daming alam, may pa guess guess pa pwede namang deretsuhin nalang.

 

"Uuwi na si Xandria. Nakumbinse nya daw dad nya na dito na lang sya mag aaral." That's good atleast kumpleto kami diba? "Ok?"

 

"Tss. Wala ka talagang kwentang kaibigan, di ka man lang ba masaya dyan?" masaya naman ako pero pano ba i-express dami ko kase iniisip sa ngayon, hihi?

 

"Sige na." pagkasabing pagkasabi ko non, binaba ko na agad ang tawag. Wala naman kaseng kwentang kausap tong si Cyruz.

 

Sasakay na sana ko ng bus ng may tumawag saken kaya napalingon ako. "Miss hindi ka pa ba sasakay?" tanong nung driver ng bus."Hindi na ho." Umalis na den yung bus.

 

Saka ako lumingon sa lalaking naka all black including his shirt, pants, shoes and cap. Alam ko na agad kung sino to.

 

"Problema mo?" tanong ko dito kay Kuya Akhie.

 

He's my brother, 1 year older than me. Tss. Ampanget nya, pano kaya sya naging artista? Sabagay may mga artista den namang panget, yung pang-comedy kung baga.

 

"Namiss kaya kita, kain naman tayo sa labas" kuya ko ba to? Kadiri ampota.

 

--

 

Chaka naman neto ni kuya, wala ba syang pera? Italian food restaurant tong pinuntahan namin, mahal den naman mga pagkain dito pero kase common to e. Kahit di ka ganon kayaman afford mo naman sigurong bilhin, 200+ pesos per dish lang. Yung pinuntahan naming ni Arkhin libo depende sa dish, angas diba?

 

"Baka may paparazzi na nakasunod sayo, lagot tayo kay daddy" di kase ako kilala sa media, sa tao sa company namin di den ako kilala basta pag pumupunta ako don di naman agaw pansin tamang swipe lang netong card na bigay ni daddy.

 

"I don't care, bat ba kase di ka nila ipakita sa media." May point naman si kuya pero mas may point sina daddy. "Ambobong ng mga tao, nung pinagbuntis k aba ni mommy, di alam ng mga tao?"

 

Sinabi na sakin ni daddy ang tungkol dito. Ang kulit lang talaga neto ni Akhie.

 

Flashback

 

I'm 7 years of age this day. Kwento sa kin ng mga kaklase ko na masaya daw pag nag 7 birthday ka, madaming food, nagto-throw den daw ng pa-party. But mine is different.

 

Akhie, me and arkhin, dinala kami ni daddy dito sa Australia, dito ko daw ice-celebrate yung birthday ko with lolo and lola. Medyo nalungkot ako to the point na nakapagtanong na pala ko kay dad.

 

"Dad?" he then turn his gaze on me. "Can't I celebrate with you? My friends celebrate with their family and friends… but, why can't I? Every family day or any celebration in school, sina Yaya lang kasama ko. Iba den yung school ko kesa kina Akhie." Lumuhod si Daddy sa harap ko at hinawakan yung magkabilang balikat ko.

 

"I'm sorry. Yung mga tao sa business nak, gagawin nila lahat para maka-kapit sa mataas. Karamihan sa business lalaki ang anak." Nalungkot naman ako sa sinabi ni daddy.

 

"Kaya po ba di nyo ko pinapakilala sa kanila kase babae ako?" tanong ko habang nakatungo.

 

"Its not that. Gagawin nilang opportunity yun para ipagkasundo ka nila sa anak nila, at makahawak sila sa kapangyarihang meron ang daddy mo." Eto talaga si daddy kanina pa ko pinagi-isip. Maka-kapit daw sa mataas, e mas matangkad naman si tito Benedict kesa sa kanya, tapos ngayon may kapangyarihan daw sya. Sanaol.

 

"Maiintindihan mo den lahat nak pag malaki ka na. At pag dumating yung panahon na kaya mo ng mag desisyon para sa sarili mo, proud akong iwawagayway ka sa buong mundo. THIS IS AKHIRA MARIE STREY my one and only beautiful daughter." Nakangiti ako sa sinabi ni dad, pero bat nya kaya ko iwawagayway e hindi naman ako watawat?

 

End of flashback.

 

Nangiti ako habang inaalala yung mga panahong gusto ko ren maranasan yung mga nararanasan nina Akhie noon, pero ngayon ayoko na hirap pala sa harap ng media.

 

"Hey, are you listening?" huh? May sinasabi ba to si Akhie?

 

"huh?" di ko naman narinig e.

 

"I said, pinapapunta ka ni daddy sa bahay." Ano naman kayang meron?

 

"Hmm? Bakit daw?" tanong ko at dumating na tong waitress na naka-cap, mukhang magse-serve na ng food. Pero teka di pa naman ako umo-order ah?

 

"Akon a umorder, mukhang anlalim ng iniisip mo at pangiti-ngiti ka pa dyan." Iba na naman iniisip neto.

 

"Hindi yon lalaki."

 

"Wala kong sinabi."

 

"Pero alam kung yon ang iniisip mo." Tss. Panget talaga neto.

 

"Psh. Sya nga pala. Hindi naman sinabi sakin ni daddy kung bakit ka nya pinapa-punta sa bahay." Ano kayang meron?

 

Bigla kong naalala yung sinabi ni Cyruz kanina, magpahatid kaya ako dito kay kuya sa airport para ako nalang susundo kay Xandria?

 

"Kuya." Tawag ko habang sumusubo sya nung steak. Di naman ako pinansin neto. "Hoy, Akhie!" tawag ko sa kanya.

 

"Hmm?" tanong nya habang umiinom sya ng tubig.

 

"Pwede bang ihatid mo ko sa airport?" tanong ko na ikinakunot naman ng noo nya.

 

"San ka naman pupunta, aber?" ampanget talaga neto mag isip.

 

"psh. Susunduin ko lang si Xandria" sabi ko na ikinasamid nya, tatanga tanga pa. Lulunok nalang ng steak di pa nginuya.

 

"Hindi ako pwede ngayon. Marami pa kong gagawin." E bat sya nakapunta dito?

 

"Hindi naman ngayon agad, tatanungin ko pa si Xandria kung kelan flight nya at arrive." Bobo talaga netong kuya ko, kuya ko ba to?

 

"You don't have to pick her, kuya Xavion will surely pick her." May point naman sya, may utak den naman pala to kahit minsan e.

 

"Gusto mo bang sumama  na sa akin pauwi sa bahay o sa ibang araw ka na pupunta?"

 

"Marami pa kong gagawin, paki sabi kay daddy sa ibang araw nalang ako pupunta." Rush ang rehearsal namin bukas dahil sa isang araw na gaganapin ang Artist Clothes Fashion.

 

"You're too independent, baby. You're too young for this." Dami netong sinasabi basta alam ko lang ang panget nya.

 

"Sige na mauna na ko. Paki sabi kay Arkhin nagtatampo na ko sa kanya. Di na nya ko binibisita e." tss. Problema kaya nung batang yon?

 

"Luma lovelife na kaya si Arkhin." May lucky girl na agad?

 

"Ok lang yun, basta wag syang makikipagtanan." Makakapag pakulong talaga ko pag nagka taon.

 

"Mauna na ko" akmang lalakad na ko, nung tawagin na naman ako ni Akhie. Psh. Maga alas dos na e, pupunta pa ko ng school.

 

"Hatid na kita?"

 

"Mas mabuti pa siguro, pero papunta ko ng school e. Baka makaagaw pansin ka pa." kami pa mayari kay Daddy.

 

"Psh. Ako na bahala." Basta ikaw den bahala kay daddy.

 

Sabay na kaming pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse nya. Ibang kotse kase ginagamit nya e, sa parking base to pina-park nina daddy.

 

--

 

"Thanks for the ride, Akhie." Bumaba na ko ng sasakyan at syempre dito na ko nagpababa sa may school. Di na ko nag-intay na bumaba pa si Akhie kase sure akong di sya bababa. Mamaya may maka kilala pa sa kanya dito.

 

"Sayang no, graduate na si Shania Brent, sya nalang kaya ang natirang artista dito sa campus natin."

 

"Girl! Pipilitin ko si Daddy na sa college ko don ako papasok sa papasukan nya noh"

 

"Oo nga, look. Sina Arkhin, Shion, Cyruz, Chase at madami pang iba, makikita nating artist don. Merong 20+ na dahil nalate sa pag pasok dahil sa career."

 

Psh. Yan yung bulungan ng mga tao dito sa hall way habang dumadaan ako. Nakita ko agad na may kumakaway sa may tapat ng office ng principal, I'm sure si Crizta yon. Dito lang naman sa first floor yung opisina ni Ms. Velasquez kaya madali lang. Tatakbo na ko papunta kay Crizta nung may nakabanggaan akong lalaking.

 

Grabe naman kase to si kuya ambilis tumakbo.

 

Papagalitan ko na sana si kuya nung bigla nya kong hatakin sa may pala pulsuhan saka hinatak papalayo. Tumingin ako sa likod ko nung maka kita ako ng maraming paparazzi.

 

Teka sino ba to? Yung style nya parang kagaya nung suot ni kuya Akhie kanina. Pero sigurado akong di sya si Akhie kase black yung shoes ni Akhie sa kanya white. Tsaka mas maganda ang pigura ng katawan nya kesa kay kuya.

 

Nung napansin kong wala na yung mga sumusunod, saka ko sya hinatak papasok sa may iskinita. Tumigil kami dito sa may walang tao.

 

"Teka nga kuya, di nga kami nahuli ng paparazzi kanina ni Akhie. Ngayon naman papatakbuhin mo ko dahil hinahabol ka ng paparazzi. Damay mo pa ko ha?" nakakagigil kase wala na kong oras, kukuha pa ko ng card. Siguro sa ibang araw nalang.

 

"E kasi nga po miss, ko-komprontahin mo pa po ako don e andami ng humahabol saking reporter." Bobo den naman pala to e, hinahabol na nga ng reporter naghatak pa ng babae, edi lalo na syang pinag-usapan sa media. Pero teka…

 

"Sino ka ba? Bat ka ba nila hinahabol?" mamaya criminal pala tong si kuya e.

 

"Pambihira, di mo ko kilala?" mukha ba kong mag tatanong kung kilala ko sya?? "Pero teka bat mo nabanggit si Akhie? Naka-ligtas kayo sa paparazzi?"

 

Patay, ano ngayon sasabihin ko?