Chereads / Dahil May Isang Ikaw / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

"Uy, bakit ganyan ang itsura mo?" ani ni Marita.

Tapik sa balikat ang nagpa tingala sa kanya. Wala sa loob na inabot ang isang tangkay ng tubo mula rito. Sabay ibinulsa ang hawak na cellphone.

"Ang pasaway ko kasing madrasta sinumpong na naman ng sakit." Nagngi ngitngit na sabi niya sabay kagat sa tubong hawak.

"Naka! Sinaniban na naman yang mangkukulam na si Rowena? Eh teka si Andy asan?!" nag aalalang sabi nito.

Ang atakeng tinutukoy nito ay siyang pananakit ni Rowena kay Andy tuwing nalalasing ito.

"Okay naman si Andy ngayon, ayun at nag punta kayla Cecil. Sabi ko duon muna siya tumigil." Malungkot na sabi niya. Nagalala parin siya para kasing hindi lahat sinabi ni Andy ang totoong dahilan kung bakit ito napilitang pumunta kayla Cecil. Nagngi ngitngit na sinakal niya ang tubong hawak. Ini imagine na leeg iyon ni Rowena.

Napatingin naman ito sa ginagawa niya. "Sipsipin mo saying ang katas."

"Mas mainam na nanduon siya kayla Cecil, di siya pababayaan ni friendship." Matagal na silang magka kaibigang tatlo. Sila ni Cecil ang napadpad sa maynila samantalang si Marita ay gusto ang buhay probinsya. At hindi niya masisisi ang kaibigan. Kung ganito kaganda ang pamumuhay sa Araullo farm malamang naisin din niya rito nalang manatili.

"Yans, ipa salvage nalang kaya natin yang madrasta mo?" seryosong baling nito sa kanya.

"Oh, kaya naman ipa kidnap for ransom mo?!" napapitik pang sabi nito.

"Tse! Eh di ako pa nag tubos dun!" "Wala namang pera yun noh!" nagmamaktol na sabi niya. Malakas silang nagka tawanan.

"Haaaayyy naku friend, pasasaan ba at maiuuwi mo narin dito yang kapatid mo." Hinagod nito ang likod niya sabay pisil sa balikat niya

"Pag andito na si Andy paka mamahalin yan ng mga Itay at Inay, baka nga ma spoil nayan eh.

"Alam mo naman. Sabik sa apo ang mga parentis naten….hahaha!!!"

"Tara lets, uwi na tayo!" hila nito sa kanya.

Malapit na sila sa bakuran ng mapuna niya ang Strada na naka himpil sa gilid ng bakuran ng mga ito.

"Oh, bakit ka nahinto?"takang tanong ni Marita Napansin din pala nito ang sasakyang nakahinto.

"Kanino yan, Mars?" alanganing tanong niya. Nakadama siya ng kaba. Parang may ideya na siya kung kanino iyon.

"Kay Sir Ross yan, rough road kase rito kaya yan ang dala pag nagawi dito sa amin." Patuloy nito sabay bukas ng gate na kawayan

"Tatlo ang sasakyan ni Sir, kung nakaikot ka sa Villa nasa likod lahat naka parada. Yung isa nakita muna. May isa naman nakalimutan ko ang tawag pero pag naluwas lang sa city si Sir ay yun ang gamit."paliwanag pa nito bago tuluyang pumasok sa bahay.

Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Bakit ba kase bigla siyang kinabahan. Sigurado naming hindi siya ang sadya ng amo nila.

Nadatnan niyang nasa kalagitnaan ng paguusap ang amo nila at si Mang Aldo. Iniiwas na mapatutok ang tingin sa among naka upo sa pang apatang kawayang sofa sa gitnan ng sala nila Marita.

"Magandang hapon po Sir, .." atas ng kagandahang asal ay bumati siya sabay lapit kay Mang Aldo at nagmano sa matanda. Akmang tutunguhin na niya ang papuntang kusina ng banggitin ni Tatay Aldo ang pangalan niya. Lihim tuloy siyang napangiwi.

"Sir Ross si Yana kaibigang matalik ng aking dalaga." Pagpa pakilala nito sa kanya

"Sir…" Wala siyang nagwa kundi ang tumingin dito. Gayun pa man hindi niya mapigilang mailang sa titig nito.

Matiim ito kung tumingin na tila ba inaarok nito ang katapatan niya sa kung ano pa man. Tango lang ang isinagot nito sa bati niya sabay tingin sa matandang katiwala.

"Nagta trabaho din siya sa farm, sa pataniman ng gulay Sir Ross." Ani ni Mang Aldo

Bumaling ito sa kanya. "Ikaw yung babaeng muntik nang masubsob sa lupa dahil sa akin, Tama?" higit ang kumpirmasyon kesa sa tanong

Bahagyang tango lamang ang naisagot niya. She felt ridiculous dahil hindi niya magawang magsalita at tignan ito ng diretso.

"Pasensya kana hindi kita napansin may kausap kasi ako…" seryosong sabi nito

"Okay na po Sir R—"…

"Isa pa ang liit mo kase kaya hindi kita napansin."

Duon sa huling sinabi nito marahas siyang napatingin sa binatang amo. Hindi niya napigilan ang matalim na tinging inani nito mula sa kanya. Humihingi ito ng dispensa pero minaliit naman siya. Komedyante ba ng amo nila?

Napaubo si Marita sa narinig. Maging si Mang Aldo ay di napigilang ma ngiti sa sinabi ng amo. Binalingan niya si Tatay Aldo bago pa tuluyang humulagpos ang inis niya at makalimutang amo nila ang kaharap.

"Tay, magha handa po muna ako sa kusina ng lulutuin sa hapunan." Akmang tatalikod na siya ng pigilin siya ng sinabi ng may ari ng farm.

"Sandali Yana, maupo ka at may pag uusapan tayo." Nasa tinig ang awtoridad. Tinapik ang kawayang upuan sa tabi nito. Na tila ba duon sinasabing maupo siya.

Tanging iyon ang mauupuan dahil nasa pang isahang upuan naka upo si Taytay Aldo. Napipilitang naupo siya sa tabi nito. Subalit naglagay ng sapat na distansya mula rito.

Si Marita ay nagtuloy na sa kusina. Kaya naman naiwan silang tatlo sa sala. Ibinaling niya ang tingin sa Tatay ni Marita.

"Ano po ang pag uusapan natin?" magalang subalit alanganing tanong ni

"Nabanggit ko kase kay Sir Ross na nag hahanap ka ng trabaho sa bayan, anak. Nabanggit mo sa akin ang plano mong iyon sa pananatili mo dito hindi ba?"

Marahang tango lang ang naitugon niya.

"May iaalok sayo si Sir anak, Dito ka parin uuwi at makakasabay mo ang Inay Mirriam mo."

"Pero Tay, may nahanap na po akong trabaho sa bayan." Totoo iyon. Requirements nalang ang ipapasa niya next week na iyon at maari na siyang mag simula bilang cashier sa malaking hardware store sa bayan.

"Eh kase anak, ganito…" napakamot sa ulo si Tatay Aldo

"I pulled out your personal data sheet." Tinig ng katabi na nagpabaling dito ng atensyon niya.

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Paano mangyayari iy--"

"I own that store." Putol nito sa sinabi niya. "I want to hire you as my personal assistant."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito

"Pero Tay, hindi po ako pamilyar sa ganoong trabaho." Baling niya sa matanda

Uo nga at nakatapos siya ng kolehiyo at nakapag trabaho bilang supervisor sa isang department store. Ang problema ay ayaw niya mag trabaho malapit sa amo. Bilang personal assistant nito malabong hindi mangyari ang bagay na iyon. Hindi siya komportableng kasama ito. Tapos personal assistant pa! No way!

"Eh Sir Ross baka nga naman hindi sapat ang kwalipikasyon ni Yana para maging assistant ninyo." Baling ng matanda kay Ross

"Manong, hindi ko po kailangan ng assistant na matalino. Tama na po iyong marunong magbilang, bumasa, sumulat at…" baling nito sa kanya

"gumamit ng sintido kumon." Mahinahon subalit may diing sabi nito.

Morena siya pero batid niyang namula ang magkabilang pisngi niya sa insultong binitawan nito. Hindi siya ganuon ka tanga para hindi maintindihang patungkol sa kanya ang sinabi nito. Hindi porke at ito ang may ari ng lupang kinatatayuan niya ay may karapatan na itong insultuhin siya.

"Gusto mo bang mag karuon ng trabaho o hindi?" naruon ang pinal na tanong. Pinairal na ang pagiging amo.

Nagngi ngitngit man pero pinilit niyang sumagot ng totoo.

"Syempre po gusto." Huli na nang mapagtanto niyang sa sagot niya ay para naring tinanggap na niya ang alok nito.

"Okay. It's settled then, you're hired. Sisimulan kitang turuan bukas." Pinal na sabi nito.

Akmang mag po protesta pa siya ng ibaling na nito ang atensyon kay Mang Aldo. Na tila ba tapos na ang usapan nila at dini dismiss na siya nito.

"Manong, kayo po muna ang bahala sa farm sa umaga, mga kapananghali na po ako makakapunta."

"Tuturuan ko po muna si Yana sa mga gawaing administratibo sa farm." Sabay tayo at tinungo ang pinto

"Mauuna na ho ako Manong." Sabay baling sa kanya "Magkita nalang tayo. Susunduin kita ng maaga bukas."

Ni hindi niya makuhang makapag salita sa sobrang kalituhan.

Si Manong Aldo ay inihatid ang amo hanggang sa sasakyan nito. Tinungo niya ang kusina upang tulungan si Marita.

"Uy, bat ganyan ang mukha mo?" takang tanong nito. Batid niyang naririnig nito ang usapan sa sala dahil tanging manipis na sawaling divider lang ang naghahati sa sala at kusina.

"Tama ba ang ginawa ko?" inabot niya ang papaya at sinimulang balatan.

"Aba! Bakit naman magiginga mali. Diba yun naman talaga ang plano mo. Ayaw mo ba nun, solve na ang problema mo friend. Pwede mo na maiuwi dito sa atin si Andy dahil mag kakaruon kana ng permanenteng trabaho." Mahabang lintanya nito.

Pagka alala sa kapatid ay naglaho ang agamgam niyang kunin ang ini aalok na trabaho ni Sir Ross.

"Maaari mo nang i-transfer sa school sa bayan si Andy." Natutuwang sabi nito

Nagpa plano na naman talaga siyang dito na sa bayan ni Marita magpirmi. Bukod sa sariwang hangin ay mabait pa ang mga magulang ng kaibigan at talaga namang itinuturing silang pamilya ni Andy. Kung dito sila maninirahan mag kapatid ay mabibigyan niya ng maayos na pamilya si Andy.

Parang nabasa ni Mirriam ang nasa isipan niya. "Para na tayong tunay na magkapatid Yana. Ituring mong pamilya ang pamilya ko. At huwag kang mag alalang makaka abala kayo ng kapatid mo." Nakakaunawang sabi nito.

"Eh naku, baka magka iyakan pa kayong dalawa riyan ha," pagpasok na sabi ni Tatay Aldo sa kanila. "Nabanggit ng Inay Mirriam mo na nami miss na niya si Andy. Kuuu… ang siste ay wala na kasing malambing ang nanay nyo. Etong kaibigan mo, madalas mag pasaway kesa maglambing sa ina." Pasaring ng matanda

"Tay naman, syempre malaki na ako!" Nakaingos na sabi ng kaibigan.

"Naku tumanda lang ang edad mo pero hindi ang pananaw!" Kastigo nito sa nag iisang anak. Sabay pa silang natawa ng matanda ng ngumuso ang dalaga.

"Tay, salamat po talaga sa pagtanggap ninyo samin dito ni Andy."

"Basta sarapan mo ang luto, Ayos na!" sabi nitong natatawa

Sabay pa silang natawa ni Marita saka magaan na ipinagpatuloy ang ginagawa.

****

Napapailing na tinungga ni Ross ang laman ng basong hawak. Kasalukuyang umiinom siya sa verandah ng silid niya. Pero iba ang dahilan niya sa mga sandaling iyon. Tila celebration para sa kanya ang mga sandaling iyon. Hindi niya maipaliwanag ang magaang na pakiramdam. Wala siyang matandaang pagkakataon simula ng mamatay ang kanyang ina na nakadama siya ng ganitong uri ng damdamin. Na tila pinuno ng sariwang hangin ang kanyang dibdib na nagdudulot ng magaang na pakiramdam. Di nga bat kaya niya nakagawiang uminom sa verandah ay upang ibsan ang bigat na tuwina ay nasa kaibuturan ng puso niya. But this time is very different. At ang rason ay Babae! At maituturing na estranghero para sa kanya. Napangiti siya ng maalala ang reaksyon nito habang kausap siya.Sinadya niyang inisin ito sa disimuladong paraan upang makitang maigi ang mukha nito. At nang titigan siya nito ng masama ay pilit niyang ikinubli ang ngiti. Nang umupo ito sa tabi niya ay napagmasdan niyang maigi ang mukha nito. Maliit na hugis pusong mukha, kulay kapeng mabibilog na mga mata na binagayan ng malalantik na pilik mata, maliit subalit matangos na ilong, labing maninipis na may mapusyaw na kulay ng rosas. Morena ito at makinis ang tila sanggol na balat. Maliit lamang ito hindi umabot sa baba niya, marahil ay tantiya niya ay umabot lang ito sa dibdib niya. Marahil lumampas lang ito sa Limang talampakan. Mapagka kamalan mong lalaki binatilyo sa malayo dahil sa istilo ng buhok nito. Na tila ba ipinares sa isang lalake. Subalit bumagay iyon sa hugis pusong mukha nito. Ang umagaw pa ng atensyon niya ay ang hugis kandilang mga daliri nito. Clean elegant hands. Hindi niya maita tanggi na nakuha nito ang interes niya sa maikling panahon ng pagka kakilala nila.

Hinagilap ng kaliwang kamay niya ang singsing na nakapaloob sa kwintas na laging suot niya. Ang singsing na bigay ng kanyang Ina. Pinaka titigan iyon ng ilang sandali. Ikinulong sa palad pagkuway bumulong sa hangin.

"Mother,… "masuyong bulong niya sa paligid

"Ma, siya na ba ang sagot sa suliranin ko?" bulong niya sa gitna ng kalangitan. Mabining hangin ang tila naging sagot sa kanya.

He chuckled. "Kawawa naman pala siya kung ganuon."

Tinungga ang natitirang alak sa baso. Pagkuway tumalikod at tuluyan ng pumasok sa silid upang mag pahinga.

He never felt this good for such a long time.