Sa kabila ng sakit ng ulo na nadarama ay pinilit bumangon ni Ross. May mahalagang bagay siyang dapat asikasuhin, may darating na bagong kliyente na gusto sila maging supplier. Dahil sa matiyaga at matapat ng paglilingkod ng mga tauhan sa farm, maayos at epektibong pamamalakad isa ang kanilang farm sa mga kilalang supplier ng gulay at prutas. He became successful by abiding strictly on his principles, reliability and wisdom.
Naligo siya at nagbihis. Pilit hinahagilap sa utak ang nangyari ng nag daang gabi. Nagising siyang suot parin ang damit na pinang trabaho niya sa farm. Na kauna unahang pangyayari sa tanang buhay niya. Usually, kapag sobrang pagod na siya galing sa pagta trabaho, naga gawa parin niyang hubarin ang damit niya. He slept on the nude. Natatandaan niyang napadami ang inom niya ng alak. He might have passed out, he guessed because he have'nt eaten anything before he resorted to drinking dahilan para hindi na niya naasikaso pa ang sarili. Nag ta trabaho siya sa farm at hindi lamang sa apat na sulok ng opisina naka base ang buong mag hapon niya. Napa ungol siya ng maalala ang santambak na papeles na nag hihintay nang kanyang atensyon. Kina kailangan na niya talagang kumuha ng makaka tulong upang maharap ang mga dokumentong may kina laman sa farm.
Tinungo niya ang kusina. Hinanap si Nanay Mirriam subalit hindi niya ito nakita maging sa main kitchen, marahil ay umalis ito at may importanteng ginawa. Tanging ang mga nakatakip na agahan sa dining area ang nakita niya. Tila kaluluto pa lamang ng mga iyon dahil mainit init pa ang bandehadong may lamang sinangag at pritong dinaing na bangus. Sa gilid ay mga piraso ng hiniwang hinog na manga.
Aalalahanin na lamang niyang magpa salamat dito kapag nagkita sila ni Tatay Aldo mamaya. Malamang sa malang ay ang kusinera na ang nag alalay sa kanya papuntang higaan para hindi niya danasing matulog sa labas ng verandah.
*****
"Kumusta ang lagay ng pinsan mo?".. tanong niya kay Marita ka sabay ng pag hahain rito ng pagkain.
Tanghali na ito naka uwi galing sa bahay ng pinsan nitong bagong panganak. Hindi nito kasama ang inay Mirriam umuwi. Nagpaiwan daw ang ginang dahil wala pang mag aasikaso sa pamangkin nito. Sa makalawa pa raw kasi maka kaluwas galing probinsya ang mga magulang ng pinsan nito kaya pansamantala ay si inay Mirriam muna ang mag aalaga rito.
"Ayos lang naman sila, pogi nga ng pamangkin ko eh." Nagmamalaking sabi nito.
"Teka, bakit nga pala sabi ni Timong di ka niya nasundo kagabi. Wala ka na daw sa Villa sabi niya ng dumating siya ruon." Nagtataka ang tingin nito sa kanya.
"Hindi ata kami nag pang abot. Saka alam ko na ang daan pauwi kaya di na kailangan yun." Kibit balikat na sabi niya.
Tila hindi ito kumbinsido sa sagot niya pero minabuti naring bitawan ang paksa. Niligpit nito ang pinag kainan at hinugasan saka siya binalingan.
"Yana, huwag mo na iwasan si Timong. Alam ko na ang iskor saming dalawa kaya di mo na kailangang gawin pa iyon."
"Hindi ah, …. Talaga lang ayaw ko na mag pahatid pa dahil gusto ko rin naman makabisado ang daan sa sarili ko na rin." Tinungo niya ang sala upang bitbitin na ang mga panindang kailangan nilang ilako sa bayan.
Sumunod narin ito ang nag patiunang lumakad. "Teka nga pala, paano yung agahan ni Sir Ross kanina? ...mukhang nakalimutan na ni Nanay.." napakamot ito ng ulo ng maisip na nagutom ang amo nila.
"Nag punta ako ng maaga dun sa malaking bahay kaya naipagluto ko na ng agahan." Kaswal na sabi niya.
Napangiti naman ito. "Buti nalang andito ka Yans, salamat naman at di na mag aalala si Inay."
"Teka, may nangyari ba kagabi? .."
"Wala naman. Tulog na kase si Sir Ross ng umakyat ako sa silid niya para sabihing naka handa na yung hapunan niya."…
Napa kunot ang noo nito.
"Talaga?..hmm." kipkip ang bilao sa gilid nito ay isinara nito ang kawayang rehas na nag sisilbing gate ng bakuran ng mga ito.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Eh, kase… Ah, Yans atin atin lang ito ha!. "
"Si Sir Ross kase nakakatulog lang yan ng di na nakakapag hapunan pag umiinon ng alak." Mahinang sabi nito.
"Dahil?..."
"Baka na miss na naman si Ma'am Ami, ang nanay niya." Kibit balikat na sabi nito.
"Ah.., tara na bilisan na natin." Nagpatiuna na siyang lumakad dito. Ang totoo niyan ay alam na niya ang tungkol sa kwento ng pamilya ng amo nila. Lamang ay ayaw narin niyang pag usapan pa. Hindi narin naman kailangan dahil para sa kanya ay hindi na mahalaga iyon.
*******
Pauwi na sila ni Mang Aldo galing ng bayan sakay ng service pickup niya. Nasa bukana na sila ng farm ng mahagip niya sa side mirror ng sasakyan ang anak nitong dalaga. May kasama ito subalit hindi niya matukoy kung lalake o babae. Parehong may tangang bilao at naka suot ng tipikal na kasuotan ng mga manananim sa farm. Parehas na nakasuot ng sombrerong malaki. Dahan dahan ang ginawa niyang pag lampas sa unahan ng mga ito bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan. Kung saan pasalubong naman ang mga ito. Napuna marahil ni Mang Aldo ang dahilan ng kanilang paghinto. Napatingin ito sa dalawang taong pasa lubong sa kanila. Ibinaba nito ang bintana ng pickup at kinawayan ang anak na nahinto sa pakiki pag huntahan sa kasama ng mapansin ang sasakyan nila. Dali daling lumapit ito sa kanila.
"Itay."sabay mano sa matandang lalake. "Magandang tanghali po Sir Ross." Baling nito sa kanya.
Isang tango lamang ang naisukli niya rito dahil ang buong pansin niya ay nakuha ng kasama nito. Na nanatiling nakatayo bitbit ang mga bilao ilang dipa ang layo sa kanila. Bahagya itong nakayuko kaya hindi niya gaano masino ang mukha. May tila inaayos ito sa tangang bilao.
"Kay Isidro ba ang punta ninyong dalawa?." Tanong nito sa anak.
"Opo Itay, pagka galing po namin duon ay tutuloy na po ako kayla Sir Ross." Narinig niyang sagot ni Marita. Dahilan upang mapabaling siya sa mga ito.
"Ako po kase ang mag hahanda ng hapunan ninyo Sir,.." nahihiyang sabi nito sa kanya.
"Ang Inay mo ba ay kelan uuwi?" tanong ni Mang Aldo
"Sa makalawang linggo pa, Tay. Iyon po kase ang dating nila Tiya Adeng." Paliwanag nito.
Ang tinutukoy ng dalawa ay ang bagong panganak na pinsa ni Marita. Napag alaman niya kay Tatay Aldo ang balita.
Gusto sana niya itanong kung sino ang nag askiaso sa kanya kagabi ngunit minabuting huwag na. Tutal ay di na mahalaga pa iyon.
"Si Yana ba yang kasama mo, Nak? Siya ba ang papalit muna?" tinanaw nito ang taong tila abala parin sa mga bitbit.
Napabaling ulit ang tingin niya sa taong nasa unahan na nanatiling di lumalapit sa kanila.
"Opo, Tay."
"Aba, sige at mag ingat kayong dalawa."
"Opo." "Ingat din po kayo Tay…. Sir Ross.." lumayo na ito pabalik sa kasama.
Pina andar na niya ang sasakyan. Nang madaanan nila ang mga ito ay kumaway sa kanila ang dalaga ni Mang Aldo. Samantalang ang kasama nito ay nag angat lang ng saglit na tingin at tumango bilang pag galang sa kanila. Pero sapat para mabistahan niya ang mukha nito. Iyon ang mukha ng babaeng di sinasadyang nabangga niya sa pataniman ng gulay nang nakaraang araw. Maliit ang mukha ng babae.
Yana.
So, Yana pala ang pangalan niya. Nice name for a woman with a small face.
Nang tuluyang makalampas ang sasakyan sa mga ito ay nanatili ang mukha ng babae sa kanyang isipan.