Chereads / Do You Love Me? / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

MISUNDERSTANDING (2)

Nakatulala ako dito sa boutique ni Jelai, dito daw madalas mag paayos sina Mommy. Natawagan ko na rin si Mrs. Calderon, nakakahiya nga e kulang daw sila sa model pero pumayag den naman sya.

Kung nagtataka kayo kung bat ako nandito sa boutique ngayon daw may gaganaping pres con sa SE, ngayon den daw ako ipapakilala sa harap ng media. Paimportante pa to si Daddy, pwede naman sabihing anak ko to. Oh tapos ayun na.

FLASHBACK

"Hindi ka na pwedeng umayaw sa desisyon ko Akhira. Kung di ka gumawa ng ika-gugulo nyo, baka pumayag pa ko sa gusto mong huwag muna sa ngayon. Pero apektado din dito ang career ni Arkie." Galit na sabi ni Daddy, kaya napatungo nalang ako. Tss. Bat ba kase ambobo ko.

"Dad it's my fault, Akhira have no deal about it. Ako yung pumunta sa kanya." Pagtatanggol sakin ni Akhie. Aba dapat lang, sya naman talaga pumunta don e di ko naman sya pinapapunta.

"Hindi ito ang ta ma ng oras para mag sisihan. You already done it, wala na tayong magagawa." Mommy is always right. Tss. Gusto ko nalang munang umalis dito.

"Ok, I'll come with Ate. Wala pa syang damit para sa pres con." DA best talaga to si Arkhin, nababasa nya ba yung nasa utak ko?

End of Flashback

"Hoy miss, kanina pa naha-haggard ang beauty ko sayo ha! Nasaan ba yang utak mo at ng masundo ko na?" nabalik ang ulirat ko ng mag salita tong bakla na kanina pa pala ko pinapapili, kung aling dress ang gusto ko.

"Sorry medyo busy utak ko, andaming iniisip" paumanhin ko saka kinuha tong simple light blue spaghetti fitted dress. "Ay wow! Ikaw lang ba busy dito? Busy din kami ate girl, baka naman wag mo kaming gawing haggard, jusko! nai-stress ako sayo" rinig kong pahabol nung bakla bago ako pumasok sa loob ng fitting room.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Plain lang na light blue spaghetti fitted dress ang suot ko, kitang kita ang hugis ng aking katawan. Gusto ko sanang palitan pero mas ayoko naman nung isa, light pink sya tube tapos kita yung tiyan kaya no choice eto nalang.

Hinubad ko na muna yung dress na sinukat ko bago ako lumabas ng fitting room, pagsusukatin pa kase ako ng ibang damit nakakainip kaya.

"Jusko nasaang lupalop ba ng planeta ang utak mo? Sabi ko sukatin mo yang damit." stress na sabi nitong baklang naga-ayos iintindi sa akin.

"Nasukat ko na, ok na to." walang ganang sabi ko.

"Jusko! Sana di ka nalang pumunta dito? Ano kami multo? Di ba kami nage-exist sa paningin mo? Nasaan na ba yung BF mo, kung di lang dahil kay Arkhin di talaga kita aasikasuhin." tf! lahat nalang ba ng kapatid ko pag kakamalan nilang bf ko? Tsaka mukha ba kong pedophile?

"Sya sige, don ka na sa harap ng salamin. Mukhang di naman kailangan ng treatment ng buhok mo e. Aayusan nalang yang mukha mo." Di rin naman kailangan ayusan ng mukha ko ah? Kahit walang ayos maganda na ko.

Naglakad ako papunta sa harap ng salamin. Akmang ba-brushin na nung babae yung mukha ko ng pigilan ko sya. "Pwede ako nalang?" di ako sanay na may ibang mag make up saken, di ako komportable feeling ko kase hindi bagay sa akin.

"Nako ma'am, hindi po pwede. Trabaho ko po ito baka mapagalitan po ako ni Ma'am Jelai." alanganing sagot nung babae sa akin.

"Sige ituloy muna." sabi ko saka sinimilan nung babae ang mag make up sa akin.

Malumanay lang syang mag make up. Promise, first time ko maging komportable pag iba ang nag me-make up sa akin.

"Hindi nyo naman po kailangan ng makapal na ayos e, kase natural po ang beauty nyo." confident akong maganda ako, pero parang ang ganda pakinggan pag galing sa kanya. "Ano pong gusto nyo? Aayusan ko pa yung buhok nyo or ok na po yan? Maganda naman po kasi sya e"

"Wag nalang, ako ng bahala." tiningnan ko abg sarili ko sa salamin bago tumayo. Not bad, magaling syang mag ayos. I bet pwede sya sa company namin, nilingon ko sya bago muling nagsalita. "Miss?"

"Yes ma'am may kailangan pa po kayo?" magalang na tanong nya sa akin.

"I maybe sounds rude but, can I get your name?" alanganing tanong ko, syempre no nakakahiya.

"Czyraine po ma'am pero pwede nyo po akong tawagibg Czy, Raine, or Zyzy." magalang paring sabi nya.

"Noted. I'll be back Czy." no joke but I think her name is gorgeous to hear.

Lumabas na ko ng boutique dala itong isang paper bag at black na sling bag ko. Nasaan na ba si Arkhin? Siraulo talaga yon. Iwan ba naman ako dito. "Ate! Sorry kanina ka pa ba dyan? Namasyal lang ako, sana don mo nalang ako inantay sa loob."

"Hindi ko kaya ang atmosphere ng bakla sa loob nyan, kaya tara na." well di ko naman masisisi yung ibang tao kung makita man nila kong kasama tong si Arkhin. Mas matured pa ang itsura kesa sakin pati nga height e. Pero di naman sobrang matured ng itsura nya, nagkataon lang na mas matured kesa sakin. Iba ang hit ng puberty sa kanya, mukha ng mga 17 years old e. Ano kaya pakiramdam ng paborito ni lord?

"Tara na? 1 and half hours ka den palang nandyan sa loob pero parang walang pinagbago, panget ka pa den." inirapan ko si Arkhin bago sumakay ng kotse. Dumiretso na kami dito sa may Star Entertainment building kung saan gaganapin yung press conference, pagmamay Ari to ni daddy. Isa lang kase syang anak nina lolo e.

"Teka bat dito agad tayo dumeretso? Look at me Arkhin, di ko pa nabibihis yung dress ko." Naka white spaghetti croptop and black square pants lang ang suot ko. Ang Plano ko sana kanina e sa bahay ko nalang susuotin yung dress pag paalis na. Above the knee lang kase ang haba nya tsaka baka madumihan agad pag sinuot ko.

"Tss. Daming dressing room dito. You can change your clothes in there." bumaba nalang ako, kasama si Arkhin sunod sunod ang flash ng media sa amin. Binarangan den ng guards ang nga reporter na gustong mag tanong.

Miss what is your relationship with Mr.Villaluz and Mr. Strey?

Totoo po bang pinagsasabay mo ang dalawang nagga gwapuhang artist ng S.E?

And Why are you with Mr. Arkhin?

Ilan lang yan sa narinig kong tanong ng media bago kami tuluyang nakapasok sa loob ng S.E building. Eto na nga ba yung ayaw ko sa media e, gaya ngayon porke kasama ko si Arkhin tatanungin agad kung bakit ko sya kasama at anong meron sa amin. WTF.

"Akhira Marie!" halos marinig sa buong building ang pag sigaw ni Chase Calderon sa pangalan ko. Kahit kailan talaga, napaka ingay parehong pareho sila ni Cyruz.

Umakbay sya sa akin kaya pinagti-tinginan tuloy kami ng mga tao. "Anong feeling, sa harap ng maraming media?" mapang asar na tanong nya.

"Hell." simpleng sagot ko bago tinanggal nag pagkaka akbay nya sa akin. "Marami na kaming problema, wag mo na dagdagan. Ma issue pa tayo e, isa ka pang po problemahin." sagot ko na ikina ngiwi nya naman.

"Hi ate Akhira, na miss kita." Bati sa akin ni Nathalia Cyd Zartous, bunsong kapatidi ni Cyruz at Crizta. Anak ni Tito Benedict at tita Cristina Zartous. Niyakap ko si Cyd bago bumaling sa magandang boses na tumawag sa akin.

"Hey baby girl, I've missed you." I knew it, ate Xavrina Jade Sandejas. Ate sya ni Xandria. Medyo marami silang magkakapatid actually. Tumakbo ako palapit sa kanya saka yumakap. "Missed me, huh?" nguniti lang ako sa kanya. Idol ko sya kase ang ganda nya, ang sexy ang hot den. Perfectionist.

Random teen/celebrity actor/actress lang nakakakilala sa akin yung malalapit lang. Kagaya ng mga Sandejas, Zartous, at Zera. Si Chase Calderon naging kaclose lang namin dahil kay Cyruz.

Magka kaclose kami dahil sa parents dads naming mala F4 ang galawan nung kapanahunan nila. Si Akhiro Shin Strey, John Benedict Zartous, Xcyrick Briss Sandejas, and Travis Cryd Zera. May naging mala Shancai den daw sila, di nga lang nakatuluyan ng isa sa kanila para maging mala Dao Ming Si. HAHAHAHA funny diba?

"Wait lang, magpapalit lang ako ng damit, mauna na muna ako sa inyo." paalam ko bago pumunta sa isa sa mga fitting room dito sa third floor. Nag elevator na lang den ako papunta dito, di ko alam kung san na dumeretso si na Arkhin. Binuksan ko muna bago door na madadaanan ko para masigurado kung, dressing room ba ang mapapasukan ko. Weird no? sarili naming company di ko saulo?

Kakatapos ko lang suotin tong dress ko, tsaka ng hiram ng isa sa mga pang ayos dito. Nagreretouch ako ng pumasok ang isang familiar na lalaki.

"WTF!?"

Jake Shion Cyruz POV

Episode 1 at Shion POV.

Binisita ko si Joshia dito sa school nya, anak sya sa labas ni Daddy kaya di sya kagaya namin ni Jane na mga artist. Hindi ko ine-expect na hanggang dito ay masusundan ako ng paparazzi. I mean, nag ingat naman ako wag lang masundan dito.

"Teka nga kuya, di nga kami nahuli ng paparazzi kanina ni Akhie. Ngayon naman papatakbuhin mo ko dahil hinahabol ka ng paparazzi. Damay mo pa ko ha?" reklamo sa akin nitong babaeng nakabanggaan ko. If you're gonna ask me why I grabbed her here. Bukod sa kokomprontahin nya ko doon at aabutan ako ng paparazzi, nakita ko ang pic nya sa albums ni tita Marinelle nung last time na naglinis kami ng bahay nina Shaniah. If you're gonna ask me who's Tita Marinelle she's Shaniah's mom.

"Sino ka ba? Bat ka ba nila hinahabol?" muli nyang pagtatanong.

"Pambihira, di mo ko kilala?" hangang tanong ko, sa gwapo kong to di nya ko kilala? "Pero teka bat mo nabanggit si Akhie? Naka-ligtas kayo sa paparazzi?" sino ba talaga sya?

.

"You have no rights to ask me something, specially that matter was really private. So please keep your distance on me. Kung sino ka man." mataray na sagot nya.

"I'm Jake Shion Villamur, may mga gusto lang akong itanong sayo. Hinahabol ako nung mga paparazzi kase I'm an actor." paliwanag ko saka nya ko hinampas ng kamay nya. Problemado ba tong taong to?

"Isa kang malaking bobo, ano nalang sasabihin ng mga tao na gf mo ko?" naiinis na tanong nya. E ano naman kung isipin nila, siguro gf to ni Akhie kaya takot ma issue sa iba.

"For your information miss Sungit, hindi kita type no."

"I didn't say na type mo ko or something, mindset ng tao ang pinaguusapan dito hindi opinion mo." feeling ko bigla akong nabobo.

Naglakad na sya palayo kaya sinundan ko sya. "Miss, hindi ba masyadong delikadong magpalakad lakad dito?"

"Can you shut your mouth, andaldal mo masyado. Tsaka pwede ba? Huwag mo na kong sundan dahil nagdidilim ang paningin ko sayo." mahina pero gigil na sabi nya sa akin.

"Susunod lang ako hanggang sa makalabas ng eskinita na to." inirapan nya lang ako saka nagpatuloy sa pag lalakad.

EPISODE 2 at Shion POV

"Shion! Have you lost your mind? Why are you with a girl? Alam mo bang isang malaking problema yan? I ask your agent about this, pero tinakasan mo daw sya! Now tell me. Why are with that girl na nai-issue den kay Mr. Strey? Non-showbiz girlfriend mo yon?" galit na tanong ng manager ko sa kabilang linya.

"I'm telling the truth Mrs. Asuncion. I have nothing to deal with that girl, ni hindi ko nga sya kilala."

"Exactly, you don't know her. But why did you come up on grabbing this woman's wrist in front of the paparazzi. What do you expect na iisipin ng mga tao?"

"Miss, Kokomprontahin nya pa kase ako e aabutan na nga ako ng paparazzi. Kaya hinila ko nalang sya."

"You're not using your brain Villamur!" galit na sigaw ni Mrs. Asuncion bago ibinaba ang telepono. May sinend sa aking link si Mrs. Asuncion kaya tiningnan ko iyon. Live sya ng isang influencer named Crizta Dallia Zartous, if I'm not mistaken kapatid sya ni Cyruz and Nathalia Zartous.

Here come's my bestie, Akhira!

Akhira pala name nya? Why did I became interested all of a sudden? Arghhh.. erase.erase.

Inistalk ko yung following nitong influencer na to at hinanap ang account ni Akhira.

akhira_marie

Tinap ko agad ang profile nya, and nakita kong binabatikos sya ng mga tao, from my fans to Akhie's fans. Kaya finollow ko nalang sya at saka ako nag DM.

Episode 3 Shion's POV

"WTF!?" gulat na tanong ko ng makita ang isang babae sa loob ng dressing room ko.

"Anong ginagawa mo dito!?" galit na tanong nya. Ako talaga ha?

"Ikaw ang anong ginagawa rito. This is my dressing room." at mukhang kumalma naman sya sa sinabi ko.

"I'll go ahead then." matigas at mataray na sabi nya. Bago ko hinarangan ng kamay ko ang pintuan.

"Sinusundan mo ba ko?" Mapang asar na tanong ko sa kanya. pft. kung makikita nyo lang yung mukha nyang namumula na sa galit, matatawa den kayo.

"Excuse me Mister!? This is our company." natulala naman ako sa sinabi nya bago nya tinulak ang kamay kong nakaharang sa pinto at saka umalis. Anobg ibig nyang sabihin? Hindi kaya? Arrange Marriage na yun kay Akhie? Knowing sa mayayaman madalas ang ganyan.