Naglalakad nako sa isang tulay pauwi habang hawak ang aking phone at nagbabasa. Hating gabi na at alam kong pagagalitan na ako ni Mommy dahil sobrang late ko ng umuwi.
Diko naman kasi namalayan ang oras habang nagbabasa ako sa park kanina, nagcutting pako para lang don.
Napakunot ang aking noo ng maaninag ko ang bulto ng isang tao sa malayo. Nakatayo ito sa malapad na railings ng tulay.
Agad gumapang ang takot sakin ng maalala ang kwento tungkol sa tulay na ito. Ang sabi ay hinaluan ng dugo ng isang bata ang semento ng tulay upang mas maging matibay ito.
Nagtakha ako dahil hindi naman bulto ng isang bata ang nakikita ko. Siguro ay ka age ko lang din ito. 17? 18?
Kahit na natatakot ay lumapit ako dito. Nakatingala sya at nasa loob ng bulsa ang kanyang kamay. Naka jeans at black hoodie rin ito.
Napangiwi ako ng makita ang kanang pigura ng kanyang mukha. Matangos na ilong at mamula mula nitong labi na natatamaan ng liwanag ng bilog na buwan. Gwapo sana pero mukhang may balak tapusin ang buhay.
Dumungaw ako sa baba ng tulay at nalula na lang sa taas nito. Siguradong patay ito pat tumalon talaga sya dyan.
"Kung may balak kang tumalon dyan, mamamatay ka talaga." Tumingin ako sa kanya na nakadilat na ngayon ngunit di parin binababa ang tingin sakin.
Sumandal ako sa railings ng tulay at kumuha ng white rabbit na candy saka ito kinain.
"Alam mo, sabi ni Mommy. Ang buhay ang pinakamahalagang pinahiram sa atin ng diyos. Wala tayong karapatang kusang ibigay ito sa kanya. Kukunin nya ito sa tamang panahon. Isang kasalanan ang pagpapakamatay alam mo ba yon?" Tumingala ako sa kanya ngunit nasa harap lang ang tingin nito. Baka multo talaga itong kausap ko? Ang gwapo nya namang multo.
"Hayst, sige magtatanong na lang ako sayo." Sabi ko saka humarap sa tulay.
"Ano ang tawag sa pusang lumalangoy?" Kala ko ay di nyako papansinin ngunitnatuwa ako ng sumagot ito.
"Catfish." Mahina akong napatawa sa sagot nito. Tumingala ako sa kanya at nakababa naman ang kanyang tingin sakin habang nakakunot ang noo.
"Shunga, pusa parin yon lumangoy lang. Bobo amp." Napatawa naman ako ng umirap ito. Barbielat.
"It's not that funny." Napatawa ako ng makita ang inis nitong mukha. Cute.
"Baba ka kaya dyan, ako natatakot para sayo e." Mahina kong pinalo ang kanyang binti. Di naman ito gumalaw sa kinatatayuan.
"O sige kung ayaw mo, sasamahan na lang kitang tumayo dyan." Ambang aakyat narin ako ng tumalon ito pababa. Bababa rin pala.
"Aren't you afraid?" Seryosong tanong nito na kinakunot ng aking noo.
"Natatakot saan?" Maliban sa sabi sabing multo wala namang nakakatakot dito.
"Nevermind." Napanguso naman ako. Pabitin din ang isang toh. Namayani naman ang katahimikan sa pagitan namin. Ewan ko kung bat komportable ako sa kanya, di naman ako ganito sa mga diko kakilala baka nga masapak ko pa kapag hinarang ako. Ok sige, sabihin na nating gwapo sya, siguro nga kaya ako komportable kasi gwapo sya. Hays Iyah, marunong kanang lumandi.
"Uuwi kana?" Tanong ko dito nang magsimula na itong maglakad palayo. Di nyako sinagot at derederetso lang na naglakad. Attitude si kuyang naka hoddie.
Napailing na lang ako saka napangiti sa kanya bago naglakad narin saliwat sa daang dinaanan nito. At least napagilan ko sya sa pagpapakamatay nya.
Huminga ako ng malalim ng makapasok sa gate ng bahay. Habang naglalakad kanina ay pinag isipan ko na kung anong rason na sasabihin ko kina Mommy at Daddy.
Kumatok ako sa pinto at agad naman itong bumukas. Nakita ko ang nangangalaiting mukha ni Mommy kaya napangiwi na lang ako saka nag peace sign.
"Pasok." Blangkong tugon nito na agad ko namang ginawa. Nakita kong nakaupo rin sa sala si Daddy na mukhang inaantok na ngunit ng makita ako ay agad syang lumapit. Nakita ko namang naglakad papuntang kusina si Mommy pagkatapos saraduhan ang pinto.
"Dyos miyo anak, anong oras na, bat ngayon ka lang?" Nag aalalang tanong nito. Sasagot na sana ako ng makita si Mommy sa likod nya na may hawak na walis tambo. Agad kong ginawang pangharang si Daddy.
"Halika ditong bata ka, anong oras na at bat ngayon ka lang umuwi ah?" Di naman ako makasagot sa takot sa kanya.
"Mahal, ipagbukas mo na lang muna yang galit mo, pagpahingain mo ang anak natin." Pigil ni Daddy dito.
"Hindi, kaya tumatandang utak munggo yang anak mo dahil kinukunsinti mo, umalis ka nga dyan Fernando."
"Marites naman, matanda na yang anak mo, alam nya kung ano ang ginagawa nya." Mukhang mag aaway na naman sila.
"Heh! Ziah, san galing ha? Tumawag dito si Zeus kung nakauwi kana, akala ko ay kasama mo sya at dun ka hihiga sa kanila kaya kampante ako pero yun pala kung saan saan ka nagsusuot, hindi mo ba alam na delikado ang magpagabi sa daan? Ha? Ano, sumagot ka." Kahit na kinakabahan ay nagsalita narin ako.
"K-kasi M-Mom-"
"Aba't sumasagot kana ngayon." Napasigaw naman ako ng sumugod na si Mommy.
"Mahal, nakakahiya sa kapitbahay, nagpapahinga na ang mga tao." Inaawat naman sya ni Daddy.
"Wala akong pake, halika ditong babae ka." Feeling ko ay maiihi nako sa takot kay Mommy.
"Ziah, pumasok ka na sa kwarto mo." Sabi ni Daddy at hinawakan pa ang kamay ni Mommy 'ng may hawak na walis pati ang bewang nito. Agad ko namang sinunod ang sinabi ni Daddy.
Tumakbo ako papasok sa kwarto sabay sara sa pinto at kinandado pa ito. Baka bigla na lang pumasok si Mommy.
Napahinga ako ng malalim. Ewan ko dun kay Mommy, matanda nako pero kung magalit sya sakin parang ten years old lang ako kung paluin nya. Dati pinapalo nyako ng hanger at belt na hanggang ngayon ay ginagawa parin nya.
Pero nagpapasalamat parin ako dahil alam kong kaya sya ganon ay dahil may pake ito sakin. Di naman umaabot sa punto na namamarkahan na nyako dahil sa mga palo nya. Nasasaktan lang ako pero mas ok na yon kesa pabayaan nyako.
Mas ok na ang buhay na ganito, yung may taong nagagalit sakin pag umuuwi ako ng gabi, yung may nag aalala para sakin, at yung may matatawag akong pamilya.
Diko namalayang may tumulo ng luha sa aking mata. Matagal ko ng kinalimutan kung ano ako. Ayokong magtanim ng galit dahil ayokong madamay si Mommy at Daddy.
Ang kaunting pagtulo ng aking luha ay unti unting napalitan ng mahihinang hagulgol. Hanggang ngayon ay nasa puso ko parin yung sakit, walang bed sheetat kurtina ang nasa loob ng kwarto ko dahil sa tuwing nakakakita ako ng ganon sa kwarto ko ay bumabalik lahat ng alaalang yon. Pagod nakong umiyak. Pagod nakong umasa na baka balang araw ay makita ko ulit ang pamilya ko. Pero alam kong wala ng babalik. At kung ano ako ngayon ay mananatili na lang itong ganon, mananatili akong si Ziah Reondon.
Ziah.