Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Habang kami ay naglalakad papunta sa paaralan ay biglang umakbay sa akin si Lou

"Sanaol gwapo" sabi ni Lou sakin habang nakaakbay

"Saan? Sino?" tanong ko kay Lou

"Ikaw malamang!" sagot nya sakin

"Haha siempre ako pa, lahat naman tayo magbabarkada ay puro gwapo eh" sagot ko sa kanya

"Ganun ba? hahaha" sagot nya sakin

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang umabot na kami sa aming silid at dahil hindi pa nagsisimula ang first period ay nag usap muna kami magbabarkada.

"Ganto Garete! Dahil may kasalanan kang ginawa sa amin nuong nakaraang linggo ngayon mo tatanggapin ang parusa" sabi ni Abdul sakin

"Anong kasalanan? Bat di ko alam yan?" tanong ni Carl

"Alam mo Carl pag di mo alam ibig sabihin nun di ka namin kaibigan" sabi ni Abdul habang tumatawa

Napikon si Carl kaya di nalang sya nagsalita

"Ngayon, anong parusa ba ang matatanggap ni Garete?" tanong ni Abdul sa grupo

Nag iisip ng mabuti sina Lou at Godfrey pero wala silang maisip kaya ang ginawa nila ay hayaan nalang na si Abdul ang magbigay ng parusa

"Teka teka hayaan nyo muna akong magpaliwanag" sabi ko sa kanila

"May karapatan kang manahimik Garete" sabi ni Abdul

"Pero...."

"Walang pero pero! May naisip na ako" sabi ni Abdul na nakangiti

Ako'y kinakabahan dahil sa lahat ng aking mga kaibigan ay walang matino, iwan ko ba kung bat andito sila sa section na to.

"Garete ang parusa mo ayyyyy.... kailangan mong sabihin kay Sharie na gusto mo sya yun lang" sabi ni Abdul

Malakas ang pagkakasabi ni Abdul sakin kaya narinig din ito ni Sharie, napatingin si Sharie sa amin pero di namin napansin

"Anong yun na yun? Eh di ko nga lubusang kilala yung tao eh, ibang parusa nalang oh" sabi ko sa kanya na nagmamakaawa

"Okey ganto nalang, punta ka dun sa may teachers table sa harap tapos sigaw mo ANG GWAPO KO HO, tas dapat wag ka tumawa dapat seryuso" sabi ni Abdul sa akin na medyo malakas pa din ang boses

"Pwede bang..."

"Wala ng pwede pwede bang, oh baka mas gusto mong gawin yung una" sabi ni Abdul

"Okey fine, pero paano pag di ko ginawa?" tanong ko

"Wala ka ng kaibigan" sabi ni Abdul sakin

"Yun naman pala eh, simula ngayon gusto ko na ulit makipag kaibigan sa inyo" seryusong sabi ko sa kanila.

Dahil sa hindi ko sila maisahan dahan dahan akong pumunta sa harap, huminga ng malalim at napatingin kay Sharie tapos lalo akong nahiya dahil nakatingin din pala siya sa akin (at dahan dahan ng nahulog hindi ko namalayan🎶- JRoa) Kahit ako ay nahihiya tatanggapin ko pa din ang aking parusa sapagkat ang tunay na kaibigan ay basta kaibigan yun na yun, kaya kahit nahihiya ay sumigaw ako ng malakas "ANG GWAPO KO!!!"

napatingin silang lahat sa akin at agad akong bumalik sa aking upuan at tumayo ulit para pumunta sa harap dahil sabi ng mga kaibigan ko ay kulang daw ng "HO" at sumigaw ulit ako "ANG GWAPO KO HO" at yun sobrang nakakahiya. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na ang aming subject teacher. Chika chika lang naman ang pinagsasabi ng mga subject teacher hanggang hapon kasi first day of school palang naman.

Pagkatapos ng klase ay agad na akong umuwi dahil may gagawin pa ako sa bahay, baka mapagalitan na naman ako ni inay. Pagkalabas ko ng gate ay may tumawag sa akin boses ng babae.

"Garete!Hintay!" sigaw ng babae na medyo malayo ang boses

Agad ako lumingon pero hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin kasi andaming studyante kaya patuloy na lang ako sa paglalakad at lumipas ang ilang segundo ay may tumawag na naman sa akin na babae kaya lumingon ako ulit at huminto sa paglalakad.

"Garete! ha! ha! ha!"

"Oh Kate, bat parang hinihingal ka? Ayos kalang ba?" tanong ko kay Kate

"Ha! ha! ayos lang ako ha! ha! bat ka ba nag mamadali ha!ha!" sabi ni Kate sakin na pagod na pagod

"Hindi ka pa ba sanay sa akin? Mula elementary maaga talaga ako umuuwi ng bahay pagkatapos ng klase, sya nga pala? May kailangan ka ba sa akin?"

"Ha! ha! Ah eh wala lang ha! ha! Tara sabay na tayo umuwi" sabi nya sakin pagod na pagod

"Sinabi mo sana sa akin kanina nung nasa room palang tayo tuloy napagod ka pa kakahabol"

"Ikaw naman kasi, tingin ka ng tingin kay Sharie, nagmamadali ka pang lumabas ng silid" sabi ni Kate at nagpatuloy na kami sa paglalakad

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"Aysus, wag ako Garete, matagal na kitang kilala pero ngayon ko lang nakita na nag iba na ang kinikilos mo"

"Ano ba kinikilos ko? Guni guni mo lang yon" sagot ko sa kanya sabay tawa

"Talaga ba?" mausisang tanong nya sa akin

"Lahat ba ng magaganda ay tsismosa?" tanong ko sa kanya

"Hmmm... Siguro...hahaha" sagot nya sakin habang tumatawa

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa bahay

"Kate, hanggang dito lang ako salamat"

"Sge, bye bukas ulit?" sabi nya sakin sabay ngiti

"Sge bukas ulit, ingats"

"Ma! Andito na po ang anak nyong cute" sabay bukas ng pinto

"Anak lang pero di ka cute, magbihis ka na agad, madami ka pang gagawin"

"Mama naman eh, malabo na talaga mata mo Ma, need na talaga natin yan ipa check up"

"Sya nga pala Garete, kumusta naman ang unang araw ng pasukan?" tanong ni mama sa akin

"Ayos lang naman Ma"

"Mabuti naman, wag kang papadala sa mga tropa mo, aral lang ng mabuti para sa magandang kinabukasan"

"Oo naman Ma, ilang beses mo na yang inuulit sabihin sakin eh"

"Pinapaalala ko lang sayo na maraming mga bata ngayon ang hindi makapag aral dahil sa hirap ng buhay" sabi ni Mama sa akin iwan ko ba kung ano naman tong pinagsasabi ni Mama

"Opo Ma, nagpapasalamat nga ako dahil mayroon akong mabuting ina na sumosuporta sa akin sa aking pag aaral"

"Mabuti naman kung ganyan iniisip mo" sabi ni Inay

"Paano naman ako anak?" tanong ni Itay na biglang sumulpot

"Ay siempre, makakalimutan ko ba kayo itay?Sobrang swerte ko nga na magkaroon ng gwapo at poging tatay"

"Nagmana ka talaga sa akin anak" sabi ni Itay sa akin

"Nagmana nga sa kalokohan, hmp" sabi ni Inay

"Honey naman eh... Kailan ba ako nagloko?" tanong ni tatay kay inay

"Hmp, iwan ko sayo" sagot ni inay

Tumawa kaming dalawa ni itay habang naiinis naman si inay at dumating na nga si Bea galing skwelahan

Pagkatapos kong gawin lahat ng aking gawain sa bahay ay nagmadali akong mag selpon, binuksan ko kaagad ang aking messenger, nag chat si Kate sa akin

Messenger

-Ka chat si Kate

"Garete? May assignment ba?"

"Wala ata, unang araw palang kanina kaya normal lang na walang assignment"

"Baka meron"

"Wala nga kulit mo naman eh"

"Baka nga meron"

"Kulit mo, bahala ka nga dyan"

"Haha naiinis ka na ba sa akin?"

"Malamang, ang kulit mo eh"

"Paano ba para di ka mainis?"

"Wag kang makulit, ganun lang ka simple"

"Sorry na🥺"

"Bat ka nag sosorry?"

"Sabi mo makulit ako eh"

"Wag ka mag sorry, wala ka naman ginawang masama"

"So hindi ako makulit?"

"Wag mo muna ako kausapin nanggigil na talaga ako sayo"

"Haha nainis sge baka bukas di kana galit"

Pagkatapos ay binuksan ko ang aking facebook app tapos nakita ko na may dalawang nag send sa akin ng friend request pagka tingin ko ay una kong nakita si Sharie at agad ko itong kinomfirm at nag add din pala sa akin ang bago kong kaibigan na si Katsu kaya kinomfirm ko din ito. Na curious ako kay Sharie kaya agad ko itong inistalk kaso nadismaya ako kasi wala sya masyadong pic sa photos, pusa pa ang profile picture hayst pagod na pagod ako kaya naisip ko na mas mabuting matulog nalang ako kesa sa mag isip ng kung ano ano.