Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 35 - CHAPTER 35: INFO

Chapter 35 - CHAPTER 35: INFO

Kinaumagahan ay inasikaso na namin lahat ni Maxson ang mga papeles para maipasa na sa opisina. Nang matapos kami ay parehas kaming napahinga ng maluwag. Pumunta kami sa isang kainan. Doon sa Taidan.

Habang kumakain ay nagkekwentuhan kami kung anong mga designs ang pwede sa resto na ipapatayo namin. Hanggang sa mapunta sa akin ang tanong niya.

"Mukhang nagsaya ka talaga doon. Kumusta naman?" Tanong niya saka kumagat ng sandwich niya. Napadako ang tingin ko sa kaniya at itinagilid ng kaunti ang ulo ko.

"Masaya. Ikaw? Mukhang masayang masaya ka dito... mambabae." Sabi ko at uminom ng juice. Ngumisi naman siya saka tinitigan ako.

"Selos?"

Muntik pa akong mabulunan sa sinabi niya. Napatawa naman ako ng kaunti.

"Luh. Asa ka." Sabi ko na ikinatawa niya. Pagkatapos ay huminto siya at sumeryoso.

"May kinuha lang akong impormasyon sa babaeng yun. Alam mo na." Kumindat siya sa akin. Inikot ko ang mata ko at tumingin sa labas. Naalala ko naman yung tungkol sa message na natanggap ko kahapon. Sasabihin ko kaya sa kaniya?Madaming source si Maxson at matalino siya. Baka malaman niya ang dahilan at kung sino ang nasa likod ng mga mensaheng iyon. Pero kapag sinabi ko naman iyon, malalaman ni Maxson ang tungkol sa akin! Sabagay... Hindi ko naman talaga iyon sinesekreto. Iyon nga lang, ayoko naman na magdagdag pa ng problema sa kanila. Kasi tahimik na ang buhay nila. Ayokong manggulo at ayokong problemahin nila ang bagay na problema ko lang.

Problema ko nga lang ba?

Naalala ko... Noong mga panahon na ikakasal na sana si Captain Zeid sa pangalawa niyang mapapangasawa, hinahabol nina Kaito ang artifact na nasa white house. Kung isa nga iyon sa mga susi para makuha nila ang gusto nila, malamang ay napakahalaga niyon sa mga susunod na mangyayare. Isa pang problema ay ako. Bakit gusto nila akong kunin at pasamahin sa kanila? Hanggang ngayon ay hindi pa din malinaw sa akin ang role ko sa mga plano nila. Pero kung ano man iyon, kailangan kong mag-ingat. Ano kaya kung sabihin ko ito sa Captain-Commander? Sigurado na maiintindihan niya ako. Isa pa, tingin ko ay may alam siya sa kaso ko o kaya naman ay may ideya siya kung bakit nabuhay ako ulit. Kung wala naman ay maaari siyang makatulong sa problemang ito. Lalo na at napag-usapan na din ang tungkol sa sulat na natanggap ko noon, dalawampung taon na ang nakalilipas.

Siguro nga. Kailangan ko lang na humingi ng kaunting oras ng Captain-Commander.

---

Matapos kong maipadala ang sulat sa estasyon ng squad one ay naisipan kong pumunta sa estasyon ng squad 4 para makausap si Zeid. Gusto ko din kasing malaman kung ano na ang nakuha nilang mga impormasyon na may kinalaman kina Kaito.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Captain Chen saka nagkasalubong na naman ang mga kilay niya.

Ngumiti naman ako.

"Gusto ko lang na makapag-usap tayo."

"Wala akong oras." Aniya saka nilagpasan ako. Pumasok siya sa station nila pero sinundan ko siya. Haharangin sana ako ng mga guards pero tinignan ko sila ng masama at tumakbo na papunta kay Zeid.

"Teka lang! Kahit ilang minuto lang." Sabi ko saka kinabig ang braso niya. Huminto siya at binawi ang braso niya. Tumingin siya sa akin at napabusangot.

"Ano ba yon?" Iritadong tanong niya.

"Mag-usap naman tayo sa medyo pribado." Reklamo ko naman.

Napa 'tsk' naman siya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"H-Hoy--!"

"Sumunod ka saken."

Ang sungit na naman. Akala ko nagbabago na. Pero sumunod naman ako sa kaniya. Pumunta kami sa office niya na kaunti lamang ang pinagbago. Napatingin ako sa isang lamesa na may litrato. Mmm? Litrato ko? (Ni Mira)

Nakasuot ako ng kimono dito at nakangiti ng malaki. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay may litrato pa din akong naka display sa office niya. Hindi ko alam pero napangiti ako. Tumingin naman siya sa akin at nakita na nakatingin ako sa litrato ng dati niyang asawa.

Lumapit siya sa mesa at itinaob ang litrato saka tinignan ako ng hindi ko maintindihan. Umiling naman ako at ngumiti.

"Wag ka ng mag salita. Alam ko naman na ang tungkol sa pagiging identical namin ng... una mong asawa." Sabi ko at itinuro pa ang mukha ko.

"Tsk. Sabihin mo na kaagad kung bakit gusto mo kong makausap. Ano bang kailangan mo?"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa bintana.

"Alam ko na magtataka ka sa mga itatanong ko. Pero sana ay bigyan mo ako ng malinaw na sagot dahil tingin ko ay napakahalaga ng magiging sagot mo." Sabi ko saka tumingin sa kaniya. "Ilang dekada ang nakalilipas, namatay ang una mong asawa. Pero bago iyon, sa taon ding iyon ay may nagpadala sa kaniya ng sulat gamit ang palaso. Isang pagbabanta? O kung ano man iyon. Ngayon, naisip niyo ba na may kinalaman iyon sa kaso nina Kaito?" Tanong ko.

Napakunot ang noo niya. Siguro ay nagtataka siya kung bakit tinatanong ko to ngayon at kung paano ko nakalap ang impormasyon. Pero imbes na magtanong siya ay sumagot na lamang siya.

"Oo. Naisip na namin. Pero noong nasa Poz kami noon. Nung nalaman namin na traydor si Kaito at yung kapatid niya. Nakumpirma lang namin ng buong buo ngayon dahil na din naimbestigahan sina Kaito at ang kapatid niya." Sagot niya at umupo sa upuan niya.

"Yung tungkol sa may nalaman kayong impormasyon. Alam ko na masyadong pribado ito, pero maaari mo bang sabihin sa akin ang impormasyong nakalap niyo?" Tanong ko.

Tinignan niya ako ng matagal saka umiling.

"Pribado. Ibig sabihin, hindi ko pwedeng sabihin ang anumang detalye." Sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako at pumunta ulit sa table. Kinuha ko ang litrato doon at ipinakita sa kaniya.

"20 years ago, she died ng hindi niyo alam kung bakit naging target siya nina Kaito. Bakit nga ba siya kailangan nina Kaito? Bakit nga ba... siya ang susi?" Tanong ko saka lumapit sa kaniya. "Captain Chen, alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pero sa ngayon, alam ko din na hindi niyo mahuhuli ang kung sino man iyong nasa likod ng lahat ng ito dahil nasa dead end na kayo. At kung umamin man ang magkapatid o ang duchess, sa tingin niyo ba, makatotohanan iyon? At kung iyon nga ay totoo, sa tingin niyo ba, mahahanap niyo ang taong alam niyong magaling magtago? Eto lang yan, Captain. Kailangan niyo ng alas." Sabi ko saka itinuro ang litrato.

"Ang ibig mo bang sabihin, si Mira ang alas namin para mahuli namin ang taong responsable sa nangyare noon?"

"At maaari ding responsable sa nangyayare ngayon." Sambit ko.

Napakunot ang noo niya.

"Pinagloloko mo ba ako? Mira is dead." Aniya. Nag-iba ang ekspresyon niya ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Pero naging kalmado pa din siya.

Ngumiti naman ako.

"But not me."

Napahinto siya at napatitig sa akin. "Anong... ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Pwede tayong gumawa ng plano. Sasabihin ko sayo kapag pumayag ka na sabihin sa akin ang impormasyong nakalap niyo. Ano? Payag ka ba?" Tanong ko saka ngumiti. Tinitigan niya ako ng matagal bago bumuntong hininga.

"Paano ko naman malalaman na mapagkakatiwalaan ka?"

"Ewan. Hindi ko rin alam. Kapag sinabi ko naman kasing mapagkakatiwalaan ako, pero hindi ka naman naniniwala, walang silbi diba?" Sambit ko.

"Tsk. Sige. Sasabihin ko sayo. Pero bakit interesado ka sa kaso na hindi mo naman naabutan? At paano mo nalaman ang mga bagay na iyon? Walang ibang nakakaalam noon kung hindi mga kakilala lang namin ni Mira." Aniya saka nagsalubong ang mga kilay.

"Kaya nga. Ibig sabihin narinig ko din sa kanila ang mga kwentong iyon." Sabi ko.

"Tsk. Eisha ba?"

"Pwede." Sagot ko saka ngumisi.

Nagkatitigan kami ng matagal bago siya umiwas ng tingin at bumuga ng hangin.

"Umupo ka at sasabihin ko."

Ngumisi ako.

"Yieee, sasabihin lang din pala--"

"Tumahimik ka babae."