Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 29 - CHAPTER 29: HE... WHAT?

Chapter 29 - CHAPTER 29: HE... WHAT?

Alas syete na ng gabi at nakaupo kaming lahat malapit sa baybay. May bonfire sa gitna namin. Umiinom kaming lahat ng sake at nagkekwentuhan lang. Nagpatugtog din sina Eisha para mayroong konting ingay sa background. Natatawa na lamang ako habang nakikita silang sumasayaw.

Napasulyap naman ako kay Zeid na parang malalim yata ang iniisip. Tahimik lamang siyang umiinom ng alak na dala ni Lieutenant Arla para sa kaniya. Ayaw niya sa sake eh.

Hindi ko na lamang siya pinansin pa at nagmuni muni na lamang mula sa pwesto ko. Nagpatuloy ang kasiyahan namin hanggang alas diez. Halos lahat ay nalasing na. Ang medyo maayos na lamang ay ako, si Captain Kaito, at Captain Kei na napapailing na lamang sa mga lasing naming kasama. Si Zeid ay nakasandal sa isang log at nakahawak sa ulo niya. Si Eisha ay nakahandusay sa buhangin at nakahiga sa binti ni Lieutenant Ren. Nakasandal din si Lieutenant Ren sa log habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Captain Masashi. At ang iba ay nakahiga na din sa buhangin.

"Ito ang ayaw ko." May pagrereklamo sa tono ni Captain Kaito pero lumapit siya kay Captain Xu at binuhat siya. Sumenyas siya na sumunod na kami kaya napakibit balikat na lamang kami at lumapit sa iba pa.

Tinulungan ko na si Eisha tumayo at inakay siya papunta sa beach house. Mabigat siya ah. Kaya muntik pa kaming dalawa na madapa. Buti na lamang ay biglang dumating si Captain Kaito at inalalayan si Eisha sa kabila. Ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat at dinala na namin siya sa loob. Nang madala na namin halos lahat... at medyo nahirapan pa kami dahil ang iba ay mahirap i-handle tulad na lamang ni Captain Masashi na bigla na lamang parang susugod sa kalaban... Ang naiwan na lamang ay si Zeid na hindi umaalis sa pwesto niya.

"Paano siya?" Tanong ni Captain Kei.

Nagkatinginan naman kami. Anong paano siya?

"Huh? Hindi ba natin siya dadalhin sa loob?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at umiwas ng tingin.

"Medyo mahirap din i-handle yan si Captain Zeid kaya naman... Mauuna na kami sa loob. Bahala ka na!" Kumindat pa si Captain Kei at hinila na si Captain Kaito na may balak pa yata sanang tulungan ako.

Napanganga naman ako dahil sa nangyare. B-Bakit ako?!

Nag squat ako saka sinilip ang mukha ni Zeid. Nakapikit siya. Syempre tulog. Kinapitan ko ang pisngi niya at inangat saka tinapik tapik ng kaunti.

"Captain Chen? Woi.." Sambit ko saka tinapik tapik ulit ang pisngi niya. Idinilat niya naman ang mata niya ng dahan dahan saka tinignan ako. "Tara. Ihahatid na kita sa loob ng beach house." Inalalayan ko siya patayo na medyo nahirapan pa ako dahil pagewang gewang kami. Pero naging stable din naman ang tayo.

Inilagay ko ang kamay ko sa bewang niya saka dahan dahan kaming naglakad papunta sa beach house. Hindi naman siya mahirap alalayan eh. Gusto lang talaga siguro akong iwan ni Captain Kei dito. Napailing na lamang ako saka nagpokus na sa paghatid kay Zeid. Pero bago kami makarating sa hagdan papasok ng beach house ay huminto siya sa paglalakad. Napahinto din ako at napataas ang tingin.

"May prob--" Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla siyang yumuko at halikan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero.. LASING LANG ANG ISANG TO!

Nang bumalik na ang huwisyo ko ay agad akong humiwalay sa kanya na dahilan para bumagsak siya sa buhangin.

"S-Sorry!" Agad ko siyang tinulungan patayo saka mabilis na dinala siya sa loob ng beach house. Dinala ko siya sa kwarto nilang dalawa ni Lieutenant Ren saka inayos ang higaan niya. Pagkatapos ay pinahiga na siya at mabilis na umalis sa kwarto nila. Pagkasarado ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko.

He kissed me. Naku naku naku!

Sinampal ko ang mukha ko saka umiling.

That bastard.

---

Mabuti na lamang at nakatulog din ako ng maayos. Napabuntong hininga naman ako at napakamot sa ulo ko. Kababangon ko pa lang sa higaan at maaga pa naman. Mga alas syete pa lang. Umalis na ako sa higaan at humarap sa salamin. Sabog sabog ang buhok ko.

Eh paano ba naman, para lang makatulog ako ay nagpagulong gulong ako sa kama. Noong mapagod na ako ay saka ako nakaramdam ng antok. Napailing na lamang ako at nag ayos ng buhok. Nag toothbrush na din ako at naghilamos. Matapos ang lahat lahat ay lumabas na ako. Nakaamoy ako ng mabango sa kusina ng beach house kaya naman pumunta ako doon.

Nadatnan ko si Captain Xu na nagluluto. Aba, aba. Maaga siyang nagising ah. Napansin niya naman ako kaya ngumiti siya kaagad.

"Oh, Nyssa. Morning! Pwede bang pakigising na sila? Ito na lang ang natitira at matatapos na akong magluto." Aniya.

"Walang problema." Sabi ko saka pinuntahan na ang mga kwarto nila isa isa. Una kong pinuntahan ang kwarto nina Eisha. May dala akong kaserola at sandok na agad ko namang pinukpok. Mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas si Leigh at Eisha ng bangon. Nang makita nila ako ay napatawa sila at napanguso. "Gising na." Sabi ko saka ngumisi.

"Ayos yan ah. Hahahaha!" Tawang tawa na sabi ni Eisha saka bumangon na din. Lumabas na ako at sunod na pinuntahan ang kwarto nina Captain Kei at Lieutenant Arla. Binuksan ko iyon at agad na pinukpok ang kaserola at sandok na dala ko ng malakas. Dumilat sila saka parang mangangain ng tao pero agad din akong tumakbo palabas ng kwarto.

"Kain na, Captain, Lieutenant!" Sigaw ko saka lumipat naman sa ibang kwarto. Sa kwarto nina Zeid at Ren. Binuksan ko iyon at nakita ang posisyon nilang dalawa.

Maayos naman ang posisyon ni Zeid. Maayos siyang nakahiga sa higaan niya pero si Lieutenant Ren, hindi nasa magandang kalagayan. Nakabuka na ang legs niya. Naka horizontal si Zeid pero siya naka vertical. Ang paa niyang kanan ay nasa tiyan na ni Zeid at ang kaliwa naman ay nasa tapat ng ulo ni Zeid.

Mabuti naman parang tuod kung matulog to si Zeid. Kung hindi ay naamoy niya na ang paa ni Ren buong magdamag.

Hinanda ko na ang kaserola ko at sandok ko. Akmang papaluin ko na ang kaserola ng dumilat bigla si Zeid na muntik ko ng ikasigaw. Jusme naman!

Pinukpok ko pa din ang kaserola, dahilan para mapabalikwas ng bangon si Lieutenant Ren at nahampas pa ang paa niya sa tiyan ni Zeid na dahilan para mapabuga ng hangin si Zeid.

Pfftt!

"What the--?!" Inis na bulalas ni Zeid.

Nanlaki naman ang mata ni Lieutenant Ren saka para bang nag woworship habang humihingi ng paumanhin kay Zeid.

"Sorry, Captain! Sorry, Captain!" Aniya.

Natatawa naman ako pero pinigilan ko na lang dahil nakita ko si Zeid na masama ang tingin sa akin.

"Ano bang trip mo sa buhay?" Inis na tanong niya sa akin pero tinalikuran ko na sila.

"Kain na daw sabi ni Captain Xu." Sabi ko saka lumabas na. Napangisi na lamang ako. Pagkatapos ay pumunta naman sa kwarto ni Captain... Masashi? Nasa loob sina Captain Masashi at Captain Kaito. Naku! Maayos na sana kaso baka mapatay ako ni Captain Kaito.

Bumangon si Captain Kaito at napatingin sa akin.

"Ikaw pala iyong maingay." Aniya saka napadako ang tingin sa hawak ko.

"Pasensya na, Captain. Siya nga pala pakigising naman yang lasenggero sa tabi mo." Sabi ko saka yumuko na at umalis. Sinarado ko na ang pinto nila at bumalik sa kusina. Naroon na sina Eisha at Leigh na tumutulong na ilagay sa mesa ang mga pagkain.

Napatingin sila sa akin at natawa.

"Mukhang maganda ang method mo ah." Puna ni Captain Xu.

"Pero mukhang hindi gusto ni Captain Zeid, narinig namin siya kanina eh hahahaha!" Natatawang sabi ni Eisha saka inilapag ang plato sa mesa.

"Mukha nga." Nakangiting sabi naman ni Leigh.

Tumulong na din ako sa pag aayos ng pagkain at hinintay na namin ang iba. Ilang minuto lamang ay kumpleto na kami. Kahit na masama ang tingin sa akin ni Zeid.

Pasensya naman.

"Salamat!" Sabi namin saka sabay sabay ng kumain.

Napangiti na lamang ako. Hindi ko inaasahan ito. Na nakakasama ko sila ulit. Kahit panandalian lamang.

"Woi, anong meron? Bakit good mood ka, Nyssa?" Nakangising tanong ni Lieutenant Ren.

Napailing naman ako.

"Wala." Sagot ko lamang. Pero nakita ko na ngumiti din ang iba sa amin saka nagpatuloy na sa paglamon.

Mmm.. Masaya ako na nandito ako. Pero... ramdam ko ang matindi at mabigat na aura ni Zeid. Ano ba naman ito siya. Hindi mabiro. Tsaka gising na din siya kanina.

Tumunog naman ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan ang tumatawag. Si Maxson. Tumayo ako at lumayo ng kaunti.

"Iyong nakausap mo pala nakaraan, pumayag na. Pwede na tayong magsimula na magpatayo ng building doon." Aniya sa masayang tono.

"Mabuti naman. Pasensya pala ulit kasi--"

"Alam ko namang kailangan mo ding mag relax. Wag kang mag alala, kaya ko naman to." Sambit niya. "Oh siya, pagbalik mo, talagang madami kang gagawin. Kaya i-enjoy mo na dyan!" Natatawang sabi niya.

"Thank you, Maxson." Sincere na sabi ko. Wala namang sagot sa kabilang linya kaya akala ko nawala na ang call pero nagsalita siya.

"Oo. Ingat ka." Sabi niya.

Nahihiya ba siya? Napangiti na lamang ako at bumalik sa upuan ko. Nakita ko ang plato ko na madami ng carrots. Napatingin ako sa katapat ko. Si Zeid. Hindi siya lumilingon pero alam ko na siya naglagay nun.

Napailing na lamang ako habang nakangiti at nagpatuloy na sa pagkain.