Nakatunganga lang ako sa harap habang wala pang teacher. Wala ang first subject teacher namin kaya eto at nakatambay lang ako sa room. Si Zeus ay lumabas muna dahil naiihi daw habang si Harry naman pumunta munang library dahil meron daw syang hihiraming libro.
Lahat ng nasa class room ay may kanya kanya ding pinagkakaabalahan, andon na yung nagchichismisan, nagkukulitan, at di mawawala yung mga naghaharutan kung saan saan.
Nangalumbaba naman ako, di naman ako makapagbasa dahil tapos ko na yung binabasa ko, wala pakong bago.
Kinuha ko na lang ang phone ko saka nangalikot ng kung ano ano kaya sa huli ay pinili ko na lang na makinig ng japanese songs na nasa playlist ko. Sinaksak ko naman ang earphone doon at sinalampak sa aking tenga.
Magkatabi kami ni Zeus ng upuan, sa bawat mesa ay merong dalawang tao, si Harry naman ay nasa likod lang din ng upuan namin. Nasa gilid ng bintana ang pwesto namin at ako ang nakaupo malapit sa bintana. Tinaas ko ang aking paa sa upuan ni Zeus saka pinahinga ang likod at ulo sa dingding saka pumikit.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang pagtigil ng ingay sa paligid. Unti unti kong minulat ang aking mata at tumama ang aking paningin sa isang anghel na nasa aking harapan.
Napatulala lang ako doon. Nakatayo sya sa aking paanan at nakatitig lang din sa akin. Akala ko ay di na muli kaming magkikita pa. Napatingin ako sa umaambong mata nito. Kulang na lang ay kidlat at parang may bagyo na sa kanyang mata.
"Excuse me," nagtakha naman ako kung bakit nag e-excuse sya sakin. Wala naman kasing daanan dito sa banda samin dahil bintana na ang nasa gilid ko, ang daanan lang ay ang nasa tabi ng upuan ni Zeus at maluwag pa naman ang daanan don kaya bat sya sakin mag e-excuse?
"Daan kana." Kahit na ang weird nya ay binigyan ko na lang sya ng permiso dahil baka yun ang kailangan nya bago dumaan.
"Your feet," saka nito binaba ang paningin sa aking paa na nasa upuan ni Zeus. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Sorry to say dude, pero may nakaupo na dito." Lalaking to, di porket gwapo sya ay makukuha nya na lahat ng gusto nya dito.
"As if I care," nainis naman ako sa sinabi nito. Tumingin ako sa harap at nakatingin samin ang teacher. Diko man lang namalayan na may guro na pala.
"Ma'am oh," parang batang sumbong ko kay Thunder, Thunder na ngayon ang itatawag ko sa kanya, para kasi talagang parating mag bagyo sa kanyang mata. Nakatingin na rin samin ang mga kaklase ko na lihim ko na lang inirapan.
"It's ok Ms. Reondon," nakangiting tugon ng guro. Magrereklamo pa sana ako ng bumukas ang pinto at inuluwa nito si Zeus na may hawak ng dalawang milktea at sinisipsip na yung isa. Napatigil ito sa derederetsong pag pasok at napatingin sa teacher namin na nakataas na ngayon ang kilay. Lihim akong napangisi, mag si-cr pala ah.
"Um, Ms. Castillo andyan na po pala kayo," saka ito hilaw na ngumiti sa teacher. Agad kong binuksan ang phone ko at kinlick ang camera saka kinuhaan ang nangyayari sa harapan. Napahagikgik ako ng makita ang mukha ni Zeus doon. Cr pa more.
Inopen ko ang data ko saka pumunta sa gc namin at ni-send ang picture ni Zeus.
Nag 'cr' na naman.
Nakangising tinago ko ang aking phone sa bulsa at tumingin ulit sa harap. Akmang pagagalitan na sana si Zeus ng bumukas muntik na syang mapasubsob sa sahig ng may bumangga sa kanya sa likod.
Napangisi naman ako ng makita rin doon si Harry. May hawak itong libro at mukhang nagbabasa habang naglalakad kaya di nakita si Zeus na nakaharang sa pintuan.
Inangat ni Harry ang tingin at inayos ang salamin nito. Parati syang may ganon pag nagbabasa sya. Di rin naman malabo ang mata nya sabi nya sakin pero mas gusto nya daw nagsasalamin pag nagbabasa.
"At saan ka naman galing Mr. Simson?" Kumamot sa kanyang ulo si Harry saka tinaas ang librong hawak nito.
"Library." kibit balikat na sagot nito.
"Take your seat," nangunang pumasok ni Harry at susunod na sana si Zeus ng pigilan sya ng guro.
"Not you Mr. Weswin," napatigil naman sa tangkang pagpasok si Zeus. Bubugahan na sana sya ni Ms. Castillo ng tinawag ko na ang atensyon ng guro.
"Um, ma'am kung dito nyo po pauupuin itong si Thunder sa upuan ni Zeus, san po uupo si Zeus?" Tanong ko dito. Napakunot ang noo ng guro sa rinuran ko. Agad ko namang binawi ang tinawag ko sa lalaking may umaambong mata.
"Este–sya po," turo ko sa lalaki. Diko naman kasi alam ano ang pangalan nya.
Umayos ng tayo ang teacher saka tinuro ang upuan sa tabi ni Harry. May nakaupo doon pero pinalipat ni Ms. Castillo sa bakanteng upuan na nasa tabi ng isa ko pang kaklaseng babae.
"You may take your seat now Mr. Weswin, at wag mo na ulit gagawin ang paglabas at bumili ng pagkain sa oras ng klase." Mahinang tumango na lang si Zeus. Sinundan ko naman ng tingin si Zeus. Kinuha nito ang bag na nasa upuan nya. Nandoon parin ang aking paa.
Napakunot ang noo nya saka binaba sa mesa nila ni Harry ang isang milktea-ng hawak at kinuha ang cellphone sa bulsa. binuksan nya naman ito. Binalingan nyako ng masamang tingin ng mabasa ang mensahe ko. Pakyu, he mouthed. Labyoutoo dude, ganti ko dito at nginisian sya sabay kindat na ikinairap na lang nito.
"Aray ah,"sarkastiko at mahinang daing ko ng marahas na binaba ni Thunder ang aking paa. Napanguso ako ng kunin nya ang kanyang panyo sa bulsa at pinunsan ang upuan ni Zeus, na hindi na ngayon. Walang utang na loob ang lalaki to ah, ako pa nga yung tumulong sa kanyang pigilan ang sarili nya sa pagpapakamatay nya sa tulay.
Nangalumbaba na lang ako sa kinauupuan. Napalingon ako sa likod ng kalabitin ni Harry ang aking likod. Napababa ang aking tingin sa milktea-ng hawak nito saka masayang tinanggap. Sumaludo ako kay Zeus na nakagisi lang.
Sumipsip ako sa milktea at agad ding napadila ng maramdaman ko ang anghang nito sa aking dila. Ayoko talaga sa maanghang.
Binuksan ko ang milktea at nakita doon ang napakaraming siling pula na nakahalo. Bat diko to napansin?
Nanlilisik ang matang tiningnan ko si Zeus. Pinakyuhan lang ako ng kingina. Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng pigilan ako ng lalaking nasa aking tabi.
Inabot nito sakin ang isang tumbler na grey kaya agad ko itong binuksan at inunom ng walang pag aalinlangan. Nalasahan ko ang matamis na gatas doon at agad nawala ang anghang sa aking dila.
"Salamat." Saabi ko dito saka inabot ang kanyang lalagyan ng tubig. Nakatingin lang sya sa harap habang nilalagay ang tumbler sa loob ng bag nito.
***
"Kung nakita nyo lang mukha nya kanina, para syang batang maiihi na sa pantalon." Kwento ko sa barkada. Nasa Canteen na kami dahil lunch time. Kanina parin kami tawa ng tawa dahil sa kinukwento kong reksyon ni Zeus ng kaharap nya si Ms. Castillo.
Dedma lang na nakaupo doon si Zeus kahit na sya ang topic.
"Balita namin may transferee na kaklase nyo," napatigil ako sa pagtawa ng mabanggit ni Aiden ang about don.
"Ah, si Thunder ba?" -ako.
"Thunder pangalan?" Balik tanong ni Oliver.
"Ewan ko, diko rin alam." Kibit balikat ko dito.
"Gago, kakasabi mo lang na Thunder." Histerikal ni Julius.
"Gago, diko nga alam ang pangalan, Thunder na lang ang tinawag ko sa kanya dahil parang magkakabagyo sa umaambong mata nya." Kinuha ko naman ang mineral water na nasa aking harap saka uminom.
"Baka naman may gusto ka don?" Nabuga ko ang aking iniinom ng sabihin iyon ni Blake. Gago to ah.
"Pasmado dila mo dude," -ako.
"Sige nga patunayan mo kung talagang hindi." Hamon ni Aiden.
"Panong patunay ba?" Takang tanong ko.
"Akitin mo ng dika nahuhulog."
Ziah.