Chereads / The Mafia Queen (Fil) / Chapter 8 - Fear

Chapter 8 - Fear

Zans.

Grabe talaga yung naabot ko kay Athena kanina. Tsk! Masyado bang big deal sa kanya yung first kiss? Oh well, no doubt, gano'n naman talaga ang mga babae e. Napahawak ako sa ilong ko na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sa pagkakasuntok ng babaeng yon. Bigla ko namang naalala ang punot-dulo ng lahat kung bakit ako nandidito ngayon.

"Mom, I don't want to transfer!" Sabi ko sa nanay kong makulit. Ang ayaw ko sa lahat ay yung palipat-lipat. You know, it's hard to cope to new environment. Just that.

"You'll transfer in Pristine International Academy. Sa ayaw at sa gusto mo, lilipat ka sa school na 'yon. I'm your mother Zans, you must follow me." She said with a hint of menace on her voice. Ugh! This is really a torture.

"But mom--" She didn't let me finish my words and immediately said..

"No Buts Zans! Why? Aalalahanin mo na naman ba yang mga gangmates mo? That's insane! You're worried about them but how 'bout your situation? Mas maganda na yung malayo ka muna sa mga masamang impluwensya."

Wala na kong ibang nagawa sa desisyon ni mama. She's stubborn. Yeah, sa kaniya ata ako nagmana ng katigasan ng ulo.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng uniform. After no'n ay pumunta na ako sa baba at nagpaalam kay mama.

"Alis na po ako."

Nilingon naman ako ni mama at tinignan ako ng seryoso. Okay, I know she's up to something.

"By the way, just to remind you, don't you dare ditch your class or else I'll cut your allowance and you'll be grounded for one month."

Tumango nalang ako sa sinabi ni mom at lumabas na ako sa bahay. Pumunta na ako sa garahe at pumasok sa blue Jaguar ko. Hah! Hindi alam ng nanay ko na ginamit ko 'tong kotse ko at hindi ako sumabay sa driver ko. Kaunting ingat lang dahil baka mamaya may mga traffic inforcer. Wala pa man din akong lisensya.

Nang makarating na ako sa school ay agad akong tumakbo papunta sa Principal's Office para ipasa yung forms na hinihingi nila sa 'kin.

Takbo lang ako ng takbo nang bigla akong nakabangga ng isang babae.

"Ouch!" Dinig kong daing ng babaeng nabangga ko. Nagkalat pa tuloy yung gamit niya sa sahig. Pero, sorry hindi ko siya matutulungan dahil nagmamadali na talaga ako.

"Sorry miss. I'm really, really sorry. I have to go, nagmamadali kasi ako."

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay dumiretso na ako sa Principal's office. Fuck! Tagaktak yung pawis ko. Kinapa ko yung panyo ko sa bulsa ko kaso wala akong makapa. Takte! Mukhang nalaglag pa yung panyo ko. What a bad day.

"Finally, you came Mr. Dy. Where's your form?" Tanong sa 'kin ng principal.

"Here." Sabi ko sabay abot ng brown envelope na hawak ko. Agad naman niya itong kinuha at tinignan yung nasa loob nun.

"You may go now to your room Mr. Dy. Room 72-C, third floor. Mukhang hingal na hingal ka, you may use the elevator."

"Thanks." Pagkasabi ko niyan ay umalis na ako doon at pumunta sa may elevator.

Pagkabukas ng elevator ay pumasok na ako, sakto naman na may pasok ding isang teacher.

"Ikaw yung transferee, 'di ba?"

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot. I'm sorry, hindi kasi ako yung tipo ng tao na madaldal.

"Anong room mo, iho?"

"Room 72-C."

"Ako ang teacher niyo ngayon. P.E. subject ang hawak ko kaya sabay nalang tayo."

Malamang! Iisa lang naman ang room na pupuntahan namin. Tss.

Lumabas na kami ng elevator at naglakad pa ng kaunti bago kami makarating sa room na pupuntahan namin...

At 'yon ang dahilan kung bakit ako nandito sa Pristine International Academy.

Kailangan ko ng tapusin ang inutos sa 'kin ni la eme Ricko. I need to kill Athena.

Athena.

Ugh! Fucking shit. Damn that Zans. He stole my first kiss, how could he? He's a jerk!

Pagkatapos ng nangyari doon sa MA studio ay agad na akong nagpunta sa locker room at kinuha ko na yung uniform ko at dumiretso na ako sa CR para magbihis. After kong magbihis ay akmang lalabas na ako nang may marinig akong nag-uusap, and worst, ako pa yung pinag-uusapan nila!

"Grabe! Ang galing palang makipaglaban ni Athena."

"Oo nga, bagay sila ni Zans."

"Kyaaah! Yeah right, kiniss-an pa siya. Ang swerte niya kaya."

Psh. Napa-irap nalang ako at lumabas na ako ng cubicle at dinaanan ko nalang yung dalawang babaeng nag-uusap na para bang wala lang akong narinig. Tss. Parang mas big deal pa sa kanila yung nangyari sa 'min kanina ah.

Umakyat na agad ako sa room ko at sakto naman na nadatnan ko yung mga kaklase ko na nililigpit na nila yung mga kalat sa room.

"Teka, masyado pa namang maaga para maglinis ah?" Tanong ko sa isa kong classmate na nagwawalis.

"Ah, uwian na kasi natin Athena. Hindi daw kasi makaka-attend satin si Mrs. Lim. Kaya it's better for us to go home na daw."

Napatango nalang ako sa sinabi ng kaklase ko.

Geez. Hindi pa pala ako makakauwi kasi hihintayin ko pa yung labasan nila Thamia. I look at my wrist watch. Putcha! 1:30 palang? So it means, mahigit isang oras pa akong tatanga dito sa room?

Makalipas ang ilang minuto ay ako nalang mag-isa dito sa room. Silence is starting to kill me now.

Tumayo na ako sa pagkakaupo. Makapunta nga muna sa garden. Palabas na sana ako sa room nang may magsalita mula sa likod ko.

"Uuwi ka na?"

Nilingon ko kung sinumang ipis ang nagsalita. Psh! Si Zans.

"Ano naman sayo kung uuwi na ako?"

Tatapak palang sana ako palabas ng pinto nang magsalita siya na naging dahilan ng pagkahinto ko.

"'Di ba sabi mo kapag nagkita ulit tayo ay maghanda na ako ng mga isasagot sa mga tanong mo? Ano ba kasi yang mga katanungan na gumugulo sa isip mo?"

Hinarap ko naman siya saka tinaasan ng isang kilay.

"Ano ba kasing motibo niyo sa 'kin?" Diretsong tanong ko.

"Your life." May diin na sabi niya.

"Bakit nga buhay ko pa? Marami namang tao sa mundo ah!" Ngumisi naman siya saka nagsalita.

"Isa ka kasing malaking sagabal sa boss namin."

Hindi na ako nakapagpigil pa at lumapit ako sa kaniya at hinablot ko yung collar ng uniform niya.

"Fuck your stupid boss! Who the hell is your boss huh?!"

"Well, it's too confidential."

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa sinabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na bigyan siya ng isang malakas na suntok sa tiyan.

"ANSWER MY QUESTION! WHO IS YOUR BOSS?! DAMN YOU!"

Kumukulo ang dugo ko dito. Mas lalo naman nag-init ang ulo ko nang ngitian niya lang ako. Shit this man in front of me!

"Tsk. Hindi mo nga siya pwedeng makilala."

And with that, I gave him another full-forced punch on his jaw line.

"ANG AYOKO SA LAHAT AY YUNG PINAGMUMUKHA AKONG TANGA! YOU STUPID SHITTY JERK!!!"

"You really want to know huh? I need to finish your life first!"

Pagkasabi niya noon ay may hinugot siya sa kaniyang tagiliran.

Isang baril. Geez. Don't tell me—

Napaatras nalang ako at napapikit nang mariin. Mayamaya pa ay narinig ko na ang malakas na pagputok ng baril. Sa lahat ng armas, baril ang pinaka-kinatatakutan ko. I have a trauma when it comes to guns. Pero, kapag ako mismo ang gumagamit ay hindi ako natatakot.

Wait, am I still alive? Nagsasalita pa ako sa isip ko. So, ibig sabihin noon ay buhay pa ako?

I slowly open my eyes. Nabungaran ko sa harapan ko si Thamia na nakatayo. Huh? Wala na si Zans?

"T..thamia?"

Agad akong niyakap ni Thamia. Hangga't sa naramdaman ko yung paghikbi niya.

"Natatakot ako para sa 'yo Athena. Nang papalapit na ako dito sa room mo ay sumilip ako sa backdoor at nakita ko na tinutukan ka ni Zans ng baril pero, ang pinagtataka ko ay bigla nalang siyang napasabunot sa sarili niyang buhok tapos umalis nalang sa room na 'to."

Isang malaking question mark ang bumalot sa isipan ko nang sabihin 'yan ni Thamia sa 'kin. Kinalas ko siya mula sa pagkakayakap sa 'kin at tumingin sa likuran ko, sa gilid ng white board tumama ang bala.

Sound proof ang bawat classrooms dito kaya hindi ka makakarinig ng kahit anong tunog na nanggagaling dito sa loob kapag rnasa labas ka.

Should I thank him? But nah. My life is still in danger and I am not yet considered as safe as long as he's just around me.

Bakit? Bakit hindi mo ako nagawang patayin?