Chereads / Her Ten Tips / Chapter 7 - Math

Chapter 7 - Math

Chapter Six

"Isa pang pag-yabang nito baka mabatukan ko na 'to Amaya!" Gigil na reklamo ni Em mula sa kabilang linya.

Magkasama ulit sila ni Rowan. I'm wondering what would I feel kung sa'kin si Rowan nagyayabang. Siguro, susuportahan ko pa. Umupo ako sa may damuhan. Thirty minutes pa ang free time ko para sa next subject.

Wala naman si Emery kaya nag desisyon akong dito nalang tumambay. At least, payapa, tahimik, at hindi kita. Sa usual spot ako pumwesto. Sa may matayog na puno, sobrang pasasalamat ko talaga dito dahil may mag po-protekta sa'kin mula init ni haring araw.

"Gusto mong ikaw ang batukan ko?" I warned her. Natawa siya sa sinabi ko at napamura.

Hindi kayang mag middle finger pero sobrang lutong mag mura. Ano ba kasi ang benefit ng hindi niya pag-mi-middle finger? Parang wala naman. Matagal na siyang may bawas points sa heaven e. Buti nalang ako sobrang ubos na. Wala na talaga.

Out of stock.

"Jeez. Ang korni mo a? In all fairness." Natatawang puna nito. Natanaw ko sila ni Rowan na dumaan sa kabilang side ng field, mukhang pupunta sila sa building of law.

I saw how bothered Emery is. Malayo ang distansya nito kay Rowan, mas na-uuna sa kaniya. Pareho silang may bitbit na mga papeles. Mukha si Emery na sekretarya dahil stress ang loka!

Ang cellphone niya ay naka-ipit sa kaniyang balikat at tainga, at ang dalawang kamay niya naman ay bitbit ang tambak na papeles.

Mas marami ang bitbit niya compared kay Rowan. Kaya siguro sobrang naiinis siya. Mas okay 'yan 'no! Ayaw ko namang mahirapan ang bebe ko! Kaya naman ni Emery 'yon.

"Sana all kasama bebe ko." I whispered. Pero alam kong narinig niya iyon dahil may narinig akong humagikhik sa kabilang linya.

"Muntanga loka! Hindi naman gentleman. Kung si Land lang 'to e." Ngumisi ako sa narinig. Oho. May pa mentioned names na ah?

Improving?

"Yiee." Minura niya ako agad at pinutol ang tawag, mukhang busy talaga ang loka.

Hindi rin nagtagal ay umalis na ako sa field. Pumasok na ako sa mga subject ko ngayon. I'm really improving ha, in all fairness, sobrang sipag ko na mag-aral.  Tinawag ako ng SSG president sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Prof Luther.

Matalim ang titig na pinukol niya sa'kin. Alam kong wala naman akong kasalanan sa kaniya pero feeling ko tuloy mayroon.

Tumanggi ako sa President. Gusto ko sanang pumayag kaso baka kung anong isipin ni Prof Luther. Ayaw ko naman ma-disappoint siya. Lols. Feeling anak lang.

I'm still nervous whenever Professor Luther's around. I didn't know why, maybe because of how she looks and the way she move and act? Goodness. She's like Miss Minchin.

The long tiring day has come to an end. Papasok na ako sa kotse pero natigil dahil nakita si Land na mukhang papunta sa kotseng naka-parada sa harap namin.

The car looks so expensive. BMW.

He's busy arranging some folders on his hands, when I called his name, he halted. Naka-kunot pa ang noo pero agad din namang lumiwanag ng makilala ako.

Uhuh. Familiar na ako kay future husband ko.

"Hi!" I greeted and even waved my hand. Nagtaas ito ng kilay bago ngumiti ng bahagya.

"Are you busy?" Lumipad ang mga mata nito sa kamay niya, sinundan ko ito at nakita ang mga folders na hindi ko alam kung para saan. Agad akong umatras at awkward na tumawa.

"Obviously." I said pero more like I said that for myself. Rowan gave me a small smile.

"I'll help you next time when I'm free." He turned his back from me when someone called him. Probably the one who's inside that BMW.

I stifled a smile before entering into the car. Dati he would ignore me everytime I do something to make him notice me.

Pero ngayon, hindi na. Heck, he's even talking to me! And even helped me studying! May nainom bang something good ang hubby ko? O baka naman siguro na-guilty?

Psh. Hindi. He's willing to talk to me! Hindi ko naman siya pinuwersa. Omg. Does that mean? I'm slowly becoming his wife na?

The next day, He really is serious about helping me! We sat across from each other. We're inside the library, noong sabay kaming pumasok nakita ko ang pag-ngisi ng librarian.

Proud siguro dahil may progress na ako.

"Math is easy." Walang ganang saad nito. Kumunot ang noo ko at tinignan ng mabuti ang mga numerong naka-print sa libro.

Weh? Seryoso? Easy?

Pakshet, ni hindi ko nga makuha-kuha kung paano mag solve ng mga problems at kung ano pa! I even sucks sa division.

"Oo nga easy." Kaunti nalang talaga at didikit na ang mukha ko sa libro! Hindi ko talaga makuha e, siguraduhin lang nito na magagamit ko 'to pag naging FA na ako a!

"Para sa'yo." Bulong ko.

Mayabang nga talaga. Tama si Emery.

Joke! Hindi ba pwedeng matalino lang talaga siya? Ehe.

"You can't do math?" Napa-angat ako ng tingin sa kaniya, naka-kunot ang noo at halatang concern. I flipped my hair and tuck some at the back of my left ear. Tinukod ko ang siko sa mesa at ipinatong ang baba sa likod ng palad. 

"I can't, but calculators can." His lips pursed. I saw a glint of amusement in his eyes.

"Knowledge is what we need, not calculators." Edi ikaw na matalino. Napahalukipkip ito at sumandal sa backrest ng upuan. Mataman ako nitong tinitigan.

"Calculators can do math. Bakit kailangan ko pang matuto? It's not necessary." Padabog kong binuklit ang libro at kung ano-anong pahina ang nabubuksan ko.

Different pages, Different topics requires different solutions. Sinara ko na agad, sakit na ng ulo ko, baka maputukan ako ng ugat sa utak, delikado baka hindi matuloy ang kasal namin.

Narinig kong tumikhim si Rowan, kaya sumulyap ako sa kaniya. "It will help you soon enough." He stated. I made a face. I frustratedly brush my hair using my hands.

"No, it won't. I hate math!" He chuckled and my heart almost drop.

Did I just make him chuckle? The heck! Sobrang progress! I pretended that I'm busy studying, pero deep inside sobrang kinikilig ako.

From this moment, susulatin ko na ito sa diary ko, ang title pa ano, ' My Journey to Marriage.' Exciting!

"I hate math too!" Mariin akong napapikit sa boses na narinig. Hindi ito kay Rowan, mas malalim ang boses ng nagsalita. I swear to God! Kung wala lang si Rowan sa harap ko malamang binatukan ko na si Land. Ang epal!

Nakipag-appear ito kay Rowan tapos ay naka-ngiting tumingin sa akin. I glared at him pero hindi naman iyon nagtagal dahil nakita kong nakatingin sa'kin si Rowan. I smiled at him, fakely. Umaliwalas ang mukha nito at walang hiyang umupo sa tabi ko at umakbay pa.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang naka-patong sa balikat ko, panay ang ngitian namin kahit na kinukurot ko na siya sa braso.

Hindi nag-patinag ang loko at mas hinigit pa ako palapit sa kaniya. Siniko ko siya, malakas na iyon pero hindi siya umaray.

Sumulyap ako kay Rowan na walang reaksyong naka-tingin sa amin. I smiled at him pero pinag-taasan lang ako nito ng kilay. Bigla akong nalungkot at kinurot pa ng mas madiin si Land pero mukhang manhid ang isang 'to!

"Ano 'to dude? Tutor ka na ngayon?" Tinuro-turo pa nito ang mga librong naka-latag sa mesa. Sobrang lapit ko na kay Land, kung maka-higit naman kasi! I'm still trying to get away from him pero hindi siya pumapayag, his arms on my shoulder feels like a metal. Firm and strong.

"No. I am helping her." Mataman niyang sagot. I looked up to him and he just gave me an annoying look.

"Bitaw na kasi Land!" Iritadong utos ko sa katabi. Nginitian lang ako nito at nagsimula ng mag rant about sa math subject.

He kept on talking, hanggang sa bigla na lamang mag-paalam si Rowan na aalis na dahil nakita niya si Emery. He didn't even say goodbye to me, kay Land lang. My gaze followed him.

Naka-busangot ang mukha ni Emery habang naghihintay sa labas ng Library, I can clearly see her kasi malapit lang naman sa pinto ang pwesto namin. She immediately smiled when she saw me, she waved her hand pero bumalik din agad sa dati dahil naka-lapit na si Rowan.

They talked about something bago tuluyang umalis.

"Ouch." Siniko ko si Land, this time, umaray siya.

"Kanina ka pa a? Pwede kitang kasuhan ng adultery tapos child abuse." I made a face and raised my middle finger.

Epal amp.

"Mag-aral ka muna ng law bago ka mag ano diyan." Sinubukan kong tanggalin ang braso niyang naka-patong sa balikat ko. Pinahirapan niya pa ako pero kalaunan tinanggal niya rin naman.

Kung kanina niya pa sana tinanggal! We talked for almost an hour, natigil lang noong tinawag ako ni Rachel. Rachel pleaded me to help them again, today.

Wala naman akong choice kasi kapatid siya ng future husband ko.

Malapit na ang intramural sports kaya siguro puspusan ang mga student officer ngayon.  Rachel told me that Rowan would do the running thing. Well, he's a fast runner, I can tell that because I witnessed it.

Hindi ko lang alam sa coach niya. Irritate, grr.

I've been busy for a few days, hindi nga kami ulit nagkita ni Rowan at ni Emery, ang last noong sa library pa.

Madalas akong tumambay sa library para mag-aral. I'm not expecting to see Rowan today! I saw him entering the library, I'm on my usual spot so alam kong makikita niya talaga ako!

Agad akong yumuko at umaktong busy sa pag-aaral. Nakipag-pustahan ako sa sarili ko, if he sat down here with me, may gusto na siya sa'kin.

"What are you reading?" Si Land.

T*ngina.

Sinubsob ko ang ulo sa mesa, naiinis ko pang kinamot ang ulo ko dahil makati! Ano ba naman ang ginagawa ng mokong na 'to sa library?! I frustratedly groaned.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit andito ka? Bagay ka sa mga clubs or what! Ba't narito ka sa library? Kainis!" Inangat ko na ang ulo ko at matalim siyang tinitigan.

"Ang epal mo!" Dagdag ko pa, he smiled, amused.

"Why? Do you think that Rowan will sit next to you?" Taas kilay nitong tanong at napalingon pa sa paligid. Mariin akong pumikit at binalik ko na lamang ang atensyon sa libro. Nasaan na ba kasi si Emery? Kunin niya nga itong boyfriend niya, akala mo kung sinong single kung mambwisit eh.

"Snob." Hindi ko ito pinansin. Bahala siya, mood ruiner, deserve niya ang apat na slaps mula sa 'kin. Buti nalang mabait ako at kaibigan ko girlfriend niya.

Ay, I forgot. Wala pala silang label.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito kaya sumulyap ako, nahuli niya ako kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya.

"Uy, curious." Asar niya. Bumalik ako ulit sa pag pretend na hangin lang siya.

Ang ewan naman nito!

Unconsciously, luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Rowan. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya mahagilap.

I'm pretty sure he went in, but why can't I see him?

"Kung sino-sino pang hinahanap mo nandito lang naman ako." Biglang kanta ni Land. Ngumiwi ako at tinaasan siya ng kilay. He looked at me, emotionless. Binalik ko ang tingin sa librong makapal na punyeta. Sakit sa ulo.

"Galing naman, pero sana alam mo ang lyrics." Asar ko at inirapan siya. He mocked me but stopped when I glared at him.

"Ako nalang sana, I wish..." Nilagay ko ang hintuturo sa labi ko para sabihing manahimik siya dahil nasa library kami. Kung maka-kanta naman kasi ito, akala mo siya lang ang tao sa library. Nahiya naman kami, pwede naman namin siyang iwan rito e at kahit magpa-concert pa siya, walang dadalo.

I heard him chuckled. Natigil ako saglit at napa-sulyap sa kaniya. He raised his right brow when he caught me stealing a glance at him. Umiwas ako ng tingin at yumuko, agad akong umiling dahil may naramdaman akong kakaiba.

Yuck.