Chapter Four
"May kapatid si Rowan?!" Land lazily looked at me. E pa'no ba naman kasi siya lang naman ang kilalang kong close kay Rowan. Duda din ako sa sinabi noong kausap ko kanina kaya umakto ako na hindi siya naririnig.
"Malay ko." Bored na sagot nito. Sobrang seryoso ito sa paggugupit kaya inagaw ko sa kaniya ang gunting. Bahagya ako nitong siniko.
"What?" Iritadong tanong niya.
"Sagutin mo na kasi ang tanong ko! So?" I leaned in at nag puppy eyes. Umiwas ito at may dinampot na kung ano tapos binato ito sa mukha ko. I glared at him.
"Para kang ano! Oo o hindi lang naman isasagot mo!" Halatang nagpipigil ito ng tawa, sinita ko siya kaya tuluyan na itong tumawa.
Kairita naman nitong MU ni Emery. Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit hindi binibigyan ni Emery ng label. Mabuti nga sa kaniya.
Sinita kami ng VP, tumulong daw kami ng maayos at 'wag daw magharutan. Muntik pa akong masuka sa sinabi nito.
Yuck! Harutan? With Land?! Pakshet, kadiri.
Nagpatuloy na kami sa paggugupit, may mga oras na palihim ko pang kinukulit si Land pero puro iling at tawa lang ang sukli nito.
Nanahimik na lamang ako, pero sobrang diin ng pagkakagupit ko sa isang papel. Sige, ganyan siya ah. Kapag talaga nag tanong siya anything about Em, hindi ko siya bibigyan ng sagot! Manigas siyang loko siya!
Napalingon ako ng makitang bumukas muli ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking hindi pamilyar sa'kin. I am at awe of the man's features! He's the definition of perfect!
Inuusisa ko pa ang perpektong nilalang na nasa hamba ng pintuan, I praised every inch of his body, grabe, wow. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya, I can't help it, sobrang mangha ako sa view ng bigla nalang itong mapalitan ng kulay pink na colored paper.
Napakurap-kurap ako at saka ko lang na realized na hinarangan pala ni Land ang mga mata ko ng kulay pink na colored paper.
Binatukan ko si Land dahil sa ginawa nito.
"Loko-loko! Panira ka ng momentum!" Inis na reklamo ko sa kaniya, ibabalik ko sana muli ang tingin sa lalake kaso hindi na natuloy dahil hinila ni Land ang buhok ko.
Mariin ko siyang tinignan. Kung maka-sabunot naman 'to! Natatawa lamang ang loko. Inirapan ko siya at pinakyuhan. Deserve niya.
"Kung maka-tingin ka naman kasi. Jowa?" Sita nito at umirap pa. Tinignan ko siya mula taas hanggang baba, I make a face. Seryoso naman siyang naka-titig sa'kin.
"Hindi ba pwedeng pinag-papantasyahan ko lang?" Siya naman ngayon ang nag make face.
"Manyak."bulong niya pero dinig ko naman. Umirap ako at tumayo. Masakit na kasi ang mga paa ko, namamanhid na dahil sa pag-upo ko sa sahig.
Tumayo din si Land at nag stretching. Naiinis ako dahil ginagaya niya ang ginagawa kong stretching, nagpipigil pa siya ng tawa nang makitang sobrang nababadtrip ako.
Sinipa ko siya at tumawa lang ang kumag. Aba?, gustong-gusto masaktan?
"Ang pangit mo! Kaya ayaw sayo ni Emery." Binelatan ko siya saka umupo ulit para magpatuloy sa ginagawa.
"Ikaw din naman." Ganti niya nang maupo ulit sa tabi ko. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Excuse me?" Napahawak pa ako sa dibdib ko, umaaktong nasasaktan. Tumawa siya at may binulong and this time hindi ko narinig. Tinanong ko siya kung anong binulong niya pero nagkibit-balikat lang ito.
Hindi rin nagtagal ay natapos na kami. The VP thanked us and we also thanked him, dahil dito excused kami sa ibang subjects, ha! Buti nalang talaga! May about math pa naman ako ngayon.
Palabas na kami sa pinto nang biglang may tumawag sa'kin, I turned my body to see who's calling me.
It's the girl. Kapatid niya daw si Rowan. Hindi ito lumapit sa'kin, mukhang ako pa dapat ang mag adjust. Lumingon muna ako kay Land na naghihintay na ngayon sa akin, naka-kunot ang noo at naka-sandal sa may pinto. I smiled at him.
"Susunod nalang ako. Alis!" He was hesitant sa una pero umalis pa din. Humarap na ako sa babae at humakbang palapit.
"May kailangan ka?" Umiling ito at pinaglaruan ang mga kamay. She looked so nervous.
"H-Hindi ka ba naniniwala sa'kin?" Nauutal na tanong nito. Oh, she's referring to her statement earlier ba? Ngumiti ako at pinagmasdan ng mabuti ang mukha niya.
Unti-unting umawang ang labi ko.
Is she really? I can see Rowan's features! Lalo na ang ilong at ang mata. Omg? Legit? They're siblings?!
"Uh. I believe you." Ngumiti ako sa kaniya at napakamot pa sa batok. I should befriend her! Para mas lalo akong maging malapit kay Rowan!
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, nalaglag ang panga ko, what a breathtaking view! Ang ganda!
"Gusto kita para kay kuya." She stated. Bigla akong nahiya, enebe.
"I'm Rachel nga pala." She offered her hand. Ngumiti ako ng malapad.
"Amaya. Your future ate nga pala." I winked at her and reached for her hand. Natawa ito sa sinabi ko. Omg! Dagdag points!
"You're funny. Hope to see you around." Ngumiti ito bago umalis. Sinundan ko naman siya ng tingin, I even waved my hand! Ang ganda niya! Bakit hindi ko napansin kanina?
Para akong tanga nang lumabas na ako sa SSG office. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko! Omg! I already have his sister's consent! Sa parents niya nalang ang kulang.
Hindi rin nagtagal ay naging close ko na si Rachel. She's really a good friend, dati akala ko ay tahimik lang siya at medyo boring but when I get to know her more, she's the opposite. Sobrang jolly.
Parang dalawang Emery ang kausap ko e.
"Kuya doesn't really talk to me that much. Puro 'uwi na', 'saan ka na naman galing?'" Kwento niya at ginaya pa ang boses ni kuya niya. I giggled.
"Talaga? Nagka-girlfriend na ba?" Natigil siya saglit sa paggugupit at nag-isip.
"I guess not. Or I was probably not aware." She stated. Tumango ako. Feeling ko nagka-girlfriend na 'yon. Imposible naman kung hindi.
"How about you? Have you been into a relationship?" I asked, curious about her personal life. Binaba niya ang gunting at humarap sa'kin. Sumulyap siya sa present na ngayon na president at binalik ang tingin sa'kin.
"No." Simpleng sagot niya. May pait sa boses niya kaya naawa ako. Napatingin tuloy ako sa President.
He's good looking at mukhang seryoso katulad ni Rowan, may aura din na sobrang distant. Binalik ko ang tingin kay Rachel.
"Why?" Nag-iwas siya ng tingin at nagsimulang gumupit ulit.
"I'm not his type." Ouch. That cut deep. Pero joke lang, malay ko ba type din ako ni Rowan.
"Nga pala ate Amaya, I already hide your gift sa kwarto ni kuya and promise! I didn't read your letter!" Iniba niya ang topic kaya bahagya ko siyang pinang-singkitan ng mata, pero interesado naman ako sa topic niya kaya ngumiti ako.
Madaling natapos ang pinagawa sa amin kaya wala akong choice kung hindi ang pumasok sa next subject ko, sayang! Lusot na sana e.
"Sana all palaging excused." Binelatan ko si Emery, inggit lang 'to e. Naging active ulit ako sa pakikinig kaya napangiti na sa'kin ngayon ang professor na palaging busangot ang mukha sa'kin.
Wow, the progress though. Si Professor Luther nalang ang mukhang hindi mabibihag sa pagbabagong buhay ko.
I've been so busy these past few weeks, naging madalas ako sa pagtulong sa mga SSG officers, kaya naging madalas din ang pagkikita namin ni Rachel.
Isang araw noong na sugatan si Rachel dahil hindi niya napansin na kamay niya na pala ang ginugupit niya dahil sa pag-uusap at tawanan namin. Nagka-gulo sa loob ng office, at galit naman ang President. Na hindi daw kasi nag-iingat si Rachel at kung ano pa.
Pinagalitan niya. Ang obvious niya naman. Halatang type niya si Rachel e, pakipot pa. Sabagay, gwapo naman.
Nag patuloy din ako sa pagpapakita kay Rowan sa Library. I'm sure na napapansin niya na ako, well, oo naman dahil sa first attempt ko palang napansin na ako!
Napadalas din ang pagsasama ni Rowan at ni Emery, may project daw kasi si Prof e at silang dalawa pa talaga ang piniling partner dahil parehong business ang kinuha nila at parehong talented kahit na magkaiba silang year level.
I asked Emery to take a stolen pictures of my husband habang magkasama sila.
Noong ginawa niya iyon ay minura niya ako dahil hindi siya aware na naka-on ang flash sa camera niya.
Sobrang talim daw siyang tinignan ni Rowan at parang gusto siyang patayin dahil sa ginawa niya. Nanginginig niya pa nga itong kinuwento sa'kin e.
Pasado na ako sa first tip ni Emery kaya she gave me the second tip.
Umakto raw akong naguguluhan habang naghahanap ng mauupuan si Rowan para naman daw maisipan ako nitong tulungan.
And when I did that, sa first try, nilampasan niya lang ako, sa second, ganoon din hanggang sa magsunod-sunod.
But this time sisiguraduhin kong mapapansin niya na ako.
I gathered all my courage and stood up. Tumungo ako sa pwesto ni Rowan. Tahimik sa library kaya medyo umaapaw ang tunog ng takong ko.
He raised his head when he noticed me. Napangiti ako sa loob ko. Aha. Noticed!
"Hi. Uh... Nahihirapan kasi ako sa topic na 'to, can I ask for your help?" Umaakto pa akong sobrang stressed. He raised his left brow at nakita ko pa ang multong ngiti sa kaniyang labi.
Omg? Did he just did that? Did he find me amusing na ba? Aha! Progress!
My heart immediately collapsed by his answer.
"I-google mo."
I awkwardly laughed.
"Ah-ha-ha." Inayos ko ang ekspresyon ko at naging seryoso, pinakita ko sa kaniya na hindi ako nakikipag-biruan. "You're kidding? Right?" Dugtong ko gamit ang seryosong tono. His face shows amusement. Ngumisi ito.
"Yes." Bahagya akong nagulat sa sagot niya. Omg! Grabe naman ang progress na 'to! Omg! Omg!
"Ha?" Parang tangang tanong ko. He chuckled and my heart almost come out from my chest. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! This is not normal!
"I'll help you." Paglilinaw niya.