Chereads / SEARCH / Chapter 8 - Chapter 5

Chapter 8 - Chapter 5

A/N: At ako'y muling nagbabalik at nag hahatid ng magandang balita.

HINDI KANA TATANGKAD PA. MABUHAY!

ENJOY READING!!!

+-----

TAHIMIK NA pinagmamasdan ni Sylvaine ang binatang nagliligpit ng mga gamit na kanilang kinalat. Naka upo siya ngayon sa gitna ng isang mamahaling mesang babasagin kasama ang kaniyang mga munting muning na sila Buwan at Araw.

Pansin niya ang nga panaka nakang pagtingin nito sa kaniya na siyang kaniyang ikina-ilang. Hindi siya sana'y na pinagmamasdan, doon kasi sa Isla ng Taewe ay ipinag babawal iyon dahil siya raw ay isang banal at anak ng araw.

Ngunit hindi niya lubos na mawari kung bakit niya nagugustohan ang mga ginagawa nitong pagtingin. Ang binata ay nagtataglay ng makisig na pangangatawan, meron itong kulay asul na mga mata at napaka tangkad din nito sobra.

Sa tingin niya'y hanggang bewang lamang siya ng binata. Hindi naman kasi siya ganon katangkad, ngunit masasbi niyang siya'y may natatanging ganda.

Nakita niya ang bahay na ito noong hinahabol niya sila araw at buwan. Ang bahay na ito'y ibang iba sa bahay na kaniyang kinagisnan. Madami ding bulaklak sa kanilang dinaraanan, malayo ang bahay na ito sa kabihasnan at malapit sa kakahoyan.

Kaya naman kanina pagka pasok niya'y hindi niya mapigilang mapamangha at pakealaman ang mga nandoon. Gayon din ang kaniyang dalawang munting kuting.

Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng binata at hindi naman siya nagka mali ng bumaling ito sa kaniya.

"Ano iyon?" Tanong nito sa malumanay na tinig habang taimtim na naka titig sa kaniya.

"Nano an imo ngaran?" Anong pangalan mo? Aniya sa binata.

Kumunot naman ang noo nito na siyang tanda na hindi siya nito naintindihan.

Napakagat siya ng ibabang labi at dinuro sarili."Ako Sylvaine" aniya saka naman dinuro ang binata. "Ikaw?" Tanong niya dito.

Pansin niya ang pagpipigil nito ng ngiti na ani mo'y manghang mangha sa kaniyang sinabi.

"Ako si Leander" ani nito at masuyo siyang nginitian na siya ding kaniyanh ikina-ngiti.

Napaka aliwalas ng mukha ng binata, at mayroon din itong taglay na napaka gandang ngiti mayroon din itong dalawang biloy sa magkabilaang pisngi.

Ilang buwan na din magmula ng kuhanin sila ng DSWD sa Isla ng Taewe,ngunit hindi niya maatim na naka kulong sya doon kaya gumawa siya ng paraan at sinama niya ang kaniyang mga munting muning. Kung saan saan din sila napadpad at nagpa lipas ng gabi. Kung ano ano din ang kinakain nila kagaya na lamang ng mga napupulot nila sa kalye.

Hindi siya gaanong lumalabas pag umaga dahil nasasaktan ang balat niya. Hindi din siya lumalabas ng walang balabal dahil sa Isla nila'y pinagkaka gulohan siya. Sa gabi siya madalas na lumabas, nag mumuni muni at tumitingin sa kalangitan.

Siya lang ang natatangi sa lahat ng mga taong nasa Isla Taewe. Siya lang ay may nabubukod tanging kulay puting buhok at kulay abong mga mata kaya nga siya itinuturing na Diyosa.

Kanina habang pinupunasan ng binata ang kaniyang mukha ay napaka bilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi siya maka hinga ng maayos at napaka bango nito.

Tahimik niyang pinagmamasdang ang likod ng binatang abala sa pagluluto. Kanina'y umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay nito at kumuha siya ng libro. Ayon sa naka sulat sa pabalat nito isa itong diksyonaryo.

Mabuti na lamang at tinuroan silang magbasa ng isang lalaking minsan ng naligaw sa Isla nila. Ang pangalan ng lalaking iyon ay Jethro. Naging maging matalik na magkaibigam sila at isinalaysay niya dito ang kanilang pamumuhay. Ayon kay Jethro ang trabaho nito ay isang manunulat na siyang kaniyang ikina-mangha. Doon kasi sa Isla Taewe amg tanging trabaho lamang ay mangingisda at may bahay.

Habang inaantay na matapos sa pagluluto ang binata ay sinimulan niya na ang pagbabasa. Naka lagay sa unang pahina ang linggwaheng kaniyang naiintindihan at kasunod naman nito ay ang wikang sinasalita ng binata.

Bisaya-Tagalog Dictionary

B: "Nano an imo ngaran?"

T: "Anong pangalan mo?"

B: "an ngaran ko ay..."

T: "ang pangalan ko ay..."

B: "nano na an imo edad?"

T: "ilang taon kana?"

Iyan ang laman ng diksyonaryong kaniyang hawak,mabilis niya itong naiintindihan sapagkat may naka lagay dito kung paano ito bigkasin mayroon ding mga halimbawa na siyang mas nakaka tulong talaga sa kagaya niyang bagohan.

Bumaba siya sa mesa at nag tungo sa tabi ng binata. Kinuha niya ang bagay na kanina lamang ay sinisira ng kaniyang mga munting muning. Inagat niya ito at siya'y bahagyang napa nganga ng makitang ang babaeng nasa larawan ay kamukhang kamukha niya.

Kinalabit niya ang binata dahilan para mapabaling ito ng tingin sa kaniya. Inagat niya ang hawak na larawan at itinapat sa kaniyang mukha.

"A-ako." Aniya habang naka ngiti na siyang ikina ngiti na din ni Leander.

"SYLVAINE LOOKS so adorable" aniya sa kaniyang isip.

Kanina niya pa pinipigilan ang sariling dambahin ang dalaga at yakapin ng mahigpit. Dahil paniguradong magugulat ito pag ginawa niya iyon. At paniguradong lalayoan siya nito't mapagkakamalang may sira sa ulo.

Pinagmamasdan niya lamang ang dalaga. Masayang masaya ito habang hawak ang duplicate ng antique painting na binili niya. Mabuti na lamang talaga at isa siyang wise man.

Lumapit siya sa dalaga at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumatakip sa maamo nitong mukha.

"There, much better" aniya at hinaplos ng marahan ang namumula nitong pisngi.

Nag-iwas ito ng tingin na siyang kaniyang lihim na ikina-ngisi. Mukhang may talab dito ang taglay niyang kakisigan. Muli na lamang siyang bumalik sa kaniyang ginagawa at muling pumasok sa kaniyang isipan ang napanood niya noong nakaraan.

Ito ay ang mga taong may sakit na tinatawag na,Albinism.

Ano nga ba ang Albinism? Ayon sa kaniyang nakalap na datos ang

Albinism, daw ay isang condition some people and animals are born with. This condition is caused by a lack of pigment (colour) in their hair,eye,and skin"

Kaya si Sylvaine ay masasabi niyang isa sa mga taong may sakit na Albinism na mas kilala sa tawag na "anak araw" ng mga bisaya.

Pagka tapos niyang magluto ay agad siyang nag hain. Naglagay siya sa dalawang pinggan para sa kanilang dalawa ni Sylvaine. Iginaya niya ang babae papaupo sa silya at inalalayan niya din ito habang kumakain habang may hawak na kutsara't tinidor.

Maingat na maingat siya habang inaalalayan ang dalaga kasi baka bigla na lamang siyang sakmalin ng dalawang Lion nitong kasama.

Pagkatapos kumain ay nilinisan niya ang dalaga, at parang wala din namnn itong malisya nang tinanong niya ito kung maari ba niya itong linisan ay agaran itong tumango. Ayon dito,sa Isla Taewe at pinapaliguan siya ng mga mamayan doon mapa babae man at lalaki.

Hindi niya lubos matanggap na may iba ng naka kita sa katawan nito ngunit ano ba ang kaniyang magagawa? Sa ganoong uri ito ng pamumuhay namulat. Pagka tapos niya itong nilinisan ay iginaya niya ito pati ang dalawang maliit na Lion sa loob ng isang guestroom.

Pagka rating niya ng kaniyang silid ay agad niyang pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Kanina'y pigil na pigil niya ang sariling dakmain ang naka tayong dibdib ng dalaga. Muntik na niyang palakpakan ang sarili ng mag wagi siya.

Hindi birong libido control din ng ginawa niya.

Kinuha niya ang kaniyang telepono ay nag tungo sa notes. Binuksan niya ito at gumawa ng talaan ng nilalaman.

Sylvaine's

•teach her to speak in tagalog

•teach her how to eat with spoon and fork

•basic manners and Etiquette

Pagka tapos niyang mag sulat ay agad siyang nahiga at pumikit. Madaming nangyari sa araw na ito kailangan niya ng magpahinga.

+------

A/N: Edi sanaol kagaya ni Leander sarap ding mag trespass paminsan minsan e noh?

Please leave a vote and comment.