A/N: masyado akong ginaganahang mag sulat ksksks
Sino nanonood ng anime dito? Say present!
God bless us all💙
ENJOY READING!
+-----
HABOL HININGANG napa balikwas ng higa si Leander. Ito na naman tayo,napanaginipan ko na naman ang magandang dilag na ang mukha ay maamo.
Ilang beses na ba siyang laman ng panaginip ko,lagi itong naka ngiti at naka titig sa akin. Ngunit ang saplot nitong suot ay kakaiba.
Suot nito'y mga kasuotang pang sina-una. Naka yapak,at may bulaklak na korona.
Dagli siyang tumayo at pumasok sa banyo upang isagawa ang kaniyang Daily routine. Hindi padin mawaglit sa kaniyang isipan ang mukha nitong maamo. Kahali-halina ito at ang labi nito'y para bang kay sarap hagkan.
Pagka tapos ng kaniyang ginawa ay agad syang nagtungo sa bar counter ng barn na kaniyang tinutuloyan.Â
He's so drunk last night. Then, he ended up in his friends barn. A hightech one.
Sa kaniyang pagbaba ay kaniyang nakita ang kaibigang umaga pa lamang ay umiinom na. At iyon ay walang iba kundi, si Dusân.
"Morning bud" bati nito sa kaniya habang sinasalinan ng alak ang isang kopita.
"Morning" simpleng bati niya at agad na kinuha ang kopitang sinasalinan nito ng alak.
Napa hugot siya ng isang malalim na buntong hininga at sinabing...
"I've been searching her for so long,The girl that i saw in my dream. she's so lovely,jolly and innocent. i wish i had her with me" ani ko habang marahang sinisimsim ang alak na nasa kopita.
kasunod ng mga katagang aking binitawan ay ang pag halakhak ng aking kaibigan.
"Fuck lion man you whipped!" Ani ni Dusân habang hinahampas hamas siya. hindi naman niya ito ininda at bahagya na lamang ngumiti.
"indeed. i'm fucking whipped"
I'm gonna search and find you no matter what,my dear lil woman.
ILANG buwan na ang naka lipas magbuhat ng mabili niya ang antique painting ni Sylvaine. Ilang beses niya na din itong napanaginipan kagaya na lamang kagabi at palagi niya itong sinasabi kay Dusân kina bukasan.
Sa totoo niyan ay naka punta na sila ni Jethro Pavontis sa masbate ngunit wala na silang madatnan sa Isla ng Taewe.
Ayon sa mga taong nasa karatig nayon na malapit sa Isla ng Taewe ang mga taong naninirahan daw doon ay kinuha ng mga taga-dswd at hindi na nila alam ang sumunod na mga pangyayari.
Siya'y nanghihinyang pero at least napa tunayan niya na totoo ang isla ng Taewe, hinalughog niya ang isla at tanging nakita niya lamang ay ang bulaklak na korona na siyang parating suot ni Sylvaine sa panaginip niya.
Sa totoo lamang ay hindi siya mapakali,lalo na't hindi niya pa nakikita anh babae. Pero ang panaginip niya kagabi ay tila ba'y totoo, naka harap niya ito at nasilayan mg matagal.
Ngunit kahit panaginip lamang iyon ay kakaibang kasiyahan ang naging dulot nito sa kaniya.
"Naka tulala ka na naman dyan erp" ani ni Dusân na siyang ikina baling niya dito ng tingin.
Tinaasan niya lamang ito ng kilay at lumabas ng barn.
Hindi niya din mawari kung bakit sila nasa barn na sa tutuosin naman ay mayroon silang matinong bahay. At hindi din siya lubos na makapaniwalang ginawang paupahan ni Dusân ang mansyon nito.
Napakamot na lamang siya ng ulo habang tumutungo sa mala mansyong paupahang bahay ni Dusân, pagka pasok niya dito'y tila ba'y may nangyaring digmaan. Gulo gulo ang mga mwebles at madami ding nabasag.
Naririnig niya din ang mga yabag at galit na boses sa ikalawang palapag ng bahay ni Dusân. Napa buntong hininga na lamang siya at nag tungo sa rooftop kung nasaan ang kaniyang pinaka mamahal na si Lion.
Agad siyang sumakay dito at pinalipad iyon patungo sa kaniyang bahay sa Antipolo.
Bahala na si Dusân sa bahay niya,mayaman naman siya. Paniguradong may pamalit ito sa mga nasira.
Pagka rating niya sa Antipolo'y may nararamdaman siyang kakaiba. Tila ba nagalaw ang magagandang halaman niya. Naka kita din siya ng mga bakas ng paa. Masusi niya itong tiningnan at inilabas ang baril na lagi niyang dala.
Kinasa niya iyon at inihanda ang sarili habang papasok sa antigo niyang bahay.
Ang hawak niyang baril ay isang three fifty seven magnum revolver na mas kilala din sa tawag na pistol. Ito ang madalas niyang dala dahil madali itong bitbitin hindi kagaya ng iba niyang baril sa loob ng bahay. Isa siyang dating sundalo kaya legal lahat ng mga baril niya dito.
Pero pagka tapos ng nangyaring trahedya ay mas pinili niya na lamang mag tanim ng mga bulaklak at mangkolekta ng mga antique na bagay.
Mabis ngunit pulido ang kaniyang naging mga galaw. Pinapakiramdaman niya ang kapaligiran para siyang isang Lion sa kagubatan. Lahat ng senses niya ay gumagana. Kunting galaw lang ay makakalabit niya na ang gatilyo ng baril na hawak niya.
Patuloy parin siya sa paglalakad hanggang makarating siya ng kusina. Kitang kita niya ang mga nagkalat na kubyertos at mwebles sa sahig ng bahay niya nakaka rinig din siya ng mahihinang ungol ng hayop.
Marahan niyang sinilip iyon at doon nakita niya ang dalawang maliit na lion,at kumakain ang mga ito hindi niya na sana ito papansinin ngunit nahagip ng mata niya ang gutay gutay na antique painting.
Hindi siya puwedeng magka mali.
Antique painting iyon si Sylvaine!
Nandilim ang kaniyang paningin akmang babarilin niya na sana ang dalawang lion na kumakain ng bigla na lamang may bumagsak sa kaniyang harapan na nagmula sa ikalawang palapag ng kaniyanh tahanan.
He caught off guard. Nasipa siya nito dahilan para siya ay matumba. Ang baril na kaninang hawak niya ay nabitawan niya na. He's good at hand to hand combat kaya hindi niya ito gaanong pino-problema.
Agad siyang bumangon at nag handa para sa gagawing pag atake ngunit siya ay natigalgal ng makitang isa iyong babae.
Naka yapak ito,naka bistida at puno ng putik ang mukha ngunit hindi iyon naging alintana. Kitang kita niya ang nag gagandahan nitong kulay abong mga mata. Pinaka titigan niya ito ng maigi hanggang sa madako ang paningin niya sa buhok nitong maiksi.
Kulay puti iyon at nagulo. Ngunit hindi nito nabawasan ang gandang taglay nito.
Siya'y napa nganga at agad na napa kusot ng mata kasi baka mamaya ay nananaginip na naman siya ngunit naka ilang kusot at dilat na siya hindi padin umaalis ang babaeng nasa harapan niya.
Marahan niya itong nilapitan na agad naman nitong ikina-atras. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito gayon din ng mga maliliit na Lion na nasa likod nito.
Napa lunok siya ng madiin at napataas ng dalawang kamay. At sinabing...
"Wala akong gagawing masama" aniya ngunit tiningnan lamang siya nito na para bang nagtataka.
Napakamot na lang siya ng ulo dahil mukhang hindi sila nagkakaintindihan nito.
Idinuro niya ang sarili at sinabing,"ako ang may ari ng bahay" aniya habang may kasamang hand gesture.
At mukhang naintindihan naman ito ng dalaga. Tiningnan siya nito at idinuro din ang sarili.
"Gusto ko kumaon" gusto kong kumain. Ani nito, hindi niya iyon lubos maunawaan ngunit ginawa niya lahat ng kaniyang makakaya.
"Kaon?" Tanong niya sa dalaga.
Tumango naman ang dalaga at sinabing, "kaon" at gunawa ng aksyon na nagpapakita ng pagkain.
Agad naman siyang nabunotan ng tinik at muling inilibot ang tingin sa magulo niyang kusina. Mukhang wala siyang matinong maihahanda sa kaniyang bisita.
Muli niyang binalingan ang dalaga at bahagya itong nginitian.
"Maupo ka muna't ako'y magliligpit at magluluto ng iyong makakaon" aniya dito habang may kasabay na aksyon na agad namang nakuha ng binata ngunit sa kaniyang ikina bigla ay naupo ito sa ibabaw ng mesa.
Napakamot na lamang siya ng noo at nagsimula ng maglinis. ang dalawang maliit na lion ay nasa tabi na ngayon ng dalaga. Napaka amo ng mga iyon kung tingnan na tila ba'y hindi siya binalak na lapain kanina.
Kumuha siya ng bimpo,binasa iyon at lumapit sa dalaga. Agad namang nagsi tayoan ang balahibo ng mga lion na siyang ikinataas ng mga kamay niya.
"Relax wala akong gagawing masama" aniya sa mga ito at nagtungo sa gilid ng dalaga.
Marahan niyang sinapo ang mukha nito at marahang pinunasan ang mga putik na naka dikit sa maamo nitong mukha.
Titig na titig ito sa kaniya na tila ba'y nagtataka kung ano ang kaniyang ginagawa. Tanging ngiti lamang ang sinasagot niya sa mga tanong nitong hindi niya maintindihan. Bahagya siyang lumayo ng makitang wala ng bakas ng putik sa mukha nito. Pinaka titigan niya ito ng mabuti at napuno ng kagalakan ang kaniyang puso.
"Sylvaine..."
+------
A/N: Gipit ata si pareng Dusân natin, pautangin nyo nga? Pati na din ako hoho
Please leave a vote and comment.