A/N: Hi this is the new story of mine,"search".
Lagi kayong mag-iingat, God bless us allđź’›
ENJOY READING!!!
+-----
ANG TAHIMIK na silid ay napuno ng malakas na sigaw ni Leander. Ang binata ay binangungot na naman. Wala namang bago ngunit ito'y nakaka dala padin. Ilang taon na ang nakakaraan ngunit wala pading pinagbago ang panaginip ng binata.
That fucking accident keeps on playing in his mind every night. He can't sleep in peace, he always catch his breathe everytime he wakes up. He's going to be insane.
Kunti na lang at ipapasok niya na ang sarili sa mental hospital.
Wala sa sarili siyang tumayo at lumabas ng bahay. Hating gabi pa lamang ngunit wala siyang pakealam kailangan niyang maka langhap ng sariwang hangin. Siya'y kasalukuyang nasa liblib na lugar sa japan. Malayo sa kabihasnan ang bahay niya doon. Mas gusto niya ng katahimikan kesa sa kasiyahan.
Sa kaniyang paglalakad ay tanging huni ng mga ibon ang kaniyang nadirinig. Gayon din ang mga tunog ng tuyong dahong kaniyang naaapakan.
Wala sa sariling nahiga siya sa damuhan at tumitig sa kalangitan. Ganito ang kalimitan niyang gawin tuwing siya ay binabangungot. Minsan nama'y naliligo siya sa malapit na ilog.
Mariin siyang pumikit at napa tagis ng bagang. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakukuha ang hustisyang kaniyang ninanais. Ang daliri niya'y nangangati ng kumalabit ng gatilyo mga kamao niya'y nasasabik ng manuntok ng mga matitigas na ulo.
Ang katahimikang kaniyang tinatamasa ay nabulahaw ng biglang tumunog ang kaniyang teleponong nasa loob ng bulsa ng kaniyang shorts. Dagli niya itong kinuha at sinagot.
"What?" Walang gana niyang tanong sa taong nasa kabilang linya.
"Where's the energy man?" Bulahaw ng nasa kabilang linya. Dahilan para mailayo niya ang telepono sa kaniyang tainga.
Napa ikot na lamang siya ng kaniyang mga mata ng mabosesan ang taong nasa kabilang linya.
"Ano na namang kailangan mo Dusân?" Walang gana niyang tanong dito.
"Uwi kana erp, may antik shop na binuksan dito sa may kanto ng village madaming magaganda may mga painting din baka kako interesado ka kaya kita tinawagan. Actually alam ko naman na interesado ka,ikaw pa ba? So ano pang inaantay mo? Umuwi kana first come first serve dito ulol. Bye." Ani nito at binabaan siya ng tawag.
Sa totoo lang ay wala siyang pakealam. Ngunit ng sinambit na nito ang salitang antik ay automatikong gumana ang kaniyang katawan at agad na tumayo.
He's obsessed with antique. He loves collecting it. Actually pati ang bahay niya sa pilipinas ay isang antique. Ang bahay na iyon ay minana niya pa sa kaniyang lolo sa katuhod tuhoran. He's the last ancestor of the family. Nag-iisang anak lamang siya ng kaniyang mga magulang. At sa kasamaang palad ay namatay ang mga ito ng dahil sa isang trahedya.
Pagka balik niya sa bahay na kaniyang tinutuloyan ay agad siyang nag bihis at nagtungo sa isang malawak na lupain sa likod ng kaniyang bahay na kung saan matatagpuan si lion ang kaniyang munting helicopter.
And yeah, he can fly.
AFTER FOUR HOURS and fourteen minutes he finally lands in the Philippines at sa mismong bubong siya ni Dusân lumanding. Tutal ito naman ay nagpa-uwi sa kaniya.
Pagkababang pagkababa niya kay Lion ay agad na sumalubong sa kaniya ang nakaka iritang mukha ng kaibigan.
"Leander erp! How's your flight? At talagang dito ka pa sa bubong ko pumarada" putak nito na siyang hindi niya na lamang pinansin.
This guy is so noisy and his nagger too. Daig pa ang babae.
Nilampasan niya lamang ito at walang pasubaling pumasok sa guest room ng bahay ni Dusân.
"I'm gonna take a nap,don't disturb me fuckard" aniya sa kaibigan at pumikit.
NAIILING NA TININGNAN ni Dusân ang kaibigan. Ang kapal naman ng mukha nitong gawing airport ang bubong ng bahay niya at ang kapal din ng mukha nitong matulog sa guest room ng bahay niya na wala man lang pasintabi.
"Kasalanan mo din naman" ani ng isang tinig sa kaniyang ulo at iyon ay ang kaniyang konsensya.
"Oo na kasalanan ko na!" Sagot niya sa sarili at marahang isinara ang pinto ng kwarto ng guest room na tinutuloyan ni Leander.
NAAALIBADBARANG napa bangon si Leander mula sa pagkaka higa sino ba naman ang hindi kung pinatayan ka ng aircon. Pawis na pawis siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang taong salarin.
"Ano na namang trip mo sa buhay Dusân? Kita mong natutulog ang tao papatayan mo ng aircon" reklamo niya kay Dusân na kasalukuyang kumakain ng halo-halo.
Hapon na pala hindi man lang niya namalayan ang oras.
"Erp nag titipid ako kaya pasensya ka na lang" ani nito at patuloy na kumakain na siyang ikina-kunot ng kaniyang noo.
"Bakit ka naman nag titipid? isa kang business tycoon,remember?" Aniya sa kaibigan at inagaw ang halo-halong kinakain nito.
Sumubo siya ng isa hanggang ito'y nasundan pa hanggang sa hindi niya na lamang namalayan na naubos niya na pala.
"Wow ah,naki tulog na na nga tapos inubos mo pa halo-halo ko!" Ungot ni Dusân habang naka kruss ang mga braso na ani mo'y isang batang inapi.
Inismiran niya na lamang ang kaibigan at napa sandal sa island counter ng kusina.
"Nasaan na pala ang Antique shop na tinutukoy mo?" Aniya dito.
Iyon lang naman talaga ang pakay niya sa totoo lang.
"Doon lang sa gilid nitong Penrith Village, binuksan nila Aling Bebang antique shop nila. Tiningnan ko kanina ang mga items,magaganda naman lahat paniguradong magugustohan mo" buong pagmamalaking ani ng kaniyang kaibigan na siya ding kaniyang pinagka tiwalaan.
Alam na alam ni Dusân ang taste niya pag dating sa mga antiwue na bagay.
Agad siyang tumayo ng tuwid at nagsimula ng maglakad papalabas ng bahay ni Dusân.
"Huwag kang kukupad kupad,aalis pa ako" aniya sa kaibigan kaya dagli itong tumayo at hinabol siya.
"Wait lang naman erp ni hindi pa nga ako nakakapag bihis oh!" Ungot ni Dusân na nasa kaniyang tabi.
Binalingan niya ito ng tingin at kaniyang nakita ang kaibigang tanging boxer lamang ang suot.
"So?" Walang gana niyang ani at patuloy pa din sa paglalakad at hindi alintana sa kaniya na may kasama siyang siraulo.
Pagka rating nila sa Antique shop ni Aling Bebang ay agad na nahagip ng mga mata niya ang isang napaka gandang makalumpang painting.
Isa iyong babae, maikli ang kulay puti nitong buhok habang may mga dahon at bulaklak na naka disenyo sa gilid nito.
Agad niya itong nilapitan,kinuha at pinag masdan ng maigi. Hindi niya maalis ang kaniyang mga mata sa magandang imahe ng babae. Kung tao lamang ito'y masasabing na love at first sight siya. But yeah, indeed. It's love a first sight.
Agad niyang binalingan si Aling Bebang habang hawak hawak ang antique painting na nasa kanang kamay niya.
"How much?" Aniya dito.
Gumuhit sa mga mata nito ang pagka bigla ng makita ang antique painting na hawak niya.
"S-sigurado kang iyan ang gusto mo Sir? May iba pa kaming painting doon" ani ni Aling Bebang na siyang ikina kunot ng kaniyang noo kaya agad niyang binalingan si Dusân na nasa tabi nito.
"Naku Aling Bebang hindi mo na mababago ang isip ng isang iyan,e bakit ba kasi dinisplay niyo pa iyan kung ayaw niyo naman palang ipag bili? Kung ako sayo Aling Bebang presyohan niyo na,kahit gaano pa iyan kamahal bibilhin at bibilhin iyan ng kaibigan ko" mahabang lintaya ni Dusân kay Aling Bebang.
Puno ng kabang binalingan siya ng tingin ni Aling Bebang at sinabing.
"Sampung daang libo iyang antique painting ni Sylvaine" ani nito.
Inabot niya dito ang bayad at muling tinitigan ang magandang painting.
"Sylvaine, kay gandang pangalan" ani niya habang marahang hinahaplos ang larawan ng babae.
"Erp para kang tanga" ani ni Dusân na siyang hindi niya na lamang binigyan ng pansin.
Sylvaine what a lovely name...
+-----
A/N: Chapter one ended here!
So how's Search? Sa palagay nyo anong meron sa painting?
Please leave a vote and comment