Chereads / Levi Herris (Herris Series #2) / Chapter 3 - Chapter 002

Chapter 3 - Chapter 002

Napaungol ako ng maramdaman ang mabilis at maliliit na dampi ng isang labi sa buong mukha ko.

"Ate ganda mawawalan nako ng labi di ka parin ba gigising dyan?" Agad akong napadilat ng makilala ang maliit na boses nito.

Napanganga ako saka mahigpit syang niyakap, napahiga rin ito sa pagkakayakap ko.

"Chad." Sabi ko dito saka humiwalay ng yakap sa kanya at pinudpod ito ng halik.

"Ew, Ate naman e, ang baho ng hininga mo." Natawa ako saka hiningawan sya. Ngumuso lang ito kaya dinampian ko ng mabilis na halik ang kanyang maliit na labi.

"Ako ba walang ganyan?" Napalingon ako sa pintuan at nakita si Xelo. Kuya ni Chad.

Umirap na lang ako sa kanya na mahina nyang ikinatawa.

"Kakadating nyo lang?" Imbis ay tanong ko dito. Pumasok na sya ng tuluyan sa kwarto ko at umupo sa paanan ng kama.

"Oo, kaninabg madaling araw ang flight namin kaya maaga kaming nakarating, e yang si Chad kasi pilit ng pilit na dito na mag aral para daw palagi kayong magkasama, ewan ko kung sino ba kapatid nyan satin dalawa." Natawa naman ako sa sinabi nito.

"Dito nako mag aaral ate, pumayag sina Mama at Papa." Masayang sambit ni Chad sakin.

"Pati ikaw?" Turo ko kay Xelo. Nagkibit balikat lang ito.

"Sino pa ba magbabantay dyan kundi ako? Dito ko na lang ipagpapatuloy ang pag aaral ko." Sa bagay. Bago pa naman ang pasukan, nung isang linggo pa, at sa lumipas na isang linggo ay marami na rin akong naging kaibigan at kaaway na di naman maiiwasa. Kakalipat ko lang din sa isang private school, laking public ako e.

"Papasok na kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Bukas pa, may aasikasuhin pako kaya diko maaasikaso ang paglipat namin ni Chad." Tumango lang ako sa kanya.

"Oh? Di pa kayo gagalaw dyan? Iyah, bilisan mo at may pasok ka pa." Napatingin kami sa pintuan ng dumungaw doon si Mommy.

"Halina kayo." Bumaba ako sa kama at agad namang sumampa sa likod ko si Chad. 7 years old lang ito, second cousin ko rin sya sa side ni Daddy. Naninirahan sila sa State at paminsan ay bumibisita rin sila dito o nagbabakasyon. Hindi mayaman ang pamilya Reondon, pamilya ko, pero mayaman ang asawa ni Tita Shany, Mama ni Chad. Magkapatid lang sila ni Xelo sa ama.

"Susunduin ka ba ni Zeus anak?" Napatigil ako sa pagsubo ng tanungin ako ni Daddy.

"Kailan ba hindi Daddy?" Napailing na lang si Daddy.

"Zeus?" Napatingin kami sa gawi ni Xelo ng itanong nya ito, nakita ko pa ang pagngisi ni Daddy na ikinailing ko na lang.

"Boyfriend ni Iyah." Mahina akong napatawa sa sinabi Daddy.

"Kailan pa?" Paniwalang paniwala naman ang loko.

"Tsk." Umiling iling na lang ako.

Narinig namin ang malakas na busina ng sasakyan sa labas. Tumayo si Mommy na halatang tahimik lang ngayon. Nagi-guilty tuloy ako sa nangyari kahapon.

"Zeus." Rinig kong sabi ni Mommy ng buksan nya ang pinto.

"Nakauwi na po ba si Iyah?" -Zeus.

"Ewan ko dyan sa batang yan, pasok ka." Napaangat ang aking tingin at napangiwi ng maramdaman ko ang mahinang kurot ni Zeus sa aking balikat.

"Aray ah." Sarkastikong sabi ko dito.

"San ka galing kahapon? Sabi mo mauuna kang umuwi pero wala ka naman sa bahay nyo." Sermon nito na agad pinigilan ni Mommy.

"Mamaya na yan Zeus, kumain ka na ba?" Bumuntong hininga na lang si Zeus saka umiling.

"Inagahan ko po talagang pumunta dito Mom, e akala ko dipa nakauwi tong magaling nyong anak." Iminuwetra naman ni Mommy ang upuan na nasa tabi ko kaya umupo dito si Zeus.

"Um, Tita mauna na po ako, may aasikasuhin lang ako, dito na lang muna si Chad." Saka tumayo si Xelo sa kanyang upuan.

"Sige, mag iingat ka anak." Tumango lang si Xelo dito saka ginulo ang buhok ni Chad.

"Behave." Mabilis na tumango naman si Chad.

"Tita, Tito mauna na po ako." Paalam nito sa mga magulang ko.

"Dika ba magpapaalam kay Iyah?" Tumingin naman ang huli sa aking gawi.

"Di na po." Sabi nito kay Mommy saka naglakad na palayo. Sinundan ko pa sya ng tingin. Ano problema ng isang yon? Nagkibit balikat na lang ako. Ng matapos kumain ay nagpaalam na kami ni Zeus, ang dami dami pa ngang bilin si Mommy sakin.

"Harry." Tawag ko kay Harry ng papasok na sana ako sa kotse ni Zeus na sya ring paglabas ni Harry sa gate nila. Kapitbahay namin sya na kaibigan ko rin. Nag aaral na sya sa school na pinapasukan ko ngayon noon pa man, mas nauna syang mag aral doon. Matalino ito at scholar kagaya ko.

"Sabay kana." Anyaya ko rito. Tumingin muna sya kay Zeus na nasa tabi ko at hawak ang pinto ng sasakyan nya.

"Tsk, wag ka matakot kay Zeus, di yan nangangain, diba?" Baling ko kay Zeus na matalim akong tiningnan.

Tinapik ko lang ang balikat nya saka ngumisi.

"Fine." Simpleng sabi ni Harry saka lumapit samin. Nilagpasan na nyako at sya ang naunang pumasok sa passenger seat.

"Excuse me bro, dyan si Iyah." Inangat naman ni Harry ang tingin sa kanya kaya tumitig din ang huli. Nakita ko ang namumuong tensyon sa dalawa kaya umawat nako.

"Easy dudes, umagang umaga ang init ng ulo nyo, dito na lang ako sa likod." Magsasalita pa sana si Zeus pero pumasok nako sa back seat, nakita ko pa ang pag irap nito. Irap.

I wonder kung magkikita pa kami ulit ng lalaking yon. Agad kong pinilig ang aking ulo. Sana naman di na nya ulitin yung pagtangka nyang pagpapakamatay.

Naging tahimik ang byahe namin papuntang school. Ewan ko rin kung bakit wala akong ganang magsalita buong byahe. Siguro ay inaantok parin ako.

Pagkapasok sa gate ay nag park naman si Zeus.

"Ziah." Napalingon ako sa tumawag sakin at ngumiti ng makita ko sila. Lumapit naman ito sa pwesto namin. Yayakapin ko na sana si Julius ng salubungin ako nito ng batok.

"Aray ha!" Sigaw ko dito. Akala mo di ako babae ah.

"Ano masakit? Dimo ba alam na sobrang nag alala kami kahapon ha? Dika namin alam kung saan ka namin hahanapin, akala namin kung ano ng nangyari sayo." Ngumiwi ako dito. Pinagtitinginan narin kami ng ibang mga tao doon dahil sa mga sinesermon nya.

"Sorry na." Nag peace sign pako. Agad nyakong hinapit at niyakap.

"Sobrang nag alala kami alam mo ba yon?" Bulong nito. Hinagod ko naman ang kanyang likod.

"Sorry sa kung pinag alala ko kayo." Baling ko sa iba ng matapos ang yakap.

Napatingin ako sa gawi ni Julius ng malakas itong dumaing. Nakita kong hinihimas na nya ang kanyang siko na kinurot ni Zeus.

"Tangina mo talaga Weswind, kala mo naman jowa kung makaasta." Maktol nito na pinagtawanan lang ng iba. Inirapan lang sya ni Zeus.

"Oh Simson, ikaw pala." Baling ni Aiden kay Harry. Tumango lang ang huli.

Narinig naman namin ang bell kaya nagsabaysabay narin kami.

Magkakapareho kami ng grade pero hindi ng section, utak munggo ako sila utak aso kaya sa section II sila, ang kasama ko lang sa I ay si Zeus at Harry.

I prefer make friends with boys, less toxicity. Aiden, Julius, Blake, Jackson, Oliver at Zeus. Kaibigan ko rin si Harry at kilala rin ng barkada. Tahimik ito kaya baka ma OP lang pag sumama samin. Minsan sinasabay ko rin naman sya gaya na lang ngayon.

Lahat sila ay may mga kasintahan maliban samin ni Zeus. Madalas kaming ipag-ship sa isa't isa kaya nasanay nako't di pinapansin. He's just my friend and also...

...I'm not interested.

Ziah.