Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Levi Herris (Herris Series #2)

Zephyr_Quin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.8k
Views
Synopsis
Love is nothing but a distruction, that is his belief because in his life, no one is permanent and safe, loving is same as being killed. All he have is insecurities, insecurities to his brothers, but all of a sudden Zephyr came, but what if the attention and love that he wants would be the reason of his death?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Thank you Miss ChipsDeiiLight for the book cover, I loved it po talaga Ate Chipie.

————————

———————————

Third Person's POV

"Zeph." Mahinang tawag ng isang batang lalaki sa kanyang kapatid. Napatingin naman ang kapatid nito sa kanya. Nanlalaki parin ang kanyang mata.

Nilapitan ng batang lalaki ang kapatid na babae at agad hinablot ang braso nito. Nakakarinig na sila ng sigawan sa baba ng kanilang malaking bahay.

"Kuya," umiiyak na bigkas ng kapatid nito.

"PLEASE! WAG NYONG IDAMAY DITO ANG MGA ANAK KO!" Tahimik na napahagulgol pa ang batang babae ng marinig ang sigaw ng kanyang ina sa baba. Tinakpan naman ng kanyang nakakatandang kapatid ang kanyang bibig upang di ito makagawa ng ingay.

"Trabaho lang Mrs. Davis." Sabi ng isang di pamilyar na lalaki sa kanilang ina.

"Sige na Levi, ikaw na ang bahala dyan ako na ang bahala sa taas." Sabi ng estranghero.

"No! Dadaan muna kayo sakin bago nyo makukuha ang anak ko."

"Zephyr!" Sigaw ng batang lalaki sa kanyang kapatid ng tumakbo ito pababa upang puntahan ang ina.

"Please don't hurt my mommy." Makaawa ng batang babae ng maabutan ang kanyang ina na nakaluhod at may nakatutok na baril sa kanyang noo.

Napatingin ang lalaki sa batang babae saka napangisi. Nagulat naman si Levi ng makita ang batang babae.

"Hindi ko sasaktan ang mommy mo kung sasama ka samin." Napaluha ang bata saka tumingin sa kanyang ina.

"No Zephyr, bumalik ka sa taas." Sinubukang magwala ng kanyang ina ngunit may dalawa ring lalaki ang gumapos sa kanya.

Napalunok ang batang babae saka sumagot.

"J-just don't h-hurt my m-mommy." Nauutal pa nitong tugon habang nagpupunas ng luha.

"No, please baby, sumunod ka sakin kahit ngayon lang please." Pagmamakaawa ng kanyang ina.

"Zephyr." Humahangos naman na bumaba rin ang batang lalaki. "Ano ba ang kailangan nyo ha?" Sigaw nito sa mga di pamilyar na tao na nasa kanilang kaharap.

Wala ang kanilang ama dahil nasa business trip ito sa france.

"Ang batang babae lang ang kailangan namin, ibigay nyo sya at wala ng masasaktan pa." Sabi ng lalaki.

"Wala kaming utang sa inyo, bakit kailangan nyong kunin ang anak ko." Nagpupumiglas parin ang kanilang ina ngunit di parin ito makalaban sa dalawang lalaki na nakahawak sa kanya.

"Sa amin ay wala, pero sa isang tao ay meron." Napakunot naman ang noo ng kanilang ina sa sinabi nito.

Bumaling ang lalaki sa dalawang magkapatid na Davis.

"Pinapangako kong walang masasaktan kung sasama ka ng maayos." Sabi nito sa batang babae.

"Hindi, hindi ko ibibigay ang kapatid ko." Hinarang ng batang lalaki ang kanyang sarili sa kapatid habang nakatutok ang baril sa lalaki.

"Marami na tayong nasayang na oras." Bumaling ang lalaki sa mga binatang kasama nito. Isang 15, 17, at 20 years old na binata ang kasama ng lalaking estranghero.

"Patayin nyo na yang ina." Utos ng lalaki sa tatlo. Agad namang umaksyon ang dalawa sa nagpupumiglas paring ina ng mga Davis.

Napasigaw naman ang batang babae ng walang pag aalinlangang pinatay ng dalawang binata ang kanilang ina. Kahit na nanginginig ay nakuhang barilin ng batang lalaki ang estranghero at natamaan ito sa balikat.

Napaupo naman ang estranghero kaya kinuha ng batang lalaki ang pagkakataon na yon upang hilahin ang kapatid paalis. Wala silang ibang mapupuntahan kundi ang sa taas.

Mabilis na pumasok ang dalawang magkapatid sa isang kwarto at sinarado ang pinto nito. Nagkakita ang batang lalaki ng bintana doon. Dumungaw ito at nalula na lang sa taas. Nilibot nito ang tingin sa kwarto at kinuha ang isang bed sheet doon. Hinila ng batang lalaki ang kurtina ng bintana at pinagtali ang dalawang mahabang tela. Tinali nito ang isang dulo ng tela sa isang aparador na malapit sa bintana.

Napapitlag ang dalawa ng makarinig ng kalabog at malalakas na katok sa labas ng kwarto. Hinila ng batang lalaki ang nakatulala nitong kapatid at hinawakan sa makabilang pisngi upang ibaling ang atensyon ng kapatid sa kanya.

"Zeph, promise me you'll live." Napaiyak ang kapatid kaya pilit nya itong inalo.

"Kuya, I can't leave you here, I won't." Iyak nito sa nakakatandang kapatid.

"Shhh, Kuya will be fine, I promise." Sabi ng batang lalaki sa kanyang kapatid saka tinali ang kabilang dulo ng tela sa bewang ng kapatid.

Maingat nitong inangat ang kapatid at nilabas sa bintana. Hinawakan nito ang tela at maingat na binababa ang kapatid. Ngumiti ang batang lalaki sa kanyang kapatid sa huling pagkakataon.

Pagkababa na pagkababa ng batang babae sa lupa ay nakarinig ito ng kalabog sa taas. Gusto nyang bumalik ngunit na alala nito ang sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid kaya kahit mahirap sa kanyang kalooban ay tumakbo ito palabas sa kanilang gate.

~~~

Naglalakad ang dalawang mag asawa ng makita nila sa daan ang isang batang babae na nakatulala. Di ito nagmukhang pulubi dahil sa kanyang kasuotan.

"Ok ka lang ba ijha?" Napatingin ang batang babae sa kanilang dalawa at agad nagliwag ang kanyang mukha saka niyakap ang bewang ng babae. Nagulat ang babae sa inasta ng bata ngunit hinipo rin nito ang buhok ng bata sa huli.

"Mommy."

Zephyr