Matapos naming magbayad at kumain ng umagahan ay umalis na din kami kaagad. Gusto ko pa sana magtagal sa Poz pero wala kaming oras para mag stay. Kaya naman heto kami ngayon at nagpatuloy na sa pagbyahe.
Ilang araw din kaming nasa byahe. Nagpapahinga lamang kami kung kinakailangan. Napansin ko din na medyo hindi maganda ang mood ni Maxson kaya hindi siya nangungulit. Nag uusap naman kami pero hindi na katulad noong dati na magiging mahaba iyon at mapupunta sa asaran o sa huli ay makakatikim siya sa akin ng sapok. Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero pakiramdam ko, umiiwas siya sa akin-- o talagang ayaw niyang tanungin ko siya.
Hinayaan ko na lamang siya. Baka problema niya lang yan sa babae. Huwag niya lamang sabihin na nakabuntis siya o ano. Baka makatikim siya sa akin ng malakas na sipa sa kinabukasan niya.
Nadaanan naman namin ang Hashi at tulad ng nasa Poz kami ay huminto muna kami doon at nagpahinga sa inn. Kinuha ko na din iyong tiyansa para maglibot libot. Kinaumagahan ay umalis na din kami kaagad dala ang madaming prutas na nabili ko sa mga stalls. Ilang byahe pa ang nangyare at sa wakas ay nakarating kami sa gate ng Hiyosko.
Nagkaproblema naman dahil ayaw kaming papasukin ng mga guard hangga't walang sulat galing sa district office o galing mismo sa city office. Noong mga nakaraang araw daw ay mayroong pumasok sa Hiyosko at may dalang bomba. Pinasabog nila iyon sa isa sa mga district at madaming sugatan. Pagkatapos ay nagkagulo dahil nagnakaw sila sa mga bahay.
Mabuti na lamang ay rumesponde kaagad ang mga squads na nasa district na iyon na naka duty.
Naiintindihan ko ang sinabi nila pero... ANONG GAGAWIN NAMIN? BABALIK SA SAIDO?
Napasapo naman ako ng noo.
Lumapit si Maxson sa kanila para kausapin sila at magpaliwanag pero maliwanag pa din sa sikat ng araw ang desisyon nila.
Wala kaming nagawa kung hindi tumambay sa labas.
"May papunta na sa pinakamalapit na squad station dito para ipaalam ang tungkol sa problema natin. Maghintay na lang tayo sa pagbalik nila." Sambit ni Maxson saka umupo sa isang bato.
Nagpameywang naman ako at tumingin sa malayo pero agad akong naalarma ng biglang may naramdaman akong kakaibang awra. Nasa ilalim iyon ng lupa.
"Maxson... Ilayo niyo ang karwahe." Utos ko saka tinignan si Maxson at sumenyas na may kakaiba sa ilalim ng lupa. Nakuha niya naman ang gusto kong sabihin at agad na lumipat ng pwesto kasama ang karwahe at coachman. Sinabihan niya din kaagad ang mga guard.
"Wag niyo nga kaming pinagloloko. Mga palusot niyo lamang yan para papasukin namin kayo." Masungit na sabi ng guard.
Kinapitan ko naman ang lupa at naramdaman na naman ang kakaibang aura sa ilalim.
Bakit hindi nila nararamdaman ito? Napakasama ng spiritual energy na ito.
Tumayo ako saka bumuntong hininga.
"Alright. Maxson, gumilid tayo. May kakaiba." Sambit ko saka mabilis na naglakad papunta kina Maxson. Pumunta kami sa malayo sa gate at saka ako naglabas ng dagger.
"Maxson, ilabas mo na ang dagger mo o kung ano mang sandata na meron ka." Utos ko na naman. Napakamot naman si Maxson saka nginitian ako na alam ko na ang ibig sabihin.
HINDI SIYA NAGDALA NG KAHIT ANO!
"Fine. Pero dito lang tayo. Kung sakali na lumabas ang kung ano sa lu--" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay yumanig. Napakapit naman ako sa karwahe ganoon din si Maxson at ang coachman.
Yung mga guards naman sa taas ng wall at sa ibaba ay agad na naalerto. Ilang segundo pa ay nagsilabasan mula sa ilalim ng lupa ang mga halimaw. They immediately run towards the gate, ready to eat or crash those who gets in their way.
Hindi pa nila kami napapansin dahil malayo nga kami sa gate. Kaya naman may panahon ako para obserbahan ang lahat. Napaka agresibo nila.
Sumugod naman ang mga guards at may nagpalipad ng ibon papunta sa kung saan. Siguro ay para tawagan ang squad stations.
"Sa totoo lang, chance na natin to para pumasok sa loob." Sambit ni Maxson saka tinignan ang coachman.
"Hindi tayo makakapasok sa gate sa ganitong sitwasyon. Pwede naman nating hintayin na mamatay lahat ng guard na susugod sa napakaraming mga halimaw na ito o kaya naman ay iwan ang karwahe dito at tumakbo papasok sa gate. Pero neither of those choices are good." Sabi ko naman saka umatras ng mapansin na mayroong halimaw na papunta sa amin.
"Well, I guess we have to fight. Unless we want to die here."
Napalingon ako sa kaniya at naramdaman ang spiritual energy niya.
"Kaya ko pa ding gumamit ng tubig." Aniya na ikinangisi ko.
"I remember you suck on fighting." Pang aasar ko bago tinawag na ang sword ko.
Ang dagger ko ay agad namang naging espada. Mas mukha itong katana--sa totoo lang. Pero whatever.
Parehas kaming sumugod ni Maxson sa mga halimaw na papunta sa amin habang ang coachman naman ay pinapakalma ang kabayo.
Muntik na akong mahampas ng isang halimaw pero agad na pinatamaan siya ni Maxson ng water blades. Hindi na ako nakapagpasalamat dahil may isa na namang tumakbo papunta sa akin at akmang dadakmain ako pero yumuko ako at binago ang paghawak sa espada. Agad kong hiniwa ang halimaw vertically at saka sinipa naman ang isang halimaw na muntik na akong yakapin. Ew.
May mga guards naman sa taas na may dalang pana. Mula sa itaas ay pinapatay nila ang mga halimaw. Pero hindi pa din iyon sapat dahil masigla ang mga halimaw na ito at hindi mapapatay basta basta ng isang palaso o dalawa. Mapapatay naman sila pero sa tingin ko, dapat sa noo sila patamaan. Kahit na wala silang utak, (not literally) i mean they're not smart-- their bodies are moving because of their brains. Alam niyo na, brain sends signals to some nerves. Don't make me explain further. I'm not a science fan.
"OH--FU--! Hoy! May tao sa baba!" Sigaw ni Maxson sa mga guard sa itaas.
Umiwas din ako kaagad sa pana na muntik ng tumapos sa buhay ko. Basta basta na lamang sila pumapana ng hindi kinokonsidera ang mga naglalaban sa ibaba ng wall!
Nagpatuloy iyon at sa huli ay lahat kami na nakikipaglaban sa ibaba ay nahihirapan ng labanan ang mga halimaw na para bang hindi man lang kumokonti.
Nagkadikit naman ang likod namin ni Maxson at parehas na kaming humihingal. May mga sugatan ng guards sa ibaba at ang ibang halimaw ay nakapasok na sa gate.
I envy those monsters.
"These monsters... Kapag hindi natin sila naubos lahat, sigurado ang pag alis natin sa mundong ito, Nyssa." Tila nagbibiro pang sabi ni Maxson saka nagpalabas ulit ng water blades. Natamaan naman sa leeg ang isang halimaw kaya agad tumalsik ang ulo niya paalis ng katawan niya. Ugh.
"No need to inform me, Sire. May plano ka ba?" Tanong ko saka pinatay ang isang halimaw na tumalon papunta sa akin.
"Pwede bang maging totoo sayo?" Tanong niya.
"Sure."
"Pagod na ako at ikaw lang ang skilled sa ating dalawa para patayin ang mga halimaw na ito gamit ang espada mo. Ano sa tingin mo ang dulo?"
"It's either we'll die or I'll desperately kill this monsters." Sagot ko.
"D*mn right, Nyssa."
Napabuga naman ako ng hangin.
"Tsk. Maxson, back me up if anything bad happens."
Inihanda ko na ang espada ko para sa pag atake. Mabilis akong tumakbo papunta sa mga halimaw. Todo naman ang iwas ko at wasiwas ng espada ko. Marami akong napapatay pero nararamdaman ko na din ang pagod.
Nagulat naman ako ng may malaking halimaw ang biglang umangat mula sa lupa. Handa na siyang hampasin ako gamit ang malalaking kamay niya. Ilang segundo lamang ang meron ako para umiwas pero nagulat naman ako ng nahati ang katawan niya sa apat. Ang kamay niya na hahampas sana sa akin at tumalsik palayo. Bumagsak ang malaki niyang katawan na nahati na at umalingasaw ang masangsang na amoy.
"E-Ew." Maarteng sabi ko pero napakurap ako ng may bumagsak sa harap ko. Hindi naman siya nakahiga o kung ano pa man na naiisip niyo. Kung hindi nakatayo siya ng maayos at ang uniform na iyon...
"Zei--Captain Chen." Mahinang sabi ko. Lumingon siya sa akin at lumapit saka kinapitan ako sa bewang bago mabilis na nag teleport sa medyo malayo bago pa ako mapatay ng isang halimaw.
Namula naman ako at mabilis na humiwalay sa kaniya. This feeling again. Sumasakit ang puso ko.
"Salamat."
"Don't need." Maikling aniya saka tumakbo na papunta sa mga halimaw. May mga ka-squad naman siya na agad na pinatay ang mga halimaw.
Don't need?
Teka...
No need is definitely different... D*mn this guy. Ibig niyang sabihin, hindi niya kailangan ang pasasalamat ko? Ah edi wag! Grrr ang sungit. Tsk.
"Tsk." Iritadong sabi ko saka hinila paalis si Maxson. Pumunta kami sa karwahe.
"Saved by the--"
"Squads you say.." Pagtapos ko sa sasabihin niya.
"Right. Sa tingin ko ay makakausap na natin si Captain Zeid tungkol sa pakay natin dito. Hindi naman siguro niya iisipin na mga bandito tayo o iyong sinabi ng isang guard kanina." Inayos niya ang buhok niya na may mga dugo na. Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa dugo saka umiwas ng tingin.
"Hindi ako sigurado kung papasukin tayo lalo na't si Captain Chen ang nandito. Pero siguro naman ay mapapakiusapan natin siya. Ayoko namang bumyahe na ganito ang itsura ko." Sagot ko din at umupo sa apakan sa pinto ng karwahe. Pinagmasdan na lamang namin sila habang nililinis nila ang halimaw.
Ilang minuto pa ay naubos na sila at ilang sugatan lamang na guards at squad members ang nakahiga o nakasandal sa wall.
Lumapit naman si Lieutenant Ren na ngayon ko lang napansin. Mukhang kararating lang niya.
"Mi--Nyssa, Maxson." Bati niya
Tinanguan lang namin siya.
"Hindi kami makapasok. Any ideas how to-- you know." Maxson
"Iyon nga ang kwento ng isang guard. Pasensya na. Mahigpit lamang ang protocol ngayon." Paumanhin niya
"Naiintindihan namin. Pero paano kami ngayon makakapasok?" Tanong ko.
"Ah-- walang problema, pwede na daw kayo pumasok sabi ni captain. Pero syempre kailangan munang ekspeksyunin ang mga gamit niyo. Huwag kayong mag alala, may tiwala naman kami sa inyo pero--protocols.." Aniya saka ngumiti.
Wala naman kami nagawa kung hindi sumunod sa sinabi niya. Sumakay na kami sa karwahe at pumasok sa gate. Tinignan nila ang karwahe at kinapa ang mga damit namin bago pumasok ng tuluyan.
Napabuntong hininga na lamang kami ni Maxson. Sa wakas. Nakapasok din..
"I want to take a bath." Sambit ni Maxson at sumandal sa upuan ng karwahe.
Tumingin na lamang ako sa labas.