Chereads / Do You Love Me? / Chapter 10 - CHAPTER 11

Chapter 10 - CHAPTER 11

Grammatical Errors Ahead.

Di ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Ewan ko ba kung bakit di ako makatulog e. Siguro dahil natulog ako nung hapon. O may iba pang dahilan? At ano naman yon Akhira Marie Strey?

Sunday na ngayon kaya paniguradong bukas babalik na kami ng manila. "Akhira!!! Wag mo sabihing late ka na naman. Halika na sabay sabay na tayo magpunta sa De Luna Waves!" si Xandria na naman, nag aalburuto ano pa nga bang magagawa ko. Edi bumangon.

Sinuot ko yung stripe skirt ko, spaghetti strap white fitted croptop at pinatungan ko ng white oversized t-shirt.

--

Nag jeep kami kasi anlakas ng amats netong si Xandria. Di nya pa daw kase nae-experience mag jeep. Ako naexperience ko na kasi simula nung mag 13 ako I live on my own na nga diba.

13 kase ako nung umalis ako sa poder nina lola sa Australia para bumalik dito sa pilipinas. Nung time na yon hiniling ko na sana di nalang nila ko kinuha kay lola kung patitirahin lang din naman nila ko ng mag-isa. May dumadalaw naman sa akin si manang, sina Daddy tumatawag lang. Sana kung di nila ko kinuha sa poder ni lola, sana di ko iniwan yung taong nagpangako sa akin ng habang buhay.

Nakakatawa pero sa edad kong 13 pinapaniwalaan ko yon.

Pa 8 birthday ko nung na-meet ko sya. I was alone, kase weeks after nung 7th birthday ko iniwan na ko nina Daddy kasama sina Akhie and Arkhin. Hanggang sa pag 8 birthday ko, i was expecting them to come.

Naghintay ako sa park sa tapat ng bahay namin. Nagaasam na baka may tumigil ng sasakyan at bumaba sina Daddy.

Sumapit na yung tanghali at inaantay ko sina Daddy. Pilit akong inaaya ni lolo sa loob pero ayokong sumama, kaya hinatiran nalang nila ko ng pagkain kasama si lola. Winter ngayon kase July 6 ang birthday ko.

Siguro alas tres na nung mga oras na yun ng may dumaang sasakyan. I'm so happy, pero agad din yung nawala ng lumampas ito at tumigil sa kapit-bahay namin.

Malungkot akong muling tumungo. Nagulat ako ng isang gwapong lalaki yung lumapit sa akin. Oo gwapo, first impression ko palang sa kanya. Chinito ang mga mata, yung tipong ngumingiti din kapag nakangiti sya.

Pinasaya nya ko nung araw na yon, nakipaglaro. Hanggang sa dumating yung araw na talagang close na kami.

One day, nakaupo kami sa swing sa park. Dun lang sya nagtangkang magtanong kung bakit madalas nya kong makitang malungkot noon. Dati nya pa daw ako pinagmamasdan sa malayo e. I honestly answered him.

After i tell him why, he held my hands. "I promise. I will always be here if you need me, even you don't. I'll always make your lips open wide until I saw your teeths. I'll make your eyes spark when tears wanted to explode. I promise Akhira, I'll marry you someday."

Biglang pumreno yung Jeep kasabay ng pagbabalik ng aking diwa. Nagkabungguan tuloy yung balikat namin ni Shion.

"Ok ka lang?" tanong nya. Tumango naman ako bago tumingin kay Xandria na dumadada.

"Sir naman e, look oh madedeads kami sayo neto e." napalingon ako sa paligid kung may gwapo ba. Wala naman akong nakita, until lumingon sa amin yung nagda-drive.

He looks so hot. Form na form ang biceps nya ng itaas nya ang kamay nya sa paghingi ng tawad. Napagwapo naman nya para lang maging driver ha.

"Sorry po, lutang lang. Eto na po pala yung daan papunta sa De Luna Waves." turo nya sa isang lumang gate. Waw ha ang creepy naman.

"Sigurado ka ba kuya? Mukha kayang haunted forest." sabi pa ni Crizta.

"Style lang daw po yan ng mga De Luna." napatango naman kami.

Nung magsibabaan kami dala ang kanya kanyang backpack. Pati si Xamdria may dala kahit alam naman naming pang aura nya lang ang laman non.

Sumunod kami dito sa Kuyang Driver na pogi. Ihahatid nya daw kami sa mismong De Luna Waves.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Shion. Actually kanina pa ko natatakot. Napayapos na nga ako sa braso ni Shion e.

"Creepy nga e." sabi ko natawa naman sya ng bahagya.

"Mas nakakatakot pag nahulog ka."

Taka naman akong napatingin sa kanya at may inginuso sya sa harapan ko. Wah!!!! May butas pala.

Agad akong lumihis ng daan at higit higit si Shion.

Kinikilig naman akong kinalabit ni Xandria. Napatingin ako sa kanya at inginuso nya sina Chase. Parang ewan, sa halip na si Margaux ang matakot at yumapos kay Chase. Si Chase ang nagtatago sa likod ni Margaux at nakahawak pa sa mga braso nito. Nakakatawa pero ang cute nila tingnan.

"Ako na ata walang bebe sa atin e."

"Dami dami nating kasama wala ka napili." natatawang tugon ko.

"Sila kase yung mga tipong pang tropahan lang e. Pero si kuyang driver." tukoy nya sa naglalakad sa unahan. "Bet ko." sino bang hindi nya bet sa mga gwapong nakikita namin? Tropa lang naman hindi nya pinapatulan e. Nadala siguro.

Nakarating din kami dito sa De Luna Waves. Agad silang nagkayayaang mag-go-karts daw muna bago pumunta sa karinderya at doon kumain. May karinderya daw rito for best experience. Well may point naman sila.

Magre-race kami sa go-karts. Sinuotan ako ni Shion ng helmet at na-stun pa ko don. Sya pa nagkabit ha.

"Yan, baka mabagok pa ulo mo lalo kang mabobo." nagtawanan naman kami sa sinabi nya.

Nagsimula ng ang mag race. Kanya kanya kaming pagpapabilis may iba pang nagkakabungguan lalo na yung dalawa ni Chase at Margaux.

Nagulat ako ng bigla akong banggain ni Shion sabay tawa. Aba, kala nya ba papayag ako ng ganon, ganon lang.

Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa katapat ko na sya. Sinanggi ko yung karts nya at gumanti naman sya. Pareho kaming natawa sa sarili.

Ng matapos ang laro ending pinaka nauna si Von. Nagbibiruan pa sila nina Wesley.

Kami ni Shion. Sya ang nauna.

"Ambagal mo mag-drive." pagyayabang pa nito habang tinatanggalan ako ng helmet.

"Tss. Binabangga mo ko e." naka pout na sabi ko pa.

"Binabangga mo rin naman ako." binigay nya yung helmet doon sa naga operate.

"Nauna ka naman."

"Tss. Parepareho lang kayong mababagal." pagyayabang din ni Xandria. Sya kase ang sumunod kay Von.

"Kain na tayo. Nasan na ba yung dalawa ni Chase." napalinga kami at nakita yung dalawa na naglalakad nalang palapit sa amin.

"Tara na kumain nalang tayo."

--

Dumating na yung mga inorder nilang pagkain dito sa karinderya. At sa kalakas-lakasan ng trip nila. Magkakamay daw kami. Wews.

Iniaro sa akin ni shion yung kamay nyang may lamang kanin at tortang talong na isinawsaw sa toyong may kalamansi. Ngumanga ako at tinanggap iyon. Kumagat ako sa hawak kong fries chicken.

"Takaw mo." ngumiti ako sakanya saka nilunok yung pagkain.

"Paborito ko kase yung mga inorder ni Xandria e." tumango naman sya bago nagpatuloy ulet sa pagkain.

--

Nandito kami sa taas tanaw ko mula dito yung dalampasigan. Balak kasi naming sulitin at mag sky bicycle.

Sinuot na sa akin nung mama yung tinatali. Si Shion naman sya ulet ang naglagay nung helmet ko.

Aminadong medyo ninenerbyos ako. "Hawak ka sakin." alok ni Shion ng kamay nya. Humawak ako don habang ang kanang kamay ko naman ay nasa manibela. Sabay kaming pumadyak at ramdam ko ang pagkawala ng aking kaba.

Biruan at tawanan ang ginawa namin bago kami nakarating sa kabila kung saan naroon na sina Xandria.

Hinintay naming dumating sina Chase kasabay nya si Margaux.

"Margaux are you okay?" malumanay naman na tumango si Margaux habang namumutla.

"Acrophobia, fear of heights." sagot nya sabay ngiti.

"Bat di mo sinabi? Sana hinintay nalang natin sila sa baba." naga-alalang sabi ni Chase.

Bumaba na kami at inalalayan naman ni Chase si Margaux. Ako? Inaalalayan ni Shion.

"Ikaw wala ka bang fear of heights? Nakakatakot kaya baka mahulog." sabi ni Shion habang hawak ang kamay ko.

"Bat mo kasi iisiping mahuhulog ka? Kung mahuhulog ka man, edi nahulog. Just go with the flow. Tsaka sobrang taas naman ng kahuhulugan e. Pag nahulog ka, di mo na mararamdaman yung saket kase sa sobrang lakas nung infact, ikinamatay mo nalang."

5:30 na kami umalis sa DLW, si Shion naman simula nung magusap kami kanina. Di na ko kinausap ulet. Kinakausap nya ko pero hindi gaya kanina. Tsaka bat ba puro ako Shion?

*cringggg!!!!*

Namulat ako sa tunog ng alarm. 6:30 na. Mamaya kaseng 7:30 pupunta kami ng bar dahil last night na daw namin dito. Si Xandria ang taya gaya ng usapan.

Nag black tube at black tinted high waist skinny lang ako. Nag black boots den ako at tinali ng pony tail na mala Ariana Grande ang aking buhok.

Dala ko den ang purse ko don ko kase nilalagay yung mga pang ayos ko. Nakita ko ring nadala ko pala yung apat kong card.

Huminga ako ng malamim at hinarap ang sarili sa salamin. "Eto na. Hindi tayo heavy drinker pero lets give it a shot!!!!" napatakip ako sa bibig ng mapalakas ang aking sigaw.

Hinintay ko munang baka kumatok si Shion.

*tok*tok*tok

Agad kong iniayos ang sarili bago bumuga ng hangin at binuksan ang pintuan. "Wow. You look stunning."

Nag-thank you ako kay Von kahit ang totoo ay disappointed ako dahil bakit hindi si Shion ang sumundo sa akin?

At bakit naman nya ko susunduin? Hibang ka na Akhira.

"Nasa lobby na sila." biglang sabi ni Von kaya napatango nalang ako.

Ng bumukas ang elevator ay sabay kaming lumabas ni Von at magkasabay ding lumapit kina Crizta.

Ang gaganda nila!! Yung mga kasama naman naming boys? Nevermind.

Si Crizta naka yellow na spaghetti fitted hindi naman to croptop actually nakapailalim pa nga yung laylayan nito sa ilalim ng Skirt nya. At kagaya ng buhok ko ang buhok nya. Naka Under the knee sya na black boots at Tigh High naman na medyas na parang net. She's definitly gorgeous.

A/N: sorry sa otor nyo di ko saulo tawag sa mga damit/gamit na yan e kaya ganyan eksplanasyon. Sana gets nyo parin

Si Margaux, naka black fitted croptop pero may suot syang black tinted blazer na croptop style den. Naka black pants den sya. Yung buhok nya nakalugay na nakasumping sa likod ng kanyang tenga.

Si Xandria naman aba hindi magpapatalo. Naka spaghetti na color red na v-neck ang style kaya medyo kita ang cleavage nya at black pants naman ang pambaba nya na tinernohan ng red nyang high heels. Yung buhok nya medyo curly yung dulo.

Napatingin ako kay Shion na titig na titig sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay agad naman syang nagiwas tingin.

Nahiya tuloy ako. Feeling ko ampanget ko.

Naka summer polo sya na floral blue, bukas pa yung tatlong botones, white na Khaki Shorts at white na shoes. Naka sombrero pa ng itim.

Ang simple lang pero bakit ang hot nya?

"Ano tayo na? Nagsisimula na siguro ang party party." Napatingin ako kay Xandria at tumango.

Nalilito na kami kung saan ba dito yung tinutukoy nilang bar.

"Hoi Xandria, ano na?" agad namang lumapit si Xandria sa tao dun sa ilalim ng puno ng niyog. Kinausap nya iyon bago bumalik sa amin.

"Kagagaling nya lang daw ng bar. Don daw oh sa may papasok dun." tumango kami at sumunod sa kanya.

Napahawak ako sa braso ni Shion dahil pumasok kami sa isang madilim na daan.

"Xan, sure ka bang dito yon?" takot ring tanong ni Crizta.

"Eto oh may parang X na logo." turo ni Xandria sa logo sa may isang lumang building.

"Sigurado ka ba? E parang luma na to e." alanganing tanong naman ni Margaux.

Creepy kase talaga. Mukhang lumang building na.

"Pasok sa loob. Bar ba ang pinunta nyo dito."

Lahat kami ay napasigaw at nagdikdikan patabi. Ng may biglang magsalita sa likuran namin.

"Ginulat mo naman kami kuya." napatingin ako dun sa nagsalita at parang familiar sya. San ko ba sya nakita? Nakita ko na sya e. Uhmm...

"K-kuyang bukas ang zipper?" alanganing tanong ko. "Oo tama, ikaw yun." namula naman si kuya at nag-iwas tingin.

"Ikaw ba yung anak ng Strey? Pano kayo napadpad dito?" napatingin naman ako kay Xandria at itinaas nya yung Red Card nya.

Bumili sya!? Ok lang naman pero 100 thousand para lang dyan? Jusko!!