Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 40 - CHAPTER 40: WILDOM

Chapter 40 - CHAPTER 40: WILDOM

45 years ago...

"Wildom, darating kaya iyong araw na magiging masaya tayo?" Tanong ni Belinda saka tumingin sa akin. Napadako ang tingin ko sa araw na papalubok. Hindi ako sumagot ng ilang segundo. "Wildom?"

"Siguro." Sagot ko.

Ngumiti naman siya ng malaki at tumango.

"Hihintayin ko ang araw na yun!"

---

Isang ala-ala na lamang iyon.

Ala-ala ng nakaraan na hanggang ngayon ay nakaukit pa din sa isipan ko.

Matapos ang araw na iyon, hindi ko na nakita pa si Belinda. Nabalitaan ko na lamang na ibinenta siya sa isang opisyal sa Hiyosko. Oo ibinenta.

Pareho kaming lumaki sa isang maliit na lugar sa Hiyosko. Wala kaming ibang ginawa kung hindi magtrabaho para sa iba. Ang kaunting pera na nakukuha namin ay tama lamang sa pagkain namin araw araw. Minsan ay kinukulang pa nga. Ngunit wala silang narinig na atungol mula sa amin. Ni isa.. wala.

Magandang babae si Belinda. At kahit na anong suutin niya ay bagay sa kaniya. Iyon din ang dahilan kung bakit nagka-interes ang isa sa mga opisyal sa kaniya.

Hindi ko na siya nakita mula noong huli naming pag-uusap sa bundok.

Ilang taon mula noong nangyare iyon, nagtatrabaho na ako bilang tagahatid ng sulat sa iba't ibang parte ng Hiyosko. Lumaki ng kaunti ang sweldo ko at nakarenta na rin ako ng isang maliit na kwarto. Isang araw nga'y inutusan akong ihatid ang isang sulat sa bahay ng opisyal.

Nang makarating ako roon ay agad akong pinadiretso sa opisina. Ngunit ng nasa harap na ako ng pintuan, may narinig akong pagbagsak. Bumukas ang pintuan at sa harap ko ay ang lupasay na katawan ng babae. Nakasuot lamang ito ng manipis na damit at may kutsilyo sa dibdib nito.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa pamilyar na pigurang iyon.

"Belinda.. BELINDA!" Sigaw ko. Ang pandinig ko ay tila ba nawala. Ang lahat ay naging mabagal at nakita ko ang ekspresyon ng lalake sa harap ko.

Nakangisi at tila hindi man lamang nagkaroon ng kahit na kapiranggot na pagsisisi. Pakiramdam ko ay may nag-uumapaw na emosyon ang gustong kumawala sa dibdib ko.

Isa lamang ang nasa isip ko noon.

Ang pumatay.

Hindi ako nagdalawang isip...

At pumatay...

Paulit ulit ko siyang sinaksak. At paulit ulit ding lumabas sa bibig ko ang mga salitang, "Para to kay Belinda. Ipaghihiganti ko si Belinda."

Ang mga katagang iyon ang nagbago ng aking pagkilos. Ngunit wala akong ibang maramdaman. Ang kailangan ko ay ang paghihiganti. Wala ng iba pa.

Simula noon ay ginawa ko ang lahat upang maging mas malakas. Nagkaroon ako ng lakas upang lumaban.

Ang buhay namin ay mahirap. Noong una'y wala akong sinisisi dahil isang kapalaran iyong inihatol sa gaya ko. Ngunit ngayon ay napagtanto ko na mahirap nga kami, ngunit mas lalo kaming humihirap dahil sa mga bulok sa lipunan. Gaya na lamang ng mga opisyal na ginagamit ang kapangyarihan nila upang gawin ang mga bagay na gusto nila. At kahit na masama man iyon ay wala silang natatanggap na kabayaran.

Ang mga bagay na nangyayare sa amin, ay dahil sa walang kwentang sistema sa mundo. Kung lahat ay pantay pantay at walang sinuman sa opisyal ang walang kwenta at masama, walang mga tao ang naghihirap at walang tao ang namamatay ng walang dahilan.

Gusto kong bumuo ng ganoong sistema. Mukhang imposible nga iyon...

Dahil...

Alam kong determinado siyang protektahan ang babaeng iyan.

"Zeid Chen.." Bulong ko sa sarili ko.

---

Napasigaw ako ng muntik ng matamaan ng malaking bolang apoy si Zeid. Parehas na silang humihingal ni Wildom pero mas sugatan si Wildom ngayon.

Kanina pa sila walang tigil na naglalaban. Tila pareho silang walang kapaguran. Ngunit ngayon ay halatang nauubusan na sila ng enerhiya. At hindi lamang enerhiya sa pisikal kundi espiritwal na enerhiya din.

Si Zeid ay gumagamit ng kanyang espada kaya medyo hindi nauubos ng mabilis ang spiritual energy niya. Pero si Wildom ay halatang kaunti na lamang ang itatagal.

Mabilis na kumilos si Zeid para umatake kay Wildom pero bago pa man siya makarating ay agad akong tumakbo papunta sa pagitan nila at pinigilan ang espada na maaaring mahagip silang dalawa.

Napaangat ako ng tingin at nakita ang babae na kulay puti ang buhok sa kanang bahagi ng ulo niya. Ibig sabihin, kalahating side ay black ang buhok niya.

"Tumakas ka na, Wildom!" Sigaw niya pero nakatutok pa din ang tingin sa akin.

Pakiramdam ko sobrang lalim ng kwento nila. Oo nga't nakagawa sila ng ganitong kalaking bagay na maaaring maapektuhan ang karamihan. Pero... para bang may mga bagay akong hindi pa nalalaman.

Susugod na sana Zeid kay Wildom pero agad kong sinipa ang babae. Tumalsik naman siya papunta kay Wildom.

Agad kong hinarang ang kamay ko para pigilan si Zeid.

"T-Teka, Captain Chen." Sambit ko. Napatingin naman siya sa akin. Imbes na magsalita siya at magreklamo, hindi siya umimik. Bigla na lamang natumba si Wildom at agad naman siyang pinuntahan ng babae.

Mukhang nasobrahan siya sa paggamit ng spiritual energy niya. Kapag sumobra siya sa paggamit ay maaapektuhan ang spiritual life niya at maaari niya iyong ikamatay. Tulad ng nangyare sa akin noong ako pa si Mira. Well, sa case ko naman... Sinadya ko na ubusin ang spiritual energy ko para maibigay ang spiritual life ko.

"Wildom!" Nag-aalalang tawag sa kaniya ng babae saka hinawakan ang braso niya.

May pinag-uusapan silang dalawa na halos hindi na namin marinig.

"Sa tingin ko ay hindi na sila aatake sa ngayon." Sambit ko kay Zeid.

"Are you saying that we should let them go? Tsk. Those people will plan to get you and resume what they want to do. If you don't act now--"

"Kalma, Zeid. I know. But for now... Let them be." Sambit ko at kinapitan ang braso niya. "Hindi sila tatakas. Alam ni Wildom na hindi sila makakatakas." Dagdag ko. Hinila ko na siya paalis. Saktong dumating ang iba pang captains at mga lieutenants nila. Pinaligiran nila ang dalawa.

Umalis na kami at nakarating sa plaza ng lugar na to. May mga tao sa paligid at mukhang lahat sila ay nabawasan ang pagkabalisa at takot ng makita ang mga squad members na nag-aasikaso sa paligid.

Aalis na sana ako para pumunta sa ibang mga naninirahan dito at i-check sila pero bigla akong hinila ni Zeid pabalik. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa kamay ko at nakatitig siya sa mukha ko. Para bang bawat parte ng mukha ko ay sinusubukan niyang basahin.

"A-Ano bang kailangan mo? Bakit naman ganyan ka makatingin--"

"You're... Mira, right?" Tanong niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya.

Napanganga naman ako para sumagot ng maling isasagot ngunit napabuntong hininga ako.

"Parang ganon na nga." Sagot ko.

Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay isa itong interrogation.

Bumuntong hininga siya at dahan-dahang binitawan ang kamay ko. May iniisip siya, halata naman sa ekspresyon niya.

Pero bago pa man siya magsalita ay dumating si Lieutenant Ren na may benda sa bisig niya.

"Yo, Nyssa!" Bati niya sa akin habang sumaludo naman siya kay Zeid.

"Irereport ko sana..."

Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila dahil umalis na ako.

Matapos ang nakakapagod na pangyayare sa Artrias ay bumalik na kami sa Hiyosko. Hindi ko na nabalitaan pa ang mga nangyare doon dahil naging classified ang impormasyong iyon para maiwasan ang pagkabahala ng mga mamamayan.

Umuwi din ako sa Saido para mag relax muna. Si Maxson naman na hanggang ngayon ay shock na shock pa din dahil kamukha niya si Wildom ay nakauwi na din sa kanila. Nahinto muna ang pag-aasikaso namin sa business.

Habang wala sa Hiyosko ay napakarami kong iniisip. Pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang pag-uusap namin ni Zeid. At bukod doon, may iba akong nararamdaman.

Napabuntong hininga ako.

Kailangan kong kumalma at harapin ang dapat kong harapin. Sa ngayon, satisfied ako na nahuli na ang mga nagpapahirap sa Artrias.

Everything went well... I think.

I did a lot of stupid actions and plans...

But still....

Good job, MIRA---NYSSA...