Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 36 - CHAPTER 36: A SUICIDE PLAN?!

Chapter 36 - CHAPTER 36: A SUICIDE PLAN?!

"Noon pa man ay naisip ko na may kakaiba sayo. Hanggang ngayon, wala akong tiwala sa pag-iisip mo." Sambit ni Zeid habang kunot ang noong nakatingin sa akin.

"Hindi ngayon ang panahon para mag-dalawang isip ka sa pakikipagtulungan mo sa akin. Alam mo Captain Chen, sabihin mo na lamang sa akin ang impormasyon para matapos na tayo." Sabi ko saka bumuntong hininga.

Hindi siya sumagot ng ilang segundo. Pumunta siya sa isang shelf at kinuha ang isang box. Pagkatapos ay inilabas niya ang mga scrolls at libro na naroon.

"Ito ang lahat ng nakalap naming impormasyon sa pamamagitan ng mga espiya, mersenaryo, at grupo ng mga kasama sa ekspedisyon. Iisa lamang ang punto nilang lahat. Mayroong grupo ng mga tinatawag na 'Black Trio'. Sila ay pumupunta sa iba't ibang village o distrito sa ibang syudad ngunit walang kahit na sino ang may nakaalam ng pagkakakilanlan nila. Konektado ito sa mga nangyayare sa ibang lugar tulad na lamang ng napuntahan ko kahapon, ang Artrias village. Pare-parehas ang sinasabi nila. Isang sumpa. Ano nga ba ang sumpa na ito? Ang nakalap nila ay iba-iba sa iba-ibang parte ng village. Sa Artrias village, ang naging sumpa para sa kanila ay ang patuloy na pagpatay sa mga taong ayaw sa sinasabing mga 'Black Trio' na ito. Walang kahit na sino ang pwedeng magsalita sa bagay na ito." Sabi niya at ipinakita sa akin ang sulat na halos hindi ko maintindihan. Napanganga naman ako ng kaunti. Paano niya nabasa iyan?

Napailing naman ako para mawala ang mga hindi importanteng bagay sa utak ko. Tumingin ako sa kaniya at ipinag-krus ang mga braso ko.

"Teka nga, ibig sabihin mayroon kayong espiya sa Artrias?" Tanong ko.

"Noong nalaman ng Captain-Commander ang tungkol sa mga sulat na impormasyon sa amin, agad siyang nagpadala ng mga espiya sa iba't-ibang village na maaaring mapuntahan ng nasabing grupo na iyon. Kaya naman nakakuha kami ng ganitong impormasyon." Paliwanag niya.

Kumuha ako ng isang scroll at binuklat iyon. Napanganga ulit ako dahil sa magulong sulat na iyon.

"P-Paano mo nababasa ang ganito kagulong sulat?" Namamanghang tanong ko.

"Tsk. Matalino lang ako." Sagot niya na agad kumuha ng atensyon ko. Napadako ang tingin ko sa kaniya.

"Aba't sinasabi mo bang bobo ako kaya hindi ko mabasa ito? Aba't--"

"Wala akong sinabi, babae." Sabi niya saka nag 'tsk' na naman. Bakit ba parang lagi siyang iritado kapag magkasama kami?

Napabuga na lamang ako ng hangin at pinilit na basahin ang mga sulat sa scrolls. Ilang minuto pa ay para bang kaunti na lamang ang natitirang pasensya ko. Pero may nabasa naman ako kahit papaano. Nasanay na siguro ang mata ko kakatingin.

"Tulad nga ng sinabi mo, pare-parehas nilang tinutukoy ang sumpa. Hindi naman siguro literal na sumpa iyon, tama? Maliban na lang kung isa, dalawa o tatlo silang mga magi--" Napahinto ako. Napatingin naman sa akin si Zeid. "Iniisip mo ba ang nasa isip ko?" Tanong ko.

"Mukha bang utak ko yang utak mo?" Masungit na tanong niya pero halata namang parehas kami ng nasa utak. Hindi ko na lamang pinansin ang marahas na tanong niya at agad na kumuha ng papel sa ibabaw ng desk niya. Sumulat ako ng mga diagram at kung anu-ano pa para maging gabay namin. Nakatitig lamang siya sa akin at sa papel habang kumikilos ako.

Ilang saglit lamang ay natapos ko na at ipinakita sa kaniya.

"Captain, tignan mo ito." Sabi ko at tinuro ang salitang 'Magician/Sage/Witch/Sorcerer'. "Sabihin nating tatlo nga sila. Ibase natin sa pangalan ng grupo nila. Wala naman sigurong grupo na may Trio sa pangalan ng grupo nila pero apat ang myembro diba? Ayun nga, tingin ko, may isa o dalawa sa kanilang magician, sorcerer o kung ano pa man ang tawag. Ang ilan ay supporter lamang at sabihin na rin nating magaling makipaglaban. Hindi sila tatagal ng ganoon sa iba't-ibang lugar kung madali silang mahuli. Ibig sabihin ay malalakas sila." Sabi ko.

"Naisip na din namin yan. Pero ano naman ang kahalagahan ng nalaman mo na yan?" Tanong niya na para bang naiinip.

Ibinagsak ko ang palad ko sa lamesa.

"Hindi niyo ba nakuha? May kinalaman to sa artifact sa white house--"

"Alam na namin iyon. Tsk."

"At sa akin." Sambit ko na kumuha ng atensyon niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sasabihin ko sa susunod. Pero ako ang susi niyo para makuha niyo ang atensyon nila. Gagawa tayo ng plano." Sabi ko atsaka ngumisi.

---

"You're crazy." Sambit ni Zeid saka umiling. Napanganga naman ang ilang mga lieutenant at ganoon na din ang ibang captain sa sinabi ko. "Kaya nagdadalawang isip ako na payagan kang makipag-meeting sa mga captains." dagdag niya pa.

Iniangat ko ang dalawang kamay ko na para bang pinipigilan ko silang mag react o magsalita.

"Teka teka teka... Makinig muna kayo, okay? Una sa lahat, sinong may ideya kung paano mahuli ang Black Trio na iyon?" Tanong ko at tinignan sila isa-isa.

Nagtaas naman si Captain Kiro saka tumingin sa akin.

"Mayroong mga seer at magicians ang sumusubok na hanapin ang mga myembro ng Black Trio. Pero ni isa sa kanila ay wala pang nakapagbigay ng impormasyon. Sa tingin ko ay malalakas ang mga myembro ng grupong iyon dahil hindi basta basta ang pagtatago nila ng kanilang mga aura o kaya naman ng spiritual energy nila." Aniya

Tumango naman ako.

"Tumpak. Sa madaling salita, wala kayong ibang paraan." Sabi ko saka ipinag-krus ang braso ko.

"Pero isang suicide ang iniisip mo, Ms. Nyssa. At isang tanga lamang ang ipapain ang sarili nila sa kalaban. Alam mo bang kapag hindi ka namin nailigtas sa tamang oras o pumalpak kami, maaaring matuloy ang plano nila? Kapag nangyare iyon, para mo na ring sinuportahan ang grupo nila." Halata sa boses ni Zeid na ayaw niya talaga sa plano ko.

"Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ang plano ni Ms. Nyssa." Sambit ni Captain-Commander, Hiro.

Napadako ang atensyon sa kaniya. Seryoso niya akong tinignan.

"Hindi lamang kayo magkamukha ni Mira. Kung hindi parehas din kayo ng spiritual energy. Kung hindi lamang namin alam na namatay na si Mira noon, iisipin namin na iisa lang kayo." Tumingin siya sa mga captains. Seryoso ang tono niya. "Kung iyon lamang ang tanging paraan. Pinapayagan ko ang plano ni Ms. Nyssa. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo upang gawin ang mga misyon niyo. Nakasalalay sa inyong lahat, hindi lamang ang buhay ni Ms. Nyssa kung hindi ng iba pang mga taong maaari nilang mabiktima. Aasahan ko ang suporta niyo kay Ms. Nyssa." Sambit niya saka tumayo na. Nauna na siyang umalis at naiwan kami.

Halata kay Eisha na nag-aalala siya sa akin pero nginitian ko lamang siya. Kapag hindi ko gagawin ito, magpapatuloy ang kasamaan nila at maaaring marami pa ang madamay. Pero kailangan kong mag doble ingat. Hindi nila ako pwedeng makuha kahit na anong mangyare.

Dahil masama ang kutob ko.

"Kung ganoon, gawin na natin ang dapat gawin." Sambit ni Captain Peira at tumayo na din.

Ngumiti ako.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong. Ngunit aasahan ko din kayong lahat." Masayang sabi ko.

Habang palabas kaming lahat ay may dumaan sa gilid ko.

"Just don't die..." Napalingon ako at nakita ang papalayong pigura ni Zeid kasama si Lieutenant Ren na tinanguan lamang ako at ngumiti.

Hindi ako mamamatay... Hindi pa sa ngayon.