" Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, pinapunta ako dito ni General Villafranca para siguraduhin na matatanggap mo ang laman ng sulat na to."
sabay abot ng sulat ni atty. Khonner sa isang binatang nakaupo sa couch na nasa harapan nya.
Walang expression sa mukha nito na sinasalamin mismo ng mga mata nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin , wala akong kasalanan"
paglilinaw ni Justine Villafranca.
Ang nagiisang anak ni General Juan Enrico Villafranca
"Menor de edad ang naka rambolan nyo , hindi yun isang biro , seryoso na ito justine. Malapit na mag retire si Don Enrico, hindi sa lahat ng oras maaayos nya ang mga gusot na napapasukan mo.."
litanya ni khonner,
"It wasn't my fault , they are the one who started that mess anyway"
walang kahit anong ekspresyon na makikita sa mukha at tono ni justine.
" Fine , but heres the main reason why I am here, YOU NEED TO GO HOME ASAP - as soon as possible , as in now."
rebelasyon ni khonner , dun lamang nagpakita ng totoong reaksyon si justine.
"What -No way!" he exclaimed.
"You know your dad better than anyone else Jaz, he wont let you get away with this ."
babala ni khonner.
" what if I won't?" nanunukat na balik ni justine.
" Alam mo ang sagot diyan ..
isipin mo nalang kung mawala sayo lahat ng meron ka ngayon."
deretsang sagot ni khonner.
7 years ago, sapilitan syang inilipat sa Australia ng sarili nyang Ama , doon kung saan sinabi nitong mas ligtas at malaya syang mamuhay ng normal.
17 years old sya noon, at ngayon kung kelan 24 na sya , saka sya nito pauuwiin sa Pilipinas?
seryoso ba ito?
Black mail ang paraan nito para
mapilitan syang umuwi...
Nagpapatawa ba sila?