Chapter 4 - Arrival

" Angela , nasa study room si Don Enrico . Mabuti pa dumiretso ka na dun at sobrang busy nya baka umalis nanaman sya mamaya" bilin ng mayordoma .

" Sige po," ngiti ng dalaga bago umakyat pataas sa ikalawang palapad ng bahay kung saan naroon ang study room ng heneral .

" ah manang may ideya ba kayo kung bat po kaya ako kakausapin ng Don?"

" wala naman syang nababanggit na kahit ano iha, pero sa pagkakaalam ko uuwe na si Justine, bukas o sa makalawa yata .. hindi ako sigurado eh" kwento ng 50 anyos na babae , mabait ito at mapagkakatiwalaan kahit na medyo matabil ito..

" Talaga po ba?" tila ayaw maniwala ng dalaga. ilang beses na rin kasi tinangka ng don na pauwiin ito pero hnd rin naman natutuloy, at walang sumisipot sa mga scheduled flight nito.

" aba malay natin diba? matuloy na talaga hahaha.. hay naku ang ganda ganda mo talagang bata ka ! ano bang ginagamit mo para hindi ka mag ka pimples??" tanong ng mayordoma , bagets pa rin kasi ito tingnan dahil wala pa rin itong anak at maganda pa rin ang katawan nito parang si carmi martin ... hindi tumatanda.

" kayo talaga manang binobola nyo nanaman ako, alam nyo naman pong hindi ako mahilig maglagay nung kung ano ano sa balat ko dahil masyadong sensitibo at madali akong mangati , mahihirapan lang si mama pag nagkasakit ako, saka alam mo tita Jane wala ka ng dapat ilagay pa kasi maganda ka na , hindi naman po kayo tumatanda" wika ni angela.

" ah talaga naman , pumapalakpak nanaman ang mga tenga ko , halika nga dito" niyakap nya ang dalaga ng mahigpit ..

" hala , sige na at tumaas ka na para malaman na natin kung anong sasabihin ni Daddy Juan and only love ko" biro pa ng mayordoma.

natatawang umakyat si Angela pataas , at bitbit nya ang mga ngiting iyon pag pasok sa study room.

knock-knock!

" Don Enrico, si Angela po ito, papasok na po ako." paalam ni angela.

" Iha" tumayo ang don at sinalubong ang inaanak.

" Mas gumaganda ka yata .." puna ng heneral.

" si tito talaga puro biro" puna ng dalaga.

" kung buhay ang iyong ama , siguradong ganun rin ang sasabihin nya. Siya nga pala Congrats !

balita ko naka pasok ka na sa trabaho."

bati ng don.

" Opo, Thank you po tito .. lahat naman po iyon dahil sa inyo." nahihiyang balik ni angela.

" No , Iha. Its all because of your determination to succeed.I am so proud of you. How i wish my son was just like you, marunong magpahalaga , marunong magsikap, maaasahan at higit sa lahat responsable."

and theres again the hidden disappointment at the last part of his statement.

" Don't worry dad, Im sure someday he will make you proud . Hindi pa ngayon kasi he is not yet ready pero malay natin bukas o sa makalawa, or maybe sa mga bagay na hindi natin ini expect na dun pala sya magaling . Im sure , he also have something where he is really good at. So please , dont be disappointed." she smiled .

And once more the room lightened up, kaya gustong gusto sya ng Don dahil meron lagi itong baong rainbow kasunod nya . She is always as cheerful as what she used to be kahit noong bata palang ito. She have those kindness and light in her heart na mababanaag mismo sa mukha nya.

" now its my turn to say Thanks,

You always make this old man happy"

magaan na wika ng don.

Pinaupo nya ang dalaga sa bakanteng silya saka ito bumalik sa pwesto nito.

" Iha I want to ask you a favor,

Can you accompany Justine for me?"

deretsong wika ng matanda.

" sasamahan ko po si justine, saan po tito?" tanong ni angela.

" Yes , darating sya ng 4 pm sa airport , if its ok for you , ikaw na ang sumalubong sa kanya. I have this classified meeting so I wouldn't be able to make it with justine. I hope he understand, Iha." wika ng Don.

" Sige po , tito. maiintindihan nya po yun, I' ll make sure of it ." assurance ng dalaga.

" Dont worry, Iha . I already gave jessy a call to make sure na hindi maaapektohan ang schedule mo sa Belle Air bukas." reassurance ng don.

" ah Ok lang po tito, off ko po bukas." pagbibigay alam ni angela .

" Sana maging magkasundo rin kayo" hiling ng don.

" Hindi naman po siguro ganun kasama ang ugali ng anak nyo tito para magka problema sa ming dalawa hahaha.." biro pa ni angela.

Hindi na nagreact ang don, pero hindi na lingid sa kaalaman ng lahat sa bahay na iyon kung sino at ano si Justine Villafranca. minsan pa nga naririnig nya kung paano ito pag kwentohan ng mga guards ng general.

kesyo may ginawa nanamang kalokohan ang binata, basagulero daw ito at walang balak sa buhay , palibhasa ay anak mayaman. Meron ding mga kwento kwento na kaya daw ito pinatira ng don sa Australia dahil sakit daw ito sa ulo ng ama , at laging na e expelled sa mga pinasukang private schools dito. Yung iba naman marinig lang ang pangalan ng binata ay nanginginig na sa kaba..

minsan nga feeling nya exaggerated masyado yung mga kwentong yun eh , Anong klaseng tao sya? mamatay tao ba yun?...

Pasado ala siete na ng gabi ng makarating sa simpleng bahay nila,

naroon na ang dalawang kuya nito .. si andrew na gumagawa ng Lesson plan nito , habang nagkakape at si Anjo na mukhang paalis pa lang ng bahay dahil naka porma ito.

" Bunso bat ngayon ka lang, ginabi ka na ah? , ano na meet mo na ba ang future brother in law ko?" salubong ng kuya anjo nya.

Nagmano ang dalaga sa ina saka dumiretso sa sofa at naupo.

" wala kuya, hindi pa dumarating yung lalaking para sa kin" biro ni angela saka sila nagtawanan na mag Kuya.

Tumikhim ang ginang at makahulugang binigyan ng matalas na tingin ang pangalawang anak.

" ah mama, una muna ko may raket ako e, pero uuwe ako agad 2 hrs lng naman daw" paalam ni anjo , free lance model kasi ito. paminsan minsan ay may mga komokontrata rito , at sideline na rin.

I.t graduate ito pero iba ang linyang pinasok nito , sa halip mag trabaho sa office mas pinili nitong maging gym instructor .

" hindi ka ba maghahapunan? kumain muna tayo bago ka umalis."

puna ng Ginang.

"naku , busog pa ko ma , isa pa ayoko mag mukhang bloated sa pictorial kaya mamaya nalang ako pag dating." sagot ni anjo saka tuluyan na nagpaalam.

" Ingat kuya!

-ah ma , galing pala ako kila Don Enrico.Kinausap nya po ako kanina.."

kwento ng dalaga.

Agad na naalerto ang ginang ng malaman na kinausap na pala ito ng Don.

"nabanggit na rin ba nya sayo?"

"Opo mama, uuwe na daw po si justine at Ako nga daw po ang susundo sa kanya.." dagdag ni angela.

Nanatiling nakatingin ang ginang sa kanya na tila may hinihintay pa kung may kasunod pa itong sasabihin , tila napigil nito ang hininga ng malamang pauwe na si justine , mukhang nagulat din ito.

" Bat ganyan yung reaksyon mo ma?"

nagtatakang tanong ni angela.

" wala wala. . uuwe na pala si justine?kung ganun ah eh di maganda , wala na bang ibang nabanggit ang Ninong mo?"

kinakabahang tanong ni Aling Amelia.

"yun lang naman ma ,bukas ko daw po sasalubungin sa airport" ngiti ng dalaga.

4 o'clock pm , Friday.

Belle Air International Airport

She was wearing a plain shirt and jeans.Susunduin lang naman nya si justine so she decided to wear something simple yet comfortable .

The last time she saw justine is when she was just 13 years old at that time ,sa pagkakatanda nya

nasa college na ito.

Matangkad ito at maputi ,siguro naman makikilala nya ito pag nakaharap nya muli. . although hindi pa sila nakapag usap kahit minsan.

Tiningnan nya ang wristwatch at napansin na 4:10 pm na ..

nakakapagtaka naman at wala pang dumadaan na Justine Villafranca sa harap nya.

May hawak syang signage na may nakasulat na pangalan ng Binata.

" welcome home Justine Villafranca!"

para makita sya agad nito.

Inikot nya sa paligid ang tingin , Isang binatang naka suot ng Itim na shirt, may kahabaan ang hairstyle nito , looking straightly to her , with a pair of steel cold eyes. Hindi ito nakasimangot pero hindi rin naka ngiti.

Bigla nitong Ibinaba sa harapan nya ang isang malaking traveling bag.

" Wheres the car?" he ask with a poker face expression.

"ha?" nalilitong tingala ni angela sa kanya.

" whatever , just bring that to the car."

di na nag- abala pang wika ng lalaki , saka sya nilampasan habang iniwan nitong nakalapag sa sahig ang isang bag .

Did he just talk to me like im just a piece of shit..?

saka lang nag sink in kay angela kung anong nangyayare.

"EXCUSE ME?!" she manage to tell the guy ..

" who do you think you are? Hindi mo ko maid."

Tumigil ang binata sa paghakbang, he slowly turn to her..

" I am Justine Villafranca."

he said with a deadly serious tone, sabay baba ng tingin sa signage na hawak nya.

For a split second , natigilan sa paghinga ang dalaga , gumapang ang init ng ulo nya papunta sa pisngi nya dahilan para mejo mamula sya sa inis at hiya. Hindi na nya pwedeng bawiin pa ang mga nasabi nya so she just walk away and told him to follow after her , nasa harap ng entrance ang service car na susundo sa kanila.