Natigilan siya sa akmang pagbu bukas ng pinto ng studyroom ng maulinigan niya ang pgkilos na nagmumula sa ibabang bahagi ng bahay, tila nagmumula iyon sa kitchen. Sinulyapan niya ang relong pambisig, thirty minutes before five in the morning. Napakunot ang noo niya, hindi niya inaasahan si Manang Mirrian ngayon at sa mga susunod na araw dahil narin sa nabanggit na ni Mang Aldo na ang asawa nito ay nanatiling nasa mga kaanak pa. Then a face enters his thought. Napangiti siya, umaasa na tama ang hinala niya. Tinungo ang hagdan at tuloy tuloy na tinungo ang kusina.
There, he saw the woman who badger his thoughts all night. Abala ito sa ginagawang pagluluto. Nadaanan din niyang may pagkain na nakahanda sa lamesa sa main dining room. Naeenganyong pinagmasdan niya ang dalaga sa ginagawang kilos sa loob ng kanyang kusina at paghahanda sa kanyang almusal.
At that moment he thought that somehow time stood still to allow him to watch her, entranced by her body movement. He feels warmed inside, and not knowing he uttered a contented sigh that divulge his presence to the woman.
Dahilan upang mapalingon ang dalaga. Sandali itong napatanga bago nahamig ang sarili. Mabilis na tunalikod at bumalik sa ginagawa.
"Good Morning." Bati niya sabay lapit dito.
"M-morning...." malakas lang ng kaunti sa bulong na nai-usal nito ipinag patuloy ang ginagawang pag sasangag ng kanin sa kawali.
"Pwede humingi ng kape?" pormal na sabi niya
Tila nagising si Yana sa pagkakatulog. Napaunat siyang bigla. Ano baa ng iniisip niya. Amo niya ang kaharap kaya bakit ganito siya kung gumawi. Hinamig niya ang sarili at humarap dito. Bahagya siyang natigilan ng matantong malapit lamang ang distansyang nakapagitan sa kanila. He was almost towering over her. Marahil dahilan ng pagiging matangkad nito. Halos di siya naka abot sa dibdib nito. Lumigid siya sa kinata tayuan nito. Tinungo ang countertop table at nagsalin ng kape mula sa coffee maker. Nang malamang brewed coffee ang iniinom nito ay nag pasalamat siya't marunong siyang gumamit ng coffee maker. Tipikal sa mga mayayamang tulad nito. Pero paborito nito ang sinangag na maraming bawang at tapa, dinaing na bangus at longganisa. Atleast, simpleng mga luto ay pasado na dito.
Inilapag niya malapit rito ang tasa ng kape at binalikan ang pagluluto. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa makatapos siyang magluto at inihanda ang pagkain nito sa main dining area ng bahay. Binalikan niya ang mga ginamit na kasangkapan sa pagluluto upang hugasan subalit hinarang siya nito, may tangan pinggan, kubyertos at baso. Napakunot ang noo niya. Pero bago pa niya ito matanong ay naunahan na siya nito.
"Paki kuha ng kape." Nilagpasan niya ito at dinala ang mga bitbit sa dining room. Nang bumalik si Yana tangan ang kape ay ipinaghila niya ito ng upuan. Iminuestrang maupo na ito.
"Hindi nap o Sir Ross, kumain na po ako." Tanggi niya ng mapagtanto ang nais nito.
"Kanina pa iyon. Sabayan mo ulit ako. Isa pa maaga kang umalis sa inyo. At malayo ang nilakad mo patungo rito. " siya na mismo ang nag upo dito. Sabay salin ng pagkain sa plato nito. Upang mapilitan itong sabayan siya.
"Natatandaan kong sinabi ko sa iyo na magkita tayo, pero hindi ko sinabing maaga kang magpunta rito. Nang madaling araw palang at oo ngat probinsya ito pero hindi ibig sabihin ay wala ng masasamang loob dito!" sarkatikong lintanya nito.
"Now eat!"
Ni wala siyang maapuhap na sabihin sa kaharap. Kaya minabuti na lamang sumubo ng pagkaing nakahain sa harap niya. Wala silang kibuan habang magana itong kumain, na marahil ikinahawa niya kaya naubos niya ang pagkaing sinandok nito sa kanya. Nang sabay silang matapos ay mabilis ang kilos na niligpit na niya ang pinagkainan nila. At nang akmang mag huhugas na siya ay nagsalita ito sa likod niya.
"Leave it there, may mga kasambahay na darating mamaya at sila na ang bahala riyan. Tara sa itaas ng maituro ko sa iyo ang mga dapat mong gawin at malaman." Sabay talikod at nagpatiuna nang umakyat ito.
Nagmamadali na siyang sumunod rito sa itaas. Naabutan niya ito sa pinto ng study room. Nang Makita siya ay ito na mismo ang nagbukas ng pinto niyon.
"Ang magiging opisina mo sa bahay na ito mula ngayon."
Iginaya siya nito papasok ng silid. Hindi niya maiwasang humanga sa interior niyon. Moderno ang mga kagamitang ginagamit sa loob ng opisina subalit ang loob ng malaking silid ay makalumang disenyo. Tipikal sa mga sinaunang bahay. Ang malaking silid ay nahahati lamang sa dalawang bahagi na tanging ang floor to ceiling na bookshelves ang divider. Sa kanang bahagi ay ang malaking mahogany desk na kinapapatungan ng mga ilang files sa gilid niyon ay landline, sa likod naman ay may kalakihan ang itim na swivel chair. Sa harap ay ang L-shaped leather sofa na may center table tantya niya ay siyang tanggapan ng bisita. Sa kaliwang bahagi ay ang mga kagamitang gamit sa opisina may table kung saan nakalagay ang computer. Sa gilid ay printer at copying machine. Sa likod niyon ang fax machine na kaakibat ay telepono. Sa gilid ay dalawang green na steel cabinets katabi ang isang wooden shelves na nakalagay ay mga office supplies. Napaka convenient na maging opisina.
"How do you find it?" tanong ni Ross
"Will you be comfortable here?" na nanatiyang tinungo nito ang sofa at iminuestrang maupo siya.
Hindi ni Yana maiwasang mapangiti sa tanong nito.
"Typically ancestral design. I like the ambiance Sir." Nakangiting sagot niya sa amo.
Tumikhim ito bago nagpatuloy. "I'm glad you like it here. Most of the time ay ikaw lang ang andito. Madalas na ay nasa farm ako at nag su-supervise nang Gawain duon. Kaya kapag bagot kana, find time to relax. May audio system na pwede mong paglibangan at may collection ng mga literary books ang Mama na pwede mong basahin."
Tango lamang ang nagging tugon ni Yana.
"Before we proceed with discussing details about your job. Do you have any question so far?"
"Ah Sir, pwede ko po ba malaman ang mga ipinag babawal ninyo?" pilit na sinalubong niya ang tingin nito. Mas maige na iyon para malaman na niya kung kaya ba niyang pakisamahan ang mga house rules nito.
"Hmmm….. .." pinag salikop ni Ross ang mga palad sa harap niya. Kung ganuon ay hindi pa naman pala siya sumasala sa pagkilatis ng tao.
"Isa lang naman Ms. Domingo…." Bahagyang nanlaki ang mga mata ng dalaga nang matantong alam niya ang pangalan nito. Surprised was written on those beautiful deep set eyes. Well she should be. The investigator was very thorough. And he was very particular in small details.
"Never, ever invade my privacy." Mariing sabi niya.
Napatuwid ng upo si Yana sa narinig niya. "Ofcourse Mr. Araullo, Sir!"
"Rest assured that I wouldn't even think of it!" tumindig at inilahad ang kamay sa harap nito. "Be certain that I will earn your trust and confidence."
Inabot ni Ross ang nakalahad na kamay nang dalaga at mahigpit iyong ginantihan nito. Sinakop ng malaking kamay niya ang palad nito. Giving a firm handshake.
"Welcome to my home, Yana." This time he showed his rarest smile. The one his mother said that melt many a woman's heart.
While Yana gave him a determined smile.