EPISODE 12: WHAT HAPPENED LAST NIGHT?
Hindi talaga mapigilan si Xandria sa mga bagay na talagang gusto nya. Kaya ang ending dito kami ng bar sa XG bar.
Nilapag ni Xandria ang dalawang bucket ng san mig apple. Seryoso ba sya? E etong mga tao sa paligid namin ang mamahal ng iniinom.
"Oopss... Syempre may tequila den." napatingin ako ng abutan ng waiter ng tequila si Xandria. Nilapag naman ni Xandria ang tequila sa lamesa.
I'm not an heavy drinker kaya kumuha nalang ako ng san mig apple. GSM blue manlang sana pero pwede na din to.
Binuksan ko ang san mig bago umapat na lagok, tiningnan ko ang bote bago tumingin kay Shion na kakaupo pa lamang sa tabi ko. Pabilog na couch kasi ang style ng upuan dito, may isang maliit lang na space para doon lumabas at pumasok. Pabilog den ang lamesa na bubog.
"I never knew you know a place like this." ngumiti ako sa kanya at sumandal sa couch at saka muling lumagok ng san mig na hawak ko.
"Heavy drinker, huh?" natatawang tanong nya at sumandal na rin sa couch.
"No, not really. At hindi ko talaga alam ang lugar na to, ngayon lang din ako nakarating sa ganito. Akala ko sa Dicestres lang meron neto." tumango naman sya at nagbukas ng sarili nyang san mig.
"Bro, you should drink tequila. Masyado kang madaya, ano ka? Babae? Daig ka pa ni Xandria." nguso ni Von kay Xandria na sumisipsip sa lemon. "Lakas mag inom." pabuong na sabi neto pero naririnig naman sa buong table.
"May sinasabi ka Mr. Capistrano?" taas kilay na tanong ni Xandria.
Napatingin ako kay Chase at Margaux. Pinipigilan ni Chase na hubarin ni Margaux ang blazer na suot nito. Mukhang may tama na agad si Margaux at nababanas sa buhay nito.
Napatingin ako kay Shion ng tumayo ito kuhanin ang isang shot ng tequila mula kay Jes (Jestoni) at deretsahang nilunok ito.
Napangiwi naman ako sa ginawa nya. Dinilaan nya ang hinlalaki nya na may asin habang nakatingin sa akin. Sa di ko inaasahan napalunok ako, he's so damn hot. What the hell are you thinking Akhira?
Bigla ata ako nauhaw at napatayong inagaw ang tequilang hawak ni Xandria at deretsahang ininom ito. Ramdam ko pa ang init na dumaloy sa lalamunan ko. Sinawsaw ko naman ang hintuturo ko sa asin saka ko ito sinimsim upang makabawas sa init na nadarama ko sa aking lalamunan.
"Woahhhh!!! Kala ko ba di ka heavy drinker?" biglang tanong ni Shion sa likuran ko. Ramdam ko pa ang mainit nyan hininga sa batok ko dahil sa sobrang lapit nya. Nakahills ako at nakatungo sya kaya't umabot ang hininga nya sa batok ko.
"Hindi nga." nilingon ko sya. At halos lumuwa ang mata ko sa pagkagulat dahil sa sobrang lapit nya. Isang maling galaw na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.
Napalunok ako at napatingin sa mga mata nya. Kita rin ng peripheral vision ko ang paggalaw ng adams apple nya. Tumingin sa mata ko pababa sa labi ko na halos ikaputol ko ng hininga.
"Shion!" napaiwas kami sa isa't isa sa tawag ni Wesley. "Eto pre shot ka pa oh, tapos eto lemon." parang batang lasing na sabi ni Wesley ky Shion habang inaabot nito ang hawak na Tequila at Lemon.
Kumuha rin ako ng isang shot ng Tequila at sumimsim sa lemon. Nagiisip ba ko? Muntik na kaming... Arghh.. Nevermind.
Bumalik ako sa inuupuan ko. Maya maya ay umupo na rin si Shion sa tabi ko.
Ishang oras ang lumipash at lahat shila ay may inom na. Si Margaux naman nakatulog na sa lap ni Chase at nakakumot na ang kaninang suot nitong Blasher.
Ako? Ako ata ang pinakamatatag. "Woi Akhira, tara don sayaw tayo." Yaya ni Xandria habang nakaturo sa tumpok ng taong nagshashayawan sha Dance Floor.
"Shige!!! *huk* Tara!!!" shabi ko bago nagttatakbo papunta sa gitna ng dance floor di alintana ang shuot kong takong.Ako ata ang pinaka malupet na mananayaw sha balat ng lupa.
Ng makarating ako sa gitna ay nakishabay ako sha indayog ng tao sha paligid ko, nakita ko shi Xandria pero medyo malayo sya sha akin. Nakikipag-shayawan ito dun sha lalaking bukash ang shiper.
Hinayaan kong sumabay sa tugtog ang aking katawan. Inihawak ko ang dalawa kong kamay sa ilalim ng kili-kili ko bago inihinagod ito pababa sa aking baywang. Para bang ninanamnam ko ang kaseksihan ng aking katawan.
Inihawak ko ang kaliwang kamay ko sa aking leeg, paikot sa likod ng aking batok. Sa halip na saliputin ang aking buhok ay lalo itong nabuhaghag sa pag hagod ko rito.
Naramdaman ko ang pag gawa ng bilog ng tao sa paligid ko. Napag-gitnaan ako. Kami.
Naramdaman ko ang paghawak ng lalaki sa likod ko sa balakang ko at humagod ang kaliwang kamay nya pababa sa skinny jeans ko.
Nakisabay ako sa indak nya, itinagilid ko ang ulo ko at inihawak ang kamay ko sa batok nya. Ramdam ko ang mainit nyang hininga sa balat ng leeg ko. Hindi sya humalik sadyang ganoon kalapit ang kontak nya sa akin.
"Ok!!! Before this beautiful night ends. Let play body shots! At syempre mauuna ang hot nating couple dito." napatigil ako sa pagsasayaw pati ang kapartner ko. Napatingin ako sa lalaking naka sayaw ko. "Grabe! Pinapainit nyo ang gabi ko." sabay sabay nagcheer ang crowd. Waw! Ganto ba talaga ko kaganda?
"Lika!! Body shot daw tayo sabi nung emcee." yaya ko sa kasayaw ko. Sya pala yung kasayaw ko di ko napansin agad.
Hinila ko sya sa taas ng hindi naman kataasan pero parang yung yung mismong stage nila. Pinaupo ko sya sa may lamesa, kumuha ako ng isang kurot ng asin at isang shot ng tequila.
Umininom muna ako ng tequila bago lumapit sa kanya na nakatuon ang kamay sa likurang bahagi ng lamesa. Kitang kita ko dito ang abs nya. Waw!! Hulmang hulma.
Pero anong akala nya sa akin? Ganon klase ng babae abs agad?
Tumungo ako sa kanya at hinapit ang ulo nya palapit sa akin, mga 1 inch gap mula sa labi ko ang labi nya. Tiningnan nya ko sa mata pababa sa aking mga labi na syang nagbigay sa akin ng init sa katawan.
--
Nagising akong namimitik mitik ang sintido ko. Grabe ganon ba ko kalasing kagabi? Ansakit ng ulo ko, nakakahilo!
Pero mas lalo ata akong nahilo ng matingnan ang paligid. Ibang kwarto mare!!!!
Tumayo ako kahit na sobrang sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko sa buhay ko?
Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto bitbit ang isang piraso ng heels ko. Di ko kase makita yung kapares.
"Good morning Akhira." napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita soli Shion na bagong labas sa banyo at basa pa ang buhok at tanging malambot na jersey short lang ang suot nitong pambaba.
"Sorry dito kita nadala sa cabin ko. E kase lasing na lasing ka na pati mga kaibigan mo. Si Chase lang ang hindi lasing kaso sya nakaalalay kay Margaux e. Si Cyruz binaba nalang ni Jestoni. Si Xandria inalalayan si Von. Tapos si Crizta, buhat na ni Wesley. E masyadong malayo yung room mo kagabi e. Kaya dito nalang." mahabang paliwanag nya.
What should I say? Napatingin ako sa abs nya at napaiwas tingin ng may sumaging ala-ala sa aking utak. Damn Akhira! Halos maglaway ka na dyan kagabi!
"Gandang view noh?" napatingin ako kay Shion na nagkikindat sa akin.
"Uhm.. Mauna na ko. Kailangan ko pa mag-intindi e." may flight pa kami mamaya. Hindi na ko pwede ma-late this time.
Lumabas ako ng cabin at dumeretso sa loob ng hotel leevator, di ko na inalintana ang tingin sa akin ng mga tao. Pakening shit!!! Kailangan ko alalahanin bawat detalye ng nangyari kagabi! Damn Akhira!!
:)
A/N: sorry for super duper late na update. Tinamaan ng matinding tamad ang author nyo at mahigit isang linggong di nakapag update.
hi nalang kayo sa akin.
ang ganda mo now baby!!