Chereads / SEARCH / Chapter 6 - Chapter 3

Chapter 6 - Chapter 3

A/N: At ako'y muling nagbabalik at naghahatid ng isang magandang balita na ikaw ay HINDI NA MAGKAKA JOWA!

MABUHAY!

God bless us all.

ENJOY READING!!

+----

NAGING MATIWASAY ang mga gabi ni Leander. Hindi na siya binabangungot at ang tanging laman ng kaniyang panaginip ay ang babaeng nasa antique painting na si Sylvaine.

Halos gabi gabi niya itong nakikita sa kaniyang panaginip, minsa'y inaawitan siya nito minsan nama'y naka titig lamang ito sa kaniya.

Gustong gusto niya pag sinasambit nito ang kaniyang pangalan. Pakiramdam niya'y siya ay nasa ulap sa tuwing binabanggit nito iyon.

Dumaan na din ang lunes ngunit hindi sila natuloy sa kadahilanang ang may akda ng kaniyang binasa na si Jethro Pavontis ay may importanteng pinuntahan kaya siya na lamang ang gagawa ng paraan.

Tutal meron naman siyang sariling sasakyan. Inimpake niya na ang kaniyang mga kagamitan, isinama niya din ang Antique painting na kaniyang kina huhumalingan.

Hindi na din siya nag-abala pang puntahan si Dusân dahil paniguradong siya ay tatalakan nito. Binuhay niya si Lion at lumipad patungo sa Isla Taewe.

Pagka tapos ng apat na daang kilometro niyang paglipad ay narating niya na ang Isla ng Taewe, nang Masbate.

Hindi naging madali ang kaniyang naging paglipad dahil wala siyang gaanong makita ng naka rating na siya sa isla ng taewe. Sa himpapawid ay para lamang itong kakapirangot na bato na naka lutang sa gitna ng dagat.

Hindi niya alam kung saan niya ilalapag si Lion, wala siyang ibang makita kundi nag lalakihang mga puno at bato gayon din ang malalakas na hampas ng alon. May nakikita siyang mga bangka ngunit masyado itong maliit at paniguradong hindi kakayanin ang bigat ng kaniyang Lion.

Hindi na siya nag dalawang isip pang tumalon kasama ang painting na bitbit niya. Hindi din alintana sa kaniya kung masira ang Helicopter na pag mamay-ari niya.

Bumubulusok siyang bumagsak sa naglalakihang alon ng Isla. Wala siyang makita,mata niya'y humahapdi at hindi na din siya gaanong maka hinga ngunit sa kabila ng lahat hindi niya pinapakawalan ang antique painting ni Sylvaine. Hanggang siya ay tuloyan ng nawalan ng malay.

At sa kaniyang muling pag mulat ng mga mata ay sinalubong siya ng nakaka silaw ng sinag ng araw. Agad siyang napabalikwas at tumingin sa kaniyang kapaligiran.

Kalmado na ang dagat at siya ay kasalukuyang naka upo sa puting pinong buhangin ng Isla. Agad na napa baling ang tingin niya sa kaniyang tabi ngunit hindi niya nakita ang Antique painting niyang katangi-tangi ang tangi niyang nakikita ay mga pera perasong katawan ni Lion na kaniyang helicopter.

Siya'y nang hihinayang ngunit huli na ang lahat. Hindi niya na maibabalik sa dati ang mga nangyari. Agad siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. May nakita siyang pasilyo papasok patungo sa gitna ng Isla.

Agad siyang nagtungo doon at sinundan ang mga bakas. Tumitingin tingin din siya sa paligid at nagbabakasakaling makita niya ang Antique painting na  kaniyang dala. Siya'y nahuhumaling sa mga nakikita, may mga kakaibang halaman at bulaklak na sa tanang buhay niya ay ngayon niya lamang nasilayan. Sagana din ito sa mga hayop dahil madaming mga ibon ang nag sisiliparan.

Habang tumatagal ay mas nagiging makipot ang kaniyang dinaraanan. At kahit siya'y nasa malayo ay may natatanaw siyang payak na pamayanan. Sa gitna ng malawak na damuhan ay may mga taong nagsasayawan, ang mga kababaehan ay may suot suot na bulaklak na korona sa ulo at ang mga suot nito'y isang puting telang naka tapi sa kabuoan ng mga ito. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay may dalang mga sibat at ang pang-ibabang kasarian lamang nito ang mayroong takip.

Namamangha siya sa kaniyang mga nakikita't nasasaksihan. At ang mas ikina bigla niya ay mayroong dalawang Lion na lumabas mula sa isang kwebang naroroon. At mukhang hindi iyon alintana sa mga taong nagkaka siyahan, at ikinalaki ng kaniyang mga mata ng makitang nilapitan ang dalawang Lion ng mga bata.

Hinihimas nila iyon na tila ba'y tuwang tuwa.

Agad siyang nag tago ng makarinig ng kaluskos. At kaniyang nakita ang dalawang kalalakihang masasabi niyang kaniyang kaedaran na may bitbit na larawan at kilalang kilala niya iyon.

Iyon ang antique painting na kaniyang pinaka iingatan.

Kita niya ang pag guhit ng kasiyahan sa mga mata ng dalawang binata. Tila ba'y naka pulot sila ng ginto sa gitna ng karagatan.

Bahagya siyang lumapit sa mga ito upang marinig ang kanilang usapan.

"Kamukhang kamukha ito ng ating Diyosa" ani ng  binatang may hawak ng antique painting na siyang sinang ayonan naman ng binatang may hawak na sibat.

"Tiyak na matutuwa sa atin ang ating Diyosa,at baka rin tayo'y palarin na siya'y maging asawa" lintaya ng binatang may hawak na sibat na siyang ikina kunot ng kaniyang noo.

Asawa? Mukhang gustong makita ng mga ito si kamatayan.

Siya'y nanggagalaiti na sa inis. Gusto niyang lapitan ang mga ito at pag uumpogin. Ngunit hindi na nga siya naka tiis ng makitang hinagkan ng binatang may hawak na sibat ang pinaka mamahal niyang Antique painting si Sylvaine.

Walang pag dadalawang isip na sinuntok niya ito dahilan para mawalan ito ng malay, para siyang isang Lion na naka wala sa kaniyang hawla. Hindi niya mapigil ang kaniyang galit. Gusto niyang pumaslang.

Binalingan niya ng tingin ang binatang may hawak ng antique painting ni Sylvaine, tiningnan niya ito ng masama at inismiran. Hindi naman mas hamak na guwapo siya kesa sa mga binatang iyon. Siya lamang ang nararapat na maging asawa ng naturang Diyosa.

Asawa? Hindi ba't nandito lamang siya upang patunayan na totoo ito? Pero bakit parang umiiba ata ang ikot ng mundo.

Inagaw niya dito ang antique painting na kaniyang pag mamay-ari. Sinamaan niya ito ng tingin at sinabing.

"Akin siya."

Dumaan ang pagka bahala at pangamba sa mata ng binata,agad itong tumakbo at iniwan siya kasama ang binatang kanina lamang ay may hawak na sibat na ngayon ay nahihimbing na.

Wala sa sarili niyang sinundan ang tumatakbong binata. Nag susumigaw ito habang sinasabi ang mga hindi niya maintindihang kataga.

"Igwan dayo! Igwan dayo!"

(Merong dayo! Merong dayo!) Iyan ang paulit ulit nitong sigaw habang tumatakbo.

At kita niyang ang binatang ito ay patungo sa payak na kabihasnang kaniyang nakita ngunit bago pa siya maka balik ay huli na ang lahat.

Meron ng mga sibat na naka tutok sa kaniyang leeg. Kunting galaw niya lamang ay malalagutan siya ng hininga.

"Nanon gina himo mo didi,lalaki?" (Anong ginagawa mo dito,lalaki?) ani ng isang malamyos na boses na siyang kaniyang ikina angat ng tingin.

At doon nakita niya ang kaniyang hinahanap. Kung anong itsura nito sa antique painting na nabili niya ay iyon din ang itsura nito sa totoong buhay. Mayroon itong puting buhok at mga labing kasing pula ng rosas kapansin pansin din ang kulay abong mata nito.

Napaka amo nitong tingnan, pansin niya din ang mala sina-una nitong kasuotan. May suot itong koronang bulaklak sa ulo, may mga dahon din ng saging na naka pandong dito.

Labis siyang nasisiyahan sa nasaksihan. Itinaas niya ang dalang larawan, tiningnan niya ito at muling binalingan ang babaeng naka tayo sa kaniyang harapan.

"Sylvaine...ikaw nga..."

+------

A/N: Dapat na bang ipamental si Leander? Hmm?

Please leave a vote and comment.