A/N: Masyado ako ngayong ginagahang mag sulat HAHAHA siguro dahil wala na gaanong school works.
Speaking of school works, kaya pa ba? Kung hindi na kayanin nyo padin para sa future.
Lagi kayong mag-iingat at God bless us all.
ENJOY READING!!
+-----
NAKA PANGALUMBABA niyang pinaka titigan ang binili niyang antique paintain sa sala ng bahay ni Dusân hanggang ngayon ay hindi niya padin maialis ang mga mata dito. Masyado itong maganda para hindi niya pagtuonan ng pansin. Sobra itong kahali halina't sa mata niya'y nag niningning.
Agad na sumama ang hilastya ng kaniyang mukha ng biglang dampotin ni Dusân ang antique painting na kaniyang tinititigan.
"Put it down." Maidiin niyang utos sa kaibigan ngunit ang binata'y para bang walang nadirinig at inilayo pa ang antique painting sa kaniya.
Nang dahil sa kaniyang labis na pagka inis ay hinagis niya ang mamahaling vase na nasa ibabaw ng center table ng salas ni Dusân.
"I said put it down." Ulit niya pa na siyang dagli ng sinunod ng kaibigan na kasalukuyang namumutla.
"Grabe ka naman erp,nakukuha naman ako sa maayos na usapan huwag mo namang ibato ang mga gamit ko dito sa bahay" ani ni Dusân habang pinupulot ang mga peraso ng mamahaling vase na kaniyang itinapon.
"Ikaw naman ang may kasalanan. Hindi ka nakikinig." Aniya at muling tinitigan ang antique painting.
Kahit ilang ulit niya na itong nakita at pinaka titigan ay hindi padin siya nag sasawa sa itsura nito. Tila ba'y siya'y nahipnotismo sa taglay nitong ganda.
This antique painting will surely be his most favorite of all times. Ilalagay niya ito sa gitna ng kaniyang silid. Magpapa gawa din ng ng duplicate upang isabit sa kaniyang salas at opisina.
My, my sweet little Sylvaine.
"I'm gonna marry you someday." Aniya sa antique painting na hawak.
Isa na nga siguro siyang baliw kung dumating na siya sa puntong papakasalan niya itong antique na painting. Tutal may nakalaan na naman para sa kaniya,lulubosin niya na.
At tutal si Dusân naman ang may ari ng mental hospital na tinutukoy niya e wala na siyang aalalahanin pang mga problema.
"You're creepy erp! Umuwi kana nga." Ani ni Dusân habang naka tingin sa kaniya na ani mo'y isa siyang kakaibang nilalang ng dahil sa pag titig nito.
Tumayo siya at binitbit ang antique painting at agad na nag tungo sa rooftop ng bahay ni Dusân kung saan niya iniwan ang kaniyang pinaka mamahal na si Lion ang kaniyang helicopter.
Agad siyang sumakay dito at pinalipad ito patungo sa lugar na kaniyang paroroonan. Ang kaniyang bahay.
Ang kaniyang bahay ay matatagpuan sa maitaas na bahagi ng Antipolo. Tahimik doon at madaming puno na siyang kaniyang lubos na ikina tutuwa. At ang pinaka masaya pa sa lahat ay wala siyang kapitbahay na mabunganga kagaya na lamang halimbawa ng kaibigan niyang si Dusân na kalalaking tao maka bunganga akala mo ay babae.
Mahigit dalawang oras at trenta minutos ang naging byahe niya mula sa Penrith Village papuntang Antipolo. Pagka pasok na pagka pasok niya ng kaniyang bahay ay agad siyang sinalubong ng mga antigong bagay. Mag mula sa sahig ng kaniyang bahay hanggang kisame ay antigo. Gayon din ang mga hagdan nito,mapa kubyertos,lagayan ng aklat at ilan sa kaniyang mga koleksyon na sapatos ay antigo.
At ngayon,may dala siyang bago. Nag-iisa ngunit kakaiba sa lahat. Agad siyang nagtungo sa kaniyang silid at agad na inalis ang dahing antique painting na naka sabit sa gitna ng kaniyang silid at ipinalit dito ang antique painting na kabibili niya lamang, at iyon ay ang antique painting ni Sylvaine.
Muli niya itong hinaplos at agad na nahiga sa kama. Kinuha niya ang kaniyang laptop at nagsimula ng mag research tungkol sa bagong antique painting na pag mamay-ari niya. Malay mo may kuwento pala sa likod nito.
He begin to search about the antique paintings name. "Sylvaine"
Sylvaine Name Meaning
Latin meaning: Of the forest. French meaning: Of the forest.
Napa kunot ang kaniyang noo sa lubas na resulta.
"Of the forest?" Aniya sa sarili at muling binalingan ang Antiue painting na kaniyang binili.
Muli niya itong kinuha at sinuring mabuti, merong naka sulat na mga letra sa gilid nito pinaka titigan niya itong mabuti at binasa.
"Isla Taewe" basa niya dito. Dagli niyang ibinaba ang painting at muling nangalap ng inpormasyon sa internet.
Ayon dito, Ang ISLA TAEWE ay isang maliit na lungsod na matatagpuan sa liblib na lugar ng masbate. Hindi ito kilala dahil napaka layo ng lugar na ito sa kabihasnan. At ayon din sa kaniyang nasaliksik, sa islang ito ay may tinatawag na Diyosa, at ang ngalan nito ay Sylvaine Dagupa.
Wala siyang nakitang litrato ng naturang Diyosa ngunit may naka lagay sa diskripsyon nito. Ito daw ay may puting buhok,puting kilay,puting pilik mata at ang balat nito'y napaka puti kagaya ng nyebe. Ang mga labi nito'y kasing pula ng rosas at ang mukha nito'y napaka amo.
Ayon din sa mga impormasyong kaniyang nakalap, Ang Diyosang si Sylvaine ay Diyosa ng kabundokan. Meron itong malamyos na tinig at marunonh daw itong makipag usap sa mga hayop na siyang kaniyang ikina-iling.
Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang mga nakalap na impormasyon. Pero ayon sa naibigay na diskripsyon ang Diyosa ng Taewe na si Sylvaine ay magka tulad na magka tulad ng Antique painting Sylvaine na pag mamay-ari niya.
Nag-inat siya at nag-isip ng malalim. Hindi siya puwedeng magpa dalos dalos ng desisyon. Dapat niya munang siguradohin na ang ISLA TAEWE ay totoo. At ang tanging taong nakaka alam nito ay ang nagsulat ng artikulo.
Jethro Pavontis
Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang naka indikang numero sa ibaba ng pangalan nito. Pagka tapos ng tatlong ring ay sumagot na ito.
"Hello Jethro Pavontis speaking, how may i help you?" Ani sa kabilang linya.
"I'm Leander Inkeon,at gusto ko lang malaman kung totoo ang Isla Taewe na isinulat mo" aniya sa pormal na tinig habang marahang hinahaplos ang antique painting.
"T-totoo iyon! Dahil naka punta na ako dito noong naligaw ako. Para lamang itong ordinaryong baryo pero ibang iba ito. Mayroon silang Diyosang tinatawag na Sylvaine na siyang akin na ding nasilayan" ani nito at bakas na bakas sa tinig nito ang labis na kagalakan at kasiyahan.
Hindi niya alam pero kumulo anh kaniyanh dugo ng sabihin ng kausap na nasilayan nito ang Diyosang si Sylvaine.
"Are you free next monday? Come and go with me,where going to isla taewe" aniya sa kausap.
Dagli namang sumang-ayon ang nasa kabilang linya at sinabing magkita na lang sila sa airport ng naia.
Pagkababa ng tawag ay agad siyang nag type ng minsahe para sa kaibigan niyang si Dusân,hindi siya makakapayag na hindi ito kasama. Kung bigo man siyang mahanap ang Diyosang Sylvaine at keast napahirapan niya ang kaibigang nag-iisa.
Muli niyang ibinalik ang antique painting sa gitna ng kaniyang silid at walang pasubaling nahiga siya sa kama at pumikit.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pag himbing ay siya'y nanaginip.
"Leander, Leander, Leander..." Ani ng isang malamyos na tinig, idinilat niya ang kaniyang mata upang makita kung sino iyon.
At kaniyang nakiya si Sylvaine,naka puting bistida.ito habang may bulaklak na korona sa ulo. Napaka ganda nitong pagmasdan.
Nilapitan niya ito ng marahan ngunit sa bawat lapit niya'y lumalayo ito. Ginawa niya na'y pagtakbo ngunit pag dating sa dulo wala siyang nakita kahit na anino.
"Sylvaine..."
+-----
A/N: For clarification lang po, hindi totoo ang Isla Taewe. Gawa gawa ko lang yon HAHAHA
Please leave a vote and comment.
See you in the next chapter