Alas tres ng hapon ay naisipan na naming lumakad ni Maxson. Syempre naghatid na kami ng sulat sa bahay ng nga Chen na pupunta kami. Hindi naman pwedeng basta na lamang kami pumunta sa bahay nila ng walang letter o pasabi, hindi ba?
At iyon nga, pormadong pormado itong si Maxson dahil sabi niya, "Dapat lagi tayong gwapo sa harap ng mga babae."
Nag alala pa naman ako nakaraan dahil matamlay siya at mukhang may problema. Akala ko dahil sa babae o ano pero wala naman pala akong dapat ikabahala. Babae lang ang katapat nito at mabilis pa ito sa alas kwatrong gaganahan sa lahat ng bagay.
Babae ang baterya neto.
"Nakakairita yang pakindat kindat mo dyan sa mga babae sa daan, Maxson. Huwag ka na lang kaya sumama sa akin at ako na lamang ang bahala sa pakikipag negosasyon sa Chen Clan? Tsk." Iritadong sabi ko at umirap.
Lumapit naman siya sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.
"Selos ka ba?"
Agad naman akong lumayo at saka mabilis naglakad paalis.
"Ano ka, Hilo?" Napabuntong hininga na lamang ako. Siguraduhin niya lamang na magagamit niya ang utak niya at ang matamis niyang dila sa pakikipag usap mamaya. Kung hindi, baka may ibibitin ako patiwarik sa hotel pag uwi.
Nakarating naman kami sa tapat ng gate ng mga Chen. Umalis ang isang guard at pagkabalik ay pinayagan na rin kami papasok. Napapatingin pa sila sa akin pero hindi ko na iyon pinansin at pumasok na.
May isang katulong na naghihintay sa amin na agad naman kaming iginaya papuntang office ng leader ng Chen Clan. Sa pagkakaalala ko, iyon ang grandfather ni Zeid--Captain Chen.
May mga katulong na napapasulyap sa amin at kapag nakita nila ako ay agad silang napapalayo ng tingin. Natatandaan ko ang ibang katulong pero ang iba ay mga bago.
"Naayos na nila kaagad ah. Iba talaga kapag may pera--oww sorry." Nasiko ko pa sa tagiliran si Maxson ng sabihin niya iyon.
"Same to you. Hindi ba't mayaman din naman kayo?" Bulong ko.
"Well..." Ngumisi lamang siya saka nag kibit balikat.
Pa humble pa.
Nakarating na kami sa office. Kumatok naman ang katulong at sinabi na narito na kami sa labas.
"Papasukin mo sila." Boses sa loob na natatandaan kong pagmamay-ari ng lolo ni Zeid.
Let's call him Zeid then. Nasa isip ko lang naman.
Binuksan na ng katulong ang pinto at nagpasalamat naman ako. Pumasok na kami at nadatnan ang nakaupong matanda sa couch. Nakatayo naman sa gilid ang butler niya at sa harap ay ang humihigop pa ng---tea na si Zeid.
Alam kong pinagmamasdan niya kami sa gilid ng mata niya.
Saktong dalawa silang narito, tingin ko ay magpapalitan sila ng opinyon.
"Maupo muna kayo." Nakapikit na sabi ng matanda.
Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa kabila. Pumwesto naman si Maxson sa tapat ko. Bale, magkaharap si Zeid at ang grandfather niya habang kami ni Maxson ay ganoon din.
Dumilat na ang lolo niya na ang pangalan ay Huro at parehas silang napadako ang tingin kay Maxson bago sa akin.
"Totoo nga ang mga bulong bulongan. Kamukha mo nga siya." Sambit ni grandpa Huro saka tinitigan ang mukha ko. Hindi naman umimik si Zeid pero para bang napansin ko na humigpit ang hawak niya sa baso.
Ngumiti naman ako.
"Ah. You must be referring to Zeid's ex-wife." Sambit ko.
"Naikwento na ba sa iyo ang tungkol sa kaniya, iha?"
Ngumiti naman ako at nag isip.
"Ikinwento po sa akin ng isa sa kakilala ko dito pero hindi iyon tungkol sa bagay na--kamukha ko nga si Mira. I just know her." Sagot ko.
Napatingin sa akin si Zeid pero binigyan ko lang siya ng isang ngiti... O ngisi. Hindi ko alam dahil nakuha na naman ang atensyon ko ng lolo niya.
"Mira... napakabait ng batang iyon. Nakakalungkot lamang na wala na siya sa amin." Mukhang nag hehesitate pa si grandpa Huro na sabihin na 'wala' na nga si Mira. Tingin ko sa loob nila ay naghahangad pa din sila ng himala o kung anuman.
"Hindi tayo nandito para pag usapan ang pagkawala ng babaeng iyon." Seryosong sabi ni Zeid at ibinaba ang baso niya sa mesa. "Yung tungkol sa lote na gusto niyong bilhin sa Chen Clan, buo na ang desisyon namin na hindi iyon ibebenta. Kaya naman wala na kayo dapat dito." Diretsang sabi niya.
Aww.
Napaka....Napaka sungit talaga nito. At alam niya ba ang salitang "pagpipigil"? Hindi pa rin yata ito marunong magpigil ng dila niya hanggang ngayon. Nakakatuwa lang isipin na hanggang ngayon ay walang kung sino man dyan sa tabi na babarilin o papanain na lamang siya bigla. Madaling makahakot to ng kaaway eh.
"Gusto kong marinig ang rason niyo kung bakit gustong gusto niyong makuha ang loteng iyon." Sambit naman ng lolo ni Zeid.
Tinanguan ko si Maxson at siya naman ang nagpaliwanag. Nagdagdag lang ako ng ibang mga detalye at mga pakiusap.
"Kahit bali-baliktarin niyo ang dahilan niyo o kahit dagdagan niyo man ang rason, hindi pa din iyon dahilan para ibenta namin sa inyo ang lupa." Sambit ni Zeid.
Tama naman siya.
"Pagagawan niyo daw ng bahay?" Tanong ko.
"Wala ka na doon." Masungit na sagot niya.
Napapikit na lamang ako saka tumingin sa bintana. Wala naman akong laban sa mga salita niya.
Sa huli ay hindi kami makakuha ng butas ni Maxson para tanggapin nila ang offer namin. Kahit na malaki ang bayad, ayaw pa din nila ibenta ang lote.
Ganoon din ang opinyon ni grandpa Huro. Mukhang wala nga talagang pag asa na makuha namin ang lote. Well, I guess hindi na namin kailangang ipilit.
Nasayang lang ang byahe namin pero tutal nandito naman kami, mas mabuting maghanap na lamang ng ibang lokasyon. If location failed, then we can just double our efforts to make sure our service is good at syempre ang pagkain ay dapat masarap din.
Great chefs, great waitr--
A-Ano iyon? May masamang tingin ang para bang nagpataas ng balahibo ko. At syempre kaninong tingin pa ba?
"Anong problema mo?" Tanong ko. Hindi ko namalayan na para bang nanghahamon ang boses ko. Pero hindi niya iyon pinansin at tinignan ako sa mata.
"You're nothing like her." Sambit niya.
Ano bang--
Inaano ko ba siya?
Tumayo siya kaya naman tumayo din ako.
"Ano?"
"Kung wala na kayong kailangan dito, umalis na kayo. Hindi na magbabago ang isip namin." Seryosong sabi niya saka naglakad na palabas.
Napailing na lamang ako.
"Pagpasensyahan niyo na lamang siya. Marami siyang pinoproblema ngayon." Paumanhin ni grandpa Huro.
"Ayos lang po." Sambit ni Maxson saka tumayo na din. Tumayo na din si grandpa Huro saka inihatid kami papunta sa pinto.
Pagkalabas namin ay nagpaalam na kami pero bago ako umalis ay tinawag ako ni grandpa Huro.
"Sa loob loob ng apo ko, gusto niya na ibalik ang mga nakaraan. Alam ko na kahit ano pa man, mas gusto pa rin niyang makasama si Mira."
Napaiwas naman ako ng tingin.
"Bakit niyo po sinasabi sa akin ito?"
Ibinalik ko ang tingin ko kay grandpa Huro at nakitang nakangiti siya.
"Bakit nga ba?" Tanong niya lamang.
Naiwan akong nag iisip. Tinanguan lamang ako ng butler niya at siya naman ay pumasok na ulit sa loob. Yumuko na lamang ako bilang pamamaalam saka humabol kay Maxson.
Nakita ko na lamang si Maxson sa tapat ng gate. Kasama niya si Zeid at parehong seryoso ang mukha nila. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Huminto muna ako para pagmasdan sila. Pero bigla na lamang kinwelyuhan ni Maxson si Zeid kaya natataranta akong tumakbo palapit sa kanila.
"--it's because you're dumb and a coward." Mariing sabi ni Maxson.
Hindi naman sumagot si Zeid pero nakalapit na ako kaya naman pinaghiwalay ko silang dalawa.
"Ano bang problema mo, Maxson?" Tanong ko. Hindi ako tinignan ni Maxson. Masama lamang siyang tumingin kay Zeid.
"Pasensya na, Captain Chen. Aalis na kami." Sabi ko saka kinapitan na sa kamay si Maxson at hinila paalis.
Naiinis ako sa ginawa ni Maxson pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya galit na galit kay Zeid.
Sa sinabi niya kanina na narinig ko... Tingin ko ay mas higit pa sa issue ng lupa ang dahilan.
Binitawan ko na lamang si Maxson ng makalayo na kami.
"Maxson, ipapahamak mo talaga ang sarili mo ano? Wala tayo sa Saido at wala kang kapangyarihan dito." Sabi ko na lamang.
Hindi siya umimik pero bigla niya akong inakbayan.
"Wag ka ng magalit. I'm just testing him." Aniya saka ngumiti. Ngiti na hindi abot sa mata niya at hindi ko ramdam na totoo.
Napabuga na lamang ako ng hangin.
Liar.
"Testing? Para saan naman?"
"Secret." Aniya saka inilagay ang hintuturo niya sa labi niya.
Secret my ass.
"Tsk."
"Siya nga pala, may flower festival ngayon sa kabilang district. Gusto mong sumama?" Masayang tanong niya.
Bumalik na naman ang pagkinang ng mata niya. Iniisip niya siguro na madaming babae doon.
"Nah. Kung gusto mo, pumunta ka doon mag isa."
Tinusok tusok niya naman ako sa tagiliran saka ngumisi.
"Sumama ka na~"
"Maxson." Pagbabanta ko saka lumayo sa kaniya.
"Mmm~ Dali na~" Parang bata na sabi niya.
Hindi ko talaga maintindihan ang utak nito. Parang may sira na ata ang turnilyo ng utak niya. Iba iba ng personality.
"Ayoko--"
"Hindi ka pala pwedeng tumanggi. It's a date!" Aniya
Napakunot naman ang noo ko.
"ANO?"
"It's a date." Seryosong sabi niya saka inilapit ang mukha sa akin. Sasampalin ko na sana siya pero nahawakan niya ang braso ko. Pagkatapos ay kumindat siya at lumayo na. Nauna sa paglalakad.
A date huh.