NAPATIGIL ako mula sa paglalakad at kalmadong hinagisan ng piccolo ang office ni Dean.Malakas napasinghap sa loob ang tropa kong si Dean Aguerro.Dali dali akong napatakbo papalayo.Halos lahat ng room dito sa High Univeristy ay walang pinapalampas sa piccolo ko.
Ayun sa pag aaral ko at instinct,nagdadala ng suwerte ang paputok dahil pinapaalis nito ang malas sa isang lugar kaya masasabi kong ito ay at ubod na ikapapahamak lamang.
Napatigil ako at napadungaw sa labas ng bintana dito sa hallway.Nakita ko naman na may groupo ng kababaehan sa ibaba na pinag-tritripan ang isang lalaking payat na isang ubo nalang tapus na ang buhay.
Napatingin tingin muna ako sa paligid bago hinulog ang hawak kong briefcase sa kanila.
"Putek ! Ang lapit nun ah. Sinong naghulog ng briefcase ?! Malapit na matamaan ang paa ko!"
"Baka galing sa langit 'yan.T-Teka ! Bomba y-yung laman Amari !"
"Ano pang hinihintay niyo.Dapa!" dinig kong usal sa kung sino at nagsidapa naman silang lahat.
Malakas naman akong napatawa dito sa second floor.Mga siraulo 'to,ganito pala gagawin nila kapag may bomba.Paano na kaya kung totoong bomba na talaga.
Nagpatulo'y ulit ako sa paglalakad.Ano na next gagawin ko? Nakita ko naman na may isang lalaki na mahinang naglakad at gwapong gwapo sa sarili.Humawi naman ang lahat nang estudyante sa tabi nang daan.
Napa 'O' ang bibig ko .Pansin ko lang,napakadami palang hari dito.Sumunod ako sa lalaki at ginaya ang pustura nitong nakapamulsa at pagtayo.Itinaas ko din ang aking noo gaya sa lalaki.
Kita ko pang natatawa ang mga estudyante sa ginawa kung pang gagaya.Napatigil ang lalaki kaya napatigil din ako.Unti unti itong lumingon sa akin kaya lumingon din ako sa likuran ko.
"You !" malamig na tawag niya. "Ginagaya mo ba ako ?!" inis na tanong sa isang lalaki na may asul na buhok at makatingin ito ay parang nasa cementery kana nakahiga.
Mukhang halos laha't nang kalalakihan dito ay may mga iba't ibang kulay sa kanilang buhok,ang cool tuloy tingnan.
"Ay natulak," hinawi ko naman siya sa daan na sapat na ikayakap niya sa trashbin sa tabi.
"Ay transferre ba siya ? Ang tapang niya mula sa kamatayan."
"Ewan,saang section kaya siya napabilang?"
Iilan lamang sa narinig kong mga bulong bulongan.Ang iba nun ay pinag uusapan kung gaano ako ganda.
"Naka helmet ng pink! Tumigil ka !" sigaw niya na halatang inis na inis na umayos sa tayo.Dahil mabait ako,ay kumiripas naman akong tumakbo.
"Huy ! Bumalik ka dito !"
Pumasok na ako sa pinakamalapit na Male comfort room na agad kong nakita,kailangan kong maghugas nang kamay dahil naamoy ko ang pulbura sa paputok.
Dahan dahan akong naglakad baka may tao sa loob at baka makita ko ang kanilang tinatagong dragon.Narinig ko naman na may dalawang boses na nag-uusap.
"Come on Logan, accept the fact na hindi mo siya malalamangan. Malakas si Carver sayo."
Mga backstabber pala ang dalawang rankers na 'to.
"Huwag kang kampante,Damian.Malalamangan ko siya pagdating sa ranking .Dang! Kapag nakikita ko ang istura ko sa salamin ,naalala ko ang kahihiyan ko kanina ! Humanda talaga yung pinsan ni Carver!"
Napangiwi lang ako at binuksan ang backpack at humanap ng paputok.Marami itong laman na paputok at iba pa.Pinili ko naman ang non dangerous na paputok.Baka ako pa mag sponsor kapag madala sila sa hospital.
Napangisi lang ako habang iniligay sa sahig ang mga paputok at sinindihan.Sakto naman at tapus na ang mga ito.
Lumabas na ako nilock ang pinto.Sunod sunod na putok kasama sa kanilang tili ang naririnig.Nang marinig ko itong tapus na ay binuksan ko na ang pinto.Tumambad sa harap ko ang dalawang pulubi .
Nanlaki ang mata ko."Dios mio! Okay lang kayo?" walang pag alala sa boses ko.
"D-Do we look okay?" nakatulalang sabi ni Damian.
Napatingin ako sa katabi n'yang si Logan na nakatulala.Bumuka ang bibig niya habang nag aapoy naman ang mata nitong tumingin sa'kin. "You !"
Wala pang segundo ay mabilis akong nawala sa harap nila.Dinig ko pang sumigaw si Logan na humanda ako sa kanya kapag nagkita kami.Patalikod ko itong kinawayan,magkikita talaga kami dahil magkaklase kaya kami.
Nakita ko naman si Carver na nakapamulsang naglakad parang hinahanap ako.May mga kababaehan ding kinikilig na yumuyuko sa kanya.
May isang babae naman ang nahihiyang lumapit.Sobrang kapal nang blush on nito sa pisnge na akala mo sinampal sa kapre.
"Ah Rank 3,sino hinahanap mo ? Ako ba?" walang prenong tanong nito.
"Puta!" bulalas sa mga kababaihan na parang hindi makapaniwala.
"Mukha ba ? Alis !" mabilis at walang ganang sagot ni Carver at nilampasan ito.
Sira ulo talaga 'to.Madaming nagbago kay Carver.Hindi ko ipagkakailan na maganda talaga ang lahi ng mga Falkin.
"Cesarina.Nand'yan ka lang pala!"
"Malamang," sagot ko naman.
Nag iisang pinsan ko lang 'to si tandang Carver in tagalog kuya Carver.Kambal ang ama namin.Sabay din nagpakasal at nabuntis ang magulang namin pero nauna s'yang iniluwa kaya matanda pa siya sa akin ng one minute pero hindi ako nagku-kuya sa kanya, minsan lang kapag nand'yan ang mga pamilya .
Hindi kami lumaking magkasama dahil pagka sampung taong gulang ko ay umalis kami sa Pilipinas upang doon tuluyan nanirahan sa America kasama na doon ang pamilya ko.Kaya matagal tagal kaming hindi nagkikita ni Carver lalo na't hindi kami umuuwi na sa Pilipinas.
My language is still the same marunong pa din ako mag tagalog at gumagawa nang kababalaghan.
"Ano yung mga narinig ko ha? Lahat nang room dito pina-papu-tukan mo ?!"
Hinampas ko naman ang braso niya."Ano ba Carver,huwag mo naman isampal sa akin ang kasikatan ko," sobrang nakakahiya kaya.
Napangiwi siya."Kasikatan o kapasawayan?"
Psh,magkaiba ang kahulugan pero iisa lang ang gumawa.Pansin ko naman na malaki ang pagbabago sa mukha ni Carver pati katawan niya na ngayon halatang tao na.
Noon mukhang pulubi pa ito sa kanto ,ngayon batang inaruga na.Nag glow up pala ang isang 'to.
Bigla itong napangiwi at napa-atras sa akin."Ano ba Sarina ! Amoy pulbura ka!" tinakpan niya pa ang kanyang ilong.
Ngisihan ko lang at mas lalong inilapit sa kanya ang kamay ko upang maamoy niya pa ang pulbura.
"So naughty!" inis na bulalas niya at napa ayos sa tayo. "Malaki na ang pinagbago mo, mas naging pasaway."
"Ikaw din!" nakangusong pabalik ko."Tumanda na!"
Nakita ko naman si Logan sa kalayuan at ang kasama n'yang si Damian nakatulalang naglakad.Dali dali akong napatago sa likuran ni Carver.
Parehong hindi maipinta ang mukha nila at nakakunot ang mga noo. Napasinghap naman ang iilang nakakita sa dalawang rankers.Pinigilan ko namang matawa sa kanilang istura.
Mabilis tumingin sa'kin si Carver pagka alis nila."Ikaw ba ang gumawa nun sa kanila ?!"
Ang bilis naman nitong makasisi,pero ako nga.
Napaiwas ako ng tingin at ngumuso sa kanyang harapan. "Oo,narinig ko ang usapan nila na tatalunin ka ni Logan ," sumbong ko pa. "Binigyan ko lang ng leks'yon at pinaghigante ka.Thank me later."
"Ano! Teacher kaba? May leks'yon leks'yon pang nalalaman," bulyaw niya."Well ,kung matatalo niya ako.Hindi ko akalain na bina-backstabbed pala ako sa mga baliw na yun," ngumisi siya at napatingin sa ulohan ko." Alisin mo nga 'yang helmet mo,ang baduy mong babae ka."
Napa atras ako sa kanya. "Huwag! Fashion 'to. " pagpigil ko sa kanya. "Palibhasa,wala ka kasing fashion sense."
Kailangan ko 'to upang pagtakpan naman ang boung mukha ko,kapagud kaya maging maganda na parating pinagtingnan sa lahat at pagpilahan sa mga kalalakihan.
"You look -- grrr ! Saan ba ang motor mo?" iritang tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako ." Nag kotse ako,bagong bili kahapon," pagyayabang ko pa.
Pagdating ko sa Pilipinas ay agad akong humanap ng matitirahan at yun ay ang Motel.Bumili din agad ako ng kotse upang makapag enroll agad sa High University kung saan tinanong ko pa kay Tita kung saan nag aaral ang anak niya.
Napauwang ang bibig niya."You're crazy," bulalas nito at kinaladkad ako .
"Saan ka nakatira ngayon? Bakit hindi ka dumeritso sa bahay ? May pera ka ba? Nakaka awa kang babae ka."
Masama ko naman s'yang tiningnan habang naglalakad kami.Sa sunod sunod na tanong niya,iisa lang ang pumasok sa utak ko.
"Ano?! Pinapalayas na nga ako tapus naghihingi kapa ng pera sa'kin! Namumulubi kana din ba?"
Binatukan niya ako.Ramdam ko naman ang pagkatunog sa buto ko.Ahh-- langya hindi naman masakit.
"Bibigyan kita ng pera.May puso din ako sa kadugo ko."
Napaayos ako.Ganun ba.
"Marami akong pera,salamat sa pagmamalasakit," anang ko. "Alam mo kung bakit ? Dahil binibigyan lang naman ako ni Mom at Dad," marami-rami tulo'y akong dollars.
"Akala koba pinalayas ka?" taka niya pa. "Bakit binibigyan ka pa?"
"Dahil naghingi ako.Ano kaba Carver,huwag mo naman isampal sa'kin ang kabobohan mo."
Saglit s'yang napa tahimik habang kunot ang noo.Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sa'kin. "Humanap ka ng maayos na paaralan.Huwag dito.Kakausapin ko si Dean ngayon."
"Subukan mo," pagbabanta ko. "Hindi ka talaga makakalabas ng buhay dito." Sayang yung dalawang piso,yawa.
Malalim s'yang bumuntong hininga at pinigilang mainis sa akin. "Magulo ang paaralan na'to.Hindi mo kayang manatili dito lalo na't napabilang kana sa rankers,you brat!"
"Maliit na bagay," sabi ko at pinagpagan ag braso."Hindi nakakamatay."
Napangiwi siya sa akin."Yabang."
"Nagsalita lang," pabalik ko at bigla niyang hinawakan ang helmet ko upang humarap ako sa kanya.
"Teka ! Nagpakulay kaba ng buhok? Ang laswa mo." Sinusuri niya ang hibla ng buhok kong blonde na lumalagpas sa helmet.
Kumawala ako sa kanya."Cool kaya.Naging rainbow pa nga noon ang buhok ko pero pinakulayan ko ulit baka kalbuhin ako ni Dad."
Napangiwi lamang siya. "Ang panget mo tas ang laswa,baduy pa."
Ladies and gentlemen.Meet my number one basher.Carver Tax Falkin everyone !
"Tell me,paano ka napunta sa section ng mga rankers ? Hindi mo naman d'ba pinagtripan si Dean? Blackmailed ?" sunod na sunod na tanong niya.
Tiningnan ko s'ya.Aba eh, bakit ako tinanong nito. "Itanong mo dun sa panot."
"Panot ?"
"Oo yung panot na Aguerro Lazarus,tropa ko na nga yun."
Napasinghap siya at napatingin sa paligid."Cesarina ! Lower your voice,lolo 'yun ni rank 1!"
"Totoo naman, panot yung Dean. Nasa taas ang araw.Sinabi ko pa nga na bibigayan ko siya nang wig."
Napatigil ang isang lalaki mula sa paglalakad.Dinig ko pang ilang ulit napamura si Carver at mabilis na inakbayan ang leeg ko.
Luh ! Papatayin siguro ako nito.
"R-Rank 1, ikaw p-pala."
Napatingin ako kay Carver na namamawis ang noo.Teka, rank 1 ?! Nanlaki ang mata ko. Narinig niya?
"9 PM at the underground .Don't be late Rank 3."
Tulo'y tuloy itong naglakad at hindi man lang magawang tumingin sa'min.Ang taas n'yang lalaki at sakto lang ang katawan.
Katulad din ni Logan,may bangs.Wala ata sa mood ang lalaking yun,mukhang maraming problema sa buhay.Hindi marunong ngumiti.
Kumunot ang noo ko kung paano nag siyuko ang mga estudyante sa kanya at sobrang ne-rerespeto nila ang dumaan sa harapan nila.
Daming hari dito ah.
"You and your naughty mouth! Mabuti at hindi niya pinansin ang sinabi mo !" binatukan niya ulit ako bago kumalas sa'kin. "Ewan ko nalang sa moral values mong babae ka."
Napahawak ako sa pagkabatok niya at ngumuso. "Ano naman kung mapansin niya?"
"Hindi mo magugustuhan kapag magalit si rank 1."
"Hindi talaga," mabilis na sagot ko.Yun pala yung tinutukoy nilang rank 1,sayang at hindi ko nakita ang twerk niya.
"Nga pala anong gagawin niyo sa underground ?" lumalapit lapit ako sa kanya.
"Cesarina Jam! Alam ko ang binabalak mo ! No!"
Mabilis s'yang tumalikod at naglakad kaya napanlabi akong sumunod sa kanya.
Panget ka bonding 'to,hindi nagsasabi.
"Ipagkalat ko kaya sa pamilya natin na sumayaw ka ng twerk, "pananakot ko.Hindi ko muna sasabihin na kinukunan ko sila ng video.
Inis s'yang tumingin sa akin ."So naughty!"
•Miss_Cutenightmare