Chereads / Her Ten Tips / Chapter 4 - Secret Admirer

Chapter 4 - Secret Admirer

Inappropriate words may appear...

Chapter Three

"Should I buy this one? Or this one?" I raised both of my hands, sa left side, I'm holding a plain white tee shirt and sa right side naman ay isang business suit. Emery raised her left brow.

"Seryoso ka? I'd choose the left side. Ang OA mo naman sa business attire na 'yan!" Ngumuso ako. I don't like what she chose, kung ako lang papapiliin doon ako sa business suit.

"Sure ka? Feeling ko mas formal and classy ang business suit na 'to." It's a red velvet suit, pati nga ang pang-ibaba. Balak ko din sanang bumili ng underwear na red velvet din kaso Emery stopped me, parang tanga naman daw ako kung ganoon.

"Doon ka sa simple. Ang OA mo talaga! Kung ako lang si Rowan baka mapagkamalan kitang nanay ko." Dumausdos ito sa sofa kung saan kanina pa siyang naka-upo. She's not fond of buying clothes and spending money. Kaso dahil kaibigan niya ako, wala siyang choice kung hindi ang sumama.

"Fine!" Binigay ko na sa saleslady ang business suit para maibalik niya na kung saan ito naka-sabit. Tumungo na ako sa counter para mag bayad. I'm aware that I'm spending too much money, hindi naman ako pinagbabawalan nina mommy at daddy.

I guess pambawi na nila ito dahil madalas silang busy.

"Finally done?" Nababagot na tanong nito nang makitang papalapit na ako. Tinaas ko ang paper bag na hawak para makita niya na tapos na. She immediately stood up, she also stretch her arms and body.

Her, doing that isn't really a big thing for me, kaya lang nang mapatingin ako sa paligid, napansin kong napapatingin ang ibang 'customers', and I'm pretty sure na puro pangungutya ang mga iniisip nito dahil sa ginawa ni Em.

"Emery! You're a lady! Act like one!" This is a private shop exclusively for the rich ones. Rich, means, everywhere they go it must have a class and stuffs. And I call bullshit for that. Damn, Society.

Nagkibit-balikat ito at dire-diretsong naglakad palabas. I immediately go after her.

"Ang aarte naman no'n!" Reklamo niya. I laughed at her remark. We decided to eat, gutom na daw siya e.

When our order finally came, she showered me with lots of questions.

Puro tango lang at iling ang sagot ko sa mga tanong niya, but her next question requires an answer, not a yes or no.

"So? Magiging secret admirer ka na ngayon?"

Siguro oo? I bought that tee shirt para kay Rowan, Iiwan ko ito sa kung saan siya madalas umupo sa library. Balak ko din lagyan ng letter para romantic!

"I don't know..."

Hindi na siya nagtanong pang muli. She focused on eating, iyon din ang ginawa ko.

When I told her that I'll be Rowan's secret admirer, she was against it. She told me that after I accomplished her first tip, she'd give me the second, the third, fourth and so on.

She wrote ten tips for her to use when she's into someone, but she told me I needed it the most and she's definitely not into someone right now.

Mukhang hindi pa tumatalab ang charms ni Land.

When I told her that I am serious for being Rowan's secret admirer, hindi na siya nakipagtalo pa. She let me.

We didn't stay for long. Kalaunan ay naghiwalay din kami ng landas, her Stepmother called her in the middle of our lunch kaya wala siyang choice kung hindi ay umuwi.

I stayed for a while and decided to buy some sweets, pagkatapos ay umuwi na.

Manang and the others greeted me, I smiled at them and head to my room. Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata.

I missed home. Nasa bahay naman ako ngayon kaso I can't call it 'home' without my family, my family is my home, sana ako din.

I did all my projects, homeworks and activities. My brain is giving up kaya natulog ako.

I woke up around 5 am. Nalipasan ako. I didn't eat dinner! Pagbaba ko sa kusina mabuti na lamang at gising na si manang, she cooked breakfast and my hunger vanished.

Pumasok na ako sa sasakyan. I fell asleep during the ride, buti nalang ginising ako ni Manong.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko noong naka-baba na ako. I yawned. Kulang pa ba ako sa tulog? E sobrang aga kong natulog kagabi e.

"Ang aga mo?" Nagulantang ako ng marinig ko ang boses ni Emery. It's 6:25 am! Bakit parang ang aga niya? I turned my body to face her. Nakataas na naman ang kilay nito.

"What? Surprised? I don't have a choice 'no! Si professor Luther terror ang nag-utos!" She irritatedly said. I'm still in a shocked state kaya hindi ko mabuka ang bibig ko.

Seryoso ba 'to? Maagang pumasok ang loka?!

Emery make a face when she stared at my face, napaatras pa nga. Bahagya siyang nag isip at nanlaki ang mga mata nang siguro ay may naalala.

"And! You know what? I'll be with Rowan for today! Again! " Iritado na ang mukha niya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

Makakasama niya ulit si Rowan? Eh last time magkasama na sila a? Sumakay pa nga sa kotse.

Two words to describe it all. Hope all.

"I'm aware na gwapo ang future husband ko, kaya, distansya amerya!" Nandiri ang mukha nito at malakas na sinampal ang braso ko.

"Ang kadiri mo! And stop making nicknames! Korni." Naiirita siyang naglakad. Susundan ko sana kaso hindi ko na din tinuloy dahil pamilyar sa akin ang daang tinatahak niya.

Professor Luther's office is in that building where she's headed. Napayakap ako sa sarili. Nagsitaasan ang balahibo ko, gosh, katakot.

"I warned you AMERYA!" I teased. Natigil ito saglit sa paglalakad, masama ang tinging binabato nito sa'kin, instead of raising her middle finger, she raised her pinky finger.

Humagalpak ako sa tawa. My poor Amerya, masiyadong religious, mahina loob.

"Oh, you're here again." Walang tonong bungad sa akin ng librarian. Alanganin akong ngumiti sa kaniya at napakamot sa ulo.

"Uh-he, yes. Studyyy." I forced a not so sincere smile at her when I finished writing my name in the logbook. I slightly bow sa kaniya bago tumalikod.

I sat down in my usual spot, kahit na kahapon pa lang naman ako naupo rito. Luminga ako sa paligid, wala pa si lalabs.

"New strategy? Ang sakit sa mata ng acting niya." Bumusangot ang mukha ko sa narinig.

Mga papansin. Magbasa nalang kaya sila ng libro? Hindi naman ako libro pero ako at ang mga aksyon ko ang binabasa.

Masiyado ata akong naging abala sa pag-aaral, saka ko lang nalaman na pasado alas syete na pala dahil tinext ako ni Em.

She texted me, asking where the hell I am. Nag reply naman ako. Pinapapunta niya ako sa cafeteria kaya inayos ko ang mga libro bago umalis sa library at tumungo sa cafeteria.

Nasa labas na ako ng library when a sudden realization struck me.

Shit. Wala si lalabs ko?

I hurriedly went back inside the library, nagtataka naman akong tinignan ng librarian ng makita niya ako.

I awkwardly scratched the back of my head. "Uhm... Can I see the logbook?" Hindi ako nagpahalatang nagpu-puppy eyes ako sa kaniya, baka ma-weirduhan sa'kin.

Walang gana ako nitong tinignan at natagalan pa nga. "No." She said firmly. Nag panic ako agad.

"See-uh, no... I mean can I check the logbook? I think I misspelled my name." The librarian gave me a disgusted look.

"I guess you didn't see Mr. Breiman. He did not come, today." Pagkasabi niya noon ay agad akong nahiya.

Halata ba na si Breiman ang hinahabol ko rito? Gosh! I made sure it wasn't that noticeable!

I was about to speak to strengthen my pride pero tumalikod ito sa'kin at may kinausap na iba.

"Loka! Ang obvious mo naman kasi. And you know? Kadalasan sa mga matatanda memorize na ang mga pakeme natin." Sermon ni Em nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari, land is sitting beside her, tahimik lang kaya hindi ko masiyadong ginulo.

"At sinabi ko naman sayo na kasama ko si Rowan kanina diba? I told you may pinagawa sa 'min si Prof." She laughed at me when she realized that I waited for nothing.

"You skip class?" Singit ni Land, napatingin kami ni Em sa kaniya.

"Wow. You can speak." Emery mocked him, hindi niya pinansin si Em at sa akin nakatuon ang mga mata. I smiled at him.

"Nope. I didn't. May emergency ulit iyong professor namin kanina." I explained. Tumango lang ito, nag iwas ng tingin at hindi na muling nagsalita.

Kaya ayon, Me and Emery ended up talking about Rowan. She told me na nakakairita daw ito, at ang sungit daw when she tried to talk to him in a friendly way.

"Well, at least you and Rowan are alone." Ngumuso ako. Nandidiri na naman niya akong tinignan.

"Bakit? Crush ko ba 'yon? Kung oo edi sana mag enjoy pa ako." Umirap siya at lumingon kay Land na malayo ang tingin at mukhang pati iniisip malayo rin.

Kumuha ako ng ilang piraso ng fries kay Emery para mapigilan ang ngiti. These two.

Tumayo ako kaya napatingin sila sa 'kin. I smiled at them, meaningfully.

Nagtataka ang mga mukha nito.

"May klase pa ako. Maiwan ko na kayo. Hehe."

"Kumain ka muna." Emery said. Umiling ako.

"Busog ako." I waved at them and left.

Pumasok na ako sa next subject ko. Himala ata at medyo active ako sa pagtuturo ngayon, pag may tanong nga si Prof napataas pa ako ng kamay.

Tumatalino na ba ako? Finally, wala na sa utak elementary ang utak ko at nag level up na, siguro first year highschool.

Napansin ni Prof ang pagiging aktibo ko kaya binigyan niya ako ng stamp na stars sa kamay. Ha. Jk.

Binigyan niya ako ng task, wala naman akong choice kung hindi ang sumunod. Well duh, kapag professor ang nagbibigay ng utos sureball na may tuldok na iyon sa dulo bago ka pa makapag-decide. Mga scam. Jk.

Tumungo ako sa opisina ng mga SSG. Tulungan ko daw sila sabi ni Prof. Ayos lang naman sa akin, ang active ko ngayon e. Hindi ko lang alam kung may maitutulong nga ba ako.

The vice president greeted me and told me the things I needed to do. Badtrip. Medyo marami, abusado. Gwapo sana.

I ended up doing all of it. Hindi naman ako naging haggard, wala e, pretty lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag gupit ng kung ano ng biglang pumasok si Land. Napaawang ang labi ko dahil sa gulat. Aba, tutulong siya?

Nilibot nito ang tingin at bahagyang nagulat nang mahagilap ako, I smiled at him, tumango lamang siya at kinausap na iyong VP.

Nagpatuloy na ako sa pag gawa nang mapansin kong wala ang president nila. Aba, dito pa nga lang parang malaya lang siya at umaasa sa iba, paano pa kaya kung tumakbo ito bilang kandidato?

I won't vote for him/her! Lumapit ako sa mukhang isang officer din sa SSG, tahimik lang siya at medyo malayo sa amin kaya inusisa ko siya nang makalapit.

Bahagya itong natigilan at nagulat. " Where's the president pala?" I asked her, yumuko ito.

"May sakit." She said in a soft voice, ang annoying ng dating para sa'kin, pero hindi ko na ginawang big deal. May sakit pala president nila?

"Buti nga." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha? Gra-be ka naman. He's probably exhausted." Pagtatanggol niya. Ngumisi ako at pinang-singkitan siya ng mata.

"Someone's in love. Naol." Bulong-bulong ko. Namula ang mukha nito at mali-mali na ang direksyon ng gunting.

Tinabihan ko na ito dahil alam ko ang feeling na walang kausap o kasama. I don't want anyone to experience that kaya hanggang sa kaya ko, I'm going to prevent that. I don't want them to feel the same way I felt, noon.

"Crush mo si Rowan?" Tanong niya. Na-amazed ako sa kaniya, see that? Kinulit ko lang, nag oopen na siya ng topic. I loved that.

"Oo. Bakit? Crush mo?" Umamba akong susuntukin ko siya, umilag siya kahit na hindi ko naman gagawin. I laughed at her. Nahiya ito at namulang muli.

"Hindi. Kapatid ko siya."