Chereads / THE REJECTED WIFE / Chapter 33 - CHAPTER 33: A COINCIDENCE OR A NEW PROBLEM?

Chapter 33 - CHAPTER 33: A COINCIDENCE OR A NEW PROBLEM?

Lahat kami ay nakatingin sa exit ngayon. Napakurap naman ako at napatingin sa tatlong Lieutenant. Mukhang desidido silang manalo. Umatras naman ako kaya napatingin sila sa akin.

"Nyssa?" Lieutenant Ren.

Ngumiti ako at tumingin sa orasan. Ilang segundo na lang ay mag seself-destruct na ang buong maze. Bago pa man sila makapagsalita ulit ay sinipa ko silang tatlo palabas ng exit. Napasigaw naman sila at nakalabas na. Kinain sila ng puting liwanag at ang maze naman ay biglang yumanig.

Gumuho ang matataas na pader at bigla na lamang akong hinigop ng kung ano.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. Dumilat ako at nakita si Captain Xu. Kasama na niya ang iba at nasa tabi na kami ng hut.

"Good work." Ngumiti siya sa akin.

"Thanks?" Sabi ko na lang at lumapit na kami kina Captain Masashi. Hawak hawak naman nina Lieutenant Ren, Lieutenant Leigh at Lieutenant Eisha ang balakang nila na sinipa ko kanina. Nginitian ko na lamang sila at natawa ng kaunti.

"Ang nanalo ay ang tatlong Lieutenant. Ibig sabihin, sila ang makakakuha ng reward." Sabi ni Captain Masashi at tumayo. "Ipapadala ko ang reward niyo bukas sa mga opisina niyo." Dagdag niya pa at ngumisi.

"Teka, parang ang daya naman kung kami lang ang makakakuha. Si Nyssa--" Hindi ko na pinatapos si Eisha. Nginisihan ko siya.

"Walang problema, Lieutenant."

"I told you." Rinig kong sabi ni Zeid saka tinignan ako. Napaangat naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Huh?"

"Oh siya oh siya! Ang rewards niyo ay ipapadala ko din bukas." Sabi ni Captain Kei at ngumiti. Umunat unat kami. Nakakapagod din iyon ah.

"Boringgggg~" Sabi ni Lieutenant Arla pero natawa na lang.

Bago kami nakarating sa exit kanina ay napakarami pa din ng nangyare. Ilang beses kaming muntikan ng mabitag. Si Eisha naman ay muntik pang makatapak ng bomba. Hindi ko rin alam kung gusto kaming patayin ni Captain Kei o gusto niya lang kaming pagtripan. Ang mahalaga naka-survive kaming lahat.

"Okay! Kain na tayo!" Sigaw ni Lieutenant Leigh na mukhang kagagaling lang sa kusina. Teka paano naman siya nakaluto ng ganoon kabilis? Kakaiba siya.

Nagkatinginan naman kaming lahat at pumunta na sa mesa sa labas.

"Waaahh! Grabe yun ah." Nahihikab na sabi ni Lieutenant Eisha.

"Mukhang tama ka nga, Captain Zeid." Nakangising sabi ni Captain Masashi kay Zeid.

"Tsk." Sabi niya lang.

Tamang ano?

"Oi Nyssa, umupo ka na bago pa maubos ni Ren lahat ng pagkain dito." Natatawang sabi ni Eisha.

"Aba!" Aangal sana si Lieutenant Ren pero nilagyan ni Eisha ng rice cake ang bibig niya. Sinamaan niya na lamang ng tingin ang isa na ikinatawa namin. Umupo na ako at nagsimula naman kaming kumain. Magkatabi naman kami ngayon ni Zeid. Nasa kaliwa ko siya at nasa kanan ko naman si Captain Xu na nakikipagkwentuhan kay Captain Kaito na nasa harap niya. Naramdaman ko ang paa ni Eisha na kinakalabit ako mula sa harap. Katapat ko kasi siya sa upuan. Napangisi siya sa akin at inginuso si Zeid sa tabi ko na walang pakialam sa mundo niya. Basta siya kumakain lang.

Itinagilid ko ang ulo ko sa kanan ng kaunti saka inangat ang kilay ko. Ngumiti siya saka may ginawang kung ano. Agad na napaangat ang tingin ni Zeid at masamang tumingin kay Eisha, pero inginuso niya ako habang natatawa.

"Huh?" Tanong ko saka kami nagkatinginan ni Zeid. Umiling naman ako kaagad. "Wala akong kinalaman sa kalokohan niya." Sabi ko kaagad.

"Tsk." Aniya saka bumalik sa seryosong pagkain.

Ngumisi lang si Eisha sa akin. Sinipa niya ulit ang paa ko kaya naman sinipa ko din ang paa niya.

"Eisha." Sabi ko lang bago kumuha ng rice cake at kumagat doon. Pero naramdaman ko ang paa ulit ni Eisha na umangat na sa hita ko kaya naman sinipa ko iyon. Mukhang tumama naman ang paa niya sa binti ni Zeid na sinamaan kami ng tingin.

"Can you two stop playing while eating?" Inis niyang tingin... sa akin. Bakit ako?

"Sorry." Sagot ko lang. Tinignan ko si Eisha at sinenyasan na tumigil na siya na ngumisi lang sa akin.

Anong trip ba ni Eisha?

"Do it again or I'll tie your legs." Hindi ko alam pero agad kaming napaupo ng maayos ni Eisha. Napalunok ako. Ayoko namang gawin niya yun ano.

"S-Sorry na nga eh." Sabi ko saka kinuha ang isang piece ng fried salmon sa gilid. Inilagay ko iyon sa gilid ng plato niya as a piece offering.

Napatingin siya sa akin.

"Peace." Sabi ko.

Lumambot naman ang ekspresyon niya. Tapos ay napatingin siya sa salmon na nilagay ko.

"Mira..." Rinig kong sabi niya. Mira?! Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya. "She likes to give me a piece of fried salmon as a peace offering or if she wants to say sorry." Aniya bago kumain na.

Napalunok naman ako. Did he just... opened up to me?

Napailing na lang ako saka kumain na din.

Matapos ang paglamon namin ay naghanda na kami para umuwi. Dinala ko na ang mga gamit ko sa carriage. Pero nagtaka naman ako na parang dumami ang dalahin nila. Sasakay na sana ako sa halos mapuno ng karwahe ng sumulpot si Eisha at ngumiti.

"Sorry, Nyssa. Pero wala ng space para sayo. Nasabihan na din namin si Captain Zeid na isabay ka sa kaniya. Siguro naman ay ayos lang sayo?" Aniya saka tinignan ako na para bang may kahulugan. Napakunot ang noo ko pero napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay." Sagot ko na lamang saka hinayaan na silang isarado ang pinto ng karwahe at mauna na sa byahe. Umalis na din ang ibang karwahe. Ang huling karwahe ay huminto sa harap ko at bumukas ang pinto niyon. Sumilip si Lieutenant Ren mula sa loob at ngumiti sa akin.

"Pasok na, Nyssa!" Aniya. Pumasok naman ako at napansin ko na may nakalagay sa tabi ni Lieutenant Ren na mga gamit kaya hindi ako doon makakatabi. Kunot noo namang tumingin sa akin si Zeid.

"Umupo ka na." Sambit niya. Ayoko namang makipag argumento sa kaniya kaya umupo na lamang ako sa tabi niya.

"Pasensya na. Mukha pa tuloy tayong sardinas dito." Sabi ko.

"Ikaw lang, wag mo kaming idamay." Mabilis na sagot ni Zeid na ikinapula ko.

"H-Hoy! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi itsura ang ibig kong sab--" Hindi ko na natapos ang pagpapaliwanag ko ng iharang niya ang libro sa mukha niya na ibig sabihin lamang ay hindi siya interesado sa sasabihin ko.

Mmp! Ito talagang lalakeng to. Kaya hanggang ngayon ay single pa din.

Biro lang.

"Kumusta na nga pala yung si Maxson?" Tanong ni Lieutenant Ren. Napadako ang tingin ko sa kaniya at nagkibit balikat ako.

"Ewan ko doon. Ayos lang naman siguro yun." Sagot ko saka nagpangalumbaba.

"Wala ba siyang pinagkakaabalahan?" Tanong na naman ni Lieutenant.

"Mmm, meron eh. Iyong business ng pamilya namin na itatayo sa Hiyosko. Hindi ko nga alam kung pumupunta pa iyon sa mga lugar na pwede siyang makakuha ng babae."

"Mmmm.. I see." Sagot niya lang.

"May kailangan ka sa kaniya?"

Umiling naman siya saka ngumisi.

"Wala naman. Tsaka kung meron man.." Yumuko siya ng kaunti papunta sa akin. "Sekreto lamang iyon."

Napailing na lamang ako habang nakangiti. Babae siguro.

Naputol ang masayang atmosphere sa pagitan naming dalawa ng biglang umalog ang karwahe. Napasinghap ako ng umuntol ang pwet ko sa upuan. Agad namang may braso na pumulupot sa bewang ko at hinila ako palapit.

Huminto din ang karwahe at napatingin kami sa isa't isa.

"S-Salamat!" Bulalas ko at lumabas sa karwahe.

Lumabas din sila at nakita ang coachman na nakababa na.

"Anong nangyare?" Tanong ni Zeid na may seryosong tono.

"Captain, may malalaking bato dito. Mukhang gumuho din ng kaunti ang mga lupa sa gilid." Sagot ng coachman.

Marami ngang malalaking bato. Teka... Kung gumuho na ang kaunting lupa at ganito ang sitwasyon ng daan, hindi ba dapat ay huminto ang mga naunang mga karwahe? Kung nauna na sila ay pwede din naman, pero sobrang lalaki ng mga bato ngayon na nandito. Pakiramdam ko ay sinadya lamang na hindi kami makatawid.

Mukhang pare-parehas din kami ng iniisip.

"Dito muna kayo. Lieutenant Ren, bantayan mo sila. Aalis ako para magmasid sa paligid." Sambit ni Zeid saka mabilis na nawala.

Ano na naman kaya ito? At... Sino ang may gawa nito? Sa tingin ko sa mga gumuhong lupa, hindi ito natural na pangyayari lang. Para kasing pinasabugan ang bangin.

"Kailangan nating mag ingat."Paalala ni Lieutenant Ren bago tumingin sa paligid.

"Walang problema." Sagot ko.