Inappropriate words may appear...
Chapter One
I felt so humiliated, standing in the middle of this large field, my feet can't even move, I became ice.
I did it again. He did it again.
Ngumuso ako at yumuko. Shet, nakakahiya na, in all fairness. Pero, imbes na matuto na ako, bakit parang mas gusto ko pang magpapansin sa kaniya?
Gustong-gusto.
Ang challenging lang siguro? Ewan ko ba naman! Hindi ko mapigilan!
I glanced at his broad back. Papalayo na siya. Tuluyan akong iniwan, sa gitna ng field, napapalibutan ng iilang estudyante. Completely ignoring the attention I gain, taas noo akong humakbang papalayo sa kanila.
I really can't understand why I'm so into him, other guys are so into me but may something kay Rowan, something that keeps on pulling me to him.
As the sunlight touched my bareskin, I slowly smiled. Is he playing hard to get? I read a lot of books about this, about a man, cold sa una, pero kapag kinulit mo bibigay din.
Napatagilid ako ng ulo habang naglalakad. Is he really like the character in the book that I've read?
Is he really playing hard to get? Wala naman sigurong masama kung kukulitin ko talaga siya? I'll try, and if I succeed, papakyawin ko lahat ng libro noong mga author!
I token of appreciation.
I should start saving money then. Natigil ako sa paglalakad, pinalibutan ko ng tingin ang paligid.
I soon realized that I'm in front of a building? I noticed some students wearing formal uniform, napaisip ako kung anong klaseng building kaya ang napuntahan ko, what kind of management?
Some are holding briefcases in their hand. Ah, College of Law? Or Law of building?
Building of Law?
Naglakad na ako paalis, I'm literally wasting my time.
"What are you doing here?" A voice stopped me from walking. Nilingon ko at nakitang si Land lang naman. Inakbayan niya ako, then he started walking, naglakad din tuloy ako.
"Naghahanap ng pogi. May kilala ka?" Nangingiti kong sagot at tanong sa kaniya. Naiiritang umirap ito.
"None."
"Meron yan!" He stopped walking kaya natigil din ako kasi wala akong choice, nakaakbay e.
He glared at me. "Will you please stop? At bakit mga criminal lawyer gusto mo?" Medyo inis na sita nito. Lumayo ako sa kaniya at masama siyang tinignan.
Sigurado ba siya na criminal lawyer nga ang gusto ko? Napadaan lang naman ako dito e, nagkataon lang na nakita niya ako.
We stared at each others eyes for a couple of minutes. He shoots daggers and I shoot bullets.
Siya ang nag iwas ng tingin, napakamot pa sa batok. He cleared his throat. "Si Emery?" Hindi na ito ngayon makatingin sa mata ko. Ngumisi ako.
"Yiee! Miss mo agad?" I teased. Now he glared at me again, umirap na lamang ako.
"Why are you so secretive? E halata naman na may something sa inyo. Hayss, boys." I spat.
Umiwas ito ulit ng tingin at naglakad palayo. Natatawa ko naman siyang hinabol. "Hoy! Hoy! Walk out?" I laughed and jokingly punch his muscular arm.
I laughed when he moved his body far away from me. Ayaw sigurong magpahawak, si Emery lang pwede.
Love birds.
Naiinis akong umirap sa kaniya at mas nauna ng maglakad. Hindi ko alam kung saan ang tungo niya, siya 'tong aakbay-akbay e.
Malapit na ako sa cafeteria, natatanaw na si Emery na kumakaway.
Papasok na ako sa cafeteria, pero natigil ako saglit, napatingin ako sa loob, as usual, puro mga estudyante, pero bakit parang madami ngayon? Halos punuan na.
Completely ignoring the thought that I just have, kalmado akong pumasok.
As soon as I stepped a foot inside, halos bulungan ang narinig ko, maingay naman talaga sa cafeteria pero may extra ngayon. Mukhang nasa palengke.
"I heard a new RUMOR." May diin ang pagkakasabi niya sa dulo, bumuntong hininga ako at umupo sa harap niya, bahagyang napayuko dahil naramdaman ko ang mga matang nakapako sa'kin.
Ano? Kumalat na naman ang chismis na binalewala ako ni Rowan? Ang bilis naman siguro? Ni-hindi pa nga nag-iisang oras!
"Kawawa." She teased, I glared at her.
"Palibhasa mukha kang tomboy!" Natawa ito, she gave me something, pagkain, pero hindi ko alam kung anong specific na pangalan, basta pie. Mabilis ko itong kinuha at nilantakan.
"I'm not a tomboy though, Hindi ba pwedeng boyish lang?" She used an unusual tone, nag angat ako ng tingin at nakitang medyo malungkot siya.
"Did I offend you?... I'm sorry." I saw her smirk at may binatong papel sa'kin. I glanced at the crumpled paper she threw, maliit lang, kung may exam lang mapagkakamalang kodigo ito.
"Ano 'to? May sulat na laman o baka dumi sa katawan?"
"Loka! I'll help you get your ultimate crush attention." Napataas ako ng kilay. "Oh talaga? Anong connect nitong papel?" Humalukipkip siya.
"Open it, will you?" Fine! Wala sa sarili kong binuksan ang lukot na papel.
I was shocked sa laman nito, a handwritten note.
What is this? A tip?
"I have a lot of tips, uhm, I actually wrote that when I was in highschool pa, Wala naman akong crush ngayon, so kung gusto mo naman gawin at gamitin, Go ahead. I hope it can help."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at sa papel na hawak tumingin.
'let him/her see you 24/7 , kung nasa library siya ay dapat mauna ka na sa kaniya, at siguraduhin mong uupo ka sa kung saan siguradong makikita ka niya.'
Nagtaas ako ng kilay "Will this work?" Nagkibit-balikat ito. "I don't know, I haven't tried it." She pouted and continues eating.
I stared at the paper for a while, kalaunan ay hindi ko namalayan na tinago ko na sa bulsa ko. I still didn't know kung gagawin ko nga ba iyon, let's see.
Emery paid for the food, I'm thankful kaya nagdagdag pa ako ng order.
We talked for a while and then head to our next subject. Si Professor Luther ang nagtuturo, mabuti na nga lang at hindi kami late ni Emery.
Professor Luther stared at me like I'm her next target, or should we call it a prey? Kabado akong umupo sa tabi ni Emery at nagkunwaring nagbabasa at nagsosolve. Nakita niya siguro ang ginawa ko kaya inayos niya ang kaniyang salamin at nagbasa ng kung ano.
Hindi rin nagtagal ay kumpleto na ang lahat, walang may lakas na loob na mag cut sa klase ni prof, just like me, takot din sila. Hindi ko lang alam kay Emery dahil palagi itong relax minsan nga umabsent pa.
Sa kalagitnaan ng pakikinig kay Prof. lahat kami ay napa-angat ng tingin nang sabihin nito na may surprise quiz siya.
I love surprises, but not like this. Sinusumpa ko ang ganitong klaseng surprise, nakaka-surprise naman kasi.
Gusto kong mag complain pero hindi ko kaya. Nang magsimula na ay iilan lamang ang naka-sagot, when it's my turn, Nag eye to eye kami.
Itong klaseng eye to eye ang hindi ko gusto. She looked at me with her cold and an aura that made me tremble.
"What is owner's equity?" I gulped, sumulyap ako kay Emery para manghingi ng tulong pero abala ito sa kung ano sa binder niya, gusto ko sanang kalabitin kaso nakatingin sa'kin si prof at ang iba.
Hindi naman mahirap ang tanong, kaso lang nakalimutan ko na kung ano ba meaning, isang araw alam ko pero kinabukasan limot ko na.
What the heck? My brain.
Nang napatingin ako kay prof, nakataas na ang isang kilay nito, umiwas ako ng tingin saka humugot ng malalim na hininga.
"I-It's one of the...the three main sections of a sole-"
Biglang may kumatok at sumilip sa may pinto na malapit sa table ni prof kaya natigil ako. Lahat kami napalingon doon.
Biglang tumibok ang mukhang napatay na puso ko kanina. My Rowan.
Napansin nitong nakatingin kaming lahat sa kaniya kaya tumikhim ito at yumuko.
"The Dean wanted to see you, Professor Luther." Muling tumingin sa'kin si Prof.
Her deathly glare sent shivers, once again. "We're not yet done. Come see me after your class." Tumalikod na ito at sabay na silang umalis ni Rowan.
Bigla akong napa-upo. My breathing came back to normal, my trembling hand stopped.
"OA mo naman sis, nasa movie ka ba? Tapos ang tema horror." Tumawa si Emery, siniko ko naman ito. I don't have the energy to fight with her, drain na ako.
Sinubsob ko ang mukha sa desk. Naalala ko si Rowan, hindi man lang kami nag eye to eye kanina.
I can't help but to wonder if hindi niya ba talaga ako nakikita? Is he some sort of a witch? Or anything related to magic?
Or, he just didn't like me? My gosh Amaya! Baka iniisip niyang hindi ako nag eexist?! Baka gusto niya lang talagang mawala ako sa paningin niya?
In short, wala akong chance.
I felt something deep down in my heart. Is it pain?
"Tara na sa next subject!" Wala sa sariling tumayo ako at sinuot ang bag. Sa kabilang building ang sunod na subject kaya medyo malayo ang nilakad namin ni Emery.
Panay ang daldal ni Emery, wala akong maintindihan kaya panay tango lamang ako. Yumuko ako dahil napansin kong ang mga nadadaanan o nakakasalubong kong estudyante ay panay hagikhik.
Kalat na nga siguro ang chismis.
Naisip ko nalang kung paano na lang kung pinansin ako ni Rowan? When he finally noticed me, tapos sila ang mga saksi.
I bet they'll be shocked. Ngumiti ako. One day, he'll notice me. One day, they'll stop laughing at me. That's the law of attraction!
"Ay sis. Nag chat sa gc yung next professor natin. May emergency ata sa kanila." Napa-angat ako ng tingin kay Em dahil siniko ako nito. "Huh?" Umirap siya. She iterated what she said a while ago.
"Talaga? So free time natin? Uwi na tayo!" I cheerfully said and pulled her to reach out the gate. She put some strength on her kaya hindi ko ma-hila. My forehead creased as I look at her. She only smiled sheepishly, and what she said made me tremble.
"Ako lang ang uuwi. May usapan pa kayo ni Professor Luther." Ngumiti ito ng nakaka-insulto. I let go of her hand forcefully.
"Can I just ditch her?" She hysterically laughed.
"Loka! Sige at nang mas lalo kang manginig." Mapaglaro niyang tinaas baba ang kilay niya. Binatukan ko siya.
"Hindi naman ako pumayag na makipagkita sa kaniya! As if naman may choice ako." I reasoned out. Tumango ito at mas lalong tumawa. Nakangisi itong sumulyap sa akin at umambang tatakbo. I glared at her. Inakbayan ako nito.
"Sis, you know what? A friend is always there to be by your side. Pero ako kasi hindi ganoong klase, kaya kung magdudusa ka, out ako diyan! Hehe. Babye!" Nagulat na lamang ako sa sobrang bilis niyang pagtakbo. Nagawa niya pa ngang kumaway at naglaho nalang bigla.
I frustratedly groaned. Paano ko ba naging kaibigan si Emery? Please remember self.
Naupo na lamang ako sa bleacher na malapit lang ang pwesto papunta sa office ni Professor Luther. I also did some research para naman hindi sayang ang oras ko at para may masagot ako.
Kung wala akong masagot, mukhang kailangan kong tawagin ang lahat ng santo para naman maging mabait si Professor.
I also stalked Rowan's social media accounts. I never followed him, naka-private ang account niya, I'd like to make some moves pero I decided not to.
I'd like to be Maria Clara kahit sa social media accounts man lang. Saliwat naman kasi sa personal. I glanced at my watch, sampung minuto nalang at tapos na si professor sa pagtuturo. Tumayo ako at nagpasyang tumungo na sa office niya.
It's better to be early than late.
I greeted some of the Professor I've seen, they're all smiles, buti pa sila. Si Professor Luther kasi mukhang hindi marunong o baka wala sa bokabularyo niya ang salitang 'ngiti'.
I suddenly wonder kung may anak siya? If meron man, gosh, I pity her. Mabuti na lang at sa matres ako ni mommy lumabas at hindi sa matres niya.
I'm suddenly thankful kay daddy din, kasi isa siya sa paraan upang mabuo ako at sa kay mommy lumabas. Thank you Mom! Dad!
I received a text from Emery, wishing me good luck and stuffs. Nag send din siya ng mga larawan na nag-eenjoy siyang kumain habang nanonood ng movie.
Hindi ako nag-abalang mag reply pa sa kaniya dahil dumating na si Prof.
Napatayo ako at bahagyang yumuko, a sign of respect.
"Did you wait for too long?" She asked. Was she concern or what? E kahit 'did you wait for too long' na tanong niya, it sounded like she's scolding me or what.
"Ah-he. Hindi naman po masiyado." Inayos niya ang kaniyang salamin, umupo siya. She gestured me to take a seat kaya sinunod ko.
Akala ko isang tanong lang ang itatanong niya pero there's a lot ha! Baka pati yung mga tanong na para sa iba kong kaklase sa akin niya na itanong?
That's unfair! Iisa lamang ako. Huhu.
"Was this unfair to you? I'm just doing this because you have plenty of time to review. Mas unfair sa mga nauna." Nagulantang ako, omg! Does she heard my thought? Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at simpleng ngumiti. Kahit nga labi ko nanginginig.
"Marami din po ang hindi natawag." She nodded and adjusted her eye glasses.
"Yes. And just like you, I'll ask them a lot of questions too, mas marami pa kaysa sayo. They have a lot of time too." She said. Natahimik naman ako. Ang judgmental ko naman.
"You may leave." Agad akong tumayo, pormal akong nagpaalam and she just ignored me, sungit. When I was about to open the door I stopped when she called me. Lumingon ako at kunot noong tumingin sa kaniya.
Mataman ako nitong tinignan, she adjusted her eye glasses before speaking.
"If you have time, can you please help Mr. Breiman in bringing some of the books I collected?" Napaisip ako sandali, request ba 'to or may tuldok na sa dulo? She sounded like that.
"Of course, Ma'am." Tumango ito at sinabi kung saan ko kukunin ang mga libro. I headed that way and almost choked on my own saliva when I saw Rowan collecting books that's left on the desk. Nakatayo lamang ako sa hamba ng pinto.
Anong ginagawa ni Rowan dito?! I suddenly remembered what Professor Luther said. She mentioned Rowan earlier. Bakit hindi ko napansin?!
I cleared my throat, and surprisingly he looked at my direction! Oh my gosh! Is this some kind of improvement?! No more ignoring na?
Hindi naman iyon nagtagal dahil mabilisan niyang inalis.
Pero at least! He looked at me!
I started collecting books, hindi ko mapigilan ang sumulyap sa gawi niya, I don't know kung he's ignoring na naman or pretending na wala lang, kasi kanina ko pa siya tinititigan, obvious na nga e.
He's busy collecting books. Kaya naging busy na din ako. Professor Luther should ask other students to help him, ang bibigat naman kasi nitong mga libro, hindi biro ang bigat, kawawa naman ang bebe ko!
Mabuti na nga lang at inutusan niya ako, kahit na babae ako, I can be strong when it comes to Rowan.
Or so I thought.
When we're finished collecting the books, we both headed to Professor Luther's office. Nauna pa nga si Rowan sa'kin, hindi man lang nag hintay. Kaya ayun, hinabol ko, hanggang sa bigla na lang akong natalisod.
The books fell and it created a loud sound, Rowan stopped on his tracks and started collecting the books I dropped. Hindi man lang ako tinignan. Hindi naman ako nadapa, muntikan lang.
Tahimik ko siyang tinulungan sa pagpupulot. Nakakahiya!
I'm picking the last book on the floor when he suddenly spoke.
"Why would Professor Luther asked a woman with a fragile body to help me?"