Nakasakay kami sa bangkang De motor papunta sa kabilang isla kung saan naroon sina Xandria, sa white beach ng boracay. Medyo nao-awkwardan ako sa nangyare kanina pero mukhang hindi naman sya naaapektuhan. Bakit nga ba ko maaapektuhan? Wala naman talagang nangyari. Hays.
"Nandito na po tayo." agad na tumayo si Shion na naka-upo sa tabi ko at iniabot sa akin ang kanyang kamay. Alanganing tinanggap ko naman iyon, syempre ang awkward naman diba?
Nauna syang bumaba bago ako muling inalalayang makababa. Naglalakad kami papunta sa kubong inuukupa ng mga kasamahan namin. Nakakailang naman tong mga tao na to. Kung makatingin parang may malaki kaming kasalanan ah. Ah baka dahil kilala nila si Shion.
"You two look good together, i can see that you'll gonna have a beautiful kids." sabi nung matandang babaeng foreigner pero naka two piece lang. Ang sexy nya sa edad nyang yan ha.
Alanganin man ay ngumiti nalang ako bago nag excuse ng hilahin na ko ni Shion papunta sa isang kubo siguro nandito sina Crizta.
Nang pumasok kami sa kubo ay isang mapangutyang ngisi ang nakaguhit sa labi nila.
"Why?" takang tanong ko ng may pakibit-balikat pa.
"Hindi naman kami na inform. Ganyan na pala kayo ka close at may pa-holding hands pang nagaganap." sabay lapit ni Xandria at ibinundol yung hips nya sa may hips ko. Napatingin naman ako sa kamay namin ni Shion na mag kasalikop parin pala. Mukhang pati si Shion ay napatingin din at agad naming inalis at nagiwas tingin.
"Hinila nya ko kanina kase...Kase, kinausap pa ko nung foreigner don. E nakita na pala nya kayo." shit. Feeling ko ang defensive ko.
"Defensive." bulong ni Xandria pero sapat upang marinig namin, kaya't nagtawanan sila pati si Shion nakitawa narin. Napa tsked nalang ako at naupo sa bakanteng upuan na sa tabi parin pala ni Shion.
"Sina Chase nga pala?" napansin ko kasing wala rito sina chase at margaux, baka nagdate na yung dalawang yun.
"Nagpaalam kase si Chase na magiikot para bumili ng souvenir, e etong makulit na si Margaux sumunod." napatango tango nalang ako at saka tumusok nung pakwan sa lamesa.
"E tayo? Ano gagawin natin? Tutunganga nalang ba tayo sa magandang isla na ito?" tanong naman ni Xandria. Si Xandria talaga ang nagiging boses ng bayan. Mabilis nakakawala ng ka-awkwardan lalo na pag may mga bago kaming kakilala.
"Jet Ski, lang tayo." sabat ni Chase na sinang-ayunan naman ng lahat. Umalis sila at pumunta sa may arkilahan kaya't kami nalang nina Xandria at Crizta ang natira dito sa kubo.
Yung dalawa ni Xandria at Crizta ay agad tinagtag ang mga suot nilang floral dress. Kulay yellow ang kay Crizta at Light blue naman ang kay Xandria. Tumambad ang mapupusyaw at makikinis nilang mga balat. Naka two piece lang pala tong dalawang to. Yellow kay Crizta, at Light blue ang kay Xandria. Terno ng kulay ng dress nila.
Tinagtag ko na den ang white floral dress ko at syempre naka simple white tube at black cycling shorts lang ako na above the knee yung haba.
Dumating naman sina Shion at pinagbibigyan kami ng Life Guard.
"Here Akhira, life guard." abot sa akin ni Shion ng isang life guard. Ngumiti naman ako sa kanya at saka kinuha yung life guard sa kamay nya. Pinagmamasdan nya pa nga ko habang isinusuot ko yung life guard e.
"Tara na?" tawag ko kay Shion dahil kami nalang dalawa ang nandito sa kubo. Napakurap naman sya saka tumango.
Nasa unahan ko syang naglalakad, pasunod sunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami kina Xandria na ready na mag Jet Ski.
"Ambagal nyo kaya. Hoi Cyruz, you'll gonna make turo at me how to drive at Jet Ski ha." natawa naman ako sa dila nyang biglang pumilipit. Napatingin ako sa paligid at Confirm may gwapo nga, kaya pala bigla nalang pumilipit ang dila netong si Xandria e. Ganyang ganyan yung ginawagawa nya dati nung crush nya pa si kuya Akhie. HAHAHAHAHA
Nauna ng mag Jet Ski sina Xandria. "Hop on" napatingin ako kay Shion na kanina pa pala ko hinihintay na makasakay.
Sumaklang na ako at hindi maintindihan kung san ako hahawak. Really Akhira? Nakakabwisit ka.
Nagulantang ako ng kunin ni Shion ang kamay ko at ipulupot sa beywang nya.
"Hold tight. Baka mahulog ka."
Bat parang iba yung dating sa akin nung mga salitang binitawan nya?
E kasi tigang ka na Akhira.
"Whoooaaaahhhhh!!!" rinig kong sigaw ni Xandria habang nakasakay sa nagpapatakbong si Cyruz. Si Crizta naman di makasigaw at namumula. Mukhang nahiya pa kay Wesley. tsk. tsk. tsk. tsk. tsk
"Wahhh!!!" napasigaw ako ng biglang bilisan ni Shion ang pagpapatakbo.
"Takot o nananantsing ka lang?" nagtaka naman ako sa sinabi nya at narealize kong napahigpit pala ang yapos ko sa kanya at nakasandal na ang pisngi ko sa likod nya.
Agad akong napabitaw at di nag aalinlangang mabilis ang patakbo. Sakto namang lumiko ng biglaan si Shion ayon nahulog ako. Lumubog ako pero mabilis ding lumutang dahil sa suot kong life jacket.
Peste talaga. Kahit naman mawalan ako ng life guard marunong naman akong lumangoy pero sa lagay kanina kung walang life guard lunod ako. Walang bwelo e.
Natatawa namang lumapit sa akin si Shion at iniabot ang kamay para makaakyat rin ako sa Jet Ski.
"Are you okay? Sino ba naman kasing nagsabing bumitaw ka?" natatawa nyang tanong.
Ah ganon? Nang aabutin ko na ang kamay nya ay hinigit ko sya ng biglaan. Wala naman syang bwelo kaya ayun nalaglag.
Natatawa naman ako sa itsura nya. Kunot noong nakatingin sa akin.
"Don't laugh." pinigilan ko naman ang hindi matawa dahil sa seryoso nyang mukha. Pero mas lalo lang akong natawa at mas lalong kumunot ang noo nya.
"Tss." umakyat na sya at muling nagabot ng kamay. Tinanggap ko na iyon at saka sumakay. Sina Xandria naman ay sya ng nagdadrive nung sasakyan. Si Crizta kamuntik pang lumampas sa boundary. Kitang kita ko pa dito ang takot na takot na mukha ni Shion.
"Ikaw gusto mo rin ba mag drive?" biglang tanong ni Shion, tumango nalang ako. Gusto ko ren kaya, iniintay ko lang na alokin nya ko.
Nung una kong pagdadrive pakanyog-kanyog pa ko magdrive. Si Shion naman tawa ng tawa. Tatawa nalang ba sya o tuturuan nya ko?
"Wag mo kasi bitawan yang silinyador. Deretso lang." pagkasabi nya non ay dineretso ko.
Napayapos naman sya sakin ng mahipit saka natili.
HAHAHAHAHAHA gusto ko matawa ng malakas mukha syang bakla. May patili effect pang nalalaman.
--
Andito kami ngayon sa isang Italian Resto part parin ng White Beach. Tawa ko ng tawa kay Shion na nakahalukipkip lang ang kamay at kunot ang noo. Kanina nya pa ko sinasaway na wag tumawa. Pero ano magagawa ko? E natatawa ako.
"I said don't laugh." inis na talagang sabi nya.
"Why? I can't h-help not to." natatawang sabi ko.
Pano ba naman kase kanina tumigil ako bigla sa pagdadrive nung Jet Ski tapos bigla syang tumalon sa tubig. Lalangoy nalang daw sya katabi. Di naman nya ko maiwan kaya ending sakay parin sya sakin HAHAHAHAHA.
Natigil den ako sa pagtawa at nakikuha na den nung pagkaing kakabigay lang nung waitress. At dahil pare-pareho kaming gutom. Wala ng imikan. Kain nalang ng kain.
"Hoi bakit di kayo ng Jet Ski?" tanong ni Wesley kay Chase.
"Ayaw nya e." turo nito kay Margaux.
"Ayaw mo sya ng iwan. Pwede ka namang mag Jet Ski habang nakatanaw sya sa atin ah?" pang-aasar naman ni Xandria.
"Yiee, lover boy ka na ngayon ah." gatong pa ni Cyruz na ikinakunot noo naman ni Chase.
"Picture na tayo? At ng makabalik na sa DLHR." (De Luna Hotel and Resort)
"Bon fire tayo sa gabi ha." singit naman ni Jes.(Jestoni)
"Oo nga e. Mukhang masarap mag bon fire sa umaga." sarkastikong sabi naman ni Von. Bago kami natawa.
Kung ano anong litrato ang pinagkukuhanan namin bago kami bumalik sa isla ng De Luna. 4 narin pala kami ng hapon nakabalik. Ng makaakyat kami sa hotel rooms namin ay kasama si Shion don siguro muna sya sa mga barkada nya. Mainip den namang magisa e.
Ng makaligo ako at nakapagbihis ng. Maong shorts at Fitted Spaghetti croptop na color blue ay natulog muna ko. Kapagod den e.
Namulat mulat ako sa isang katok. Napatingin ako sa aking orasan at 6 na pala ng gabi. May dalawang oras den ako nakatulog.
Ng buksan ko ang pinto ay si Shion iyon.
"Iniintay ka na namin bilisan mo jusko." napatingin ako at si Xandria pala ay nandoon din sa tapat ng pinto ng room ni Wesley kasama yung iba pa.
Naghilamos at nagsuklay lang ako bago lumabas ng room ko.
"Tagal ha. Gutom na ko." sabi naman ni Crizta.
"Matakaw ka kase." pang-aasar naman ni Wesley.
"Talo lang kita sa pusoy ganyan ka na?" di ako na inform nakapaglaro na pala sila.
"Tulog pa more. Mantika ka pala matulog." biglang bulong naman ni Shion. "Tulo pa laway mo." nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Pumasok ka ba sa loob habang tulog ako?" tumango naman sya habang nakangisi.
"Gigisingin sana kita kase naiwan ko sa CR mo yung kwintas ko. Kaso bukas pala to pumasok na ko. Tas gigisingin pa sana kita para sabihing naglalaro kami sa kabilang kwarto, tulog na tulog ka naman." gusto ko nalang lamunin ng lupa. Jusko.
Ng matapos kaming maghapunan ay nagsimula na kami sa Bon Fire. "Tulala nalang ba tayo dito? Truth or Consequences naman tayo, with a twist." taka naman akong tumingin kay Xandria.
"Ano namang twist?" kunot noong tanong ko.
"Pag hindi sumagot or hindi ginawa yung dare, sagot nya ang bar natin bukas. Pero kapag medyo madami naman ang hindi nakasagot o nakagawa. Edi iinom ng tequila tapos walang asin o iba pa." mukhang hindi ko keri ang ganito ah.
Namf umikot na ang bote sa kamalas-malasan sa akin pa unang tumapat. Hindi pwedeng ako ang unang hindi sumunod o sumagot. Ayoko nga manlibre bala sila dyan.
"Nainlove ka na ba? O naiinlove ka na ba?" si Von naman ang nagtanong.
"Me? Uhm... Nainlove na ba ko? Oo naman syempre. Naiinlove na ba ko? Sa ngayon? Wala pa naman." walang alinlangang sagot ko.
"Sino yung taong nainlove ka na." tanong naman ni Shion.
I remember it again. When i first saw him. Sabi nila puppy love lang daw. Pero ako tingin ko talaga love na yun e. Yun na yon. Syempre bata pa ko.
"Isang tanong lang madaya kayo e." muling iniikot ang bote at tumapat iyon kay Xandria. Ramdam ko rin ang pagmamasid sa akin ni Shion.
"Sino yung ex mo na pinaka iniyakan mo." nagpout naman si Xamdria at sinabing sagot nya na daw ang pagba-bar namin bukas. Di nya masagot na si Akhie yon hihi.
Nagpatuloy sila sa pag ikot ng bote at sa kung kani-kanino ito tumama. Swerte nga ni Shion di pa sya natatapatan. Nang muling tumapat sa akin yung bote, ay tumingin sa akin si Shion.
"Sino yung taong nainlove ka na." ngumiti ako sa kanya, bago kumuha ng isang shot ng Tequila. Bago ko sumigaw ng...
"SECRET!!"
Ng muling umikot ang bote ay tumapat iyon kay Shion.
"Sa wakas bwisit." natawa kami sa reaction ni Wesley.
"May pagasa bang mahulog ka kay Akhira o nahulog ka ng talaga?" hindi ko alam pero may part sa akin na gustong malaman ang isasagot nya.
Umiling muna sya. "Anong klaseng tanong ba yan?" natatawang sabi nya.
"Edi question." sabi naman ni Xandria.
"May chance na mahulog ako sa kanya? meron." hindi ko alam pero yung tibok ata ng puso ko to the max na e.
"Nahulog na ba ko sa kanya? I never think about it." bat parang anlungkot ko? Anong anlungkot? Dapat nga masaya tayo bugak ka talaga Akhira.
"Itulog na natin to inaantok na ko e." biglang singit naman ni Crizta.
"Ako ren antok na." sabay inat inat ko.