Chapter 3 - PROLOGUE

Someone's POV

Habang naglalakad ang mag asawang celester at ang kanilang dalawang anak-anakan sa kakahuyan upang puntahan at bisitahin ang Puno ng buhay na matatagpuan sa Kaharian ng mga Fairies.

May natagpuan silang isang sanggol na umiiyak sa may gitna nang parang natipak na itlog ngunit ito'y isang bato. Nakita nila ito sa may tabi ng Puno ng buhay na umiiyak, naawa naman ang dalawang mag asawa pati narin ang dalawa nitong anak- anakan.

"Ohhhhh!!! diba mahal ito yung rason kung bakit tayo madalas pumupunta dito sa puno ng buhay upang ipagdasal na sana magkaanak tayo, ayan na binigay na sa tin ng kataas taasang bathala sa lahat."ang sabi ni thomas na asawa nang nagngangalang minerva.

"O-oo ng-nga thomas salamat sa in-yo kataas kataasang bathala, narinig niyo ang aming pana-panalangin."ang pagpapasalamat ni Minerva habang umiiyak ito sa tuwa dahil natupad na rin ang kaniyang pangarap na magkaanak kahit napulot lang niya ito. Mamahalin at gagawin niya itong tunay na anak at ipaparamdam ang tunay na pagmamahal na dapat maramdaman ng sanggol na ito sa isang ina.

Ngunit may kakaiba ibang napansin ang dalawang mag asawa sa batang sanggol nahawak hawak nila.

"Mahal may kakaiba sa batang ito, wala siyang pusod, anong klaseng nilalang ang sanggol na ito" gulat na tanong ni thomas na ikinagulat din ni minerva

"Oo nga no!! anong klaseng nilalang ito, kailangan natin ipaalam ito sa sinaunang reyna ng mga Fairies"tugon ni minerva habang sinusuri niya ang katawan ng sanggol.

"Sandali lamang mahal ano pala ang ipapangalan natin sa batang ito,ahmmmm mas maganda kung si pusod nalang" ang mungkahi ni thomas habang tumatawa ito ng pasikreto.

"Gago ka ba nilalait mo ba yung bata, sa lahat ng pangalan na naisip mo Pusod pa talaga"pagrereklamo nito kay thomas habang ang dalawa niyang anak anakan ay tuwang tuwa na hawakan ang kamay ng sanggol"ahhhmm light celester nalang ang pangalan niya, diba nakita naman natin kung gaano kaputi tong bata na to natalbugan pa ata  ng sanggol na ito ang kaputian ng mga hari at reyna" dagdag nito na ikinasang-ayon naman ng kanyang asawa at ng dalawa niyang anak-anakan.

Habang tinatakpan ng dalawang mag asawa ang katawan ng batang sanggol gamit ang kanilang ektrang tela. may tila isang tunog ng yapak ng isang paa ang kanilang narinig na ikina alerto naman ng dalawang mag asawa at ng kanilang anak anakan.

"Sino yan ??magpakita ka!!" sigaw ni thomas habang hawak hawak nito ang kaniyang malapilak na espada. Hanggang sa bumungad sa kanilang harapan ang isang fairy na pamilyar ang mukha nito.

"Hoyyyy!! Ang Oa niyo wala parin talaga kayong pinagbago hahahaha" panggugulat ng fairy na ikinagulat naman ng apat.

" Hoy bruha ka!! Ikaw pala yan beshie akala ko kung sino na" saad ni minerva habang hawak hawak niya ang sanggol.

"Wala ng oras upang magchikahan pa gaga ka, and by the way kaninong bata yan wag mong sabihin na nangdudukot ka na ng bata para gumawa ng bahay ampunan naku nakuuu wag mo nayang ipursue, beauty ang isasakripisyo mo!!."sambit ng fairy na ikanatawa ng apat

" Gusto mo kaltusan kita ha!!, natagpuan ko lang to dito kawawa naman kasi parang iniwan lang dito ng kung sino sino and waittttt!!! Anong pinagsasabi mo na wala ng oras, 7am ng gabi palang naman hahhh!,bakit may masquerade party ba or something sa palasyo ngayon kaya ka ganyan???" Nagtatakang tanong nito sa fairy na bestie niya noon pa.

" Hindi yun gaga ka, buti natagpuan kita dito hinahanap kita kanina pa. Hindi mo ba nabalitaan na ang lahat ng royal maid sa palasyo ay papatawan ng parusang kamatayan. Isa kana dun diba royal maid ka din. Ang rason daw kung bakit pinatawan ng parusang kamatayan ang mga kagaya niyong maid it's because nga yung gown na paburito ng reyna ng Agarthi nasira daw tapos kayo ang napagbintangan, kailangan niyo nang tumakas ngayon habang may oras pa kasi walang sinasanto ang reyna nayun." Pagsasalaysay at pag aalala ng fairy na ikinagulat ng apat.

"Grabe talaga ang bruhang reyna na iyon walang pinagbago spoiled parin hanggang ngayon. ito ohhhh potion yan para sa inyo magagamit niyo yan para tumakas, mapapalitan nang potion na yan ang mga wangis niyo ang potion na yan ang magdidikta kung anong itsura niyo ok and by the way my isa pa ito ohhhh!! Kunin niyo rin to isa rin tong potion magagamit niyo yan kung sakaling mahuli kayo and mawalan ng bisa yang unang binigay ko sainyo magagamit niyo yan kasi teleportation potion yan." Mahabang pagpapaliwanag ng fairy.

" Salamat hahhhh!! Salamat dahil kahit papaano kahit may sarili na tayong mga pamilya tinutulungan mo parin ako. "Pagpapasalamat ni minerva na ikinaiyak naman ng fairy bestie niya.

"Oo naman! sino ba naman ang magtutulungan ehhh tayo tayo lang naman" tugon ng fairy habang tumutulo ang mga butil ng luha na kanina pa niya gustong ilabas

"Ohhh sige na wag na magdrama hindi naman tayo artista para mag drama" dagdag nito

Ginamit na ng apat ang potion na ibinigay ng fairy kung kaya't nabago nito ang kanilang wangis.

"Ikaw gaga ka bat naging pangit ako" pagrereklamo ni minerva na ikinatawa ng fairy

" Wag kanang mag alala minerva ano kaba buti nga tinulungan na kita and pansalamantala lang naman yan ahhhh wag kang Oa babalik naman yan sa tunay mong wangis" sabi ng fairy habang ito'y tumatawa ng patago.

"Ohhh sige na bilisan niyo na kailangan na natin pumunta sa estasyon ng train para makarating na tayo agad sa siyudad ng biringan kasi yun nalang ang huling lagusan na bukas papunta sa mundo ng mga tao para makatakas na kayo" sambit ng fairy at nag simula nang lumakad ang mag asawa at dalawa nitong anak anakan.

Fast forward...

"Mag ingat kayo hahh! hindi muna ako aalis dito hihintayin ko muna kayo na makalabas ng lagusan baka kasi may anti potion yang portal na yan " saad ng fairy habang hawak nito ang kamay ni minerva.

"Bye beshie hanggang sa muli" pamamaalam ni minerva na ikina kaway naman ng fairy.

Habang pumipila si minerva kasama ang tatlo at nang sanggol narin mismo. Hindi mapakali si thomas namumuo na rin ang mga butil ng pawis nito sa mukha.

"Thomas bat ka ba pinapawisan para kang sumali ng marathon ahhh baka isang balde nayan" nagtatakang tanong ni minerva na ikinatigtig naman ni thomas sa mga mata ni minerva.

"Ahhmmm minerva may pangitain ako minerva masama ito ehhh may mag sasakripisyo para makatakas tayo nakakakonsenya kung sino man yun sana wag na niyang ituloy" pag aalalang tugon nito kay minerva.

" Wag kana mag alala vision lang naman yan hindi sa lahat ng pagkakataon nagkakatotoo yan"pagpapagaan ng loob ni minerva sa asawa hanggang sa nakarating na sila sa harapan ng portal, hinalungkat lahat ng mga guwardiaya ang gamit nila at wala naman itong napansin kung hindi ang mga gamit at natitirang ipon na ginto ng mag asawa kaya naman pinadaan na ang mag asawang celester at tatlong bata na kasama nila.

Unang tapak palang nila sa portal ay parang feeling nila ay nag babago ang kanilang pisikal na anyo.

"Minerva takbo gamitin niyo yung potion of teleportation para makaalis na kayo" sigaw na sabi ng fairy at inilabas ng fairy ang kanyang espada at nakipaglaban sa mga guwardiya upang makatakas ang mag asawa ngunit ilang segundo pa lamang ang pag tutuos ng fairy at ng mga guwardiya ay nasasak sa tagiliran ang fairy na ikinasigaw naman ni minerva.

"Waaaggggggg!!!" Sigaw ni minerva habang umiiyak

" Bili-bilisan niyo na umalis na ka-kayo" pasigaw na sabi ng fairy habang namimilipit ito sa sakit. Ginawa naman ng mag asawa ang lahat ginamit nila ang potion at tumakas at nag pakalayo layo na at tumira ng payapa sa mundo ng mga tao.

Abangan...