Chereads / His Stubborn Queen (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

LAHAT sila ay napa hawi sa tabi ng dina-da-anan ko.Tanging yapak ng aking celine brown leather knee length boots ang tanging naririnig sa kahabaan ng hallway.

Naka sout ng black signature leather jacket habang may pink helmet ang ulohan.Dala dala ko naman ang isang itim na briefcase na mahigpit na hinahawakan.

Nakarinig naman ako ng samo't saring bulong-bulongan kung sa'ang planeta daw ako galing at kung may checkpoint ba sa loob.

May iilan pa ang nagsasabi na nawawalang m'yembro daw ako sa power rangers.Nagtitinda ng gamot sa Univeristy at higit sa lahat isa daw akong pizza delivery.

Napapamura ka talaga sa saya sa pinagsasabi nila.Isa-isa ko naman tinitigan ang mga estudyante dito.Pero ang napansin ko sa lahat ang kanilang kakaibang pananamit at pustura.

Walang uniform ang school na 'to kaya malayang mag sout na kung ano anong damit.Maliban kung isa kang abnormal na nagsosout nang gown at swimsuit sa school.

May kalakihan din ang University at sobrang gara sa paligid pati na rin ang mga desinyo nito na parang nasa loob ka lamang sa palasyo .

Hindi tumatanggap ang paaralan na may kalahing angel,inshort tinatanggap nila ang mga masamang tao at may bad record.Kagaya ko,agad nakapasok dahil may bad record sa kapasawayan at kagandahan.Isama ko na din kung paano ko binully ang Dean dito.

Akala ko nung una nakakabutas sa wallet ang tuition dito pero yun pala dalawang piso lang ang binayaran ko.Nanalo kasi ako sa raffle draw sa tropa kong si Dean Aguerro ,bale kung ano ang nakuha kong malaki o maliit man na number, 'yun ang babayaran kong tuition.Lupet diba ?

Napatingin naman ako sa kababaihan na nag-aayos sa kanilang mukha dito sa tabi nang hallway kaya mas lalong nag mumukha silang clown.

Strikta pa itong napatingin sa'kin at umirap,na akala mo ina-ano ko sila.Ang dami palang mag au-audition sa children's party.Great job !

Napakunot ang noo ko dahil dali daling nagsi alisan ang mga estudyante dito sa hallway hanggang ako na lamang ang natira mag isa.Anong meron ?

"Uy bagong salta!" pumagitna sa daan ko ang lalaking may blonde na buhok at nasa likuran niya naman ang kanyang kasamahan na may iba't ibang kulay ang buhok.

Napatigil din ako."Uy gago," pabalik ko.

"Woah!" sabay na anang sa kanyang kasamahanย  at nagtawanan.

Napan labi naman sa inis ang lalaking nasa harapan ko at sinamaan ng tingin angย  kanyang nasa likuran naย  agad napatigil mula sa pagtawa.

Bumaling ito sa'kin at tinaasan ako sa kanyang makapal na kilay. "Kababago mo palang dito, masyado ka ng matapang magsalita!" tinulak tulak niya pa ang helmet ko gamit ang hintuturo niya.

Iwinaksi ko naman ang kamay sa damulag at hindi ko inaasahan na nasali din siya kaya nauntog sa malapit na pader.Ah,ang sakit nun.Tumunog pa ang mga buto buto niya.

Slow motion pa napatingin ang tangina na maya maya ay handang mag transform bilang isang brabie.Namumula na ang mukha niya sa sakit at kahihiyan.

"Sinusubukan talaga ako sa isang 'to!" malaki ang hakbang niya papalapit sa'kin at napatigil mismo sa harapan ko at napaatras.

Kalmado ko naman binuksan ang salamin sa helmet ko at walang gana s'yang tiningnan."Eh ano gusto mong gawin ko ? Papakyuhan kita bilang sagot?"

Nanlaki ang kanyang mata.

Mabilis gumawa ng reaks'yon muli ang kanyang kasamahan at napauwang ang bibig nagpalak-pakan.Bumibilib ang mga ugok.

"Tahimik!" iritang sigaw niya at matalim akong tiningnan."Ang tapang mo ah. Ipinagmalaki mo ba sa buhay ang pagiging power rangers?!" napangiwi pa ang loko.

Napalayo layo naman ako dahil masyado s'yang showering magsalita at anong power rangers pinagsasabi nito ?

"Hindi lalapit ang isang hayop kung walang kailangan sa tao.So, anong kailangan mo? Dog food?" pasampal kong sabi.

"So, sinasabi mong hayop ako?!"

"Na touch kaba?" asar ko s'yang ngitian at agad napangiwi.

Inis muli itong napanlabi at napakamot sa ulo."Hindi na ako mag paligo'y ligo'y pa at ayaw ko ng makipag usap sayo pa.Ina apakan mo lang naman ang lupa namin."

Kinilabit naman s'ya sa kanyang kasamahan."Wala tayong ganun Twink.Wala tayong lupa sa school."

Napahalakhak ito at mabilis kinuha ang kwelyo sa kasamahan niya."Manahimik ka," giit na bulong niya na sapat marinig ko at saka maangas na bumaling sa'kin.

"Dumaan ka sa teritoryo namin kaya magbigay ka ng multa.Kung hindi,sa bintana ka dadaan."

"Magkano ba multa dito?" mabilis at walang paligo'y ligo'y na tanong ko.

Pera lang pala kailangan nito sa'kin.Akala ko kung ano na.Pero sa totoo lang ayaw ko talaga ng gulo kaya pagbigyan ko na tong walang mga aruga sa magulang at mga kulang sa buwan.

Naghiyawan naman ang kasamahan niya at nagsi-apir sa isa't isa.Abo't tenga naman ang ngiti sa nag-nga-ngalang Twink at inayos ang kanyang hibla sa buhok.

Feeling gwapo amputa.

"Simple lang naman akong kausap.May 10 thousand kaba d'yan? Pang milktea lang namin."

Agad akong kumuha ng dollars sa bulsa kasama ang 32 caliber pistol.Isinipit ko naman ang dala kong briefcase sa bandang kili-kili ko at binilang bilang ang pera sa harapan nila.

"Magkano nga ulit kailangan n'yo?" tanong ko at tiningnan sila.

Sunod sunod napanlunok si Twink at nagsimulang umatras."Tangina !Ba-Bakit may d-dala kang b-baril? Ang mga rankers lang ang puwedeng magdala ng baril !" nauutal nitong sabi.

"Ahh ito?" ipinakita ko naman sa kanya."Ipuputok ko ito kung sino man ang humaharang sa daan ko."

Bigla nawala sa harapan ko si Twink at nakita ko nalang ang kaluluwa nitong naunang tumakbo habang naiwan ang kanyang kasamahan.

Psh,wala lang pala yun sa pekeng baril na hawak ko.

"Gusto niyo?" alok ko sa naiwan.

Sabay sabay naman silang umiling at kumiripas ng takbo sumunod.Napangiwi naman ako sa kanila,madali din naman akong kausap.

Ibinalik ko ulit sa bulsa ang pistol at pera.Itinulo'y ko naman ang paglalakad hanggang nakarating ako sa tapat na may kulay gold na pinto at nakapaskil na lapida sa taas na 'Rankers '.

Ito na ata ang maging section ko mula ngayon.According to the tsismiss na nadinig ko, kinatatakutang mga tao sa Univeristy ang maging kaklase ko dahil may mga dalang baril at tinatawag din silang rankers.

โ€ขMiss_Cutenightmare