Chereads / Dahil May Isang Ikaw / Chapter 1 - Chapter 1

Dahil May Isang Ikaw

🇵🇭Adna_Leu
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 10.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"Ay, putakti!" malakas na naibulalas ni Yana ng may malakas na pwersa na tumulak mula sa kanyang likuran.

Sanhi upang mawala ang kanyang balanse sa pagkakatanghod.

Subalit bago pa mangudngod sa lupa ang mukha niya ay may mga brasong pumulupot sa kanyang baywang na nagpanatili sa kanyang pagkakatayo.

"Are you alright?..." came a baritone voice behind her.

Sa kabila ng eratikong tibok ng puso niya ay nagawa parin niyang tingalain ang taong halos nakayakap na sa kanya.

Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago nakalma ang sarili at nang rumehistro sa isip niya ang mukha nito ay mabilis na kumawala siya sa mga bisig nito. Dahilan upang tuluyan siyang mapaupo sa lupa.

Nagtatakang nakatingin ito sa kanya. Na tila ba sinisino nito kung nagkakilala na ba sila dahilan upang mapalunok siya.

"Po?!.." naiilang na sabi niya sabay tayo at pagpag ng alikabok na kumapit sa maluwang na pantalong maong na suot niya.

"Tina tanong kita kung ayos ka lang ba?" matiim ang pagka katitig ni Ross sa babae. Wala siyang nata tandaang nakaharap na niya ito. Lahat ng mga anak ng tauhan niya sa farm ay kilala niya maging yaong mga nasa Maynila na nag sisipag aral. At ang babaeng ito ay hindi.

"Opo. Salamat po. Excuse me po." sabay sabay na nabigkas ni Yana. Sadya niyang iniwasan na mahagip ng tingin ang lalaking batid niyang matiim ang pag kakatitig sa kanya. Nag mamadali siyang tumalikod at lumakad palayo rito.

Aktong pi pigilan ni Ross ang babae ng siya namang pag tunong ng cellularphone na nasa likod ng bulsa ng pantalon niya. Nang mabasa kung sino ang tuma tawag ay mabilis na sinagot iyon habang hatid tanaw ang pa palayong babae.

********************************************************************************************************

"That's bullshit, Tito Fernando!" nanga ngalit ang bagang na sabi niya sabay bagsak ng mga dokumentong hawak sa ibabaw ng mahogany desk sa library ng bahay ng kaibigang matalik ng kanyang Ina. Ironically ito rin ang tuma tayong legal counsel nang kanyang biological father. He is almost a father to him bukod sa talagang malapit ito sa kanyang yumaong Ina. Ipinag tataka niyang labis na naging kaibigan nito ang father niya.

Pinigil niyang umalpas ang galit na matagal ng nama mahay sa dibdib niya.

Nani niwala siyang dapat pairalin ang diplomasya sa anumang pagka kataon. He prided himself for having a control over his emotions subalit ang mga naka saad sa dokumentong nabasa niya ay sapat upang kumawala ang galit niya.

"I know its not fair for your father to do this, but somehow I could understand his predicament." malumanay na pahayag ni Fernando. Maging siya ay tutol sa naka saad sa mga dokumento subalit ng makita niya ang konsekwensya ng desisyon maaaring gawin ng mga ka Anak ni Ross sa bahagi ng Ama nito ay napag tibay niyang may basehan si Emilio, ang Ama nito upang gawin ang huling habilin.

Lalong nag igting ang mga bagang ni Ross sa pigil na galit. Akmang magsa salita siya ng unahan siya nito.

"Hindi sa kung ano pa man. Hindi gagawin ng Ama mo ang bagay na ito kung alam niyang walang magandang kahihinatnan." tinungo nito ang pinto at binuksan.

Subalit huminto ito bago tuluyang lumabas at nilingon siya.

Matiim na pinaka titigan.

" You are a good boy Ross. He maybe many things to you, but he loves you in his own way." Bumuntong hininga ito

" He said you are responsible at a young age, and definitely will grow as an honorable man and sadly, will never be in need of him. He believes so much in you. And so do I." at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Wala sa loob na napa upo siya sapo ng magka bilang kamay ang kanyang ulo. Marahas niyang nahigit ang hininga at mariing ipinikit ang mga mata.

He fealt cheated.

Defeated.

**************************************************************************************************

"Uy, napano ka ba kanina?" nagta takang tanong ni Marita.

Ka edad at kaibigang matalik ni Yana. Ka klase niya ito ng High School subalit nag kahiwalay na sila dahil sa biglaang paglipat niya sa Maynila.

Ito naman ay nanatili sa San Fernando dahil narin sa ang Ama nito na si Mang Aldo na siyang katiwala sa farm ng mga Araullo.

Ang Ina naman nito ay siyang tuma tayong taga luto sa malaking bahay na nasa pinaka mataas na bahagi ng asyenda Araullo.

Ang Araullo Farm ay pag aari ni Ambrose "Ross" Araullo.

Walang iba kundi ang binatang muntik ng mang ngudngod sa kanya sa lupa kanina sa pataniman ng mga gulay.

Wala naman dapat kaka iba sa pang yayaring iyon lamang ay nag ka gulatan silang dalawa. Wala pa kasing lalaki ang na ngahas na yumakap sa kanya at ang masama pa nuon ay naghatid iyong ng di maipaliwanag na kilabot sa buong pagka tao niya. At sa totoo lang ay ramdam parin niya ang after shock ng pangya yari.

Batid niya na hands on ang may ari ng Araullo Farm pag dating sa panga ngasiwa sa mga gawain sa Farm. Kaya natural lamang na pakalat kalat ang Amo ng Farm sa nasasakupan nito.

"Wala. Nabangga lang ako ng Amo natin." tila balewalang sabi niya.

Bumu ngisngis naman ito. "Hehehe...

ang laking tao ni Sir Ross noh?..."

Nakitulong narin ito sa ginagawa niya.

"Six footer ata si Sir o higit pa?..., pang basketball player ang tangkad. Muntik ka na madag anan Yana..." natatawang sabi nito.

Hindi na siya nag komento pa. Iniiwasan niya mapag usapan ang mga bagay tungkol dito.

Inabala niya ang sarili sa pag hahanda ng mga gulay na na harvest nila mula sa pataniman. Dadalhin nila ang mga iyon sa Ina ni Marita bago mag hapon.

Mula umaga hanggang tanghali lamang ang trabaho ng mga kadalagahan sa Farm ng mga Araullo.

Pagka pananghali ay nag sisipag balik na ang mga ito sa kanya kanyang tahanan upang tumulong naman. Iyon ang nagustuhan niya na isa sa mga patakaran ng farm.

Bukod sa pagha harvest ay may raket din sila magkaibigan. Yun ay ang pag titinda ng gulay sa palengke. Kailangan niya ng extra na income dahil may pinag lalaan siyang mahalaga.

Kaya naman iniiwasan niya ang mag pa distract sa anumang bagay sa ngayon. At batid niya ang may ari ng farm ay hindi basta maba balewala.

Sa kwentuhan ng mga tauhan sa Farm batid niyang hina hangaan at iginagalang ng mga ito si Sir Ross. Ipinag kaka puri nila ang binata na kahit sa batang edad nito ay natu tunan na agad nito kung paano maki salamuha at maki bagay sa mga nasa sakupan ng lupain nito. Hindi lamang ito mahusay sa pagpa palakad ng Farm nire respeto rin ang kakayahan nito higit lalo kung paano nito tratuhin ang mga tauhan nito.

Ni hindi pa raw naka katapos ng kolehiyo ng mamatay ang Ina nito na siyang nag mana ng Farm mula sa Lolo nito. Nang pamahalaan ng binata ang farm katuwang si Mang Aldo ang Ama ni Marita. Naging mas doble ang kinita at inilago ng kabuhayan sa farm.

Masipag na likas ang binata at talagang kasama at kaagapay ni Mang Aldo ang binata sa lahat ng gawain, mula sa maliit na bagay hanggang sa mahirap na gawain ay alam nitong gawin. Kaya naman hindi na nakapag tatakang malapit at nagtitiwala ang mga tauhan dito.

Ang Ina lamang ni Ross ang siyang bukang bibig ng mga taga farm kaya naman hindi niya alam kung ano ang ginampanan ng Ama ng binata.

Malaki ang respeto ng mga taga farm sa Ina ni Ross kaya naman hindi niya ni minsan inungkat ang istorya sa panig ng Ama ng binata. Isa pa hindi siya interesado sa personal na buhay nito. Sapat na sa kanya na malaman na maayos at maka tao sa mga nasasakupan niya si Ross.

Sapat upang asamin niya na manatili nalang sa farm nito pati na ang kapatid upang maka pag panibagong simula sila.

Bungisngis ni Marita ang nag pabaling sa kanya rito.

"Anong meron?"...nagtatakang tanong niya. Tila ito kini kiliti na hindi niya mauna waan.

"Kasi po. Hindi mo kanina napansin si Timong."... may himig panu nuksong sabi nito.

Napa taas naman ang kilay niya sa sinabi nito. Simula kasi nang ipa kilala nito sa kanya ang kababata nitong lalaki na si Timong ay nag papa ramdam na ang binata ng pag nanais na ligawan siya. Dahil duon ay panay na ang tukso ni Marita sa kanya patungkol sa binata.

"Tutu lungan ka sana, eh kaso nilampasan mo lang. Kawawa tuloy yung tao." nangi ngiting sabi nito.

Hinarap niya ang kaibigan, tinitigan na tila ba inaarok niya ang totoong damdamin nito.

"Oh... o.. Oo.. alam ko na at OO ang sagot ko." nangi ngiting sabi nito subalit ang ngiti nito ay taliwas sa nasa mga mata nito.

Ipinag patuloy niya ang gina gawa. Nang matapos ay binalingan ulit ito.

"Wag mo na ulit ako itukso sa " Timong" mo. Dahil pagbu buhulin ko kayong dalawa."

"Yung mahigpit na mahigpit. Kuha mo!".. napa ngiti siya ng maluwang ng ma imagine kung ano ang gagawin niya sa dalawa. Marahil gayun din ito kaya sabay pa silang napa bulalas ng tawa.

And this time, Marita's smile reached her eyes.