Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 22 - CHAPTER 22: HE'S BOTHERED!

Chapter 22 - CHAPTER 22: HE'S BOTHERED!

"Maxson!"

Napahiwalay naman agad si Maxson sa babaeng nilalandi niya. Tsk. Kahit saan talaga pumunta ang lalaking ito, may babae sa bisig. Mabuti kung mag isa lamang siya pero hindi eh.

Inikot ko naman ang mata ko tsaka inis na nagmadaling maglakad. Bahala na siya kung maiwan siya dyan.

"Teka---oh! Nandito pala kayo!"

Napalingon ako ng sabihin iyon ni Maxson. Nakita ko sina Lieutenant Ren, Eisha, Captain Xu at Kiro. Bumalik naman ako at pinuntahan sila.

"Aalis na pala kayo, hindi kayo nagsabi." Sambit ni Lieutenant Eisha saka lumapit sa akin. Kinapitan niya ang braso ko at para bang nalulungkot siya dahil hindi namin sila nasabihan. Napa ahem naman ako saka ngumiti.

"Pasensya na. Medyo nagmamadali na rin kami." Sagot ko.

Ngumisi naman si Captain Kiro sa akin.

"Iyon ba ang dahilan o ayaw mo lang magtagal dito dahil kay---" Naputol ang sasabihin niya ng takpan ni Captain Xu ang bibig niya. Pumalag palag pa siya ngunit malakas din si Captain Xu.

Umiling naman ako at ngumiti.

"Hindi. Usapan kasi namin ito ni Maxson. Isa pa, nagpadala ng sulat ang mga magulang ko." Bumuntong hininga ako. "Kailangan kong tumulong sa family business." Sambit ko.

Napatango tango naman sila.

"Kung ganoon, kailan naman tayo magkikita ulet? Bumisita naman kayo dito kung may oras kayo." Captain Xu.

Tumawa naman si Maxson saka inakbayan ako.

"Oo nam--"

"Wag kang mag desisyon para sa akin, Maxson." Pagputol ko sa sasabihin niya saka humiwalay. Yumuko naman ako sa kanila bilang paggalang at pagpapaalam. "Hindi ako sigurado. Pero kung mayroon man akong sigurado--yun ay ang makakapunta dito si Maxson anumang oras."

Natawa naman sila at napailing-iling.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni Lieutenant Ren saka tinignan ako na para bang.... mamimiss niya ako o ano. Teka--masyado akong makapal sa parteng iyon.

Niyakap ako ng mahigpit ni Lieutenant Eisha. Sumunod naman si Captain Xu na hinaplos pa ang likod ko.

"Gusto ko din nyan--" Hinila nina Captain Kiro at Lieutenant Ren si Maxson sa malayo at mukhang nag usap sila doon. Habang naiwan naman kaming tatlo.

Kinapitan nilang dalawa ang kamay ko.

"Mas gusto ko kayo ni Captain Zeid pero..." Lieutenant Eisha

Natawa naman ako.

"Naku! Hindi. Mas bagay sila ni... yung babaeng papakasalan niya. Pakisabi pala sa kaniya na congratulations."

Tumango sila.

"Sige na, babye!" Sambit ko saka humiwalay na.

"Ingat!" Naiiyak na paalam ni Lieutenant Eisha. Pasinghot singhot pa siya at suminga sa panyong inabot sa kaniya ni Captain Xu. Natawa ako pero tumalikod na at naglakad na papunta sa karwahe na sasakyan namin.

Sumunod naman si Maxson. Kumaway din ako kina Captain Kiro at Lieutenant Ren bago pumasok na sa loob ng karwahe. Umalis na kami kaagad pagkapasok ni Maxson.

Tumingin naman ako sa labas at napabuga ng hangin.

"Hanggang sa muli." Bulong ko.

---

1 MONTH LATER

Umunat ako at napatingin sa orasan. Alas tres na at napahaba yata ang pag idlip ko. Tumayo na lamang ako at dumiretso sa banyo para maligo. Matapos ang ritwal ko ay lumabas na din ako at nag ayos. Pumasok naman si Ran, isa sa mga katulong dito sa bahay. Pero siya ang pinakamalapit sa akin kaya naman ginawa ko na din siyang personal kong katulong.

"Miss Nyssa, kailangan mo po ng tulong?" Tanong niya.

Ngumiti naman ako.

"Woo, sakto nag aayos ako ng buhok at hindi ko maabot ang likod ng damit ko. Salamat." Sambit ko. Masaya naman siyang tumulong sa akin at inayos ang buhok at dress ko. Itinali niya ng pa ekis ekis ang likod at ngumiti sa akin.

"Tapos na po. Gusto mo po ba ng red lipstick?"

Natawa naman ako saka umiling. Ewan ko ba, pero noong pagbalik ko dito galing sa Hiyosko ay medyo nagbago ang mga bagay na gusto ko.

"Hindi. Ayos lang." Tumayo na ako saka inaya na siya palabas. Nagpaalam na siya pabalik sa kitchen habang ako naman ay dumiretso palabas ng bahay.

Habang naglalakad ay nagpatingin tingin ako sa mga stalls.

Marami akong naaalala sa mga kaunting bagay na nakikita ko sa labas. Lahat ng memorya ni Mira ay hindi nawala.

Ano pa nga ba?

Noong nahawakan ko ang artifact at pinakita noon ang lahat ng memorya niya... doon ko din nalaman ang katotohanan. Noong una ay kinwestyon ko din ang sinabi sa akin ng artifact na iyon. Pero... nag research ako at pumunta sa kilala kong doktor. May mga cases daw na katulad ng sa akin. Pero napaka rare nito.

May ideya na ba kayo?

Oo. Ako at si Mira ay magkaibang tao. Magkaiba kami ng pinanggalingan at kung ano ano pa. Pero spiritually, we're just one. Kaya huli na bago ko nakuha ang mga alaala niya, iyon ay dahil walang nag 'trigger' dito (Sa Saido) sa akin para ma-acquire iyon. Sabi ng doktor, posibleng nag trigger ay ang kakaisip ko sa mga bagay na nasa paligid ko noong panahong naroon pa ako sa Hiyosko. Maraming alaala si Mira sa Hiyosko. Kaya naman natural lamang na matrigger ang brain ko---at isa pa, konektado kami ni Mira spiritually, hindi ba? Her spiritual energy remains in Chen Clan's territory sa pamamagitan ng artifact na iyon na nagbibigay ng barrier sa buong teritoryo ng Chen Clan.

Hindi lang isang kapangyarihan ang spiritual energy kung hindi naroon din ang buong pagkatao natin. Kaya naman naroon ang alaala ni Mira na naninirahan sa loob ng artifact.

Mahabang eksplenasyon pa kung sasabihin ko lahat.

Ang emosyon ni Mira? Mmm... Syempre nasa akin din iyon. What I mean by spiritually connected is---Mira being reborn as me. Kaya naman syempre, ang alaala niya at ang emosyon niya sa partikular na mga tao ay nasa akin din.

Magulo ba?

Magulo lang siguro ako mag paliwanag. Pero siguro naman nakuha niyo na ang punto ko. Lahat naman daw ng na-rebirth ay syempre magkaiba ang katawan at pinanggalingan. Tanging spirits lamang ang nakakaalala kung sino ba ang totoong sila.

"Miss!"

Naging maliit naman ang mata ko ng marinig ang boses na iyon. Lumingon ako at nakita si Maxson na papalapit sa akin.

"Yo!"

"Tsk. Kailangan ko na sigurong lumipat ng bagong tirahan. Iyong malayo sa tirahan mo." Masungit na sabi ko.

Ngumisi naman siya.

"Iniiwasan mo ba ko dahil cru--"

Nakatikim agad siya sa akin ng sapok kaya naman napahinto siya at napa-aray.

"Isang malaking HINDI. Ano na naman ba ang kailangan mo babaerong bastos?"

Umayos siya ng tayo saka napakamot.

"Yung tungkol sa bubuksan niyong bagong restaurant. Nag merge kasi ang parents natin doon. Sinabi nila na i-handle daw nating dalawa iyon. Medyo hindi pa maayos ang papers dahil may isang problema. Yung lote kasi..." Mukhang nag hesitate pa siya bago niya ipagpatuloy ang sasabihin niya."Yung lote na iyon ay pagmamay-ari ng Chen Clan." Dagdag niya.

Ano?

Hanggang doon ba naman magkakaroon pa din ng koneksyon sa pamilyang yon? Hayys.

Napaikot na lamang ang mata ko saka bumuntong hininga.

"So?"

"Huh?"

"Ano naman ngayon? Anong problema kung kanila yun?" Masungit na tanong ko saka ipinagkrus ang mga braso ko.

"Well... Hindi sila pumayag na bilhin natin ang lote. Pagagawan daw nila iyon ng bahay kaya naman hindi daw pwede." Aniya saka napakamot.

"Edi bumili tayo ng ibang lote."

"I already thought about that. Pero masyadong malalayo sa main district ang mga lote. Location--we have to consider that." Aniya saka inakbayan ako.

Bakit ba ang hilig nilang akbayan ako?

"I know. Tsk."

Kung hindi maganda ang lokasyon namin, hindi rin magbo-boom ang business. Mas marami ring tao sa main district.

Main district... Center...

TSK! Naalala ko na doon rin pala ang station ng squad ni Captain Chen.

WAHHH!

"So?"

"So?"

"What's the plan?" Tanong ni Maxson saka iginaya na ako papunta sa kung saan. Nag isip naman ako at hinayaan na lamang siya na umakbay sa akin.

Ilang minuto ay napabuntong hininga ako.

"Fine. Pero why in Hiyosko? Napakadaming city kung saan pwedeng magtayo ng resto."

Humiwalay siya sa akin saka kumibit balikat.

"They decided. Alam mo na hindi na natin mababago iyon, unless you have a good reason to tell them." Nakangising aniya.

"Wala. I'm fine with it. Kakausapin natin ang clan leader nila o kung sino man ang naghahandle ng issue na iyon ngayon." Sambit ko.

"Sounds good to me."

At iyon nga, nagdesisyon kami na pumunta sa Hiyosko bukas. Masyado kasing nagmamadali ang mga magulang namin kaya naman napilitan kaming agahan ang schedule ng byahe. Ngayon, iniisip ko na lamang kung paano ako haharap sa clan leader nila which is yung grandpa ni Zeid.

Hindi ko alam...

Siguro pwede naman si Maxson na lang. Pero alam ko naman na hindi siya papayag dahil problema naming dalawa ito. Ang iniisip ko lang, paano kung ipasa kay Zeid ang pakikipag usap? Medyo busy kasi ang grandpa niya. Pero hindi ko naman alam kung busy siya sa susunod na mga araw hayyyysss!

Bahala na!

Sa susunod na lang. Gagawin ko ang makakaya ko at sana lang ay huwag kaming pumalpak.

---

NAKASAKAY na kami sa karwahe at papunta na sa Hiyosko. Malayo ang Saido City sa Hiyosko kaya naman mga ilang villages din ang madaraanan namin. Naisip namin na bumisita muna sa ibang village para naman makapag unwind kami kahit na kaunti.

Ilang minuto ng pagbabasa ay napaangat ako ng tingin. Huminto na ang karwahe at natutulog na si Maxson. Paano siya nakakatulog sa patuloy na pag alog ng karwahe?

Napailing na lamang ako dahil sa pagkamangha saka sumilip sa pwesto ng coachman.

"Uhh, nasaan na tayo?" Tanong ko.

"Nasa Poz na po tayo madam. Ano pong plano niyo?" Aniya

"Mag stay na muna tayo sa inn. Medyo mahirap na kapag naabutan tayo ng gabi sa daan." Sabi ko saka ginising na si Maxson. Dahan dahan naman siyang dumilat saka tumingin sa akin.

"Mmm?"

"Nasa poz na tayo."

Pumasok naman kami sa Poz saka inihinto ng coachman sa harap ng isang inn. Lumabas naman kami ni Maxson. Si Maxson ay medyo tulala pa dahil kagigising lang kaya naman hinawakan ko na lamang siya sa braso at iginaya papasok sa inn. Sumunod naman ang coachman matapos niyang itali ang tali ng mga kabayo.

Pagkapasok ay binati kami ng isang babaeng mga kaedad siguro namin.

"May room pa kayo?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya at tumango.

"Ilang room po ang kailangan niyo?"

"Dalawa--" Sinapok ko naman kaagad si Maxson saka nagsalita.

"Tatlo po. Para sa aming tatlo." Sagot ko.

Madaling proseso lamang dahil pina-log in lamang kami sa isang libro saka ibinigay ang susi. Itinuro niya ang hagdan paakyat at sinabi ang room numbers namin na magkakatabi naman. Umakyat na kami at pumunta sa mga room namin bitbit ang maliit naming mga bag o maleta.

"Hindi ko pala naitanong kung may free meals. Urgh, pagod lang siguro to. Pero hindi na bale." Sambit ko saka humiga sa malambot na kama.

Ilang segundo ay nakatulog na ako. Nagising na lamang ako dahil sa pagpasok ni Maxson sa kwarto ko dala ang isang tray. Nauna na daw sila kumain dahil tulog ako. Kaya naman dinalhan niya na lang ako ng pagkain.

"How sweet." Pang aasar ko.

Umiwas naman siya ng tingin saka inilapag sa mesa ang tray.

"Tasker q. Kumain ka na lang!"

"Ayy ang sungit niya~" Pang aasar ko ulit.

Sumeryoso naman siya kaya akala ko galit siya. Pero tinignan niya ako saka lumapit. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

A-Ano bang problema nito?!

"H-Hoy Maxson... Anong nangyayare sayo? May problema ka ba sa babae?" Tanong ko. Habang medyo pinapaangat ang atmosphere sa loob.

Hindi siya sumagot. Habang ako ay nakasubsob sa bandang tiyan niya. Hinayaan ko na lang siya dahil baka may problema nga.

Ilang minuto ay nagpaalam na siya at lumabas.

"Weird." Bulong ko.

Kumain na ako saka naghalf bath. Nagpalit lang ako sa pajama ko saka nagbasa lamang. Nang mag aalas dyes na ay natulog na ako.

Maaga naman akong nagising. Mga alas singko pa lamang ay nakahanda na ako. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko si Maxson na kakalabas lang din. Magulo ang buhok niya at mukhang kagigising niya pa lang. Napansin niya ako at ngumiti.

"Ang aga mo." Puna niya.

"Same to you." Napakurap ako ng makita ang eyebags niya. Natulog ba siya ng maayos?

Lumapit ako sa kaniya saka kinapitan ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan ko ang eyebags niya saka tumingin sa mata niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya naman humiwalay na ako.

"May problema ka ba Maxson? Mukhang hindi ka makatulog ng maayos at kahapon ay mukhang pagod na pagod ka pa." Sambit ko.

"Wala--"

"Fine. Pero kapag nag collapse ka dyan bigla dahil sa fatigue o kung ano, ewan ko na lang." Napapabuntong hininga na sabi ko.

Ngumiti siya saka ginulo gulo ang buhok ko.

"Thank you sa pag-aalala." Aniya. Iyong ngiti na iyon ay napaka genuine. Napaiwas naman ako ng tingin.

"O-Of course! I'm your... f-friend." Medyo nahihiyang sabi ko saka nilagpasan na siya.

May sinabi siya na hindi ko na narinig at hindi ko na din pinansin. Bumaba na ako bitbit ang maleta ko saka ibinalik iyon sa karwahe. Pumasok ulit ako sa inn at nakitang kalalabas lang ng kitchen nung babae sa desk.

"Gusto mo po ba ng maiinom? Coffee, tea or water?" Tanong niya.

"Just water please. Salamat." Sambit ko saka umupo sa isang upuan malapit sa bintana.

Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang labas.

"He's bothered by something. Ano naman kaya iyon?" Bulong ko.

Hayy naku, Maxson.