Chereads / Levi Herris (Herris Series #2) / Chapter 5 - Chapter 004

Chapter 5 - Chapter 004

Napahalakhak ako ng sabihin ni Aiden. Napatingin pa sa table namin yung ibang estudyante na nasa Canteen.

Pinunasan ko ang mumunting luha sa aking mata dahil sa pagtawa. Huminga ako ng malalim saka tumayo sa upuan ko. Sinenyasan ko naman si Julius na nasa aking tabi na umalis, katabi nya si Aiden.

Umalis naman sa kinauupuan nya si Julius at saka umupo sa kaninang kinauupuan ko. Nakadekwatro pa akong umupo sa tabi ni Aiden saka inakbayan ito.

"Alam mo kapatid, nagagalak akong ika'y makilala at maging kaibigan, sana alam mo na mahal kita. Pero pag nalaman yon ni Daddy, magbalot balot kana." Tinapik ko pa ito sa kanyang balikat.

"Wala namang magsusumbong hindi ba?" Sabat ni Jackson at nilibot pa ang tingin sa aming lamesa. Binatukan naman sya ni Oliver na katabi nito.

"Gago, buhay pa si Zeus oh," mahinang bulong nito na narinig naman namin. Napatingin ang lahat sa kay Zeus na nakatingin lang sa milktea nito at pinaglalaruan ang straw.

"Kung ano desisyon ni Iyah." Saka nito inangat ang ringin sakin. Napabaling naman ang tingin ng mga kasamahan ko sa aking gawi.

"Pass," sabi ko na lang. Iniisip ko pa lang napagagalitan at papaluin na naman ako ni Mama ay naiihi nako sa panty ko, pano pa kaya pag sumali na rin si Papa.

"Kill joy ka naman e, may gusto ka talaga sa lalaking yon." Maktol ni Aiden.

"Ang sabihin mo, di nya lang kaya, dedma nga sya sabi ni Bianca." Sabi ni Blake, gilfriend nya si Bianca na kaklase ko din.

"Ganon? Ngayon lang to ah, ano ba ginawa?" Singit ni Julius.

"Ang sabi, natutulog daw si Ziah nung wala pa daw Teacher nila, dumating yung um–basta yung lalaki, e itong si Ziah natutulog tos okupado yung dalawang upuan, nagkasagutan pa daw yung dalawa dahil ayaw paupuin ni Ziah yung lalaki dun sa upuan ni Zeus. Nasa taas ng upuan ni Zeus yung paa ni Ziah at ang ginawa daw nung lalaki basta basta na lang inalis yung paa ni Ziah sa taas." Mahabang kwento nito.

"Ah, kaya naman pala tumatakas, alam na kasi ano kalalabasan." Napairap naman ako sa pinagsasasabi nila.

"Ano payag ka don? Di pala tumatabla charms mo sa lahat a," segunda ni Aiden na agad ko namang siniko.

"Bakit tumabla ba sa inyo?" Tanong ko sa kanila na agad ikinatawa ni Julius.

"Alam mo Ziah, iba samin, para ka lang maliit na kapatid na kailangang punasan ang ilong pag may sipon. Mandiri ka nga sa lumalabas dyan sa bunganga mo." Saka sila nagtawanan. Mga animal talaga.

"Sige na," napatigil sila sa kanilang katuwaan ng sabihin ko yon. Nakatingin lang sila sa akin na parang gulat pa sa pagpayag ko.

"Anong sige?" Tanong ni Oliver.

"Payag nako," walang ganang sagot ko. Di lang sila bobo, mga slow din.

"Pero ano mapapala ko pag ginawa ko yon?" Tanong ko sa kanila. Aba't ano? Nagpapakapagod ako para lang sa wala? Di ata pwede yon.

"Edi palo sa Mommy mo," saka sila naghalakhakan. Kumuha naman ako ng Chips doon at binato kay Oliver.

"Tangina mo." Mura ko dito. Kahit kailan kalokohan talaga nasa isip nito.

"Seryoso na, sabihin mo kung ano ang gusto mo ibibigay namin." Napangisi namab ako sa tinuran ni Aiden. Kuripot talaga silang lahat maliban kay Zeus, pero kahit ganon pag sa oras na may gipit na talaga, don pa sila tumutulong.

"Sige, deal."

***

"Gaga, wala akong alam sa mga ganyan." Sabi nito sa kabilang linya.

"Sige na Sav, any advice lang pano lumandi," pakiusap ko dito.

"You know that I don't do flirts." Napanguso ako sa tinuran nito. Nanghihingi ako sa kanya ng tips kung pano humarot. Wala naman talaga syang naging jowa mula noon, pero baka lang meron sya kahit konting alam.

"You're reading some novels right? Why not dun ka kumuha ng ideas?" Napaisip naman ako sa sinabi nito.

Wala pa naman akong nababasa na nang aakit yung babae, hayst pero bahala na.

"Um, sige pwede na yon, salamat." Saka ko na binaba ang tawag.

Diko alam kung bakit ako pumayag. Sabihin nating crush ko yung Thunder na yon, pero ayoko naman na ako ang maunang mahulog no.

Pero kaya ko ba? Natamaan din naman ako dun sa sinabi ni Bianca na dedma talaga ko kay Thunder. Marami namang nagkakagusto sakin pati sa kabilang school pero di sila nakakalapit dahil masyado ring over protective sila Julius. Hindi sa pagmamayabang pero parang ganon na nga.

Siguro ngayon lang sila lumuwag dahil alam nilang mukhang di kakagat si Thunder.

Hayst, nakakainis na to ah. Kahit anong ikot ko sa kama ay di ako makatulog kaya tumayo na lang ako at naglakad patungo sa malaki kong bintana. Umupo ako sa upuan doon, kaharap kasi ng study table ko ang bintana.

Natuwa ako ng makita ang malaking buwan. Buwan.

"You see that baby?" Turo ni Mommy sa bilog na bilog na buwan.

"Always remember na kahit dimo kasama s-si Mommy, I'll always guide you, j-just look up to the sky whenever you feel blue, that moon will be your light." Napatingin ako kay Mommy ng marinig ko ang garalgal sa boses nito.

"I don't have to Mommy, you're my light," napangiti naman ito sa sinabi ko.

Hinawi nya ang buhok na tumatabing sa aking mukha saka ako hinalikan sa pisngi.

Napapitlag kami ng marinig ang kalabog sa baba ng mansion. Nasa Veranda kami ng bahay at nag uusap.

"Baby, stay here, kahit na anong mangyari dito ka lang naiintindihan mo ba?" Kahit naguguluhan ay tumango ako kay Mommy.

Nakatayo lang ako doon at nakatulala. Naririnig ko ang sigaw ni Mommy sa baba ng bahay pero sinunod ko ang gusto nitong wag akong aalis.

Napaluha ako ng mas lumakas pa ang sigawan sa baba. Diko na napigilan pa at lumabas ako ng kwartong iyon. Naabutan ko din si Kuya Demi na mukhang baba rin. Pinigilan nyako sa aking balak pero ddiko kayang manahimik lang doon. My Mommy.

At ang huli ko na lang namalayan ay nakabulagta na ang aking ina at naliligo sa sarili nitong dugo. Ang mga lalaking yon, pati ang lalaking may umaambong mata.

Agad akong napabalikwas sa aking pagkakasubsob sa aking braso. Diko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalala ko na naman ang pangyayaring yon. Ang bangungot na yon. Diko na napigilan pa ang pag agos ng sunod sunod na luha sa aking mata. Napatigil lang ako ng makita ang isang panyo sa aking mesa.

Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong natatandaang may panyo dito, at di rin ito ang panyo ko. Ang akin ay Lavander at ang isang ito ay Grey.

Nakuha ng aking atensyon ang isang nakaukit na letra doon, dalawang letra.

–Elli.

Ziah.