CHAPTER 7: RED CARD.
"Posing"
"Nice shot."
"One more time."
Panay ganyan ang naririnig ko habang nakaupo ako dito sa ilalim ng malaking payong. Napasinghap nalang ako dala ng kaboringan,Psh. Ano kaya ginagawa ng dabadass ngayon?
Tanaw ko dito sa tayo ko si Shion na todo hapit sa baywang ng kalove team daw kuno na si Shaniah.
Tumayo ako at pumunta nalang sa may tindahan di naman to kalayuan nagsisisi pa ko kung bat ba naman nag pullover pa ko na damit ang banas tuloy. Sana pala nagsando nalang ako.
"Pabili nga po ng coke." Ekoc omsim HAHAHA
"Wala pa po kaming softdrinks e, namimili pa lang po." Kung kelan mainit e.
"Do you mind, if yayain kita magbuko?" Naptingin ako sa likod ko dahil sa familiar na boses.
"Max!" He's my friend from my school. Kinekwento nya pa nga sa akin yung kababata nya na di nya makasundo pero crush nya e. Mas maganda sya sa akin, kaedad na nga ata to ni Akhie e.
"Long time no see" sabi nya at nakipag beso sa akin.
"Oo nga e, galing kase ako ng province." Ako naman ay nakangiting nang aasar sa kanya. "Wag mo ko ngitian ng ganyan, wala akong ginagawa." napahalakhak naman ako sa sinabi nya.
"Wala ba talaga? Nagkita na ba kayo ulet? Ano update?" mapang asar kong tinaas taas ang dalawa kong kilay habang nakatingin sa kanya.
"Alam mo ikaw, andami mong alam. Mag buko nalang tayo, yun lang oh." Sabay turo nya sa nagtitinda ng buko sa hindi kalayuan.
"Sige tara, pero kekwentuhan mo ko." Nginitian nya lang ako saka nagpatiunang maglakad, syempre kampon ako nina Chase at Cyruz, chismosa na den.
Umupo si Max sa kabilang side nitong table at inabot sa akin iyong buko. Sarap refreshing. Hihi.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? I mean hindi ba inarkila to? Pano ka nakapasok?" panimulang tanong ko dahil sa pagkakaalam ko, inukupa to ng SE.
"Bawal tanggihang papasukin ang may blue card." Ahh as far as I know, yung blue card na sinasabi nya ay passage para makapasok sa Dicestres Casino.
Ewan ko kung para saan pero meron kasi akong black, red and blue. Bigay ni daddy months ago pero kasi yung blue lang alam ko e. Means non mapera ka at kayang maglaro sa casino. Pero di ko sya nagagamit ha, try ko den minsan.
"Ikaw pano ka nakapasok dito?" May blue card den kasi ako, joke lang di ko dala.
"S.E eh" Mayabang na sagot ko.
"Ikaw talaga HAHAHAHA. Pero I heard you're working as an personal assistant?" Inis ko naman syang tinarayan.
"E kasi naman yung panget na nagmomodel na yun don sa tabing dagat dinamay pa ko sa patakbo effect nya sa harap ng media." Napatingin ako sa gawing tinitingnan nya.
"He's looking at us. With a serious face?" Tumingin nalang ulit ako sa kanya at sumimsim sa bukong iniinom ko.
"Hambog lang talaga yan kaya ganyan yung mukha." nagkibit balikat lang sya at saka sumimsim sa inumin nya.
"Ikaw ha, hot fafa ka ngayon ha. Epekto ba yan ni ano." Mapang asar kong tanong sa kanya. Yung ngiti nya naman hindi maipinta, sobrang lapad e.
"Actually kasama ko sya ngayon." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Talaga? Wahhh!
"Nasaan sya? Ipakilala mo naman ako oh" yie kinikilig ako.
"Ehem... Kanino?" napatingin naman kami sa rebulto ng depresyon na biglang nagsalita. Ayun na naman ang nakakunot nyang noo, o diba? Depresyon?
"Psh, di ka kasali. Boundary." Pagtataray ko, bigla bigla sumusulpot.
"Immature." Aba't ang hambog na to.
"Hoy Ika-"
"Masyado kang layas, doon ka nga. Gusto ko ng buko pero wala kong mautusan." Ganon ba sya katamad?
"Andami daming staff don, wala ka mautusan?"
"Bakit PA ko ba sila?" gago talaga kahit kelan, sarap tirisin.
Inis akong tumayo at bumili nga buko. Pagtingin ko sa gawi nya para sana ibigay yung buko wala na don, lintik na depresyon yan.
"Sorry Max ha, pero baka sa susunod na mga araw mapadalas kami dito. Pakilala mo ko sa kanya ha. Bye!" Di ko na sya inantay makasagot at tumakbo na ko pasunod sa depresyon.
"Hoi hari ng depresyon, oh buko mo." Inis na sabi ko kay Shion na sya na ngayong kasalukuyang nakaupo don sa lounger sa ilalim ng malaking payong.
Inabot nya naman yung buko ng nakakunot ang noo. Depresyon talaga. "Pukpok mo sa ulo mo." Pahabol bulong ko pa.
"You saying something?" Maangas na tanong nya. Ay narinig nya ba? Pake ko.
"Psh." inismiran ko na lamang sya at naupo sa katabing lounger.
"Bakit ba antaray mo?" Napatingin ako sa kanya nung bigla syang magtanong.
"Pake mo?" At yun na naman ang depresyon, kunot noong nakatingin sa akin. "What!?"
Inismiran nya lang ako at naglakad na muling papalayo mukhang tinawag na nung photographer.
*KINABUKASAN*
Hindi na kami nag usap pang muli ni Depresyon kahapon. Mas ma buti na yon, nung uwian sa sasakyan na ng mga stuff ako nakisabay. Nakatingin pa nga sya sakin na para bang nagtataka kung bat doon ako sumakay, parang lang hindi naman ako assuming e.
"Can you please get us some water? It so hot here." tanginang Shaniah to, sya ba boss ko? Tumayo na lamang ako, kumuha ng tubig at iniabot sa kanya.
"Pwede bottled water? I don't even know who drink on this paper cup." Ang arte naman neto, jombagin ko kaya to ng umurong yang dila nya.
Tumalikod nalamang ako at naglakad papunta sa tindahan.
"Bottled water nga po, dalawa." Inabot den naman agad nung tindera yung dalawang mineral.
"30 pesos po." Saktong pagkatalikod ko sa tindera pagkatapos kong magbayad ay may biglang yumapos sa balikat ko, mahigpit pa sa mahigpit.
"Ano ba Chase, bading ka talaga." Sabi ko sabay alis nung kamay nya sa akin.
"Na miss ka namin e." Naka pout na sabi nya. Ang panget nya, sa true lang.
"Kahapon lang tayo hindi nagkitakita. Tsaka bat ka nandito? Sino kasama mo?" Tanong ko at tumingin tingin sa likod nya, nagbsbakasakaling makikita sina Xandria.
"Ah, nandon sila sa may papasok don. Lumang coffee shop ata."
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Ah kase, may na meet kami dito tapos tinanong apelyido namin kase mukhang mapera daw kami. Tapos nung sinabi namin. Para naman silang namamangha at may binulong kay Xandria. E nung magpaalam si Xandria n pupunta sya, sumama sina Crizta at Cyruz." Mahabang paliwanag nya.
"E ikaw bat di ka sumama?" Takhang tanong ko.
"Kase gusto kita makita, kung pano ka maging alila." Natatawa namang sabi nya.
"GAGO!"
"Akhira!" Halos kilabutan ako ng marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako sa dereksyon nung tumawag at nakita ko ang madilim na mukha ng depreSHION. Parang ngayon ko lang narinig na tinawag nya ko sa pangalan? Ngayon lang nga ba?
Nagulat ako ng hablutin nya sakin yung dalawang bottled water, nasa harapan ko na pala. May powers ba sya ambilis e. "Kanina pa kami nauuhaw, inuna mo pa pakikipag chismisan.
"Ang sungit naman ng boss mo."
"Hayaan mo na, pinaglihi sa depresyon yan kaya nga SHION ang pangalan nya e." San ko ba nakuha ang tawag na yon? I never gave someone a name, except kung yun talaga tawag ng tao sa kanya.
"Halika sundan natin sina Xandria, baka mamaya kung ano na yung napuntahan nila e."
--
Pumasok kami sa isang lamang coffee shop. Mukhang hindi na ginagamit o nililinisan man lang, puro agiw na e. "Sino kayo?" Tanong ng isang WAHHWW! ang gwapo. Sino ba to?
"Hi I'm Akhira." Nakangiting tugon ko.
"I have a girlfriend." Walang buhay nyang sagot.
"I don't ask if you have a girlfriend, but you ask kung sino kami." Mataray na sagot ko. Napatighim naman sya at akmang tatalikod na. "Calderon." Biglang sabat ni Chase. Humarap ulit ng maayos yung lalaki.
"Son of Juanito?" Takha naman akong napatingin don sa lalaki at sa malaki...
"Ehem... What are you staring miss?" Nabigla naman ako sa tanong nya, kaya napaiwas ako ng tingin.
"Bukas po kasi yung zipper nyo sir." Natatawa naman akong siniko ni Chase.
"Come in."
Pagkapasok namin sa isang pinto ay kabaliktaran ng maagiw at maalikabok na coffee shop ang nakita ko. Mukha sya opisina, tumayo yung lalaking nakaupo don sa parang pang sekretarya na desk sa tabi nung isa pang pinto. Ngumisi sya sa amin ngunit dumeretso lang ako sa pintuan.
"No transaction is allowed pagkapasok mo dito sa loob. Miss Sandejas." Sabi nung lala king nakaupo sa parang pang boss. Habang pinaglalaruan ang baril sa kamay nya.
"Let's go Xandria." Tumingin silang lahat sa akin, including Cyruz and Crizta na nakaupo sa may sofa. Crizta is so pale, asf.
Mas natakot si Crizta nung tutukan nung lalaki ng baril si Xandria sa ulo.
"Ok fine. We won't get out of here. What do you need?" Walang ganang tanong ko sa totoo lang kabado na ko.
"We let you enter cause we thought you're interested in our bar and you have a money to buy this. You only need one, and all of you can enter as long as under sila sa name mo." Ano ba kaseng klaseng ticket ang binebenta nya at walang makabili sa mga to.
"How much?" Walang paring ganang tanong ko.
"One hundred thousand lang naman." Nakangising sagot nya.
P*tangina san naman ako kukuha ng ganong kalaking pera sa lagay na to.
"We can pay, but let us call someone, I just bought my ten thousand cash and nothing more. This is insane." Stress na sabi ni Xandria.
"I told you miss Tran-"
"Ano bang klase ng ticket yan at ganyan ka mahal?"
"Its not ticket, you can call it Red Card. For entering our bar miss. Bar na may pera lang ang nakakapa-"
"I have it." Nagulat namang tumingin sa akin yung lalaki.
"Sure?"
Dinala ko lahat ng card na meron ako dahil nacurios ako kung ano pang meaning nitong black at red.
Kinapkap ko ang wallet a purse ko at inilabas ang tatlong card. Apat to actually, pero di ko nalang inilabas yung isa.
"This is pathetic. Where did you get that? And who exactly are you?" Ngumisi naman ako ng nakakaloko. Ba ako naman ang may karapatan ngayon.
"You guess?"