Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 20 - CHAPTER 20: ARTIFACT? (White house)

Chapter 20 - CHAPTER 20: ARTIFACT? (White house)

Rinig ko ang masayang kwentuhan ng mga tao sa loob ng bahay ng mga Chen. Lumapit ako sa gate na dahilan para tumingin sa akin ang dalawang guard. Napakunot ang noo nila. Ang isa sa kanila ay para bang nakakita ng multo. Pero tinanguan ko na lamang sila at pumasok na.

Naramdaman ko ang pamilyar na sensasyon ng barrier. Napatingin ako sa taas at napansin ang mukhang matibay na barrier. Pero nakikita ko na anumang oras ay maaari na itong mawala.

Kung may mangyayare mang masama at may pag-atake mula sa labas, hindi malabo na bumigay ang barrier na ito.

May mga kaunting tao sa espasyo ng bahay pero hindi nila ako napansin dahil pokus sila sa mga pag-uusap. Kaya naman dumiretso na lamang ako sa kung saan ang venue ng kasal nila---sa hall.

Nakita ko ang pulang carriage at flag ng Hong Clan sa labas kaya naman nakumpirma ko na dito nga ang venue nila. Narinig ko naman ang boses ng magkakasal sa kanila. Mukhang nasa altar na sila pareho. Hindi ko makikita ang loob dahil nakasara ang pinto ng hall pero hindi pa muna ako pumasok.

Ayokong sirain ang kasal nila o ano. Atsaka magtatanong lang naman ako kay Captain Chen.

May gusto lang muna akong puntahan bago ang lahat.

Mabilis akong naglakad papunta sa kabilang dako ng bahay ng mga Chen. Papunta sa kwarto ni Mira. Walang gaanong tao dito sa parteng ito dahil medyo malayo nga ito sa ibang mga kwarto. Kaya naman medyo swerte ako na may oras ako para magliwaliw dito ng walang taong agad na makakakita sa akin.

Narating ko naman ang pinakadulo na kwarto at unti unting bumuhos ang mga alaala ko sa lugar na ito. Hindi... Alaala ni Mira.

Dahil sarado ang pinto ay ginawan ko na lamang ng paraan para mabuksan iyon. Kung anuman ang paraang iyon ay wag niyo na lamang tanungin. Pumasok na ko at bumungad sa akin ang kwarto na nakita ko na sa panaginip ko. Sinuyod ko ng tingin ang paligid saka nakita ang isang litrato.

Napahawak naman ako sa dibdib ko at kinuha iyon saka pinagmasdan. Ang nasa litrato ay si Captain Chen kasama ang babaeng kamukha ko. Walang may pinagkaiba sa itsura namin. Nakasuot naman sila ng pang kasal.

Mira... siya nga ang unang asawa ni Captain Chen.

Pero bakit ko nakikita ang mga alaala niya?

Nakarinig ako ng mga sigawan sa labas. Agad akong napatakbo palabas at napatingin sa taas.

"Pawala na ang barrier." Sambit ko.

Mabilis akong bumalik sa daan papuntang hall. Nang makarating ako ay bukas na ang hall at may kaguluhan na sa labas at sa loob ay... naroroon ang duchess kasama ang isang lalake, yung yumakap sa akin noon. Hawak ng duchess ang papakasalan ni Captain Chen at may nakatutok sa leeg nitong katana. May dumadaloy na spiritual energy sa katana kaya naman magkamali lamang ng kilos ang iba ay maaaring mapatay ng duchess ang babae.

Si Captain Chen naman ay nasa harap at hindi din makakilos. Alam niya ang pwedeng mangyare ganun din ang iba pang captains sa harap at iba pang mga naimbitahan.

"Captain Chen... Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Mahirap ba iyon? Mamatay itong babaeng to o ibibigay mo sa amin ang treasure ng white house." Sabi ng duchess. Ngumisi siya kay Captain Chen saka idinikit ang katana sa leeg ng babae na dahilan para magkahiwa siya ng kaunti. Umagas ang kaunting dugo mula doon na dahilan para umitim ang awra ni Captain Chen.

Kikilos na sana siya pero tinutukan din siya ng katana sa leeg noong lalaki na kasama ng duchess.

Bigla namang umilaw ang energy stone ko. Sinagot ko iyon at agad narinig ang boses ni Maxson.

"Nyssa!" Rinig ko ang tunog ng espada at kung ano ano pa sa kabilang linya. Hinihingal din siya at mukhang nakikipaglaban.

"Maxson... Anong--"

"Nasa white house ako ng Chen Clan! Kailangan mo silang pigilan dyan at ako na ang bahala dito!" Sigaw niya bago na naman nawala.

Nag-aalala man ako para kay Maxson pero alam ko na mapagkakatiwalaan ko ang sinabi niya. Napadako ang tingin ko ulit sa mga tao dito sa loob na mukhang hindi ako napansin.

Nagsesenyasan na ang ibang mga captains at alam ko na may balak sila. Pero nakita ko din ang hawak ng kasama ng duchess... Isang bomba. Ang bomba na iyon ay nakita ko na sa mga training ko noon sa Saido. Hindi lang maaaring makabawi iyon ng buhay kundi papahinain din noon ang spiritual energy ng isang tao. Dahilan para mawalan ang mga nasa perimeter nito ng buhay. Maaari mang maka survive ang mga captains at iba pang malalakas ang spiritual defense o energy dito. Pero madaming madadamay.

Napapikit ako.

Pinagkatiwalaan ako ni Maxson dito. At isa pa, ayokong may mamatay dito ngayon.

"Duchess Taenlah, hindi ko alam na ikaw mismo ang gagawa ng gulo dito." Malakas kong sabi saka naglakad papalapit sa kanila. Napadako ang tingin ng lahat sa akin. Halata sa mukha ng iba ang gulat, lalo na sa mga myembro ng Hong Clan at Chen Clan na hindi pa ako nakikita.

"Mira!" Rinig kong sabi ng isa sa mga myembro ng Hong Clan.

Nahihirapan man ay tumingin sa akin ang papakasalan ni Captain Chen. Nanlalaki ang mata niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at tinignan ang katabi ng duchess.

Ngumiti ako.

"Now... What's your name again?" Sasagot na sana siya sa tanong ko pero pinutol ko ang sasabihin niya. "Ah. Kaito Irdon."

Huminga ako ng malalim at hinayaan ang alaala ni Mira na dumaloy sa isip ko. Matalim akong tumingin sa kanila.

"Kung ang pakay niyo ay ang kapangyarihang mayroon ang white house---specifically ang treasure o artifact na ginagamit ng forefathers ng Chen Clan para mapanatili ang barrier sa buong paligid, then hindi naman iyon dahilan para idamay niyo pa ang ibang narito, tama?" Mahinahon kong sabi. Hindi ko alam kung totoo ba ang nasa alaala ko pero...

Tumawa naman ang duchess at nginisihan ako.

"Kung ganoon, alam mo din pala ang tungkol sa artifact na iyon." Aniya

"Tama ka." Tinignan ko si Kaito at inilahad ang kamay ko. "Kapalit ng knowledge na meron ako, huwag na kayong gumawa pa ng malaking gulo."

Mukhang nag hehesitate na si Kaito dahil bababa sana siya at kukunin ang kamay ko ng hilahin siya ni Taenlah. Iyon din ang signal para kumilos si Captain Chen. Tila ba isang hangin siyang dumaan papunta sa babae at lumitaw nalamang sila sa kabilang dulo ng hall. Nawala ang atensyon ni Taenlah sa babae kaya naman nakakuha siya ng oportunidad para mailigtas ang mapapangasawa niya.

Galit namang tumingin sa akin ang duchess at sinugod ako. Kumilos na din ang mga captain para pigilan ang duchess pero bigla lamang lumabas ang mga halimaw.

Mukhang tuluyan ng nawala ang barrier.

Tumakbo na din palabas ang mga tao. May humila naman sa akin at nag teleport kami papunta sa labas. Hindi pa naman sa labas ng teritoryo ng mga Chen kundi sa labas lamang ng bahay at hall.

Napaangat ang tingin ko at nakita si Lieutenant Ren.

"Mi--Nyssa, masyadong delikado na sa loob. Sasamahan kita palabas ng teritoryo ng Chen." Aniya saka hahawakan sana ako sa braso pero umatras ako ng kaunti.

"Matagal na ang problemang ito. Dalawampung dekada na ang lumipas at hindi pa din nalulutas ang problemang to. Lieutenant Ren, hayaan mo akong tulungan kayo." Sambit ko.

Umiling siya.

"Hindi na ninyo dapat problema ito, Nyssa. Problema na to ng Hiyosko."

"Problema ko na din ito, Lieutenant." Sambit ko saka naglakad palayo.

"We can't guarantee your safety, do you want to die?!" Sigaw niya saka humabol sa akin.

Huminto ako saka nilingon siya.

"I'm already suffering from this memories, from doubts, from different emotions na hindi ko alam kung nasaan nanggaling. Gusto ko ng kasagutan kaya naman hindi ako mamamatay hangga't hindi ko nakukuha iyon. Wala na akong iba pang sasabihin sayo, Lieutenant." Sambit ko saka tumakbo na. Hindi na niya ako hinabol o ano. Wala na din akong oras para kausapin pa siya.

Tinawagan ko ulit si Maxson pero hindi na siya sumasagot. Alam ko na ineexpect niya na may gawin ako doon sa sitwasyon sa hall pero alam ko din na kailangan kong puntahan ang artifact na iyon.

Tingin ko... may kasagutan din doon. Kaya naman hindi ko iyon palalagpasin.

Pero hindi nga magiging madali sa akin ang pagpunta doon. Dahil sa ngayon ay nasa harap ko ang naglalakihang mga halimaw. Pula ang mata nila at ang kanilang mga matatalim na ngipin ay nakalabas. Anumang oras ay pwede nilang tanggalin ang mga laman ko gamit ang mga iyon.

Nakarinig ako ng malalakas na pagsabog. Napapikit ako dahil sa ingay at dahil doon ay hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo papalapit sa akin ng mga halimaw. Hinugot ko naman ang dagger ko at mabilis ring sinalubong sila. Isa isa ko silang pinatay pero masyado silang mabibilis kaya naman nagkaroon din ako ng kaunting mga sugat galing sa matatalim nilang mga kuko.

Umilaw na naman ng energy stone ko.

"Maxson!" Sigaw ko saka sinaksak ang halimaw sa harap ko.

"Parami ng parami ang mga halimaw at nandito si Mr. Janzen--- mahihirapan ako, kaya naman pumunta ka dito at---kunin ang artifact!" Aniya sa pagitan ng paghinga.

"Don't die, Maxson. Papunta na ako dyan kaya pigilan mo si Mr. Janzen hangga't kaya mo!"

"Kaunting oras na lang ang maibibigay ko sayo." May narinig akong mga yabag sa kabilang linya. Papalapit iyon kay Maxson.

"He's going to kill me and will definitely steal that artifact. Pag nakarating ka na dito, malalaman mo din ang lahat. I found some interesting information. If I'm correct, you're--"

Nawala na ang ilaw sa energy stone ko at mukhang nagpatuloy sa pakikipaglaban si Maxson. Agad naman akong umiwas sa halimaw na akmang dadakmain ako.

Damn this monsters.

"Yahhh!" Sigaw ko saka agad na pinatay ang lahat ng halimaw na nakaharang sa daraanan ko. Tumakbo na ako papunta sa white house ng walang tigil. Ilang metro na lamang ay makakapasok na ako ng biglang may humarang sa akin.

"Kaito." Sambit ko.

Bumuntong hininga siya.

"Kung sino ka man, hindi kita hahayaan na maki-alam sa plano namin." Aniya saka inilagay sa harap niya ang katana. Handang sumugod sa akin.

Ngumisi naman ako.

"Killing your friend wasn't enough, isn't it? Will you be satisfied if you kill a lot more people para lamang makamit mo ang gusto mo?" Matalim na tanong ko.

Kapag tumugma ito...

Tumawa naman siya.

"Ang ilang buhay ay hindi mapapantayan ng napakaraming buhay na maaaring mabuhay ng masaya kapag nangyare na ang plano namin." Aniya

Tinignan ko siya ng masama.

"Lahat ng pangyayare na narito, ang interaksyon ko sa iba't ibang malapit kay Mira, ang alaala ko at ang mga panaginip ko... Ang emosyong bumabalot sa dibdib ko... It's making sense now." Bulong ko.

Those are real.

Hindi lang ako paulit ulit na nagtatanong sa sarili ko kung totoo ba iyon o hindi. I'm observing. Ayoko lamang kompirmahin dahil gusto ko mismong marinig.... kay Captain Chen. At sa isa pang bagay...

Dumiretso ang tingin ko sa pinto ng white house.

Sa bagay na nasa loob.

"Kung iniisip mo na pumasok sa loob ng white house, kailangan mo muna akong patayin." Aniya

"Why would you waste your life just for your goals?" Tanong ko saka mahigpit na kinapitan ang dagger ko.

Madilim siyang tumingin sa akin. Humakbang siya palapit kaya naman umatras ako.

"Just? Miss Nyssa, wag mong maliitin ang gusto kong mangyare--gusto naming mangyare. Isa pa, hindi ko ginagawa to para sa amin lang, kung hindi pati na rin sa mga susunod na henerasyon. Hangga't may hindi patas na patakaran, maraming kailangang magdusa at mawalan ng taong mahalaga sa kanila. Hindi mo alam iyon dahil tingin ko, hindi ka pa nawalan ng taong mahalaga sayo o kaya naman ay hindi ka iyong tipo ng tao na nagpapahalaga ng bagay at kapwa." Diretsang sabi niya.

Napakuyom naman ako ng kamao.

"Sabihin na natin na ganoon nga ang gusto mong mangyare, pero ano naman ngayon? Walang patas na bagay sa mundo." Sagot ko.

Galit naman siyang tumingin sa akin.

"Alam ko... Kung walang patas na bagay sa mundo, gagawa ako ng patas na mundo. Iyong walang nasa ibaba at walang nasa tuktok." Aniya saka tinignan ako sa mata. "Kung magiging sagabal ka sa plano, kahit na kamukha mo pa si Mira... papatayin kita."

Ngumisi ako.

"Patas na mundo... Hindi naman masama iyon, Kaito. Pero hindi ba't hindi ka na din patas ngayon pa lang? Dahil sa mga halimaw na narito at panggugulo niyo, maaaring may mamatay o masugatan. Kung talagang patas ang gusto mo, tuparin mo ang pinapangarap mo ng walang dinadamay na ibang tao! Patas ang gusto mo, pero hindi ka patas lumaban. Gusto mo ng short cut gamit ang kapangyarihan ng artifact na iyon--at ano na pagkatapos? Kaito, kung iyan nga ang gusto mo... patas din kitang lalabanan. Itaya natin ang buhay nating dalawa." Sambit ko saka pumwesto na.

Hindi ko alam pero mukhang may pumasok din sa isip niya. Pero pumwesto din siya at handa akong labanan.

"Sword of death, Hirao." Pagtawag ko sa dagger ko saka mabilis na tumakbo papunta kay Kaito.

"YAHHH!"